Share

Chapter 4

Author: rainheart
last update Last Updated: 2025-11-01 11:51:56

Wow, bes. Hindi ko akalaing may tapang kang harapin at sabihin lahat ng‘yon kay Marco kanina. Imagine sa limang taon puro pagtitiis ang ginawa mo,” wika ni Jane habang binabaybay nila ang daan pauwi sakay ng sasakyan ng huli.

“Siguro sobrang nainsulto lang ako na pati ang mga naiwan ni nanay ay interesado ang babaeng ‘yon,” tugon niya sa kaibigan na kinuha ang kuwintas na binaklas mula sa leeg ni Winona.

“Sabagay, deserve ng gagang ‘yon. Masyado niyang manipulate si Marco dahil sa sakit niya. At ang tangang Marco, naturingang matalino at magaling sa negosyo naniwala naman sa kapritso ng babaeng ‘yon. Bagay nga sila.”

Napabuntonghininga na lamang si Lilian pero hindi rin nawala na mag-allaa siya para sa anak.

Kinagabihan, umuwi si Marco at sumalubong sa kanya ang katahimikan sa buong bahay na nagdulot sa kanya ng labis na pagtataka. Napakunot ang noong tinungo niya ang dining area, at dumiretso ng kusina pero wala itong katao-tao. Wala ring pagkaing nakahanda na sadyang nakapagtataka dahil sa mga oras na iyon ay laging nakahanda na ang kanilang hapunan. Hindi man niya lubos na masaya sa piling ni Lilian pero hanga naman sya sa pagiging maasikaso nito lalo na sa anak nilang si Justine. Sa oras ng pagluluto, hindi ito umaasa sa mga kasambahay lalo na pagdating sa anak nila dahil ito lang ang nakakaalam ng maari o bawal na pagkain para sa nag-iisa nilang anak.

“Daddy?”

Napalingon si Marco sa pintuan ng kusina nang marinig ang munting tinig na tumawag sa kanya.

“Justine, have you eaten?” Agad niyang tanong sa anak.

“Not yet, I’m waiting for you,” inosenting tugon ng bata. “Pero bakit walang food sa mesa? Hindi po ba nagluto si mommy?

Napailing si Marco at dumako ang tingin sa yaya na nasa likuran ni Justine.

“Manang, bakit wala pang nakahandang pagkain? Nasaan si Lilian?”

“Sir Marco, kanina pa pong umaga umalis si Ma’am Lilian. At hindi rin po ako nakapagluto kasi ayaw kong iwanan mag-isa si Justine sa room niya kaya hindi po ako nakapaglutp,” paliwanag ng kasambahay kay Marco.

“Sige, ipagluto mo na lang si Justine ng makain niya. Huwag kang magbibigay ng pagkain na bawal sa kanya ha?” Utos ni Marco dito.

“Dad, kain na lang tayo sa labas kasama si Tita Winona,” wika ni Justine.

“Sigurado ka na gusto mong kumain sa labas?”

Pero bago pa man makasagot si Justine ay tumunog ang mobile phone ni Marco.

“Yes, Winona? Napatawag ka,” agad na tugon ni Marco nang mamitang si Winona ang nasa kabilang linya.

“Nasa bahay ka na ba? Kumusta si Lilian? Galit pa ba siya sa ‘yo?” May pag-aalala sa boses ni Winona.

“Wala siya dito sa bahay. Kaninang umaga pa raw umalis sabi ng kasambahay.”

“I think siya itong nakikita ko dito sa cafe. May kasamang lalaki at mukhang close na close sila.”

Biglang dumilim ang anyo ni Marco nang marinig ang sinabi ni Winona. Ni minsan hindi sumagi sa isip niyang magtaksil si Lilian sa kanya.

“Saang cafe‘yan?”

“Ibibigay ko sa ‘yo ang address through text.”

Samantala, sa isang cafe ay nakaupo sa pandalawahang mesa na magkaharap na sina Lilian at Dave na isang sikat na violinist sa bansa.

Mangilan-ngilan lamang ang taong naroroon pero pinili nilang pumuwesto sa isang sulok kung saan may kalayuan sa counter. Isa ito sa paboritong cafe nilang tatlo ni Jane.

“I’m so sorry, Lilian. I wasn't able to protect you as I promised to your mom,” wika ni Dave sa kanya.

“Don’t say sorry, Dave. It wasn’t your fault.” Hinawakan pa ni Lilian ang kamay nito para iparamdam dito na wala itong kasalanan sa mga nangyari sa kanyang buhay.

Si Dave ay isa sa mga naging estidyante ng kanyang ina sa pagpapatugtog ng violin. Isang violinist ang inay niya at noong nag-retire ay mas piniling magturo na lamang ng sa gayon ay magkakaroon pa rin siya ng kita.

“Are you sure na babalik ka na sa pagiging violinist? Matutulungan kita para muling tumunog ang pangalan mo,” tanong ni Dave. Tinawagan niya kasi ito na magkita sila at naitanong sa kanya kung anong rason at iyon nga ang sinabi niya na plano niyang bumalik sa pag-violin.

“Oo, buo na ang desisyon ko.”

“Alam ba ito ni Marco?”

“Hindi, at wala siyang pakialam sa gusto kong gawin,” mariin niyang sagot.

“At paano si Justine?”

“Mayaman ang mga Santander, kaya nila siyang alagaan. Maayos na rin ang kalusugan niya.”

“Lilian, I’m so sorry kung hindi ko nagawa ang bilin ng nanay mo sa akin. Patawarin mo ako.”

“Ano ka ba, Kuya Dave. Wala kang kasalanan. Si Marco ay may gustong putulin ang komunikasyon natin at hindi ikaw o ako.”

Mula kasing nagdesisyon sila ni Marco na magsama dahil buntis siya noon kay Justine ay ipinagbabawal na rin ni Marco ang pagtugtog niya ng violin para hindi na sila magkita rin ni Dave. Sinira din nito ang kanyang mobile phone para hindi na siya matawagan ni Dave.

“Ako pa nga dapat ang humingi ng sorry kasi ako itong parang lumayo sa ‘yo. I’m sorry, kuya.”

Mabilis na hinawakan ni Dave ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa at sinakop iyon ng kanyang mga palad.

“Wala kang kasalanan, Lilian. You don’t have to say sorry,” wika ni Dave na pinisil ang kanyang mga palad.

“Maraming salamat, kuya. Salamat at nauunawaan mo ako.” Halos maluha si Lilian pero pinigilan niya ito.

Isa sa nagustuhan niya sa ugali ni Dave ay ang pagiging mapagkumbaba nito. Isa rin sa may pinakamayamang pamilya ang pamilya ni Dave pero hindi iyon naging hadlang para maging magkaibigan sila. Itimuring siya nitong parang kapatid mula naging close sila noong tinuturuan itong magtugtog ng violin ng kanyang ina. Naging isang ganap na professional violinist ito na ngayo’y sikat sa larangan ng musika.

Kung sa itsura ay gwapo ito, matangkad, at may maamong mukha. Mas striking ang dating nito kumpara kay Marco kaya nga siguro pinagbawalan nito si Lilian na makipagkita sa kanya o makipag-usap man lang sa telepono.

“Lilian? Bakit nandito ka?”

Sabay na napalingon sina Lilian at Dave at agad napasimangot si Lilian nang makilala ang tumawag sa pangalan niya. It’s Winona, standing there in his white dress na hindi alam ni Lilian kung ikakasal o ibuburol sa suot niyang puting-puti.

Tumaas ang kilay niya bago ito tinugon. “Ano naman ang pakialam mo kung nandito ako. Pag-aari mo ba ang cafe?” Pagtataray niya dito.

Itinaas naman ni Winona ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Huwag kang magalit. Lilian. Wala akong masamang balak. Nagtataka lang akong nandito ka dahil sa pagkakaalam ko, ikaw ang naghahanda ng pagkain ng mag-ama mo. It’s dinner time na kasi at bihira lang unuuwi si Marco kaya nagtataka lang talaga ako,” wika ni Winona sa malumanay na boses.

Tunog mabait ito pero para kay Lilian, isa itong tahasang pamumukaw ng kanyang galit.

Napangisi siya bago nagsalita. “Hindi ba kaya bihirang umuwi si Marco kasi doon naglalagi sa bahay mo? Kasi ang sabi mo malapit ka ng mamatay? Bakit kaya hindi ikaw ang umuwi doon at pagsilbihan siya? Sulitin mo ang mga araw na nalalabi mo dito sa mundo para magparamdaman kayo na mahal niyo ang isa’t isa,” walang habas na tugon niya dito. “Pakialamera! Alis!”

Mabilis na hinawakan ni Winona ang kamay ni Lilian pero agad niyang iniwas ito pero hindi niya alam kung paano na ikinatumba nito.

Bigla siyang napatayo, pati na rin si Dave dahil sa gulat.

“Lilian! What are you doing?!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 4

    Wow, bes. Hindi ko akalaing may tapang kang harapin at sabihin lahat ng‘yon kay Marco kanina. Imagine sa limang taon puro pagtitiis ang ginawa mo,” wika ni Jane habang binabaybay nila ang daan pauwi sakay ng sasakyan ng huli. “Siguro sobrang nainsulto lang ako na pati ang mga naiwan ni nanay ay interesado ang babaeng ‘yon,” tugon niya sa kaibigan na kinuha ang kuwintas na binaklas mula sa leeg ni Winona. “Sabagay, deserve ng gagang ‘yon. Masyado niyang manipulate si Marco dahil sa sakit niya. At ang tangang Marco, naturingang matalino at magaling sa negosyo naniwala naman sa kapritso ng babaeng ‘yon. Bagay nga sila.” Napabuntonghininga na lamang si Lilian pero hindi rin nawala na mag-allaa siya para sa anak. Kinagabihan, umuwi si Marco at sumalubong sa kanya ang katahimikan sa buong bahay na nagdulot sa kanya ng labis na pagtataka. Napakunot ang noong tinungo niya ang dining area, at dumiretso ng kusina pero wala itong katao-tao. Wala ring pagkaing nakahanda na sadyang nakapagtat

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 3

    So, iniwan mo sa yaya si Justine?” Agad na tanong ni Jane kay Lilian nang umusad na ang sasakyan para lisanin nila ang kanilang bahay. “Oo,” na sumandal sa upuan at ipinikit saglit ang mga mata. “Wala kang gagawin? Iiwan mo ang bata sa kanila? Eh, ikaw lang ang nag-aalaga sa kanya ng maayos ah.” Napabuntonghininga si Lilian para alisin o mabawasan ang tila nakadagan sa kanyang dibdib bago tinugon ang kaibigan. “May magagawa ba ako kapag ilalaban ko ang karapatan ko sa bata? Kilala mo ang mga Santander, hindi ba?” “Pero kung ang batas ang susundin, sa edad ni Justine, nasa iyo pa dapat siya,” muling giit ni Jane. “Alam ko ‘yon pero sa dami ng koneksyon ng mga Santander, wala akong laban lalo at wala akong trabaho. Gawin nilang grounds ‘yon para alisan ako ng karapatang alagaan siya.”Bago pa man magdesisyon na lisanin ang kanyang mag-ama ay naisip na ni Lilian ang lahat. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang anak kung aabot pa sila ng korte kaya mas pinili niyang magsakripisyo kah

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 2

    “Anong sabi mo?” “Maghihiwalay na tayo. Wala rin namang patutunguhan na ang lahat ng ito. Ibibigay ko na ang kalayaan niyo ni Winona. Hindi mo rin lang kayang panindigan ang lahat ng ginawa ko para sa inyo ni Justine, maghihiwalay na tayo kasi parang wala lang din eh.” “Sa akala mo ba nakalimutan ko ang anniversary natin kaya ka galit? Ibinili pa nga kita ng regalo eh. . . “Regalo? Ang kuwintas ba ng nanay ko na suot ngayon ni Winona? Na ipinangako mong ibibigay sa akin bago tayo ikasal?” Saglit pang nagulat si Marco kung bakit nalaman ito ng asawa. Naalala niyang nagpaalam si Winona na i-po-post ito sa social media habang kumakain sila kasama ang kaibigan ng babae. “Iyon lang ba? Pinahiram ko lang kay Winona, ibabalik ko rin sa ‘yo ‘yon.”“Kailan? Kung patay na siya?”“Ang bibig mo Lilian. Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo.” “Bakit? Hindi ba ikaw na rin ang maysabing maiksi na lang na panahon ang ilalagi niya sa mundo? Kung bakit ba kasi pati ako nadadamay diyan sa sitwasyon ni

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 1

    The light is dimly lit. Quiet. A woman sitting on one of the chair in a four-seater dining table. Nakaharap ito sa mesang may nakahandang pagkain, nakasinding kandila, at preskong mga bulaklak. Naghihintay. “Bakit kaya wala pa sila?” Bulong niya pagkatapos tingnan ang oras. Mag-ika-sampu na ng gabi. Napatingin siya sa nga pagkaing inihanda sa mesa para sa kanyang mag-ama. Lumamig na ang mga ito dahil dalawang oras na ang nakalipas mula nang inihanda niya ang mga ito. Maaga pa kanina ay inihanda na niya lahat ng paborito nila para kanilang pagsaluhan. Kaarawan niya at wala pa rin siyang ibang inisip kundi ang mga pagkaing paborito ng kanyang mag-ama. Isa nang magandang regalo na makita ang mga itong masayang kainin ang kanyang mga inihanda. Siya si Lilian, isang mabuting ina at katuwang sa buhay. Piniling tumigil sa pagtatrabaho para matuunan ng pansin at alagaan ang kanyang mag-ama. Pero napalis ang kanyang nararamdamang saya at pag-asang uuwi ang kanyang mag-ama para samahan siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status