Share

KABANATA 57

"H-indi naman kailangan na tawagin mo pa si Baron. Umuwi na tayo ngayon. Masyado na tayong nagtatagal sa isla mo," lihis ni Yvonne sa usapan.

Kita niyang naningkit lalo ang mga mata ni Alaric ngunit hindi siya nagpatinag. Mas nanaig ang kagustuhan niyang makauwi ngayon. Baka kasi madulas si Nina kay Margarita na nasa honeymoon siya. Pakiramdam niya nga ay paliit na nang paliit ang mundo nila at malapit ng mabunyag ang sikreto niya ngayong kinilala na siya bilang kapatid ni Margarita.

"Are you hiding something from me?" seryosong tanong ni Alaric sa kanya.

Nanlamig siya ngunit hindi siya nagpahalata. Bumalik siya sa kama at tumalikod ng higa.

"Why would I? Concern lang din naman ako sa'yo. Baka lalong magalit ang Lolo mo kapag nagtagal tayo rito," palusot niya.

Hinila niya ang kumot. Hindi naman ito sumagot sa sinabi niya. Alam naman kasi nitong may punto siya. Kahit gaano pa nito kagustong makasama siya ay hindi pupwede. Hadlang ang Lolo nito.

Dinig niyang bumuntong hininga ito. Pumik
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status