Share

Chapter 10

Naramdaman ni Charline ang pagtaas ng mga balahibo, nanunuot ang kilabot sa bawat himaymay ng kaniyang kalamnan, dulot ng kiliting hatid ng mainit na hininga ni Xander na mahinang bumubuga sa kaniyang maputing batok. Naghahatid ng kakaibang sensasyon ang pagdampi ng pinong halik na gumagapang sa kaniyang balikat. Kinagat nito ang strap ng suot niyang pantulog at ibinaba gamit ang bibig.

Nanatili siyang nakapikit habang nakatalikod sa binata. Pinipigilan niyang dumilat at huwag gumalaw man lang mula sa pagkakahiga. Gusto niyang isipin nitong natutulog na siya. Ramdam niya ang gusto nitong mangyari kanina pa dahil sa mga titig nito sa kaniya habang sakay pa lang sila ng motorboat pauwi matapos mamasyal sa Bayan.

Ngunit ang pagpapanggap niyang tulog ay dinadaig ng sensasyong tila nagiging kahinaan niya na mula ng ipadama nito.

Naramdaman niya ang matigas na bisig ni Xander na yumapos sa beywang niya at marahan siyang itinihaya.

"Alam kong gising ka." anas nito. Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status