Share

Kabanata 8

"Kumusta ka, Keanna?"

Kasalukuyan silang nagkakape ni Michael sa sala. Hindi siya nagtagumpay na umalis sa kwartong iyon dahil nakita niya ang matalik niyang kaibigan na si Michael Girado.

Si Michael ay isa sa naging kakilala niya't kaibigan noong nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang coffee shop noon. Malaki rin ang pasasalamat niya sa lalaki dahil minsan na rin siyang tinulungan nito.

"Mabuti naman ako, Michael. Grabe, ilang taon na rin tayong hindi nagkita at sa ganitong lugar pa tayo nagkatagpo," natatawang saad niya sa lalaki. "Ikaw, kumusta ka na?"

"Heto, okay lang. Masaya na't may nobya na rin. Kumusta na pala ang anak mo? Okay na ba siya?"

Ngumiti siya at tumango-tango.

"Oo, okay na. Maraming salamat sa tulong mo, kung hindi dahil sa'yo ay baka nawala na sa akin ang anak ko." Hindi pa rin niya nakakalimutan ang pangyayaring iyon. Doon lamang siya nakaramdam ng sobrang takot sa tanang buhay niya.

"Ilang taon na rin iyon. Naalala ko pa ang pagkabalisa mo noon sa trab
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
iampammyimnida
Wahh salamat po my first commentor ...
goodnovel comment avatar
Jasmin Garcia
magandang story abangan ko Ang update Miss Author.. sana lng next update mkilala Kian ang tatay nya sana pra sumaya n cla
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status