LOGIN"SALAMAT, Attorney."
Nakipagkamay ako sa abogado na nag-asikaso ng tuluyang paghihiwalay namin ni Nathaniel.
"Anytime, Khendra. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako," nakangiting sagot niya bago inayos ang mga papeles at lumabas ng pribadong silid sa coffee shop.
Naiwan akong mag-isa. Dahan-dahan kong tiningnan ang dokumentong hawak ko. Naroon ang pirma ni Nathaniel. Bahagyang nanginginig ang pagkakasulat nito, pero malinaw. Pumayag siya.
Mas pinili niyang pirmahan ang divorce papers kaysa hayaang mabulok sa kulungan ang babaeng pumatay sa anak namin.
Noong araw na ibinigay ko sa kanya ang pagpipiliang iyon sa ospital, hindi ko na kinailangan pang magsalita nang marami. Sapat na ang katahimikan niya. Sapat na ang takot na nakita ko sa mga mata niya para kay Allheyn. Doon ko tuluyang naintindihan ang lahat—kailanman, hindi niya ako kayang ipaglaban.
At ang mas masakit... mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan ng kabit niya kaysa ang katarungan para sa sarili naming anak.
Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Akala ko kapag dumating ang araw na ito, muli akong iiyak. Akala ko madudurong na naman ako. Pero nagulat ako. Walang luhang pumatak. Walang sakit na sumakal sa dibdib ko.
Sa halip, isang napakalaking ginhawa ang naramdaman ko. Parang may napakabigat na tanikala na matagal nang nakagapos sa leeg ko ang biglang naputol. Malaya na ako.
Pero kasabay ng kalayaang iyon, nandoon ang isang masakit na katotohanan: wala na rin akong dahilan para manatili rito. Bawat kalye sa lungsod na ito, may multo ng nakaraan. Bawat lugar, nagpapaalala sa akin ng mga pangarap naming hindi natupad. Bawat sulok, may bakas ng mga araw na akala ko magiging masaya ako habang-buhay.
Mahal ako ng mga magulang ko. Alam kong handa nila akong tanggapin anumang oras at bukas ang pinto nila para sa akin. Pero sa tuwing titingnan nila ako, may isang bagay akong nababasa sa mga mata nila—awa.
At ayokong mabuhay sa awa. Ayokong habang-buhay akong kilalanin ng mga tao bilang si Khendra na niloko ng asawa, si Khendra na nawalan ng anak, si Khendra na sinaktan ng taong pinakamamahal niya.
Hindi ko gustong maging kaawa-awa. Kailangan kong umalis. Hindi dahil tumatakas ako, kundi dahil gusto kong hanapin muli ang sarili ko. Gusto kong magsimula sa lugar kung saan walang nakakakilala sa akin. Lugar kung saan walang nakakaalam ng dumi at sakit ng nakaraan ko.
Dalawang linggo matapos ang divorce, nagsimula akong mag-empake. Sa pagkakataong ito, hindi lang isang maleta ang dala ko. Dala ko ang buong buhay ko—ang perang nakuha ko sa settlement, ang mga natitira kong pangarap, at ang kaunting lakas ng loob na mayroon ako.
Sa araw ng pag-alis ko, hinatid ako nina Mommy at Daddy sa airport.
"Khendra, anak," umiiyak na sabi ni Mommy habang mahigpit akong niyayakap, "hindi mo kailangang umalis... Nandito kami ng daddy mo. Tutulungan ka naming magsimula ulit."
Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Alam kong nasasaktan siya. Ako lang ang anak nila, at ngayon ay aalis pa ako papunta sa kabilang panig ng mundo.
"Mom," mahinahon kong sabi, "kailangan ko pong gawin ito." Bahagya akong lumayo para tingnan ang mukha niya. "Hindi po para takasan kayo. At hindi rin para kalimutan ang lahat."
Napangiti ako nang bahagya sa kabila ng lungkot. "Gusto ko lang pong hanapin ulit ang sarili ko. Pakiramdam ko po kasi, kapag nanatili ako rito, habang-buhay akong makukulong sa mga alaala."
Tumulo ang mga luha niya, pero tumango siya. Naintindihan niya ako.
"Kahit saan ka man mapunta, anak, mahal na mahal ka namin."
"Mahal ko rin po kayo. Tatawag po ako palagi."
Pagkatapos ay lumapit si Daddy. Tulad ng dati, pilit siyang nagpapakakatatag, pero alam kong nadudurog din siya.
"Khendra, anak," sabi niya, "nakahanda na ang lahat sa London. Ang private jet na magdadala sa iyo roon ay pag-aari ng kompanyang papasukan mo. Maayos na ang matutuluyan mo."
"Salamat po, Dad."
Ngumiti siya, pero bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. "Iba ang buhay sa London. Walang yaya, walang katulong. Walang tutulong sa iyo sa mga simpleng bagay."
Bahagya akong natawa nang mapait. "Naiintindihan ko po."
"Sigurado ka na ba?"
"Opo. Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ni Nathaniel, marami naman po akong natutunan." Tumingin ako sa malayo. "Natuto akong mag-isa habang may kasama."
Natuto akong umasa sa sarili ko. Kahit may mga katulong kami, personal kong inaasikaso ang lahat ng pangangailangan namin, lalo na ang pagkain, at mga gamit.
Biglang napayuko si Mommy, lalong naiyak nang marinig iyon. Dahil isa siya sa mga unang naniwala kay Nathaniel noon. Isa siya sa mga nagsabing napakaswerte ko sa lalaking iyon. Pero walang may alam sa amin kung gaano pala kamahal ang magiging kapalit ng pagmamahal na ibinigay ko.
Lumapit si Daddy at marahang hinawakan ang balikat ko. "Anak, kapag dumating ang araw na mapagod ka... bumalik ka lang. Dahil anuman ang mangyari, may tahanan kang babalikan."
Nangilid ang luha sa mga mata ko. Muntik na akong maiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong umalis na luhaan at mukhang talunan. Gusto kong umalis nang may dangal. Gusto kong umalis bilang isang bagong Khendra.
Tinalikuran ko sila at naglakad pumasok sa boarding gate. Habang pinagmamasdan ko ang eroplanong magdadala sa akin sa panibagong buhay, isa lang ang nasa isip ko.
Natapos na ang pinakamadilim na bahagi ng kuwento ko.
Iiwan ko ang lahat, at babangong mag isa. Magbubukas ako ng bagong yugto ng buhay ko, na ako lang ang bida..
"Hoy! Kiran, tumigil ka diyan!" banta ni Drevin ngunit masyado nang huli ang lahat.Sumayaw-sayaw pa si Kirsi sa tuwa. "Tita Belle! Crush mo pala si Daddy Drevin! Kaya pala lagi mo siyang ginugulo!""Secret dapat 'yon, e! Bakit niyo pinagsasabi?!" sigaw ko habang namumula ang aking mga pisngi."Ikaw ang nagpahalata, Tita!" hiyaw ni Kiran.Humagalpak sa kakatawa sina Khendra at Nathaniel sa gilid. "Ako na ang nahihiya para sa inyong dalawa!" pang-aasar ni Khendra.Dahil wala nang magagawa at huling-huli na rin naman, pinalakas ko ang loob ko, humarap ako nang diretso kay Drevin, at tinitigan siya sa mata. "Okay! Fine! Oo na! Crush kita! Happy ka na?"Tahimik ang buong sala. Nakatitig lang si Drevin sa akin, nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang inamin ko iyon sa harap ng buong pamilya. Bahagya siyang umiwas ng tingin habang unti-unting namumula ang dulo ng kanyang mga tainga."Eew," mahinang usal niya, ngunit wala na 'yung dating matapang niyang tono.Tumawa ako nang malakas.
Samantala, lumapit naman si Nathaniel kay Drevin habang bitbit ang isa pang hiwalay na regalo. "At para sa 'yo. Alam kong ayaw mo ng mga palamuti o kung ano-anong arte, kaya ito ang pili namin para sa 'yo."Inabot ni Nathaniel ang isang elegante at itim na leather casing. Binuksan iyon ni Drevin at lumantad ang isang mamahalin at customized na bag, at siguradong daang libo ang halaga.Napatingin si Drevin sa regalo. Bahagyang kumalma ang kanyang mukha. "Thanks, Nathaniel.""Mabuti naman kung ganun. Saludo ako sa 'yo sa pagtitiis sa bahay na 'to nang ilang linggo," biro ni Nathaniel habang tinataptap ang balikat nito.Mabilis akong sumingit sa tabi ni Drevin habang nakatingin sa kanyang keychain. "Ay, may regalo rin siya! Pag-iingatan mo 'yan, ah?"Tiningnan ako ni Drevin mula ulo hanggang paa. "Belle, normal na regalo lang ito.""Special kasi galing sa mga kaibigan mo.""Oo, kaya gagamitin ko sa opisina.""Ibig sabihin, maiisip mo kami araw-araw?"Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi
Pagdating namin sa bahay mula sa pamamasyal sa Fantasy World, akala ko ay doon na magtatapos ang aming munting kuwento. Pero mali pala ako. Dahil kinabukasan ng hapon, dumating na ang totoong mga may-ari ng bahay.Nakahinga na nang maluwag sina Khendra at Nathaniel mula sa kanilang mahaba at masayang honeymoon sa ibang bansa. At dahil nakabalik na ang mag-asawa, nangangahulugan din ito na maaari nang umuwi si Drevin sa sarili niyang condo unit."Home sweet home! Finally!" masayang hiyaw ni Khendra habang inilalapag ang dalawang malaking maleta sa gitna ng sala.Kasunod niya si Nathaniel na may hawak na napakaraming paper bag, bitbit ang ilang kahon ng pagkain, at isa pang maliit na maleta. Bagamat halatang napagod sa biyahe, kitang-kita sa mga mukha ng bagong kasal ang liwanag at saya ng kanilang mga ngiti."Mommy! Daddy!" nag-uunahang tumakbo ang kambal patungo sa kanila. Agad na lumuhod si Nathaniel para saluhin at yakapin nang mahigpit sina Kiran at Kirsi, habang pinapaulanan nama
"Next family, please!" hiyaw ng photographer mula sa paanan ng maliit na stage.Lumapit kaming apat sa malaking backdrop na may nakaguhit na kastilyo at napakalawak na hardin ng mga rosas.Napakamot sa ulo si Drevin habang nakatayo sa gilid. Tumingin siya sa pinto ng exit—mukhang nagnanais na talagang tumakas at maglaho na parang bula. Pero dahil hawak ng kambal ang magkabila niyang kamay, wala siyang nagawa kundi ang magpaubaya.Nang tumayo na siya sa gitna ng spotlight, biglang nagbago ang buong aura niya.Tumingala siya, umunat ang likod, naging kalma ang mukha, at naging matikas ang tindig. Sa mga sandaling hindi siya nagsasalita at hindi nag-iinarte, mukha talaga siyang matipuno, respetado, at lalaking-lalaki. 'Yung tipong laking-mayaman na CEO sa mga nobela.Bihira man aminin, pero kahit ang photographer ay napansin ang kakaiba niyang tindig."Sir," tawag ng photographer habang nakatitig sa viewfinder."Yes?" matipid at pormal na sagot ni Drevin."Ang pogi niyo po. Sobrang bagay
"Mainit," malamig niyang sagot."May hangin naman, a! Malamig nga ang simoy ng hangin galing sa bundok, o.""Mainit sa damdamin," sagot niya bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo.Lalong naghiyawan at nagtawanan ang dalawang bata habang humahabol sa kanya.Inikot namin ang halos bawat sulok ng Fantasy World. Pinuntahan namin ang grand fountain sa gitna na bagaman walang tubig ay napakaganda pa ring kuhaan ng larawan. Tumawid kami sa hanging bridge kung saan pilit kong niyanig ang tulay para lang kumapit sa akin si Drevin—pero sa halip na kumapit, mas pinili pa niyang hawakan nang mahigpit ang kahoy na gabay habang binibigyan ako ng tinging nakakamatay.Pinuntahan din namin ang malalawak na hardin at ang sikat na spiral staircase sa loob ng isa sa mga tore na parang hagdanan ng prinsesang tumatakas tuwing hatinggabi.Subalit sa bawat magandang tanawin na aming hihintuan... iisa lamang ang nagiging takbo ng usapan."Picture uli!" sigaw ng kambal."Smile," utos ni Drevin sa matipi
Araw ng Linggo. Maaga pa lamang ay gising na at nagkakagulo na ang buong bahay."Excited na ako!" halos pasigaw na sabi ni Kirsi habang umiikot sa gitna ng sala na parang trumpong nakawala sa kulungan."May castle daw doon! Kasya kaya ang dinosaur ko sa backpack?" dagdag naman ni Kiran, na halos mapunit na ang bulsa ng maliit niyang bag sa pagmamadaling maiayos ang mga laruan.Hindi ko napigilang mapangiti habang sinusuklay at inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Ngayong araw ang pinakahihintay na pangako ni Drevin sa kambal—ang aming pamamasyal sa Fantasy World sa Lemery, Batangas. Isa itong sikat na abandonadong theme park na may nakatayo pa ring matatayog na kastilyo, tila ba dinala mula sa mga pahina ng lumang fairy tale.Lumapit sa akin si Kiran at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Ready na ba ang princess?" biro niya na may kasama pang pilyong kindat.Inayos ko ang krayola sa aking labi at nag-pose. "Aba, siyempre. Ako pa ba?""Ikaw, Daddy Drevin? Ready ka na ba?" tano
Hindi ko na nilingon si Nathaniel kahit anong lakas ng sigaw niya sa likod ko.Wala nang espasyo sa dibdib ko para sa mga paliwanag niya—masyadong masikip, masyadong masakit. Para akong unti-unting nilalamon ng pait habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon.Ang babaeng halos yaka
POV: KhendraIlang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.Ngunit sa pagkak
"Nais kong makausap ang boss ninyo." Malamig, matigas, at walang pakialam ang boses ni Nathaniel habang nakatayo sa tapat ng front desk ng aming kumpanya. "Dati ko siyang biyenan kaya alam kong may karapatan akong humarap sa kanya. Kailangan naming mag-usap tungkol sa negosyo. Kung ayaw niyang biti
"Lolo! The airplane was so big, and Kirsi slept the whole time!" masayang kwento ni Kiran habang iwinawagayway ang kanyang kutsara."No, I didn't! I was just resting my eyes!" mabilis na pagtatanggol naman ng kapatid niyang si Kirsi, na nagpatawa sa aming lahat.Ngunit sa kabila ng tawanan, may kun







