Share

Kabanata 47

Matagal kong pinanabikan ang mga yakap ni Mom na kahit minsan hindi ko naramdaman, minsan pang hiniling ko na sana hahawakan niya ako sa likuran upang patahanin sa pag-iyak, hindi ko akalaing ngayon ay nararamdaman ko na. Gusto kong yakapin siya pabalik ngunit tila ba istatwa ang katawan ko sa mga sandaling ito.

"Ayos lang ako," mariing binitawan ko ang salitang ayos lang ako kahit dama ko sa loob ko ang matinding kirot na ang katotohanan ay hindi naman talaga ako okay.

Pilit kong kinuntrol ang mga luhang nangingilid na naman sa mga mata ko, ramdam kong anumang oras ay handa itong pumatak sa kadahilanang hindi ko na kaya ang bigat.

"Anak I'm so sorry," paghingi ni Mom ng tawad sa'kin sa kabila pa rin ng mahigpit na pagkakayakap niya.

Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko, ngunit sigurado akong hindi pa kayang tanggapin ng puso ko ang mga patawad mula sa kaniya sa tagal na pa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status