Share

Chapter 2

AMBER KHELLY

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Pagkaparada ko ng kotse ko sa usual parking slot ko ay naagaw ng atensyon ko ang pulang lamborg na maayos na nakapark sa tabi ng akin. Pinasadahan ko ito ng tingin. Bagong bago pa ito. Pababa na ako ng siya namang tunog ng phone ko. It was my bestfriend Iana who was calling.

"yes hello tart?" i answered. Pinatay ko na ang engine ng kotse ko at dinampot ang gym bag ko. Pagbukas ko ng pinto ng kotse ay halos huminto sa pagtibok ang puso ko nang ang bumungad sa akin ay ang babaeng anghel na nakaencounter ko kahapon. She's wearing a white uniform. Pagmamay ari niya pala ang lamborg sa tabi ng kotse ko. Umawang ang labi ko kasabay ng pagrigudon ng puso ko. Gaya kahapon ay tila ako nabato balani muli sa gandang taglay ng diyosang ito sa harap ko. Hindi ko mawari ngunit tila na naman tumigil ang oras at siya na lamang ang nakikita kong gumagalaw sa harap ko.

"tart ano na? kanina pa ako dada ng dada dito, hindi kana nagsasalita?" ang matinis na sigaw ni Iana ang nagpabalik sa akin sa huwisyo. Tumikhim ako at isinara na ang pinto ng sasakyan ko. Hindi ko man sadya ngunit napalingon sa gawi ko ang babaeng buong gabing naging laman ng isip ko. Dug Dug Dug Dug my heart hammered even more when she begin to stepped in towards me. Nanlamig ang mga kamay ko at tila napako na ang mga paa ko sa sahig at hindi ko na magawang humakbang pa palayo sa babaeng ngayon ay ang lawak na nang ngiti sa akin.

"hi" she greeted. Putcha naman itong puso ko. Hindi na magkamayaw sa pagwawala sa loob ko.This is the first time I have felt this way towards someone. I can't understand why my heart is acting like this with this woman. Sa pagkakatanda ko ay straight ako. Straight as ruler but this woman infront of me is confusing the hell out of me. Nagugulohan ako sa inaarte ng puso ko sa presensya ng babaeng ito.

"How is your wound ?" ganito ba talaga kaperpekto ang babaeng ito? Ang sarap pakinggan ng boses niya. Ang lamyos at nakakagaan ng pakiramdam.

What the hell Amber, get a hold of your self,you are straight as pole but you kept on complimenting her in your mind.

"Amber Khelly Lee kapag hindi kapa sumagot jan bahala kana at mag uumpisa na kami sa praktis" nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong may kausap pa pala ako. Nanggagalaiti na ata sa inis ang bestfriend ko at sinigawan na ako.

"wait up, am coming tart." i ended the call and face the goddess infront of me. She was staring at me. And my heart pounded even more.

"yes but i'm fine Mis. Sorry but i'm in a hurry" sabi ko at tatalikuran na sana nang hulihin nito ang palapulsuhan ko dahilan upang matigilan ako sa paghakbang. I turned to her. She was smiling sweetly at me.

"Caitlin Canter.." sabi niya. Marahas kong binawi ang kamay ko sa tila kuryenteng bigla na lamang dumaloy sa ugat ko. What the hell was that? Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. Nagtayuan ang mga balahibo ko. Nagulat sa tila boltaheng iyon na bigla na lamang umatake sa pagdadaiti ng palad niya sa akin.

" did you feel it too?" kalaunan ay tanong nito. Titig na titig siya sa akin. Bakas rin ang pagtataka sa kanyang mga mata. Did she feel it too? Nagsalubong ang kilay ko at naningkit ang mga mata.

"about yesterday. Thank you for saving me. Khelly , my name is Khelly" sabi ko. Tumango siya at kalaunay muling ngumiti. Tatalikod na muli sana ako nang muli itong magsalita dahilan upang muli na naman akong napahinto sa paghakbang.

"Actually i am a fan of yours. Pinapanuod ko ang lahat ng games ninyo" umarko ang labi ko at napangiti. Humakbang siya palapit sa akin. Muli, nahigit ko ang hininga ko sa ginawa nitong pagdikit sa akin. Her scent assaulted my nose.

"actually mamaya pa ang klase ko. Can i go with you? I want to watch your practice" umawang ang labi ko at wala sa sariling tumango. Nakakabato balani talaga ang ganda ng babaeng ito. Hindi na magkamayaw ang mga daga sa sikmura ko sa sobrang lapit nito sa akin. What is really going on with me? Why am i feeling this way? Binaliko na ba talaga ako ng babaeng ito? what the hell no., this can't be. shit.

Tahimik naming tinahak ang gymnasium. Ramdam ko ang panaka nakang sulyal nito sa akin. At sa bawat sulyap niya ay ang tila pagwawala naman ng puso ko sa loob ko.

"Ang tagal mo captain" sigaw sa akin ni Kesha. Ang setter namin. Kasalukuyan na nga silang nagwawarm up nang makarating na kami ni Caitlin sa loob ng gym. Lahat ng mga mata nila ay sa amin nakatuon. Binalingan ko ang katabi ko at hinarap. Gumagala ang mga mata nito at pinapasadahan ng tingin ang mga kasama kong abala na sa pagwawarm up. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nito. And she did looked at me.

"Will you be fine here?" i asked. She nodded and smiled widely at me. Natitigilan ako sa kung paano mag react ang puso ko sa bawat ngiti at titig niya sa akin. Pakiramdam ko tila nais nang kumawala ang puso ko sa lakas ng kabog nito sa dibdib ko. Tumakbo na ako upang makaiwas sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko sa presenya ng babaeng ito.

Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang tuloyan na akong makalapit sa kinaroroonan ng bestfriend kong si Iana Sky. Mariin niya akong tinitigan na tila inis na inis. Nakataas ang kilay at halatang sira na ang mood.

"Anong ginagawa ng babaeng iyon dito?" she asked. Lumipad sa gawi ni Caitlin ang mga mata ko. Kilala ba niya si Caitlin?

"Si Caitlin? sabi niya manonood daw siya ng praktis natin ehh. Do you know her?" tanong ko habang nakatuon parin ang mga mata sa babaeng ngayon ay prente nang nakaupo at pinapanuod ang ginagawa naming warmn up ng kaibigan ko. She smiled at us when she notices that we are looking at her. Naningkit ang mga mata ni Iana.

" sino namang hindi makakakilala jan eh yan ang pride ng school natin sa karate" natigilan ako at nanlaki ang mga mata. Muling nilingon ang kinaroroonan nito ngunit gayon na lamang ang panliliit ng mga mata ko nang makitang masaya na silang nag uusap ng kateam mate kong si Mia. Ang certified femme gay ng team. She's a play girl at nagbibilang ng mga babaeng paiiyakin. Tumaas ang kilay ko at literal na napahinto sa ginagawa. Napakuyom ang kamao ko nang makitang inabot ni Mia ang cellphone niya dito na malugod din naman iyong inabot ng huli.

"ang landi talaga ng Mia na to" Iana commented. I don't know why but i suddenly felt disappointed with Caitlin. Mia was obviously flirting with her pero tila wala lang ito sa kanya. Maybe because she wanted it too. damn.

Mabuti na lamang at bago pa mag umpisa ang training namin ay umalis na si Caitlin. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag at nakapagfocus ng maayos sa practice.

"captain" lumipad ang mga mata ko kay Mia na humahangos palapit sa amin ni Iana. Palabas na kami ng gym upang mameryenda na sana sa cafeteria.

"yes Sandoval? Do you need anything?" i asked. She was panting. Ang lapad ng ngiti niya sa akin. Mia Sandoval is my bestfriend's ex girlfriend. Yes ex girlfriend siya ni Iana. Iana broke up with her dahil sa pagiging babaera nito. She can't stick on one girl.

"are you close with Caitlin?" i heard Iana tsk. Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay. Umiling ako at tinitigan siya ng mariin. Ramdam kong tila kumulo ang dugo ko at nainis sa kakapalan ng mukha ng babaeng ito. Talaga ba? sa harap pa ng bestfriend ko siya magtatanong para sa ibang babae? The nerve of this woman.

"Hindi. We are not even friends" sabi ko at tumalikod na. I gritted my teeth when she walked with us. Sinabayan niya kami nang kakamot kamot pa ng ulo.

"may number kaba niya captain?" awtomatik na tumigil sa paghakbang ang mga paa ko. Napakuyom ako ng kamao. In my peripheral view, i saw Iana blushed. Her hands form into fist. My bestfriend is obviously hurting because of this girl again. damn her. I looked at Mia. Straight to her eyes.

"pwede ba Sandoval, Caitlin is not my friend so i don't have her number. Kung gusto mong makuha number niya then go, ask her number at hindi iyong ako ang iniistorbo mo" singhal ko. Natigilan siya sa pagtaas ng boses ko. Hindi ko narin maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako na may ibang taong interesado sa kanya.

Ano bang ginawa sa akin ng babaeng iyon at nagkakaganito ako. Nagugulohan na ako sa inaarte ng puso ko. Isama mo pa ang pangungulit ng kumag na ito sa mismong harapan ng bestfriend ko.

"Tsk nagtatanong lang ehh." she hissed. Nagngitngit ang kalooban ko nang makitang may nagingilid nang luha sa mga mata ng kaibigan ko. Ito ang pinakaayaw ko. Ang nakikitang nasasaktan ang bestfriend ko. Fuck you Sandoval.

Tahimik na umupo si Iana pagkarating namin ng cafeteria. Ako na ang pumila at nag order ng kakainin namin. Pabalik na ako sa mesa namin nang mahagip ng mga mata ko si Caitlin na papasok na ng cafeteria kasama ang dalawang naggagandahan ring babae. Gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi niya nang mapadako sa akin ang kanyang mga mata. Nahigit ko na naman ang hininga ko sa biglaan na namang pagrigodon ng puso ko. May sa maligno nga yata ang babaeng ito at sa tuwing nakikita ko ay siya kakaiba ang epekto ng presensya niya sa akin. Tinanguan ko na lamang siya at kapagdakay nag iwas ng tingin. Malalaki ang hakbang kong tinungo ang mesa namin.

Tahimik na kinuha ni Iana ang pagkain niya sa tray. Ramdam ko ang tuloyan nang pagkasira ng mood niya.

"Do you still love Sandoval tart?" natigilan siya sa tanong ko but she did not look at me. Wala akong narinig na sagot mula sa kaibigan ko ngunit ramdam kong nasasaktan parin siya ng babaeng iyon. Bumuntong hininga ako at inabot ang kamay nito. Doon pa lamang siya nag angat ng tingin sa akin. Her eyes were teary already dahilan upang tumayo ako at tinungo ang likuran nito. I hugged her from behind.

"that stupid doesn't deserve your tears tart. Kalimutan mo na siya okey" she tilted her head at bahagya akong sinilip. Mapait siyang ngumiti at marahang hinaplos ang braso ko.

Ganito ba talaga kapag nagmamahal? kahit harap harapan ka na ngang sinasaktan ay hindi mo parin siya magawang kalimutan? Pagbalik ko sa upuan ko ay tahimik na naming tinapos ang meryenda namin. Palabas na kami ng cafeteria nang may bigla na lamang bumangga sa akin dahilan upang bumagsak ako sa sahig. Sa tagiliran ko tumama ang siko ng lalaking ngayon ay nanlalaki na ang mga mata. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay. Aabotin ko na sana ito nang siya namang pagpulupot ng isnag braso sa bewang ko at ang isa naman ay sa braso ko. Napatingala ako. Tila na naman tumigil ang oras at pag ikot ng mundo. Nagrigudon na naman ang puso ko sa nakikitang lapit ng mukha ni Caitlin sa akin. Napakurap kurap ako at awang ang labing napatitig sa diyosa sa harap ko. Napalunok ako at nanlamig sa muntikan nang pagdidikit ng mga labi namin dahil sa biglaan nitong pagyuko at hila sa akin...Damn,that was too close.

"Shit you are bleeding" lumipad ang mga mata ko sa tinititigan nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pulang mantsa sa tagiliran ko.

"wher the fuck did you get that tart?" napalakas ang boses ng kaibigan ko dahilan upang mapunta na sa amin ang atensyon ng lahat ng tao dito sa cafeteria.

"let's go to the infermary. Kailangang malinisan iyan" humakbang na si Caitlin. She grab my hand and intertwined our fingers.Natigilan ako at napatitig sa magkasalikop naming mga kamay. Hindi ko man mawari ngunit umarko ang labi ko at kusa na lamang sumilay ang malawak na ngiti sa akin. Aminin ko man o hindi ay nagugustohan ng ng puso ko ang pinapakitang concern nito sa akin. At ang paglapit lapit nito sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status