"Bumalik na tayo sa bahay ng maiayos ko na ang mga gamit ko." wika ni Yanna. "Pwede ba akong sumama sa 'yo?" tanong ni Anton na ikinatitig ni Yanna sa lalaki. "Mas makakabuting dumito ka na lang Anton. Dito mapoprotektahan ka nila Tiyo Tunying at Mang Dencio. Kung isasama kita sa Maynila baka hindi rin kita maasikaso roon. May mga bruha pa akong kasama sa bahay namin. Baka mamaya ay apihin ka lang nila. I'm sorry.., hindi talaga pwede Anton." sagot ni Yanna na ikinayuko ng ulo ng lalaking kausap. "Babalik ka pa rin ba rito?" malungkot na tanong ni Anton na hindi na makatingin kay Yanna. "Babalik ako Anton, babalikan kita. Babalikan ko kayo nila Tiyo Tunying dito." sambit ng dalaga na ikinasulyap muli ni Anton sa kanya. "Mahal kita, Yanna.., sana pagbalik mo marinig ko na mula sa iyo na mahal mo rin ako. Maghihintay ako sa iyong pagbabalik. Hihintayin kita, Yanna." Nakadama ng kirot sa puso niya si Yanna. Nahihirapan siyang tignan si Anton. Damang-dama niýa na nagsasabi ng tapat
Nasa gilid ng tarangkahan si Anton dahil ibinabalik nito ang dalawang aso sa loob ng dog house matapos paliguan. Nahagip ng mata niya si Yanna na umiiyak palabas kaya niya ito tinawag. "Anton, sigurado akong sa ilog siya pupunta. Pakisundan mo nga at kausapin. Galit siya sa akin kaya hindi ako papansinin ng pamangkin ko. Pakiusap samahan mo na muna siya at hikayating bumalik dito sa bahay." pakiusap na utos ni Tunying kay Anton. "Sige po, Ka Tunying. Huwag po kayong mag alala babalik po kami agad. Susundan ko na po siya." "Mag iingat ka. Huwag mong iaalis sa paningin mo si Yanna at baka kung ano ang gawin ng pamangkin ko." "Opo, makakaasa po kayo Ka Tunying." Pasigaw na sagot ni Anton na nakalabas na rin ng bakuran at sinusundan ang dalagang si Yanna. "Yanna.., sandali! Yanna.., Yanna, teka lang!" sigaw ni Anton ng malapit na siya sa dalaga. "Huwag mo na akong sundan, Anton. Gusto ko munang mapag-isa. Bumalik ka na ng bahay." saad ni Yanna na saglit na huminto sa paglakad takbo
"Huh?! si Anton sundalo? paano naman ninyo nasabi na isa siyang sundalo, Tiyo?" "Hindi mo ba siya naoobserbahan? Kayo madalas ang nakakapag-usap at laging magkasama di ba? Sa pamamaraan ng pakikipag-usap niya halatang mayroon siyang pinag aralan. Marunong siyang magsalita ng english. Kahit ang kilos niya ay aral. Hindi katulad ng mga rebelde na karamihan sa kanila ay laki sa hirap. Napansin mo ba ang paghawak niya ng kutsara at kahit na magkamay siya pagkukumakain tayo ng sabay-sabay. Nung una ay inisip ko na lang na nahihiya siya pero ganun talaga ang pagkilos niya." saad ng Tiyo ni Yanna. "Hindi ko napapansin ang mga iyon, Tiyo Tunying." "Dahil pareho kayo, Yanna." wika ni Tunying. "Dati ka bang secret agent, Tiyo Tunying? Yung mga maliliit na bagay kase ay nakikita o napapansin mo. May nililihim ka sa amin noh?!" biro ni Yanna. Natawa si Tunying sa pinagsasabi ng pamangkin. "Agriculture ang tinapos ko, Yanna. Malabo yang sinasabi mo. Mahilig lang akong manood ng mga
"Tiyo Tunying, kumusta po ang naging lakad ninyo?" tanong ni Yanna pagkarating ng tiyuhin sa bahay kasama si Mang Dencio. "Wala pa ring magandang resulta. Ilang araw na o mahigit dalawang linggo na ngang nasa sa atin si Anton pero walang naghahanap sa kanya o lumalapit sa mga presinto para hanapin siya. Ilang bayan na ang pinuntahan namin ni Dencio, wala talaga. Palagay ko ay taga-maynila siya at walang alam ang pamilya niya sa pagkawala niya. Kung may pamilya nga siyang matatawag." sagot ni Tunying sa pamangkin. Tulad ng mga naunang araw na nagbabyahe ang tiyuhin ni Yanna sa mga kalapit bayan ay bumabalik ito na walang magandang balita ay hindi maiwasan ng dalaga na malungkot para sa lalaki. "Nasaan si Anton?" tanong ni Tunying ng mapansin na wala ang lalaking pinag-uusapan nila. "Nasa likod bahay. Pinapaliguan ang mga alaga mong aso, Tiyo. Medyo nangangamoy na kase kanina kaya nagkusa na si Anton na paliguan sina Blacky at Gido." sagot ng dalaga. "Nahawakan ni Anton si Gido?!"
Hindi na rin muna nagsalita ang dalaga at naglagay na lang ng palaman sa tinapay na kakainin niya. Nagpakiramdaman ang dalawa at ilang minuto lang ay nagpaalam na si Anton na babalik na sa silid. "Dito ka muna, wala ka namang gagawin sa loob di ba? malapit na rin mag alas dose ng tanghali, ang mabuti pa ay tulungan mo na lang akong magluto ng tanghalian natin." "Hindi ba nakakailang?" tanong ni Anton. "Nakakailang?! Bakit ka maiilang? Pwede ba Anton, wag mo ng intindihin yang naiisip mo. Wala naman tayong gagawin na hindi kaaya-aya. Tulungan mo kong magluto." saad ng dalaga. "Teka, titignan ko kung anong pwedeng lutuin. O eto may naka-marinate na palang baboy at manok sa refrigerator. Mag gigisa na lang siguro ako ng ampalaya at magpiprito ako ng manok. Kaso may problema!" "Anong problema?" napasulyap si Anton kay Yanna. "Takot ako sa tilamsik ng mantika eh!" Natawa ng bahagya si Anton. "Tawa ka diyan! Hindi ako nagbibiro, takot nga akong matalsikan ng mainit na mantika. Huwa
Lumipas ang ilang araw at nakakakilos na rin si Dixson na tinawag na ngang Anton nila Yanna at Manang Rita. "O Anton, bakit ka tumayong mag isa? kaya mo na ba?" tanong ni Yanna ng makita niya si Anton na na maingat na naglalakad palabas ng pinto ng silid nila Manang Rita. Kakababa lang ng dalaga sa hagdan ng umagang iyon. "Kailangan ko kaseng magbanyo, Yanna. Nakakahiya naman sa iyo kung tatawagin pa kita. Nahihiya na rin ako sa mag asawa sa abalang ginagawa ko sa kanila at sa inyo na rin ng Tiyo mo. Kaya ko naman ng tumayo at maglakad kahit na mabagal." sagot ni Anton sa dalaga. "Nauunawan ko, sige na magpunta ka na ng banyo at titignan na nga lang kita." wika ni Yanna na nginitian ang lalaki. Tumango si Anton at naglakad nga mag isa patungong banyo. Dumiretso naman ng kusina si Yanna at naghandang magtimpla ng kape. "Nakapagkape ka na ba?" tanong ni Yanna pasigaw upang marinig siya ni Anton sa loob ng banyo. "Kanina ipinagtimpla ako ng kape ni Manang Rita bago siya umalis pa