Share

Kabanata 5

Nakatanggap siya ng tawag mula sa hindi kilalang numero. Sinagot niya ito saka tumingin kay Hilda na nakaabang sa kan'ya. Lumabi pa ito sa kan'ya kung sino ang tumawag subalit hindi niya ito pinansin. 

"Hello?"

"Good morning, is this Keanna Gomez?" panimula ng nasa kabilang linya. 

"Yes, speaking..." 

"Ms. Gomez, we would like to inform you that you have been hired as an administrative assistant for Pacheco Inc. After interviewing all the candidates, we found you the most suitable person for the job. You will be working directly under Mr. Hunk Nunez, and we believe that your addition to the team will add great value to the company. Please be present on August 10 at 8 am so that we can discuss your salary and the contract. In case you accept the offer, kindly send the signed offer letter that I had sent you to pachecoinc@g***l.com. We are looking forward to having a great fruitful future with you. Congratulations! Have a nice day!"

Naputol ang linya subalit siya ay tulala pa rin habang hawak-hawak ang teleponong nakalapat pa sa kan'yang tainga. Nanginginig ang kan'yang kalamnan at hindi alam ang gagawin. 

"Hoy! Bakit natulala ka na riyan? Sino ang tumawag at ano raw ang sabi?" Doon lamang siya nahimasmasan nang kinalabit siya ni Hilda. Tiningnan niya ang kaibigan saka bumuntong hininga.

"Natanggap ako." 

"Huh? Saan ka natanggap?" tanong ni Hilda. 

"Natanggap ako sa trabaho! Natanggap ako bilang admin assistant sa Pacheco Inc. H-Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito, eh hindi ko naman ginalingan sa interview, bakit ako ang natanggap? Tangina, hindi ko ito tatanggapin. Ayaw kong magkita ulit kami ni Thaddeus!" walang prenong wika niya kaya nanlalaki ang mga mata ng kaibigan niya. 

"Nagkita kayo ni Thaddeus?? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nakilala ka ba niya?" sunod na sunod na tanong ni Hilda sa kan'ya. Agad na napahawak siya sa kan'yang sentinido dahil bigla itong sumakit. 

"Oo, nagkita kaming dalawa at hindi ko alam kung nakilala niya ba ako. Hindi ko ginalingan ang interview dahil ayaw kong mapalapit ulit sa lalaking iyon, hindi ko tatanggapin ang offer na ito," sabi niya kay Hilda, agad na inagaw ni Hilda ang cellphone niya. Kita niya ang panlalaki ng mata nito. 

"Tangina! Trenta mil ang sahod ng admin assistant, Keanna. Ayaw mong tanggapin? Hindi ka ba nanghihinayang sa malaking halagang ito? Magiging magaan na ang buhay niyo ni Kian kapag tinanggap mo ang trabaho. Keanna naman, for once huwag mo namang ipagkait ang magandang buhay sa anak mo. Narito na ang malaking opportunity, tatanggapin mo na lang, aayaw ka pa?" inis na tanong sa kan'ya ni Hilda kaya naiiyak siya. 

Iniisip niya pa lang na makikita niya ang lalaking iyon ay natatakot at naninigas niya. Paano kung makilala siya nito? Paano kung malaman niya na may anak siya sa kan'ya? Ayaw niyang dumating ang panahon na magkalayo sila ng kan'yang anak, hindi niya ata kakayanin iyon. Subalit, chance na ito para maging maganda ang buhay niya, kung uunahin niya ang pansariling kagustuhan ay maghihirap sila. 

"Keanna, tanggapin mo na ang trabahong in-offer sa'yo. Tingnan mo ang sitwasyon niyo ng anak mo, hindi ka ba nagsasawa sa estado ng buhay niyo? Tingnan mo ang anak mo." 

Tiningnan niya ang anak niyang nakasilip lamang sa bintana habang nanunuod sa mga batang naglalaro sa labas. 

"Ayaw nilang kalaro ang anak mo dahil madungis daw ito't butas-butas ang damit. Kinukutya pa nila dahil sa paulit-ulit ang damit nito na para bang hindi raw ito nilalabhan kaya natatawag na bantot. Alam mo ba iyon? Hindi mo iyon alam dahil busy ka sa trabaho, trabahong hindi naman makaahon sa kahirapan niyo. Ni-re-real talk lang kita, Ghorl, ah. Sana huwag mong masamain ang sinasabi ko sa'yo. Ang sa akin lang ay sana igrab mo ang binigay sa'yong opportunity. Alam kong may rason kaya binigay ni Lord itong trabaho sa'yo, iyon ay guminhawa ang buhay niyo." Hinawakan ni Hilda ang kamay niya at tiningnan ng seryoso. 

"Narito lang naman ako, Keanna. Hindi ko kayo iiwan at pro-protektahan ko kayo palagi. Iyon naman ang magkaibigan 'di ba? Sisiguraduhin nating hindi malalaman ni Thaddeus na may anak sa kan'ya, act like you don't know him at isipin mong trabaho lang ang pinunta mo roon, okay?" 

Dahan-dahan siyang tumango sa babae, unti-unting tumulo ang kan'yang luha dahil sa anak. Hindi niya alam na kinukutya na pala ito ng mga bata roon. Wala naman kasing sinasabi ang anak sa kan'ya. Ang alam niya ay masaya itong naglalaro kasama ang mga kaibigan niya habang naglalabada at nagjajanitress siya,  iyon ang kwento sa kan'ya ni Kian bagay na pinaniwalaan niya. 

Akala niya ay masaya ang anak niya. Akala niya lang pala iyon. 

"S-Salamat, Hilda. O-Oo tatanggapin ko ang offer nila, sisipakin kong hindi mag-krus ang landas namin ng Thaddeus na iyon," seryoso niyang saad sa kaibigan. 

*** 

Umalis si Hilda matapos silang mag-usap. Pinautang siya nito ng mga gagastusin para sa requirements niya sa trabaho. Ang kaibigan niya ay nakapangasawa ng kano, aside from that, may negosyo rin itong patuloy na lumalago sa America. Gusto ng kaibigan niyang pa-trabahuin siya roon subalit hindi siya pumayag dahil bata pa si Kian,  ayaw niyang mawalay ito sa kan'ya. 

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sumasakit at naninikip pa rin ang puso niya dahil sa nalaman tungkol sa anak. 

"Anak, bakit narito ka sa loob? Ayaw mo bang makipaglaro sa mga kaibigan mo sa labas?" tanong niya kay Kian saka umupo siya sa tabi nito.

"Hindi po, Nanay. Masama po ang pakiramdam ko kaya ayaw ko pong makipaglaro sa kanila." Kitang-kita niya ang paglikot ng mga mata ng bata halata mong nagsisinungaling ito. Bakit hindi niya man lang napansin iyon noon. Siguro, pagod na pagod siya kaya hindi niya ito napansin man lang. 

"Hmmm. Totoo ba iyan, Anak? May nakapagsabi sa akin na---" 

Naputol ang kan'yang sasabihin ng biglang pumalahaw ito ng iyak. Yumakap ito sa kan'ya at paulit-ulit na nag-sorry. Natunaw ang kan'yang puso dahil doon. Tumulo ang luha niya dahil sa nakikita. 

"S-Sorry po, Nanay! Sorry po nagsinungaling ako. Ang totoo po, wala po akong kaibigan, wala pong gustong maging kaibigan ako dahil ang baho ko raw. Hindi naman ako mabaho, Nanay, palagi naman ako naliligo! Sabi rin ni Tamboy, paulit-ulit daw ang damit ko, hindi kagaya sa kan'ya ay palaging bago. Palagi niya rin akong inaasar na wala raw akong Tatay," sumbong ni Kian sa kan'ya. 

Impit na hikbi ang lumbas sa bibig niya dahil sa sobrang galit, hindi para sa nangutya sa anak niya kung 'di dahil sa sarili niya. Galit na galit siya sa sarili dahil hinayaan niya lang na gawin at maranasan ng anak niya ito. 

Isa lamang ang ayaw niya, ang masaktan ang anak niya. Ang maranasan nito ang naranasan niya noon. Ipinagtabuyan at itinuring na basura ng mga mahal niya. Kinutya at pinagsalitaan ng masama. 

Hindi niya mapapatawad ang sarili niya, hindi niya nabigyan ng magandang buhay ang anak niya kaya nararanasan ng bata ang masalimuot na parte ng mundo. Niyakap niya ng mahigpit si Kian at inalo para hindi na umiyak. 

"Shhh. Anak, patawarin mo si Nanay... Huwag kang mag-alala, ipapangako ko na magiging maganda na ang buhay nating dalawa. Pangakong hindi mo na ito mararanasan pa. Mahal na mahal ka ni Nanay, anak. Wala kang kasalanan, hindi mo kasalanan na gan'to ang buhay nating dalawa. Si Nanay... Ako ang may kasalanan dahil hindi ko ginawa ang lahat para makaahon tayo sa kahirapan." 

Pinunasan niya ang luha ng kan'yang anak. Napatigil lang siya sa pagpunas nang hinawakan ni Kian ang kan'yang pisngi at pinunasan din ang luha niya. 

"N-Nanay, w-wala po kayong kasalanan. Mahal ko po kayo, Nanay, huwag na po kayong umiyak..." 

"Nasaan na po kasi si Tatay, ayaw niya po ba sa atin?" dagdag pa nito. 

Hindi siya nakaimik dahil sa sinabi ni Kian. Niyakap niya na lamang ang bata ng mahigpit at napapikit ng mariin. Hinahanap na ng anak niya ang Tatay nito, ano ang sasabihin niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status