Share

Kabanata 4

Natapos ang interview at dali-dali siyang umalis sa conference room. Sinadya niya talagang mali-mali ang sagot niya para hindi siya makuha. Kahit pangarap niyang makapasok sa kompaniya ng mga Pacheco’y kinalimutan na niya iyon.

Maghahanap na lang siya ng ibang kompaniya at mapagtatrabahuan, marami pang opportunity ang mahahanap niya.

Malaki ang hakbang niya papunta sa elevator subalit laking gulat niya nang may mabangga siya. Pinikit niya ng mariin ang kan’yang mga mata dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Kunti na lang ay mabubuwal na siya sa kan’yang kinatatayuan, mabuti na nga lang at nahawakan siya ng taong nabangga niya.

“Okay ka lang, Miss?” tanong ng hindi pamilyar na boses sa kan’ya.

Tumango siya ng dahan-dahan saka umatras dahil sobrang lapit na nila sa isa’t-isa.

“Uhh. Empleyado ka ba rito? Sorry, nabangga kita, nagmamadali rin kasi ako.” Rinig niya pang sabi ng lalaki.

“H-Hindi, nag-apply ako ng trabaho ngunit alam kong hindi naman ako makakapasa dahil hindi ko naman ginalingan.” Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil sa sinabi subalit nawala rin naman iyon dahil naalala niya ang ngisi ni Thaddeus Pacheco sa kan’ya.

Naalala niya ba siya? Sana ay hindi.

“Gano’n ba?” Iyon lang ang narinig niya dahil nakaramdam ulit siya ng kirot sa sentindo. Napahawak tuloy siya sa kan’yang ulo.

“Mukhang hindi ka pa okay, tara samahan na kita papuntang hospital. Ano nga ang pangalan mo?” tanong ng estranghero.

“Keanna. Ako si Keanna. H-Huwag na, malayo naman ito sa bituka, isa pa okay na ako,” sagot niya sabay lalakad na sana subalit hinawakan siya ng lalaki sa braso kaya napalingon siya.

Infairness, pogi ito subalit wala siyang oras para maghanap ng pogi ngayon. Nangunot ang noo niya dahil titig na titig ang lalaki sa kan’ya. Nahalata sigurong nagtataka siya kaya napakamot ito sa ulo.

“Uh. Ako nga pala si Raymond. Raymond Del Mundo. Puwede bang pahingi ng numb---” Naputol ang sasabihin ng lalaki nang may bumangga rito. Napasinghap siya nang makitang si Thaddeus iyon.

“Mr. Del Mundo, why are you here? Hindi ba’t oras ng trabaho ngayon? Bakit nakikipaglandian ka sa kompanya ko?” matigas at malalim na sabi ni Thaddeus kaya napayuko siya. Natulala naman si Richard dahil nahuli siyang pagala-gala ng may-ari ng kompanya, agad itong humingi ng tawad kaya dahan-dahang umalis si Keanna roon.

Nakahinga lamang siya ng maluwag nang nakalabas na siya ng building. Isinusumpa niya na hindi na siya babalik sa kompan’yang iyon kailanman.

Maggagabi na nang makarating siya sa bahay nila. Sinalubong siya ng kan'yang anak na si Kian, gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ng bata saka tumakbo ng matulin papunta sa kan'ya.

"Nanay!!" sigaw nito sabay yakap ng mahigpit. Natuwa siya dahil alam niyang sobrang na-miss siya ng kan'yang anghel.

"Nanay, na-miss po kita," dagdag pa nito kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"Wow! Nakakaamoy ako ng pray sikin, sobrang bango! May uwi po kayo, Nanay?" excited na tanong pa nito.

Kinuha niya ang isang balot ng paper bag saka pinakita iyon kay Kian. Bumili siya ng tig-sa-sampung pisong fried chicken doon sa palengke kaya nakamura siya. 10 ang binili niya para naman may ulam sila ngayong gabi. Hindi niya rin kasi afford na bumili ng isang buong bucket ng manok sa Lollibee. Ni minsan ay hindi sila nagawi roon dahil sobrang kapos talaga sila sa pera.

"Oh, Keanna narito na pala, nagsaing na ako, halika kumain na tayo." Napalingon siya kay Hilda na nakangiti. Nginitian niya rin ito at sumagot, "Salamat, Hilda. Bumili pala ako ng chicken, dito ka na rin kumain, sakto na ito para sa atin."

"Hay! Mabuti naman at binilhan mo ang anak mo ng ganiyan. Sobrang naiinis pa rin ako roon sa anak ni Aling Konchinta! Imbis na bigyan itong anak mo ay ininsulto pa! Muntik ko na ngang masapok ang batang iyon!" walang prenong kwento ni Hilda na ikinangiwi ko.

"Oo na, hayaan mo na. Bata pa si Tamboy, hindi niya alam sinasabi niya. Huwag mo ng patulan," katwiran niya pa. Ayaw na niyang patulan ang mag-inang nasa harapan ng bahay nila dahil hindi rin naman sila importante para paglaanan ng oras niya. Si Aling Konchinta ang isa sa Marites sa bayan nila, # 1 ito sa pagiging tsismosa kaya hinahayaan na lang niya. Sanay na sanay na siya sa pangungutya nito, kesyo kaladkarin siyang babae at kung sino-sino na ang nakagalawa sa kaniya. Napapabalita rin nga na isa siyang p****k subalit lahat ng iyon ay lumabas sa tainga niya.

Kaya galit na galit si Aling Konchinta sa kan'ya dahil sobrang tagal din siyang nagbabayad ng utang sa tindahan nito.

Pinapaabot din niya ang utang niya ng isang buwan dahil katapusan siya naswe-swelduhan noon. Humihingi rin naman siya ng abiso o update sa babae subalit hindi ito pumapayag at galit na galit pa. Pinagseselosan din siya nito dahil malapit ang asawa nito kay Kian. Minsan ay binibilhan nito ang bata ng laruan galing sa ibang bansa.

Isang OFW kasi ang asawa ni Aling Konchinta. Mabait ito at loyal na asawa.

"Sus! Huwag ka ngang matakot doon sa babaeng iyon. Hindi porket may utang ka roon gan'yan ka na. Kung tutuusin nga, bayad ka na sa kan'ya dahil sobra naman kung maka-porsyento. Sobrang sama, hindi na lang gumaya sa asawa niyang mabait na si Mang Julian!" Inis na inis talaga si Hilda kaya napapailing siya. Iniwan niya na lang ang babae habang nagtatalak doon sa kusina habang naghahanda ng hapagkainan.

Kasama niya ngayon si Kian sa kwarto. Agad siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili.

"Nanay, tingnan mo po yung drawing ko. Binigyan po ako ng limang star ni Maam at Very Good!" mayabang na wika ng kan'yang anak saka pinakita ang papel sa kan'ya.

"Wow! Oo nga, ang galing-galing talaga ng anak ko. Mana ka talaga kay Nanay!" Hinalikan niya ang pisngi ni Kian kaya napangiwi ito.

"Nanay, binata na po ako, bawal na po akong i-kiss!" Natawa siya dahil sa sagot ng kan'yang anak.

"Aba, ikaw pa rin ang baby ko. Ano itong dinrawing mo? Ipaliwanag mo nga kay Nanay kung binata ka na," paghahamon niya.

"Family picture po iyan, Nanay. Ikaw po itong nasa kanan, ako po itong nasa gitna tapos..." Ngumiti siya sa akin ng matamlay saka yumuko. "Ito po si Tatay."

Natulos siya sa kan'yang kinauupuan saka napalunok ng mariin. Tila ba natuyo ang kan'yang lalamunan dahil sa sinabi ng kan'yang anak.

Hindi niya alam ang kan'yang sasabihin, ngayon niya lang napansin na isang family picture pala ito. Naka-focus kasi siya sa limang star at very good na nakasulat sa may gilid ng papel. Ni minsan ay hindi niya nabanggit ang ama ni Kian sa kan'ya.

"Sabi po ni Teacher, nabuo po kami dahil sa Nanay at Tatay. Eh 'di may tatay po ako, Nanay? Nasaan na po siya? Nakikita ko rin po ang mga kaklase ko na may Tatay at ako lang po ang wala. Nagtataka po ako. Nasaan po ang Tatay, Nanay?" inosenteng sabi ni Kian sa kan'ya.

Kumuyom ang kan'yang kamao. Ni minsan ay hindi nila ito napag-usapan. Hindi pa siya handa para sa ganitong bagay. Gusto na lamang niyang maglaho dahil hindi niya alam ang sasabihin niya sa bata.

Gusto niyang ma-iyak para sa anak subalit pinipigilan niya ito baka magtanong at mag-alala pa ito sa kan'ya.

Naaawa siya kay Kian. Alam niyang gustong-gusto na nitong makilala ang ama niya pero paano? Nabuo lamang ito sa isang pagkakamali't hindi niya inaasahan.

Nakaisip na sana siya ng palusot ngunit agad na naputol iyon dahil dumating si Hilda. Napahinga siya ng maluwag.

"Anak, nakahanda na ang fried chicken mo sa kusina. Hindi ba't gutom na gutom ka na?" wika ni Hilda kaya napalingon agad si Kian sa kan'ya. Kuminang ang mga mata ng anak niya saka tumakbo papunta sa kusina.

"Mauuna na po ako sa inyo, Nanay kumain! Gusto ko na pong matikman ang fried chicken na binili mo! The best ka talaga Nanay!" sigaw nito habang tumatakbo.

Napabuntong hininga siya at napatingin ulit sa papel na binigay ng kan'yang anak.

"Narinig ko ang pinag-usapan ninyo, Keanna. Mukhang magsisinungaling ka sa anak mo, tama ako?" Tumango siya.

"Wala akong choice, Hilda. Hindi ko naman kailangan sabihin na si Thaddeus ang ama niya. Paano kung hanapin ito ni Kian? Paano kung gustong makita ito ng bata? Mas gugustuhin ko pang sabihin na namatay na ang ama niya kaysa aminin ang totoo. Wala kaming mapapala kay Thaddeus, Hilda. Masama ito, mapanganib, hindi pwedeng mapalapit si Kian sa kan'ya. Hindi ako papayag."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Keanna? Magsisinungaling ka sa bata? Hindi ka ba naaawa sa kan'ya? Kung ako papapipiliin mas gugustuhin ko pang ipakilala kay Thaddeus ang anak niya. Alam mo kung bakit? Alam kong magiging mabuti ang buhay nito sa kan'ya. Let's face the reality, Keanna, malaking tulong si Thaddeus sa inyo ng anak niyo. Isa pa, huwag mo namang ipagkait ang katotohanan sa bata at sa ama niya. Ikaw naman ang magsisisi sa huli, kakamuhian ka nila , gusto mo ba iyon?"

Umiling-iling siya. Ayaw n'yang kamuhian siya ng kan'yang anak. Tripleng sakit iyon para sa kan'ya.

"Wala akong sasabihin, Hilda. Ititikom ko ang bibig ko't hindi ko sasabihin na may anak si Thaddeus sa akin. Ayaw kong mawala ang anak ko, alam ko ang ugali ni Thaddeus. Masama at tuso ito."

Iyan lang ang sinabi niya sa kaibigan saka siya lumabas ng kwarto nila.

iampammyimnida

Hello, welcome po sa story ni Keanna at Thaddeus. Sana ay suportahan niyo sila. ♡

| 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status