LOGINSo, iniwan mo sa yaya si Justine?” Agad na tanong ni Jane kay Lilian nang umusad na ang sasakyan para lisanin nila ang kanilang bahay.
“Oo,” na sumandal sa upuan at ipinikit saglit ang mga mata. “Wala kang gagawin? Iiwan mo ang bata sa kanila? Eh, ikaw lang ang nag-aalaga sa kanya ng maayos ah.” Napabuntonghininga si Lilian para alisin o mabawasan ang tila nakadagan sa kanyang dibdib bago tinugon ang kaibigan. “May magagawa ba ako kapag ilalaban ko ang karapatan ko sa bata? Kilala mo ang mga Santander, hindi ba?” “Pero kung ang batas ang susundin, sa edad ni Justine, nasa iyo pa dapat siya,” muling giit ni Jane. “Alam ko ‘yon pero sa dami ng koneksyon ng mga Santander, wala akong laban lalo at wala akong trabaho. Gawin nilang grounds ‘yon para alisan ako ng karapatang alagaan siya.” Bago pa man magdesisyon na lisanin ang kanyang mag-ama ay naisip na ni Lilian ang lahat. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang anak kung aabot pa sila ng korte kaya mas pinili niyang magsakripisyo kahit sobrang sakit niyon sa kanya. “Isa pa, mas pipiliin niya pa rin si Winona kaysa akin. Doon kasi nakukuha niya ang lahat ng gusto niya, nakakain ang gusto niyang kainin, walang bawal-bawal,” nangilid ang mumunting butil ng luha mula sa kanyang mga mata. “Ilang taon mo ring inalagaan si Justine. Huminto ka sa pagtatrabaho para maging hands on sa pagpapalaki sa kanya, paano ka makakasiguro na maalagaan siya ng maayos ng Winona na ‘yon?” May inis na muling tanong ni Jane. Naikuyom ni Lilian ang mga palad. “Mag-ama sila at magkaugali, kahit sa babae pareho sila ng gusto.” “So, hindi rin alam ni Marco na umalis ka? Kasi ang hula ko hindi, eh.” “Magkasama siguro sila ni Winona ngayon. Kagabi nang umuwi sila kinausap ko siya, at ‘yon may tumawag; si Winona. ‘Yon umalis agad kahit kararating lang nila. Kaya minabuti ko na lang na hindi ipinaalam sa kanya kasi hindi rin mahalaga para sa kanya.” Inihatid siya ni Jane sa dating apartment nito. Bago ikasal may naipon siya at iyon ang pinambili niya ng isang unit ng studio apartment malapit sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Tinulungan na rin siyang maglinis nito doon. “Bes, shopping tayo pagkatapos natin dito. Sa labas na rin tayo kakain, at sasamahan rin kitang mag-grocery,” wika ni Jane habang nagliligpit ng mga tinanggal nilang tela na itinakip sa mga gamit na naiwan niya doon. “Oo ba! Just like the old days.” Matipid siyang ngumiti dito. Naisip niya, mula nang sumama siya kay Marco hanggang maipanganak si Justine ay hindi niya maalala kung iilang beses siyang nakapag-shopping o baka nga hindi. Halos maluha siya nang pagmasdan ang kaibigan na patungong kusina para dalhin doon ang mga labahin. Kasing-sigla siya ng kaibigan noon pero mula dumating sa buhay nila ni Marco si Justine ay doon na nabuhos lahat ng kanyang buhay at oras; sa pag-aalaga sa kaniyang mag-ama. Pabalik na si Jane sa sala nang tumunog ang phone nito. Napasimangot ito habang kausap ang nasa kabilang linya. “Okay, pupunta kami diyan.” “May problema ba?” Tanong niya sa kaibigan. “May bibili daw ng violin ng nanay mo doon sa Music Store ng Tito ko. Malaking halaga daw ang ibabayad, makuha lang daw nila ‘yung violin.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Jane pero curious siya sa kung sino ang bibili dahil hindi niya akalaing may bibili pa sa isang lumang violin at may mga piyesa pa yatang kailangan ayusin. Kaya niya ipinagkatiwala ito doon sa music store ng Tito ng kaibigan dahil wala siyang lugar para paglagyan. Napag-usapan din naman nilang pwedeng ibenta basta reasonable ang price batay na rin sa hitsura ng instrumento pero ang may bibili ng sobrang malaking halaga ay nakapagtataka para sa kanya. “Hindi naman ‘For Sale’ ‘yon ah? Anyway, sino raw ang bibili?” Curious na tanong niya kay Jane. “Isa raw maimpluwensiyang tao dito sa lugar natin at mahirap daw tanggihan sabi ng manager,” tugon ni Jane na inaayos ang mga cushion sa pandalawang sofa. “Walang binanggit na pangalan?” “Wala eh!” Maikling sagot ni Jane. “Total libre ka naman ngayon, puntahan na lang natin ‘bes.” dagdag pa nito. Napatigil siya sa ginagawang pagwawalis at napaisip. Limang taon na palamg hindi niya nabisita at nakapagtugtog ng violin dahil naging abala siya sa kanyang mag-ama lalo na sa pagpapalaki sa kanyang anak na si Justine. Bigla niya ring naalala ang nanay niya na isang dating sikat na musician gamit ang violin. Hindi nga lang ito nagtagal sa mundo dahil sa edad na apatnapu’t lima ay namatay ito sa isang malubhang sakit. Iniwan nito ang violin sa kanya na ginamit naman niya noon sa pagtugtog sa mismong harapan ng store ng Tito ni Jane. Nang kabuwanan na niya ay iniwan niya ito doon sa store para sa isang display. Maganda ito at matibay. Maganda ang estilo kumpara sa mga bagong labas na violin na ibinibenta ngayon sa mga tindahan. Pagdating sa Music Store ay agad silang pumasok ni Jane pero napatigil sila nang mapansin ang dalawang taong nakaharap sa violin ng kanyang ina. Isang lalaing may tangkad na anim na talampakan, maayos ang ayos ng buhok, mukhang kagalang-galang sa suot na kulay-asul na long sleeves at maong na pantalon. Nakapamulsa ang isa nitong kamay samantalang ang isa ay nakahawak sa katabing babae. Ang babae naman, sa hinuha niya ay may tangkad na limang talampakan at walong pulgada, balingkinitan, at may maputlang kulay ng balat. Nakalugay ang buhok niyo na siyang nakatakip sa likod niyang kita dahil sa estilo ng suot na damit. Kaharap ng dalawa ang manager ng tindahan na kilala na nilang dalawa. “Marco, gusto kong magtugtog ulit gamit ang violin na ‘to. Sa mga nalalabi kong panahon dito sa mundo, gusto kong makapagpasaya ulit ng mga tao,” wika nito. “Walang problema.” Biglang napasimangot si Jane nang mabosesan ang lalaki. Balak niyang lapitan ang mga ito pero nang humakbang ay mabilis na hinawakan ni Lilian ang kanyang braso. Tumimgin siya dito at iling lang ang naging tugon sa kanya na naintindihan naman niyang hayaang makita sila ng dalawa. “Oh, Miss Lilian, I’m glad you’re here,” wika ng store manager nang mamataan silang nakatayo malapit sa pintuan. May pag-aalala sa mukha nito habang papalapit sa kanila. “May problema ba, James?” Si Jane ang unang nagtanong dito. “Gustong bilhin ni Mr. Santander ang violin ni Miss Lilian. Sinabi kong hindi ito ibinibenta pero nag-offer siya ng malaking halaga kaya tinawagan ko kayo,” tugon ng llalaki. Magkakaharap na sila ngayong lima sa harapan ng violin. Seryoso siyang nakatingin sa dalawa na akala mo’y hindj niya ito mga kilala. Si Winona ang unang lumapit sa kanya. Parang sinadya pa nitong yumuko para makita niya ang kuwintas na suot nito na pag-aari ng kanyang ina. Sa gigil niya ay binaklas niya sa leeg nito ang kuwintas. “Kinuha mo na nga itong kuwintas, ngayon gusto mo pa pati violin na iniwan ng nanay ko sa ‘kin? Lahat na lang ba ng sa akin ay pag-i-interesan mo, Winona?” Malumanay pero mariing wika niya sa babae. “Lilian?” Halos pasigaw na sabi ni Marco sabay kabig sa balikat ni Winona para protektahan ito. “Akin na ang kuwintas. Ako ang nagbigay niyan kay Winona,” inilahad nito ang isang kamay para kunin ang alahas na hawak ni Lilian. “Sa nanay ko ‘to, bakit ko ibibigay? At sa tono mo parang hindi akin ‘to, na para bang hindi niya alam na para talaga sa akin ‘to, Mr. Santander,” nang-uuyam na wika niya sa lalaki. “Hayaan mo na Marco kung hindi niya ibabalik. para naman talaga sa kanya ‘yan ‘di ba?” Lalong nairita si Lilian sa sinabi ni Winona. Parang ipinapalabas nito na parang siya pa ang nanguha ng hindi kanya dahil imbis na ‘ibigay’’ ang sabihin, eh ibalik ang ginamit. “Ibinigay ko ‘yan kay Winona kaya akin na ‘yan, Lilian,” galit na wika ni Marco. Palipat-lipat naman ang tingin ng manager sa kanila na tila nagtataka sa nangyayari. Tumimgin ito kay Jane na parang nagtatanong pero umiling lamang ang dalaga sa kanya. “Bakit ang hilig mong kunin ang lahat ng akin, Winona? Si Marco pati si Justine mas pinapaboran ka na nila, itong kuwintas, at ngayon itong violin? Bakit napakainteresado mo sa mga bagay na hindi sa ‘yo? Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Ang angkinin ang mga bagay na hindi sa ‘yo?” Mahabang wika ni Lilian habang pinipigil ang magkahalong sakit at galit. Napadikit naman si Jane sa kanya at bahagya siyang hinawakan sa braso para pakalmahin. Naluha naman si Winona pagkatapos marinig ang kanyang mga sinabi. “Sumusobra ka na Lilian!” Saway ni Marco na akmang sasampalin siya. “Sasaktan mo ako? Sige, kasi diyan ka naman magaling. Paniwalang-paniwala ka diyan sa babaeng ‘yan,” nagpupuyos ang kaloobang sansala ni Lilian sa akmang gagawin ni Marco. “At ikaw Winona, hindi ba gustong-gusto mo itong violin? Sige, ibibigay ko pero kailangang si Marco ang makiusap sa akin.” Baling niya kay Winona. “Tama na, Lilian.” “Hindi ba, handa kang gawin at ibigay ang lahat sa kanya, then gawin mo ang sinasabi ko. Kung hindi pasensiyahan tayo pero kukunin ko itong violin,” dagdag pa niya. Lalong nagalit si Marco pero nadismaya naman si Lilian sa isiping kaya nitong magsakripisyo para sa taong minamahal. Kagaya niya, hindi niya rin kayang panindigan ang sinabi kay Winona lalo’t nakasalalay ang kanyang pride. Hindi na natinag pa si Lilian at binalingan ang manager ng store. “James, kukunin ko ang violin ngayon at iuuwi. Maari mo bang ayusin ang mga papeles, ngayon na?” Pakiusap niya dito. Nag-aalangan naman ang lalaking tumingin kay Marco at hindi iyon nakaligtas kay Lilian. “Ako ang may-ari ng violin at hindi siya kaya ako ang masusunod dito, James.” Walang nagawa ang manager at sinunod ang kahilingan ni Lilian. Ilang saglit lang at bumalik si James na dala ang mga papeles na pinirmahan nila noon nang iwan ang instrumento sa store. “Maraming violin dito, James can even contact someone to deliver if may mapili kayo sa mga catalogues nila. Bakit hindi ang isa don ang bilhin niyo? Huwag ‘yung pagmamay-ari na ng iba,” sabi ni Lilian na hinarap ang dalawa pero kay Winona nakatingin. Pagkatapos tingnan ang dalawa ay tinanguan ni Lilian si Jane at inaya ng umalis bitbit ang violin. Naiwan namang nakakuyom ang kamao ni Marco dahil galit ito sa inasta ni Lilian. “Baka nagalit si Lilian dahil hindi kayo umuwi para sa kaarawan niya,” mahinang wika ni Winona kay Marco. “Huwag mo ng isipin ‘yon. Ganyan talaga siya, kakausapin ko siya mamaya pag-uwi,” tugon ni Marco at inalalayan na ang babae palabas ng store. “Maghanda ka para sa plano mong pagtugtog ulit. Maipapadala ko rin ang violin sa ‘yo.”Wow, bes. Hindi ko akalaing may tapang kang harapin at sabihin lahat ng‘yon kay Marco kanina. Imagine sa limang taon puro pagtitiis ang ginawa mo,” wika ni Jane habang binabaybay nila ang daan pauwi sakay ng sasakyan ng huli. “Siguro sobrang nainsulto lang ako na pati ang mga naiwan ni nanay ay interesado ang babaeng ‘yon,” tugon niya sa kaibigan na kinuha ang kuwintas na binaklas mula sa leeg ni Winona. “Sabagay, deserve ng gagang ‘yon. Masyado niyang manipulate si Marco dahil sa sakit niya. At ang tangang Marco, naturingang matalino at magaling sa negosyo naniwala naman sa kapritso ng babaeng ‘yon. Bagay nga sila.” Napabuntonghininga na lamang si Lilian pero hindi rin nawala na mag-allaa siya para sa anak. Kinagabihan, umuwi si Marco at sumalubong sa kanya ang katahimikan sa buong bahay na nagdulot sa kanya ng labis na pagtataka. Napakunot ang noong tinungo niya ang dining area, at dumiretso ng kusina pero wala itong katao-tao. Wala ring pagkaing nakahanda na sadyang nakapagtat
So, iniwan mo sa yaya si Justine?” Agad na tanong ni Jane kay Lilian nang umusad na ang sasakyan para lisanin nila ang kanilang bahay. “Oo,” na sumandal sa upuan at ipinikit saglit ang mga mata. “Wala kang gagawin? Iiwan mo ang bata sa kanila? Eh, ikaw lang ang nag-aalaga sa kanya ng maayos ah.” Napabuntonghininga si Lilian para alisin o mabawasan ang tila nakadagan sa kanyang dibdib bago tinugon ang kaibigan. “May magagawa ba ako kapag ilalaban ko ang karapatan ko sa bata? Kilala mo ang mga Santander, hindi ba?” “Pero kung ang batas ang susundin, sa edad ni Justine, nasa iyo pa dapat siya,” muling giit ni Jane. “Alam ko ‘yon pero sa dami ng koneksyon ng mga Santander, wala akong laban lalo at wala akong trabaho. Gawin nilang grounds ‘yon para alisan ako ng karapatang alagaan siya.”Bago pa man magdesisyon na lisanin ang kanyang mag-ama ay naisip na ni Lilian ang lahat. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang anak kung aabot pa sila ng korte kaya mas pinili niyang magsakripisyo kah
“Anong sabi mo?” “Maghihiwalay na tayo. Wala rin namang patutunguhan na ang lahat ng ito. Ibibigay ko na ang kalayaan niyo ni Winona. Hindi mo rin lang kayang panindigan ang lahat ng ginawa ko para sa inyo ni Justine, maghihiwalay na tayo kasi parang wala lang din eh.” “Sa akala mo ba nakalimutan ko ang anniversary natin kaya ka galit? Ibinili pa nga kita ng regalo eh. . . “Regalo? Ang kuwintas ba ng nanay ko na suot ngayon ni Winona? Na ipinangako mong ibibigay sa akin bago tayo ikasal?” Saglit pang nagulat si Marco kung bakit nalaman ito ng asawa. Naalala niyang nagpaalam si Winona na i-po-post ito sa social media habang kumakain sila kasama ang kaibigan ng babae. “Iyon lang ba? Pinahiram ko lang kay Winona, ibabalik ko rin sa ‘yo ‘yon.”“Kailan? Kung patay na siya?”“Ang bibig mo Lilian. Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo.” “Bakit? Hindi ba ikaw na rin ang maysabing maiksi na lang na panahon ang ilalagi niya sa mundo? Kung bakit ba kasi pati ako nadadamay diyan sa sitwasyon ni
The light is dimly lit. Quiet. A woman sitting on one of the chair in a four-seater dining table. Nakaharap ito sa mesang may nakahandang pagkain, nakasinding kandila, at preskong mga bulaklak. Naghihintay. “Bakit kaya wala pa sila?” Bulong niya pagkatapos tingnan ang oras. Mag-ika-sampu na ng gabi. Napatingin siya sa nga pagkaing inihanda sa mesa para sa kanyang mag-ama. Lumamig na ang mga ito dahil dalawang oras na ang nakalipas mula nang inihanda niya ang mga ito. Maaga pa kanina ay inihanda na niya lahat ng paborito nila para kanilang pagsaluhan. Kaarawan niya at wala pa rin siyang ibang inisip kundi ang mga pagkaing paborito ng kanyang mag-ama. Isa nang magandang regalo na makita ang mga itong masayang kainin ang kanyang mga inihanda. Siya si Lilian, isang mabuting ina at katuwang sa buhay. Piniling tumigil sa pagtatrabaho para matuunan ng pansin at alagaan ang kanyang mag-ama. Pero napalis ang kanyang nararamdamang saya at pag-asang uuwi ang kanyang mag-ama para samahan siya







