Share

Kabanata 7

Penulis: Luna Moonfall
last update Terakhir Diperbarui: 2026-03-01 22:22:26

Kabanata 7

Parang biglang huminto ang mundo.

Nanigas ang hangin, nanahimik ang paligid, at tila nawalan ng kulay ang lahat.

Sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa paningin ni Caprice—si Ethan.

Naka–light blue short-sleeved shirt siya at itim na slacks. Simple lang ang suot, pero dahil sa tindig niya—matangkad, tuwid ang likod, malapad ang balikat—nagmumukha pa rin siyang elegante. Kahit ordinaryong damit lang, hindi pa rin maitago ang pagiging guwapo niya. ‘Yung klase ng lalaking kahit tahimik lang nakatayo, ramdam mo agad ang presensya.

Ang mga mata niya’y madilim at malalim—ay direktang nakatingin kay Caprice. Hindi siya sumisigaw, hindi rin siya nagsasalita, pero sapat na iyon para maramdaman niyang parang nasusukat ang bawat galaw niya.

Hindi siya komportable. Pakiramdam niya, konting mali lang na kilos, babagsak na naman ang lahat.

Kinuha ni Sherry ang tsinelas at inilapag sa harap ni Ethan. “Ethan, magpalit ka muna ng sapatos,” mahinahon nitong sabi, pilit ginagawang normal ang sitwasyon.

Hindi gumalaw si Ethan.

Nakatitig pa rin siya kay Caprice.

Napansin iyon ni Sherry at bahagyang nagpilit ng ngiti. “Trademark infringement case ‘to,” paliwanag niya, sabay tingin kay Ethan. “May friend akong nag-recommend ng law firm. Hindi ko in-expect na siya ang ipapadala nila.”

Kumunot ang noo ni Caprice at napatingin kay Sherry, hindi na maitago ang pagkainis.

Hindi in-expect?

Halata namang planado ang lahat. Simula pa lang, malinaw na hindi naman talaga kaso ang pakay nito—kundi siya.

Wala ring balak si Sherry na i-handle nang maayos ang kahit anong legal matter.

Sumikip ang dibdib ni Caprice. Ayaw na niyang manatili pa roon kahit isang segundo.

“I won’t bother you anymore,” malamig niyang sabi. “Uuwi na po ako.”

Pero nakatayo si Ethan sa mismong tapat ng shoe cabinet, eksaktong humaharang sa daan. Hindi siya gumagalaw. Hindi rin siya lumilingon.

Parang sinasadya.

“Fine, umuwi ka na,” may halong iritasyon ang boses ni Sherry. “Anyway, average lang naman ang skills mo. Hindi ka rin gano’n ka-professional. I don’t trust you to handle my case.”

Kung may nakakatawa man sa sitwasyon, iyon na siguro ‘yon.

Ni isang detalye ng kaso, hindi man lang nito tinanong. Pero ngayon, hinuhusgahan na ang kakayahan niya—sa harap pa mismo ni Ethan.

Hindi santa si Caprice. At lalong hindi siya doormat.

“Excuse me,” mariin niyang sabi.

Diretso siyang lumapit, siniksik ang sarili sa pagitan nina Ethan at Sherry, at sa pagdaan niya, sinadya niyang salpukin ng siko si Ethan.

Napaatras ito ng isang hakbang.

Bahagyang kumunot ang noo niya habang tinitingnan si Caprice—may bakas ng pagtataka sa mga mata.

Napatanga si Sherry, saka sumabog. “Caprice! Anong klaseng attitude ‘yan?!”

Hindi siya pinansin ni Caprice.

Tahimik niyang pinalitan ang tsinelas, saka naglakad palabas. Pero bago tuluyang lumabas, huminto siya at lumingon.

“Miss Bustamante,” maayos pero matalim niyang sabi, “by the way—’yung sabaw, hindi nagiging masarap kahit pakuluan mo pa ng twelve hours. Next time, try mo ‘yung Lorna’s Stewed Soup sa Bonifacio Street. Mas masarap ‘yon.”

Nanigas ang mukha ni Sherry.

Namula sa galit, napakuyom ang mga kamao. “Ikaw—!”

Pero bago pa ito tuluyang sumabog, nakalayo na si Caprice.

Habang papalayo siya, napansin niyang bahagyang lumiit ang mga mata ni Ethan—at sa gilid ng labi nito, may halos hindi mapansing kurba.

Isang ngiti.

Pagdating niya sa elevator, saka lang niya naramdaman ang bigat na kanina pa niya kinikimkim. Pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam niya. Ang makita ang mukha ni Sherry na mas masahol pa sa napapanis na pagkain—kahit papaano, maliit na ganti iyon.

Pagbaba niya sa lobby, saka niya napansin—bumubuhos ang ulan.

Kanina lang, maliwanag ang langit. Mainit. Malagkit. Ngayon, parang galit ang panahon.

Tumayo siya sa may pintuan, saglit na nag-isip, saka hinanap sa bag ang payong.

Wala.

Tumingala siya. Makapal ang ulap, mabigat, parang anumang oras ay babagsak nang tuluyan. Humahampas ang malakas na hangin, pinapayanig ang mga puno sa paligid.

Nag-vibrate ang phone niya.

Pagtingin niya, sunod-sunod ang alerts—yellow typhoon warning. Matagal na pala, mula pa umaga.

Hindi niya napansin. Masyado siyang naging abala.

Malapit sa baybayin ang inuuwian niya. Kapag tuluyang nag-landfall ang bagyo, siguradong hindi na siya makakauwi.

Waterproof naman ang briefcase niya.

Humigpit ang hawak niya sa strap. “Bahala na,” bulong niya.

Paglabas pa lang niya ng building, sinalubong na siya ng malakas na hangin. Parang may humihila sa kanya kung saan-saan. Ang ulan, tila mga karayom na dumadampi sa balat—sobrang lamig, sobrang sakit.

Nabasa siya sa loob lang ng ilang segundo.

Hindi niya makita ang daan. Nanginginig ang buong katawan niya. Pilit siyang naglakad, pero sa ilang hakbang lang, nawalan siya ng balanse at napaupo sa damuhan.

Parang pilay ang galaw niya habang pilit tumatayo—pero ilang hakbang pa lang, muli na naman siyang tinumba ng hangin.

Isang kamay ang mahigpit niyang nakakapit sa briefcase, ang isa naman ay pilit humahawak sa sanga ng puno.

Nang pilitin niyang tumayo—biglang may malaking kamay na yumakap sa baywang niya.

Napasinghap siya.

Inangat ang buong katawan niya, at sa isang iglap, nakadikit ang likod niya sa mainit at matatag na dibdib ng isang lalaki. Mahigpit ang kapit, walang pag-aalinlangan.

Para siyang basahang manika habang binubuhat siya papasok ng building.

Ramdam niya ang lakas ng bawat hakbang nito—matatag, buo, parang walang pakialam sa unos sa labas.

Pagdating sa loob ng lobby, saka lang siya muling nakahinga.

Maingat siyang ibinaba.

Hinihingal siya, nanginginig sa lamig. Isang kamay ay mahigpit pa ring nakakapit sa briefcase, ang isa’y pinupunasan ang ulan sa mukha.

“Thank you,” mahina niyang sabi. “I was almost blown away. Thank you… really.”

“Ang payat mo,” sagot ng lalaki, malamig ang tono pero may halong inis. “Hindi ka ba kumakain nang maayos?”

Parang may kumabig sa dibdib ni Caprice.

Pamilyar ang boses.

Dahan-dahan siyang tumingala—at doon siya tuluyang nanigas nang napagtantong si Ethan ang tumulong sa kaniya.

Basang-basa rin siya. Tumatagas ang tubig mula sa buhok nito pababa sa pisngi. Pinunasan niya ang mukha, saka inayos ang buhok gamit ang isang kamay.

“Raging storm sa labas,” seryoso nitong sabi. “What were you thinking? Bakit ka tumakbo ro’n?”

Parang ngayon lang bumalik ang ulirat ni Caprice. “Magla-landfall na ‘yung bagyo in an hour,” mahina niyang sagot. “If I don’t leave now, hindi na ako makakaalis mamaya.”

Napatingin si Ethan sa pinto. “Sa lakas ng hangin, pwede kang mapahamak.”

Naglakas-loob si Caprice. “Can you… drive me home?”

Napakunot ang noo ni Ethan. “And then?”

“Ha?”

“I drive you home, bumaha, hindi na tayo makaalis. Stuck tayo rito.”

Namutla si Caprice. “I—I’m sorry. Hindi ko naisip.”

Tumahimik si Ethan sandali, nakatingin sa ulan. Gumalaw ang Adam’s apple niya bago siya nagsalita. “Come on. Magpalit muna tayo ng basang damit.”

Sumikip ang dibdib ni Caprice. Ang ideya na bumalik sa loob—kasama si Sherry—ay parang parusa.

“No need,” mabilis niyang sagot. “Okay na po ako. Thank you.”

Mas gugustuhin pa niyang ginawin kaysa bumalik doon.

“Anong katigasan ng ulo ‘yan?” inis na sabi ni Ethan. “Takot ka bang kainin kita?”

Napatingin siya rito, gulat.

Napansin niyang hindi siya tinitingnan ni Ethan—sa pinto pa rin ang tingin nito.

Sinundan niya ang direksyon ng mata nito.

At saka niya napagtanto—manipis ang suot niyang puting blouse. Basang-basa.

Dumikit sa balat niya, halos kita ang hugis ng katawan niya… pati ang kulay ng suot niyang underwear.

Napahiyaw siya nang mahina at agad niyakap ang briefcase sa dibdib.

Mabilis ang tibok ng puso niya. Namula ang pisngi niya.

Napansin niyang namula rin ang tainga ni Ethan.

Huminga ito nang malalim, saka tumalikod at naglakad papunta sa elevator.

“Go up,” malamig nitong sabi.

Nag-alinlangan si Caprice sandali, bago sumunod.

Sa lagay ng panahon, malinaw na hindi na siya makakaalis.

Isang gabi lang. Isang pagtitiis lang.

Kung ayaw siyang patuluyin ni Sherry, uupo na lang siya sa stairwell.

Bumukas ang elevator.

Mahigpit ang hawak niya sa briefcase habang sumunod kay Ethan papasok.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession   Kabanata 10

    Kabanata 10Sa labas, abala ang mga barangay worker na naka-raincoat. Nililinis nila ang mga baradong kanal—humahampas ang maruming tubig, may putik na kumakapit sa sapatos, at mga dahong inanod ng magdamagang bagyo. Tahimik na ang paligid, pero ramdam pa rin ang bakas ng unos na kakalipas lang.Sa loob ng bahay, tapos na ring mag-ayos si Caprice. Nakapagpalit na siya ng sariling damit at maingat na nilabhan sa kamay ang nightgown niya at ang shirt ni Ethan na ginamit niya kagabi. Ayaw niyang iwan ang mga iyon na marumi—parang may kirot sa dibdib sa tuwing maiisip niyang may iniwan siyang kahit anong bakas, gaano man kaliit.Bitbit ang mga damit, lumabas siya para isampay ‘yon. Sakto namang palabas si Ethan ng kusina, may hawak na tray ng almusal.Nagtagpo ang mga mata nila. At sa isang iglap, parang bumigat ang hangin sa pagitan nila—awkward, alanganin, parehong hindi alam kung saan titingin o paano kikilos.“G-Good morning,” bati ni Caprice, medyo stiff ang boses.Hindi na siya nagh

  • My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession   Kabanata 9

    Kabanata 9Matapos ang kanilang hapunan, maingat na nilinis ni Caprice ang mesa at hinugasan ang mga pinggan.Paglabas niya sa kusina, hindi maiwasang mapatingin kay Ethan.Nakaupo ito nang kalmado sa sofa, naka-prop ang ulo sa isang kamay, nakatutok sa phone. Sa unang tingin, parang wala siyang pansin kay Caprice—pero ramdam niya ang bigat ng presensya nito, isang aura na mahirap balewalain.Naging curious si Caprice. “Ano kaya ang tinitingnan niya nang ganito?”Habang naglalakad siya papalapit sa kanyang kwarto, hindi man lang siya tinitingnan ni Ethan. Sa totoo lang, maayos ang manners ng lalaki. Pinayagan siya nitong manatili sa bahay sa gitna ng bagyo, nagluto pa ng hapunan… kahit sino pa, kung ex lang ang makaharap niya, malamang mabigat ang pakiramdam, o baka gusto niyang maglaho na lang sa gabi.Ayaw niyang istorbohin ang katahimikan at kapayapaan ng lalaki. Kaya dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pinto ng kwarto.Ngunit biglang naalala niya ang simpleng pangangailangan: b

  • My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession   Kabanata 8

    Kabanata 8Sa kalmado ng kilos ni Ethan, malinaw na wala na siyang balak pang gawin. Hindi na siya nagsalita, hindi na rin nagpakita ng kahit anong emosyon—parang isinara na niya ang usapan, parang ayaw na niyang balikan pa ang anumang maaaring sabihin.Tutal, galit siya kay Caprice. Hindi simpleng galit lang—kundi ‘yung galit na matagal nang naipon, hinayaang mabulok sa loob, at ngayo’y tahimik pero mabigat na namamahay sa dibdib niya.Napansin ni Ethan na hindi pa rin siya gumagalaw. Huminto ito sa paglalakad, bahagyang lumingon, at kumunot ang noo—hindi halata, pero sapat para maramdaman ang inis.“Why are you still standing there?”Sumikip ang dibdib ni Caprice. Para bang may mabigat na kamay na biglang pumisil sa puso niya, dahilan para mapahinto siya sa paghinga. Kinailangan niyang humugot ng lakas bago makapagsalita.“I think… tama si Su Yueyue,” mahina niyang sabi, halos pabulong. “Mas okay siguro kung sa bahay na lang niya ako mag-stay.”Napangisi si Ethan—isang ngiting walan

  • My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession   Kabanata 7

    Kabanata 7Parang biglang huminto ang mundo.Nanigas ang hangin, nanahimik ang paligid, at tila nawalan ng kulay ang lahat.Sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa paningin ni Caprice—si Ethan.Naka–light blue short-sleeved shirt siya at itim na slacks. Simple lang ang suot, pero dahil sa tindig niya—matangkad, tuwid ang likod, malapad ang balikat—nagmumukha pa rin siyang elegante. Kahit ordinaryong damit lang, hindi pa rin maitago ang pagiging guwapo niya. ‘Yung klase ng lalaking kahit tahimik lang nakatayo, ramdam mo agad ang presensya.Ang mga mata niya’y madilim at malalim—ay direktang nakatingin kay Caprice. Hindi siya sumisigaw, hindi rin siya nagsasalita, pero sapat na iyon para maramdaman niyang parang nasusukat ang bawat galaw niya.Hindi siya komportable. Pakiramdam niya, konting mali lang na kilos, babagsak na naman ang lahat.Kinuha ni Sherry ang tsinelas at inilapag sa harap ni Ethan. “Ethan, magpalit ka muna ng sapatos,” mahinahon nitong sabi, pilit ginagawang normal

  • My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession   Kabanata 6

    Kabanata 6Alam ni Caprice—noong gabing iyon, wala na siyang maaasahang tulog.Magdamag siyang nakahiga, nakatitig sa kisame. Pilit ipinikit ang mga mata, pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Ethan, ang malamig nitong titig, ang boses na parang kaya siyang wasakin sa isang salita lang. Sa bawat pag-ikot niya sa kama, mas lalo lang bumibigat ang dibdib niya. Bandang madaling-araw na siya tuluyang nakatulog—at kahit iyon, putol-putol pa.Kinabukasan, umuulan nang mahina. Kulay abo ang langit, basa ang kalsada, at presko ang hangin—mga dalawampu’t limang digri lang ang temperatura. Isang umagang tahimik, parang walang alam sa gulong nagaganap sa loob ng puso niya.Sa isang liblib na bahagi ng siyudad nakatira si Caprice. Hindi man kagandahan ang lugar, mura naman ang upa at malapit sa terminal ng bus. Para sa kanya, sapat na iyon. Hindi niya kailangan ng engrandeng tirahan—ang mahalaga, may uuwian siya.Madali rin ang biyahe papasok sa trabaho. Kahit isang oras ang lay

  • My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession   Kabanata 5

    Kabanata 5Tunay na nanginginig sa takot si Caprice.Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyari noong huli silang nagkita—sa gitna ng mataong hotel, kung saan walang bakas ng awa si Ethan. Walang bakas ng dating lalaking minahal niya.Lampas alas-dos na ng madaling-araw. Tahimik ang pasilyo ng apartment building, halos walang marinig kundi ang mahinang ugong ng ilaw. Walang ibang tao. Walang makakatulong. At sa katahimikang iyon, malinaw ang tanong sa isip niya—ano naman kaya ang gagawin nito sa kanya ngayon?“I… I didn’t know na nandito ka rin,” nanginginig ang boses ni Caprice habang pilit siyang dumidikit sa pintuan ng unit, para bang anumang sandali ay kakatok siya at hihingi ng tulong. “Hindi ko sinasadya na makita ka. Hindi ko alam…”Hindi na niya tinapos ang sasabihin.Dumilim ang ekspresyon ni Ethan. Tahimik siyang tumalikod, naglakad papunta sa basurahan sa sulok, pinatay ang sigarilyo, at itinapon iyon. Walang kahit anong emosyon sa kilos niya, pero mas lalo lang nitong

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status