Share

Kabanata 46

"Happy birthday anak," masiglang binati ako ni Mom matapos kong makaupo sa silya sa harap ng hapag.

Hindi ko nagawang sumagot o kahit nagpasalamat manlang dito, alam kong may hinanda sila sa akin para sa araw na ito pero hindi na ako roon matutuwa dahil kahit isa sa hinanda nila hindi ko nakikita. Amoy ko ang sauce ng spaghetti na siguradong niluto ni Lola para sa akin na alam niyang paborito ko. 

Sunod na pagkalantik ng kutsara ang narinig ko na tila sinasalinan ako ng pagkain ni Mom sa sarili kong plato.

"Kain na anak, gusto mo bang subuan na lang kita?"

"Bulag ako pero may sarili akong kamay." inis kong tugon dahilan para marinig ko na naman ang pagbuntong hininga nito.

"Ben alam naming nahihirapan ka sa sitwasyon mo, pero bakit ayaw mo pa rin sumama sa amin sa America maraming makatutulong sa'yo para makakita ka ulit," nagsalita si Dad sa tinig nang pangungumbinsi. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status