Share

My Billionaire Bodyguard
My Billionaire Bodyguard
Author: Pennieee

Chapter 1

Author: Pennieee
last update Last Updated: 2024-08-22 17:49:49

LONG STORY. DETAILED NARRATION. If hindi po okay sa inyo ang mahahabang kwento at madetalyeng narration skip this story na lang po! maraming salamat po!

******

My Billionaire Bodyguard by: Pennieee

Chapter 1

Pristine Felize Vera Esperanza

What does it feel like to be truly happy? Is it that feeling of getting what you want with just a snap of your fingers?

What truly brings happiness to a person? Is it having a simple life or being extremely wealthy?

In my case, I would choose a simple life without having too much money over being this wealthy. Ang kapalit ng maraming pera ay isang masayang pamilya.

"Pristine."

I looked at the person who called me and saw my grandfather with his right hand person standing behind him. He's here... without notice.

Don Halyago Vera Esperanza stood before me, gripping his cane tightly. His white hair was neatly cut, and his mustache was gone. His facial expression was so strict that if I said something wrong, I would end up in that dark room again, where I was always punished.

Siya ang ama ng papa. I know that he will never be good to me as a grandfather. Tapos na rin ako na umasa. Hindi na niya ako matanggap nasa sinapupunan pa lang ako ng mama, naaksidente pa ang mga ito na nagpawala ng matagal na panahon sa papa sa negosyo na naging dahilan ng malaking pagkalugi ng kaniyang kumpanya.

That is the reason why my grandfather loathe me. Para sa kaniya ay malas ako na hindi na dapat ipinanganak sa mundo.

"Lolo," I said and bow my head. Naiwan ko na naman nakabukas ang pinto ng silid ko kaya hindi ko siya namalayan na pumasok kasama ang kanang kamay niya.

"Why are you not reading books? May ibinigay ako sa 'yo na bagong mga libro na babasahin mo tungkol sa negosyo. Bakit puro pagpapaganda ang inaatupag mo?"

Nasa mukha niya ang pagkadisgusto habang nakatingin ng galit sa akin.

How many years has it been since he looked at me with care in his eyes?

Wala akong maalala dahil kahit kailan ay hindi naman nangyari.

My hand tightly gripped the hairbrush. Gusto ko sumagot at sabihin na tapos na pero alam kong mas mapag-iinitan niya lamang ako.

"Pasensiya na po, lolo--"

"Puro pasensiya. Get dress, my friend's grandson will come at the mansion at exactly 11:00 am. He wanted to meet you. Nabanggit ko na nitong nakaraan na si Gael ang gusto ko na mapangasawa mo, hindi ba?"

I wanted to close my eyes because of what I heard but if I do that lolo will surely get mad. He's very observant. At sa desisyon niya na ipakakasal ako sa apo ng kaibigan niya, isang beses lang ako na sumagot pero isang malakas na sampal na ang tumama sa pisngi ko.

"Wala kang karapatan na humindi! Ikaw ang dahilan kung bakit maraming nawala sa akin!"

Nawala... pera. Mga... kayamanan.

"Opo, lolo," sagot ko. Wala na siyang ibang sinabi dahil pumihit na siya patalikod pati ang kanang kamay niya. And before they left, I was stunned when I heard him speak again.

"Your face really disgusts me."

I wanted to cry after hearing his words. Palagi niya sinasabi ito dahil kamukhang-kamukha ko ang mama. At isa sa dahilan kung bakit ayaw niya akong tingnan ay dahil naaalala niya ito sa akin--kung paano nasira noon ang buhay ng papa.

"But... it's not my fault... h-hindi ko rin kasalanan at ginusto na mabuhay sa mundo."

When the door closed, I looked at the picture of my mother on my bedside table. Kahit na patay na ang mama ay walang tigil ang pagsasalita ng lolo ng hindi maganda rito. At kadalasan, ako ang napagbubuntunan niya. He hurts me physically, at hindi alam 'yon ng papa. Lahat ay tinatanggap ko dahil umaasa ako na makukuha ang kapatawaran sa lolo para sa mama.

But I was wrong. He will never forgive my mother, at ang matinding galit at kasalanan ng mama ay ako ang pinagbabayad ng lolo ngayon.

"If only I could take back time, ma... Hindi na sana ako naging makulit para hingian kayo ng ipang reregalo kay lolo noon. Hindi na sana kayo umalis nang araw na iyon at hindi ka sana nawala sa amin ni papa."

I closed my eyes, limang taon na na-coma ang papa pagkatapos ng aksidente. Nang magising ito ay nawalan pa ng ala-ala at ang tanging nakikilala lamang ay ako. Iyon ang matinding ikinagalit ng lolo dahil sa mga panahon na coma ang papa muntikan nang mawala ang lahat ng yaman ng aming pamilya.

Pero ngayon ay namumuhay na kami ng papa ng maayos dito sa mansion. Bihira lang pumunta ang lolo, pag pumupunta siya tulad nito ay ibig sabihin mahalaga ang sadya niya. It's important to him because marrying one of his friends' grandsons means a lot of money for him.

Sa madaling salita, para niya akong ibinebenta.

Nang tumungtong kasi ako ng labing-walong taongg gulang ay sinabihan ako ng lolo na kailangan ko na bumawi sa mga kasalanan na ginawa ko--at sa kasalanan ng mama sa kaniya. At sa paraan na ipakakasal niya ako sa lalakeng hindi ko gusto pero makakatulong sa kaniya at makapagbibigay ng yaman.

"Pristine?"

Mabilis ako na napalingon sa pinto nang marinig ang boses na 'yon. Napangiti ako ng tipid.

Papa.

Lumapit agad ako sa pinto. Nang buksan ko ay kaagad din na nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ang kasama ng papa.

Hallina...

Si Hallina ang kasintahan ngayon ng aking papa, isang sikat na modelo.

"Hindi pa kita napapansin na lumabas ng kwarto mo, Pristine, may problema ka ba, anak?" tanong niya sa akin. Nasa mukha ang pag-aalala.

Umiling lamang ako, ang mga ngiti sa aking mga labi ay wala na. It's been thirteen years since my mother passed away. Para sa akin ay ayos lang na magmahal ulit ang papa, pero... iba kasi si Hallina. Marami akong alam na hindi magagandang bagay tungkol sa kaniya. And I think she's just using Dad right now, para makuha ang mga gusto niya.

"Wala pong problema papa, tinapos ko lang po ang libro na ibinigay ni lolo," sagot ko at tumingin kay Hallina.

Ngumiti sa akin ang babae at pagkatapos ay nagulat ako nang pinagdaop nito ang mga palad namin.

"Pristine! You always look amazing, even in simple clothes!" she said. Ang boses ay matinis. Masakit sa 'king tainga.

"Thank you, Hallina," sagot ko, walang kangiti-ngiti.

Nais ko na kunin ang aking mga kamay ngunit mahigpit niya iyong taban. Ang pabango ni nito ay napakatapang at hindi ko nagugustuhan ang amoy non.

"Napakaganda mo talaga, Pristine! Ang tangkad mo, ang kinis ng balat, ang amo ng mukha at napakaganda ng mga mata! bagay na bagay mo talaga maging isang modelo!" malawak ang ngiti na sabi nito sa akin.

"Thank you again, Hallina. I got all of these from my mother," I said, proudly.

Pagkasabi ko non sa kaniya ay nawala ang ngiti sa kaniya at umayos rin siya ng tayo. Nang bitawan niya naman ang mga kamay ko ay inilagay ko iyon sa aking likod at ipinunas sa bistida na suot ko.

"Oh, yes. I saw her already. Magkamukhang-magkamukha nga kayo," sagot nito at tumingin sa picture ng mama sa silid ko.

She also cleared her throat and nodded at me as another response, ngumiti rin ulit pero halata na pilit na.

"Pierre, ayaw mo ba talaga na maging model si Pristine? She'll be under my agency naman, under the same manager. Hindi namin siya pababayaan. This face shouldn't be hidden like this. Saka, I heard from Tito Yago na bawal rin lumabas ng mansion si Pristine kahit maglibot man lang. That's harsh. Puro libro na lang ang kasama niya dito."

And that's fine, Hallina. Bakit ka ba nangingialam?

I wanted to say that, but I don't want to be rude. Hindi mabuti sa harapan ng papa.

"Hindi ko pa siya pinapahintulutan maging modelo, Hally, isa pa ay sa tingin ko masyado pang bata si Pristine," sagot naman ng papa.

Hindi ako nagsalita, wala akong boses kapag tungkol sa ganito. Mas mabuti pang isipin na lamang ni Hallina ang gustong isipin kaysa ang sabihin ko na ayaw ko at patuloy naman niya akong pilitin.

"Ganoon ba darling ko, may 'pa' pa naman sa salita mo so maybe soon?" pagkasabi non ay hinaplos niya pa ang mukha ng papa. Huminga ako ng malalim at gumilid, inilayo ang tingin sa kanila.

"Maybe? but it's my daughter's decision to make, Hally. Kung ano ang makapagpapasaya sa kaniya ay ayos lang sa akin."

Kumibot ang mga labi ko sa aking narinig. Evetually, it formed a smile. Mabait ang papa, kung gaano kasama sa akin ang lolo ay kabaligtaran non ang aking ama. And my grandfather's cruelty willl remain in the dark, dahil ayoko ng gulo. Kapag nalaman niya at sinabi ko na ang mga pasa ko noon ay gawa ng lolo, tiyak magagalit siya ng husto.

"Hmm. Okay. Pero alam mo? Sisikat si Pristine, sa mundong ginagalawan ko ay ganitong tangkad at ganda ng mukha ang madalas pagkaguluhan ng mga tao. Nakikita ko na agad ang spotlight na nakatutok sa kaniya, eh."

Pero ako ay hindi interesado.

Ang mukha na mayroon ako ay dati hindi ko kailanman ikinatuwa. Hindi ko pa nauunawaan kasi ng bata ako na kaya pala galit sa akin ang lolo ay hindi dahil 'pangit' ako kung hindi dahil kamukha ko ang mama. Simula kasi nang malliit ako ay sa tuwing titingnan ako ng lolo madalas niya na sinasabi sa akin kung gaano niya ito kahindi gusto. Palagi niyang bukambibig na angel devil face ako.

Tutol kasi noon ang lolo sa mama at sa papa, sa edad na bente ay nag-asawa na kaagad ang papa dahil nabuntis nito ang mama. Dahil sa ayaw ng kontrobersiya ng lolo ay wala itong nagawa kung hindi ang ipakasal na lamang ang aking mga magulang at tanggapin ang nangyari.

"Wala ka nga bang lakad ngayon, Pristine?" tanong ng papa. Mukhang nakuha na rin siya ng opinyon ni Hallina kanina na hindi man lang ako lumalabas ng mansion.

"Wala po. Mayroon rin po darating na bisita ang lolo at ipakikilala ako."

Wala rin akong mga kaibigan sa University. Takot ang iba na kaibiganin ako dahil akala nila ay masama ang ugali ko katulad ng lolo.

Kilala kasi ang Lolo Yago na walang awa pagdating sa negosyo. Marami itong nakakaaway lalo sa mga lupa na nasasakupan nito kung saan marami ang mga nakatira. Minsan pa, muntik nang mamatay ang lolo nang abangan ang sinasakyan nilang kotse ng mga armadong kalalakihan. Sa narinig ko na imbestigasyon, ini-hire daw ang mga ito ng isang Chinese businessman na kaaway ng rin ng lolo dahil sa isang lupa.

"Oo nga pala, nabanggit na sa akin ng Dad 'yon, apo raw ng kaibigan niya. Alam mo Pristine, tutol ako sa ganito, masyado ka pang bata para sa akin para ipakilala ng lolo sa mga apo ng kaniyang mga kaibigan. Hindi ko gusto na pinapangunahan ka niya sa lalakeng magugustuhan mo, lalo na walang pahintulot ko," sabi ni papa.

Hindi ako sumagot. Kahit alam ko na hindi maririnig ng lolo ang sasabihin ko ay narito pa rin si Hallina, alam ko ang mga kaya niya na gawin. At nakikita ko na kinukuha niya ang loob ng lolo para magustuhan nito.

"Darling, eighteen years old na si Pristine, ayos lang na magkaroon na siya ng kasintahan dahil nasa tamang edad na siya. Huwag ka naman maging masyadong mahigpit sa anak mo. Bahala ka, baka mamaya ay naglilihim na iyan sa iyo."

Napatingin ako kay Hallina dahil sa sinabi niya. Now, she's making my father think like I will keep secrets from him.

I really don't like her.

"Hmm, sabagay. Pero ayoko ng ganon, Pristine. Aaw ko na maglilihim ka sa akin."

"Kahit kailan ay hindi ko po naisipan na magtago ng kahit ano sa 'yo, papa," pagkasabi ko non ay saka ako tumingin kay Hallina. Seryoso. Pero ang huli ay ngumiti lang sa akin ng matamis.

"Okay, anak. I am thankful for that, pero hindi rin naman ako naghihigpit sa 'yo pagdating sa mga ganiyan na bagay. Gusto ko lang na malaman kung mayroon ka na ngang nagugustuhan."

"Pa... wala po," mahina ko na sabi. Pero biglang may pumasok sa isipan ko na isang lalake.

"Kahit crush?" tanong ni Hallina.

And it took long for me to answer when I saw who's behind them. Dahil ang lalakeng nakatayo sa likod nila ay ang lalaking pumasok sa isipan ko kanina.

Katulad ng dati, seryoso at walang emosyon ang mukha nito na nakatingin sa akin.

"W-Wala po," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

"Oh, ang tagal ng answer niya. Maybe mayroon na but she's too shy to admit it to us, Pierre."

What is he doing there? maykailangan ba siya kay papa?

Biglang hindi mapakali ang aking mga kamay na nasa aking likuran.

"Anak?" tanong ni papa at nang tumingin siya sa likod niya kung nasaan ang atensyon ko ay napalayo siya sa tapat ng pinto.

"Elijah, do you need something?" tanong ng papa.

This man standing in front of us and the reason why my heart is beating wildly is my bodyguard.

Elijah Clementine Marasigan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 162

    Nakatingin lang ako kay Elijah, at kahit mukhang nagmamadali siya ay hindi naman marahas ang pagkakahila niya sa akin. Tumahimik na rin ako dahil hindi naman niya ako sinagot. At nang makarating kami sa sasakyan niya na nakapark sa gilid ay pinagbuksan niya ako at nauna na akong pumasok sa loob.My lips pouted as I looked outside the window, seeing Kio and Esther heading to their car. At si Eli ay nilingon ko naman nang makasakay na rin. I was watching him, waiting for him to start the engine, but then I noticed his eyes were closed, and his head was resting.Napabuntong-hininga talaga ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nang hindi ako makatiis ay hinawakan ko ang kamay niya.The silence between us is making us think the wrong things about what we’re feeling.“If this is about the kiss, Elijah, you don’t need permission. You’re always allowed to. You have every right because you’re my man,” I reminded him and my lips pressed together and I took courage to say what’s on my mind nex

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 161

    “Wala,” walang ngiting sagot ko at nilingon ko na lang ang labas ng bintana. And as soon as I turned my head, I was caught off guard. My lips parted as the city lights gleamed beautifully before my eyes.“W-Wow…”Hindi ko namalayan na nasa tuktok na kami ngayon habang nakasakay sa ferris wheel and that, it suddenly stopped. Mas napagmasdan ko at na-appreciate ko pa lalo kung gaano kaganda ang mga ilaw sa baba. At nang bahagya naman akong tumingin sa itaas ay nailapat ko pa ang isang palad ko sa bintana nang makita naman ang iilang mga bituin. Up in the sky, the stars were starting to show—twinkling softly, as if they, too, were part of this moment.Lilingunin ko na sana non si Elijah para sabihin kung gaano kaganda ang labas nang bigla ay hawakan niya ako sa kamay ko na mismong nakalapat sa bintana.“Why…” I paused, thrown off by the way he was looking at me.“Are you mad at me?” he asked—and that’s when I noticed it. His eyes flickered with unease, like he was searching my face for a

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 160

    I couldn’t wipe the smile off my face even as the Ferris wheel went higher. Pero hindi na ako tumingin pa ulit sa baba, sa dalawang nagbabangayan pa rin. I shook my head at them. But honestly, just the thought of Esther and Kio being together made me giggle. Napapangiti ako at napapailing. What if nga, ano?Sometimes it’s true that the more you hate, the more you love.“Nakakatuwa talaga silang dalawa.”A few seconds passed by after I recovered from the kilig I was feeling for the two, I looked at Eli in front of me. Medyo nagulat ako ng kaunti sa paraan ng tingin niya. His attention is still focused on me!And the way Elijah was positioned made it seem even more intense, drawing me in without saying a word.His legs were crossed, his elbow resting on his knee. Nakasalumbaba siya habang malalim ang tingin sa akin. Nang magkatitigan kami ng ilang segundo ay sandali akong natigilan. His eyes pull me in, those that once seemed emotionless are now gazing at me intently, filled with warmth

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 159

    Napapangiti ako pero pinipigil ko. Nang makita ko naman na nilingon ‘yon ni Elijah ay pagbaling sa akin saka siya tumango. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad na kami palapit sa gate–ay teka, wala pa kaming ticket.“Eli, bibili pa tayo ng–” pero napahinto ako bigla para sabihin na wala nga kaming ticket nang makita ko si Esther at si Kio na pababa ng kahihinto pa lang na ferris wheel.Hala! Sumakay sila?“Pristine!” sigaw ni Esther sa akin at nauna na siyang lumapit. She’s smiling at me, nakasuot siya ng faded jeans at simpleng sky blue na blouse. Nakatali rin ang buhok niya. And Kio, who’s always wearing a bodyguard suit, was now dressed in casual clothes. Naka-faded blue jeans rin ito at sky blue na t-shirt. Para silang naka-couple attire ni Esther! Not to mention they’re both wearing a white sneakers!“Esther…” sambit ko nang yakapin ako ni Esther, napangit ako at hinimas ang likod niya. Si Kio ay dumiretso naman kay Eli at nag-abot ng ticket. At napaawang ang mga labi ko

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 158

    Mas naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa kamay ko, hinila rin niya ako ng mas malapit at sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko na napapatingin sa amin ang ibang mga nagdaraan.Sa sagot na ‘yon ni Eli ay mas napagtanto ko lang na tama ako kaya naman umiling agad ako sa kaniya.“I am not thinking that you cannot protect me alone, Eli, hindi ganoon, saka alam kong hindi mo ako pababayaan, masyado lang rin akong nag-iisip pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam natin pareho na hindi naman titigil ang lolo, but this time he won’t just take me away from you, m-malakas ang kutob ko na babalikan ka niya o si Ma’am Kamila at ‘yon… ‘yon ang ikinakatakot ko.”Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Sa sandaling ‘yon, dumaan ang malamig na hangin sa gitna naming dalawa. Nang idilat ko ang mga mata ko, at pagtingin ko kay Elijah, saka ko biglang narinig ang boses ng lolo na papatayin niya rin ako… katulad ng ginawa niya sa mama.My body trembled and I lowered my head again

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 157

    Habang kasama ko si Elijah, hindi mawala sa isipan ko na baka ang saya na nararamdaman ko ngayon ay may kapalit. I couldn’t avoid overthinking. I tend to feel this a lot when I’m at my happiest—like something bad is bound to happen, waiting just around the corner to hit me.Siguro dahil sanay ako na ang buhay ko ay umiikot sa takot, lungkot, at puro pagbabanta. Na sandaling kaligayahan lang, hindi ko na ma-enjoy dahil sa isip ko na may mangyayari na mas mabigat.It’s just that what’s happening feels surreal, like a dream.Umangat ang tingin ko kay Eli na kasabay ko naglalakad. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at nandito kami sa isang amusement park. Sinunod niya ang gusto ko kanina, pero hindi kami sumakay sa kahit anong rides. We just walked around, played some games, and walked some more while he held my hand. Masaya ako simula kanina, pero ito nga, at nawala ang saya na 'yon nang mapagtanto ko na pakiramdam ko may kapalit ang nararanasan kong ligaya.Hindi pa naman kasi tapos an

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 156

    PristineI never thought that one day, Elijah and I would be out in the daylight, simply enjoying the view of the lake while watching the swans glide gracefully across the water. Kahit noong bodyguard ko pa siya, hindi ko talaga naisip na makakalabas ako ng ganito kasama siya. Siguro dahil dati, noong nasa bahay pa ako, hindi ko man lang sinubukan na magpaalam para lumabas o kahit maglibot sa mall. That’s because I knew Lolo wouldn’t agree, and Papa would also tell me to just stay at home.My world back then was limited to the mansion and school, doon lang talaga, kahit nga field trip? Hindi ako pwedeng sumama. It wasn’t just about strict rules, it was about safety. Lolo’s enemies were always lurking, and I knew that stepping outside meant taking a risk. Syempre, ayokong mag-alala ang papa noon kaya’t sumusunod rin ako. Isa pa, wala rin akong mga kaibigan na maaari kong maisama dahil nga takot na makipaglapit sa akin ang mga ito dahil isa akong Vera Esperanza.The surname alone speaks

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 155

    “What did you say? Ulitin mo nga ang sinabi mo!”Rinig na rinig sa labas ng malaking gate ng mansion ng mga Ynares ang boses ni Halyago Vera Esperanza. Hindi siya makapaniwala na maaga siyang tumungo doon para makausap si Margus ngunit ang ibubungad sa kaniya ng guard ay bawal siyang pumasok! “Sinusunod ko lang po ang trabaho ko, sir.”What the hell just happened!“Bago ka lang ba dito, ha? Hindi mo ba ako nakikilala?!” he shouted. Umabante pa siya upang mas malapitan ang guard na bahagyang nakayuko. Ang dalawang tauhan niya na nasa likod niya ay naglakad rin palapit at ang isa ay nagsalita pa.“Kasosyo sa negosyo ni Mr. Ynares ang amo namin, pwede na tawagan mo siya at sabihin na narito si Mr. Vera Esperanza para makausap siya.The old man’s hands clenched as he took his phone out from his pocket. Dati-rati ay nakakapasok naman siya kaagad ng diretso sa mansion ng mga Ynares dahil pinagbubuksan siya ng kahit na sinong guard. “Kung bago ka dito, I’ll make sure you’re fired once Mar

  • My Billionaire Bodyguard   Chapter 154

    Pierre ignored it before because he hoped that one day, his father would treat them well.“I-I’m sorry… I’m s-so sorry…”Nanghihina ang katawan ni Pierre na napahawak sa gilid ng sofa at muling napaupo. His head tilted to the side, his gaze unfocused and his eyes wide and unblinking in shock while tears kept on falling. Patuloy rin siya sa pagbulong ng patawad pero ganoon rin si Kamila, nagpatuloy rin ito sa paglabas ng saloobin at hinanakit sa kaniya.“Tapos ngayon gusto mo pa rin na kausapin ang ama mo? You tried last night, and for me, that was enough! Wala ka nang nakuhang maayos na salita, tapos sasabihin mo pa ‘yon for the last time? Gumising ka, Pierre! Your words will never change him! Even if you beg, or even if your life was on it, hinding-hindi na magbabago si Halyago!”His mind still refused to process it. Yet Kamila’s firm voice echoed in his ears. Alam ni Pierre na hindi ito magsisinungaling para lang idiin ang ama niya dahil ramdam niya ang bigat at sakit sa bawat salit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status