Heto na po ang ibang ud. Huhu
Napapikit ako ng mariin habang naririnig ko ang yapak ng kung sino man ang nasa kwarto ngayon. Nagawa naming patayin ang ilaw sa buong unit. I wanted them to think that there was no inside the unit. Kaya nga itinapon ko ang pinagkainan namin. Pero kung hahalughugin nila ito, we are doomed. Kasi alam kong uunahin nilang tignan ang cabinet at ang ilalim ng kama. Siguro sa taranta namin, hindi na kami nakapag-isip at sa mga obvious place pa namin nagawang magtago! Pigil na pigil ang hininga ko. Habang nananatili ang tao na ito sa kwarto ni Andrea, alam kong wala na kaming kawala. We were doomed. Kung ano man ang mangyari sa amin ay hindi ko na alam. My breath hitched when the footsteps stop. May pumasok na iba pang tao. “The bed is made up. Are you sure she came here?” tanong ng isang lalaki. The one who was near us. “Nagpatawag ng proteksyon at dito ang ibinigay niyang address,” sagot ng bagong pasok sa kwarto. Bigal silang tumahimik. After a few seconds, I heard someone groan.“Ma
Wala akong nagawa nang pinilit ako ni Lucian na pumasok. I had a feeling na hindi siya aalis kung hindi ako pumasok kaya napilitan ako. And I find it weird. Hindi ko alam kung bakit ganon ang inaasta niya. I was asking him what the problem was but he wouldn’t tell me! Manghuhula ba ako? Pagbalik ko sa kwarto ko, kahit nahirapan akong matulog dahil sa pag-iisip kung bakit ganon siya manahimik, pinilit ko ang sarili ko na makatulog. Bukas ko pa naman makikita si Andrea and I wouldn’t want to miss it. Lalo pa’t marami akong tanong sa kanya. It was already around 3 in the morning when I finally fell asleep. Kaya na-late ako ng gising kinabukasan. Nanlaki ang mata ko nang makitang alas nueve na nang umaga. Dali-dali akong bumangon at saka tinignan ang cellphone. Nang makita kong may message sa akin si Andrea, mabilis kong binuksan yon.[ Nasa condo na ako. I don’t have work today. Hintayin kita dito. ]Kumalma ako nang mabasa ko yon. [ Sige. Pupunta ako. ] reply ko sa kanya. At dah
Curious na curious ako kung ano ang pinag-uusapan ni mama at papa pero hindi nila ako pinapasali….especially si mama kasi alam kong tungkol ito sa mga Vergara. Kung alam lang niyang meron na akong connection sa kanila! Matapos naming mag-dinner ay napilitan akong bumalik sa kwarto. Maaga ring matutulog sina mama dahil pagod sila. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ng mga comment sa kumalat na picture namin ni Lucian. Maraming may-crush kay Lucian. That's what I realized after going through the comments. Some boldly comment their admiration. May iba na idinaan sa biro. Meron din na sinasabing nakaka-intimidate siya. Nakadapa ako habang patuloy na nagbabasa ng comment, nang biglang naka-receive ako ng message galing kay Lucian. [ Come out. I’m outside your house. ]Mabilis akong napaupo. The excitement I felt after reading his message was enough to make me fly all the way from my room to our gate. Ni hindi ko na naisip na magbihis o mag-ayos. I was on my spaghetti strap nightgown
Dalawang araw akong hindi nakapunta kay Lucian. Not that I don’t want to but he was busy doing stuff to assume his position. Nagkakausap lang kami sa tawag. Medyo nanibago ako dahil sa sunod sunod na araw na palagi kaming magkasama para sa pangangampanya niya ay nasanay ako. Ngayon na tapos na ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Isa pa at nakakalimutan kong itanong sa kanya kung pwede na ba akong bumalik sa kumpanya para magtrabaho. Kapag kasi nag-uusap kami, hindi ko na naisisingit ang ibang bagay sa usapan namin.Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang hindi niya ako nasasagot. I am bored. Kahapon ay sinamahan ko si mama na mag-shopping dahil sa party na dadaluhan nila ulit. Tinatanong ko kung kaninong party pero hindi niya sa akin sinasabi. That only means hindi niya ako gustong isama kung saan party man itong pupuntahan nila! Namatay nalang ang tawag ko ay hindi niya parin ako nasasagot. Ngumuso ako. Masyado na ba siyang busy ngayon at hindi niya nasasagot ang tawag ko?
Hindi ko alam kung paano ako nakapag-drive ng pauwi. Basta pagkarating ko ng bahay, hindi pa ako agad nakalabas ng kotse dahil natulala pa ako roon ng ilang minuto. Kung binabagabag ako noong nasa isla pa kami, mas lalo ngayon na nalaman kong kaya sila naghiwalay ay dahil nag-cheat siya… pero hindi raw totoo. Should I believe it? Bakit ngayon niya pa sasabihin? Dapat noong una pa lang ay sinabi na niya! Walang tao sa sala nang pumasok ako kaya nakadiretso ako sa kwarto ko. Pagod akong umupo sa kama at saka kabado sa mga nalaman. Pero nang hindi na talaga ako mapakali, I started to walk back and forth. Sinusubukan kong kalamahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Kaya kalaunan ay tinawagan ko si Lucian. He’s the only one who can calm me. Isang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko. “Hi,” mahina kong bati. Malalim ang paghinga ko.I heard him groan. “Do FaceTime.” Pinatay ko ang tawag at nag facetime. Tumambad sa akin ang gulong-gulo pa niyang buhok. He was in his room, na
Nagulat ako sa naging tanong na iyon. Mabuti nalang at nagawa kong makaiwas dahil may dumating na isa pang panauhin na mas kilala kaisa sa akin. Nang mabaling doon saglit ang babaeng taga-press ay mabilis akong naglakad papasok. Halos takbuhin ko pa dahil sa pagmamadali! The hell? I know na kilala naman si Lucian pero will I be put in the spotlight because of our relationship? And how the hell does she even know? Baka naman kampante ako na hindi alam nina mama ang relasyon ko kay Lucian pero kumakalat na pala? Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako. Maraming tao sa loob, puro naka-pormal na damit. The chandelier lights the surroundings. May nakita akong nilalagyan ng mga gift kaya mabilis akong lumapit doon para maibigay ko na ang dala kong regalo. May naka-assign doon para mag-assist. Matapos kong ibigay ang akin ay saka lang ako lumapit sa nagse-serve ng champagne. May nakikita akong mga pamilyar na mukha. Nakita ko pa nga si Ate Seraphina kasama si Kuya Alaric pero hindi na
Kinabukasan ay maaga kaming umalis ng isla. Mabuti na lang at dumating nga iyong nasiraang chopper. Kaming apat ang naunang umalis. Kami ni Lucian at sina Zaria at Matteo. Pagkalapag ng chopper ay parang gusto kong liparin ang bahay para makita kung nakauwi na sina mama. “Anong schedule mo bukas?” tanong ko kay Lucian. He was driving me to my house. Bumaling ako sa kanya at kita kong nasa daan ang mata niya. "I’ll need to file a SOCE first. That’s what I plan to do tomorrow and over the next few days.”Tumango ako, hindi na pinabulaan kung ano yon dahil bother ako sa ibang bagay. Nasa byahe pa kami ay nag-iisip na ako ng pwedeng idahilan kung sakaling maunang dumating sina mama. Sasabihin ko na lang na may team building at kailangan kong pumunta. But it would be great if ako ang mauna, para wala ng alibi. Nang dumating ako sa tapat ng gate namin, mabilis akong bumaba. I was walking fast as I entered our home. Nang makapasok ako sa malawaak na bulwagan namin, wala naman akong nak
Everyone was waiting for my answer. Nahiya ako na lahat sila ay gustong manatili kami. Kahit ayaw ko, napilitan akong pumayag. Nakakahiya kay Tita kung aayawan ko siya. She’s never mean to me. Saka lang nawala ang tension nang pumayag akong manatili. “Thank you for extending for another day,” nahihiyang sinabi ni Zaria sa akin. Buong akala ko ay sinabi lang yon ni Matteo na gusto akong makilala ni Zaria para manatili ako. Totoo pala talaga.We were sitting on sun lounge, may mga pagkain at inumin sa tabi namin. Nakatanaw kami sa dagat kung saan naliligo ngayon sina Samantha. Lucian, Leon, Matteo and Miguel were also swimming on the beach. Hindi muna ako naligo kaya sumama si Lucian sa mga lalaki. Bahagya akong ngumiti. “Nakakahiya rin kay Tita. Pati siya ay pumipigil sa akin,” sagot ko. Zaria nodded. “I can’t imagine it if you were not here. Minsan kasi ay kinakailangan si Matteo ng mga Tito niya. I am not close with his sister Beatriz kaya palagi akong napapag-isa.” Natigilan ak
Scarlet Ruby SalazarHindi na kami lumabas simula nang pumasok kami sa loob ng kwarto. We had our dinner inside the room. Matapos umalis ni Tita na naghatid ng pagkain sa amin, akala ko ay hindi na siya babalik pero hindi. Bumalik ulit siya. Nahihiya ako dahil panay siya tanong kung okay ba ako. I got shy when she asked what Lucian did to me. Ramadan kong namula ang pisngi ko. Well, tita, nagka miraglo. Dammit! Hiyang hiya ako noong iyan ang naisip ko sa tanong niya. Ano bang kasing expect niya na ginawa ni Lucian?The second time she went to us, inaya niya kaming sumama sa yacht party ulit. Kasama na raw ang mga bagong dating. Lucian didn’t agree; he wanted to stay in the room. Tita then insisted that I go with them, but I refused. Sasama ba ako knowing that they're with Allyana? Hindi ako pumayag. Napilitan si Tita na iwan kami. Dahil sa kaalaman na bukas ay aalis din kami, maaga akong natulog. Nasa bathroom pa si Lucian, naliligo, nang makatulog ako. Kinabukasan na ako nagising.