แชร์

CHAPTER 3

ผู้เขียน: ShadowPaw
last update วันที่เผยแพร่: 2026-09-02 03:33:31

Nagising si Mayumi mula sa mahimbing na pagkakatulog nang may kung anong tumama sa kaniyang mukha. Nang imulat niya ang mga mata, napadaing siya nang salubungin ng nakakasilaw na sinag ng araw ang kaniyang paningin.

“Pasensya na po, Ma'am Mayumi,” hinging paumanhin ng isang tinig.

Bumangon siya at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig. Sa paanan ng kama, isang babae ang prenteng nakatayo habang nakatingin sa kaniyang direksyon.

“O-Okay lang po, ate.” Kinusot niya ang mga mata bago bumaba sa kama. “Ano po ang pangalan niyo? At kaano-ano po kayo ni Kee?”

“Ako po si Jelay, isa po sa mga kasambahay ni Sir. Keegan. Naghihintay na po siya sa inyo para sabay na po kayong makapag-almusal.”

Saglit pang napatingin si Mayumi kay Jelay bago tuluyang tumango. Bago siya sumunod dito, dumiretso muna siya sa banyong nasa loob din ng malawak na silid na tinuluyan niya magdamag. Nag-ayos siya ng sarili upang maging presentable sa pagharap kay Keegan.

Pagkatapos, sumunod na siya kay Jelay hanggang sa makarating sila sa kusina. Mula roon, nasilayan niya ang lalaki na abala sa pagbabasa ng isang magazine.

“Good morning,” nakangiting bati nito bago ibaba ang hawak na magazine sa mesa. “Have a seat and join me.”

Tumango siya at tahimik na umupo sa gilid nito. “M-Magandang umaga rin, Kee.”

Sa totoo lang, kagabi pa siyang hindi komportable sa pagtawag dito ng “Kee.” Malaki ang agwat ng edad nila—labing-isang taon ang tanda ni Keegan sa kaniya—kaya para kay Mayumi, mas nararapat na tawagin niya itong “Kuya.” Ngunit mapilit si Keegan, kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto nito.

“Nakatulog ka ba nang maayos?” tanong nito.

“M-Medyo. Namamahay rin ako. Ngayon lang kasi ako nakatulog sa ganitong kagarang bahay.”

Mahinang natawa si Keegan. “No worries. Masasanay ka rin dito.”

Kaagad natigilan si Mayumi sa tinuran nito. May ibig bang sabihin ang sinabi nito? Napailing na lamang siya at inisip na wala lang iyon.

“You told me your things are gone, including your phone. May mga pinabili akong damit para sa iyo. Nasa living area ang mga ’yon. And here, I got you a new phone.”

Namilog ang mga mata ni Mayumi nang ipatong ni Keegan sa harap niya ang isang kahon. Pagkakita pa lamang niya roon, alam na niyang mamahalin iyon dahil sa tatak na nakaukit sa kahon—isang mansanas na may kagat.

“P-Para sa akin talaga ito, Kee?” hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumango ito. “You need it. You can now use it to contact your cousin.”

“S-Salamat, Kee…”

Nakangiting tumango lamang ang lalaki. Mayamaya, nagsimula na silang kumain. Tahimik silang dalawa, tanging kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa paligid.

Pagkatapos ng almusal, umalis na rin si Keegan upang pumasok sa trabaho kasama ang butler nitong si Reginald. Naiwan si Mayumi sa penthouse nito kasama ang tatlo nitong kasambahay.

“Mga ate, ano po ba’ng trabaho ni Kee?” tanong niya habang abala ang mga ito sa paglilinis ng living area.

“CEO po siya, Ma'am Mayumi. CEO ng isa sa mga pinakamalaking kumpanya rito sa Pilipinas—ang Ferrerias Prestige Holdings. Sobrang yaman po ni Sir. Keegan. Sa katunayan, isa siya sa mga batang bilyonaryo sa bansa,” sagot ni Jelay sa kaniya.

Hindi maiwasang mamangha ni Mayumi kay Keegan. Kagabi lamang sila unang nagkita, ngunit sa maikling panahon ay unti-unti na niyang nakikilala kung anong klaseng tao ito. Sa kabila ng yaman nito, nanatili itong mabait, hindi tulad ng iba na mapagmataas at matapobre.

“Wala pa po ba siyang asawa?” nagtataka niyang tanong.

Nagkatitigan ang tatlo.

“Wala po siyang asawa, Ma'am Mayumi,” sagot ni Vangie sa kaniya at luminga-linga, tila sinisigurado nitong walang ibang tao bukod sa kanila. “Pero ang balita namin, ikakasal na siya sa isang buwan.”

“’Wag ka pong maingay, ha, Ma'am Mayumi. Isa sa mga ayaw ni Sir. Keegan ay pinagtsitsismisan siya,” sambit naman ni Imee.

Hindi naman malalaman ni Keegan na pinag-uusapan nila ito dahil aalis na rin naman siya. Pansamantala lamang ang pagtuloy niya rito; aalis din siya kapag nakasagot na sa text niya ang pinsan niya.

“Sobrang suwerte naman po ng mapapangasawa niya,” hindi mapigilan niyang sabi.

“Sobrang suwerte talaga,” sambit ni Vangie. “Bukod sa mayaman na, guwapo pa. Saan ka pa?” dagdag pa nito, dahilan para magkahalakhakan silang lahat.

Nagpatuloy sila sa masayang pagkukuwentuhan, ngunit hindi nagtagal ay nagpaalam na rin siya. Pinigilan pa siya ng mga ito, sinasabing hindi naman daw siya pinapaalis ng kanilang amo. Ngunit dahil makulit siya, hindi siya nagpapigil.

“Bakla ka, kagabi pa kita kinokontak. Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?” sita ni Boyet sa kaniya, ang pinsan niyang bakla na halos kaedad lamang niya.

“Mahabang kuwento, Boyet. Ikukuwento ko na lang kapag nakarating na tayo sa apartment mo.”

“Gàga ka, beb. Pinag-alala mo ako nang sobra. Sabi ko sa Divisoria kita hihintayin, hindi sa BGC.”

Nangunot ang noo niya. “Malayo ba ang BGC sa Divisoria?”

Humagalpak ng tawa si Boyet. “Umuwi na tayo at nang malaman mo. Halika na…”

Wala nang nagawa si Mayumi kundi sumunod sa pinsan niya. Pagkalipas ng halos isang oras, nakarating na sila sa tinitirahan nitong apartment.

“Malayo, ’di ba?”

Napakamot siya sa batok. “Malayo nga,” sagot niya bago bumuntong-hininga. “May tumawag ba sa iyo mula sa pamilya ko?” tanong niya pa.

“Wala naman. Pero bakla, seryoso ka ba talaga sa desisyon mo? Hindi madali ang buhay rito sa Maynila. Kasi, kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa ring tumira sa Cebu.”

“Desidido na ako, Boyet. Ikaw ba, magpapakasal ka ba sa lalaking hindi mo naman kilala at mahal?”

Mabilis na tumango ang pinsan. “Oo naman, basta’t malaki ang òtin,” sagot nito.

“Buang ka!”

Natawa na lamang si Mayumi sa kalokohan ng bakla niyang pinsan. Hindi nagtagal, ikinuwento na niya rito ang nangyari sa kaniya kagabi. Nagulat pa ito, ngunit mabuti na lamang daw at ligtas siya.

At dahil mahaba pa naman ang araw, nagpahinga na muna siya dahil hindi siya nakatulog nang maayos sa penthouse ni Keegan.

Ngunit nagising na lamang siya nang marinig niya ang sunod-sunod na paghiyaw ni Boyet. Nang imulat niya ang mga mata, tumatakbo na ito palapit sa kaniya.

“Ano’ng nangyayari, Boyet?” kabado niyang tanong.

“Bakla, may naghahanap sa iyo sa labas. Naka-limousine, ’day. Manliligaw mo?”

“Ano?” naguguluhan niyang turan.

Sa sobrang kasabikan ni Boyet, hindi na ito nakasagot sa kaniya, kaya wala siyang nagawa kundi ang lumabas. Paglabas niya, nanlaki ang mga mata niya nang makita si Reginald. Saktong binuksan nito ang p***o ng kotse at mula roon ay bumaba si Keegan.

May ngiti itong lumapit sa kaniya bago hinubad ang suot na shades, kaya hindi niya maiwasang masilayan ang mapupungay nitong mga mata.

“Did you really think you could leave without telling me?” tanong nito, dahilan upang mapa-awang ang bibig ni Mayumi sa gulat.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 5

    Biglang nagising ang inaantok na diwa ni Mayumi nang marinig ang sinabi ni Keegan.Umalis siya ng Cebu para takasan ang kasal na hindi niya ginusto—para lamang alukin ng panibagong kasal ng lalaking kagabi lamang niya nakilala.“Nagpapatawa ka ba, Kee?”“Definitely not! Hindi ako nagbibiro, Miss Mayumi. Pakasalan mo lang ako at ibibigay ko sa iyo ang buhay na gusto mo. Just be my wife, and I’ll change your life forever.”Mariing napatitig si Mayumi sa mga mata ni Keegan. Saglit siyang hindi nakapagsalita bago niya ito hinila papasok sa loob ng apartment.“I need water,” sambit ni Keegan nang makaupo ito sa sofa.Umiling si Mayumi bago kumuha ng isang basong tubig. Nang iabot niya iyon kay Keegan, tila sinuri muna nito ang laman bago siya tinanong ng tingin.“Mineral ’yan. Kakabili lang ni Boyet kanina.”Pagkasabi niya noon, inisang tungga ni Keegan ang laman ng baso. Napangiti nang bahagya si Mayumi bago umupo sa tapat nito.“Alam mo ang sitwasyon ko, Kee. Tumakas ako sa kasal sa Cebu

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 4

    “Bakit ka umalis sa penthouse ko nang hindi man lang nagpaalam sa akin?”Hindi makakibo si Mayumi nang sandaling iyon habang nakatitig kay Keegan. Nasa loob na sila ng apartment ni Boyet at magkaharap na nakaupo.“Soft drink, pampalamig sa mainit na panahon,” mayamaya’y sambit ng pinsan niya bago ipatong sa gitna nila ang isang bote ng soft drink. “Pasensya na, ’yan lang ang nakayanan ko,” dagdag pa nito bago umupo sa tabi niya.Hindi man lang binigyan ni Keegan ng atensyon ang pinsan niya. Sa halip, nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa kaniya.Umiling siya bago marahas na bumuntong-hininga. “H-Hindi naman ako sumama sa iyo para magtagal doon. Kagabi pa lang, naisip ko nang umalis kinabukasan.”“Without telling me?!” Biglang umangat ang boses ni Keegan.“Pasensya na, Kee. Mali ako. Mali na hindi ako nagpaalam sa iyo. Pasensya na…”Natatawang napailing si Keegan bago ipinagkrus ang mga binti. “Hindi ko ipinagdamot sa iyo ang bahay ko, Miss Mayumi. I didn’t ask you to leave. You hav

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 3

    Nagising si Mayumi mula sa mahimbing na pagkakatulog nang may kung anong tumama sa kaniyang mukha. Nang imulat niya ang mga mata, napadaing siya nang salubungin ng nakakasilaw na sinag ng araw ang kaniyang paningin.“Pasensya na po, Ma'am Mayumi,” hinging paumanhin ng isang tinig.Bumangon siya at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig. Sa paanan ng kama, isang babae ang prenteng nakatayo habang nakatingin sa kaniyang direksyon.“O-Okay lang po, ate.” Kinusot niya ang mga mata bago bumaba sa kama. “Ano po ang pangalan niyo? At kaano-ano po kayo ni Kee?”“Ako po si Jelay, isa po sa mga kasambahay ni Sir. Keegan. Naghihintay na po siya sa inyo para sabay na po kayong makapag-almusal.”Saglit pang napatingin si Mayumi kay Jelay bago tuluyang tumango. Bago siya sumunod dito, dumiretso muna siya sa banyong nasa loob din ng malawak na silid na tinuluyan niya magdamag. Nag-ayos siya ng sarili upang maging presentable sa pagharap kay Keegan.Pagkatapos, sumunod na siya kay Jelay hanggang sa ma

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 2

    Bumakas ang gulat sa mukha ng lalaki bago nito ibinulsa ang hawak na cellphone.“What's the matter, miss?”“May lalaki pong humahabol sa akin,” nanginginig niyang sagot. “Balak niya po akong pagsamantalahan.”Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Where?”Mabilis na nilibot ni Katya ang kaniyang paningin, ngunit wala na ang lalaking humahabol sa kaniya. Para bang bigla na lamang itong naglaho.“W-Wala na po siya…” mahina niyang sambit. “P-Pasensya na po…”Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ng lalaki bago nahihiyang yumuko. Pakiramdam niya'y naabala lamang niya ito.Humakbang siya paatras upang sana'y umalis na. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, bigla niyang naramdaman ang isang matibay na brasong pumalibot sa kaniyang baywang.Napasinghap siya bago marahang napatingala sa lalaki. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at doon lamang niya namalayang halos magkadikit na pala ang kanilang mga mukha. Maging ang banayad at mabangong hininga nito ay malinaw niyang nasasamyo n

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 1

    Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, pakasalan mo. Pero paano kung ipinakasal ka sa isang taong hindi mo naman mahal?Iyan ang mapait na katotohanang kinakaharap ni Katya Santos.Dahil sa napakalaking utang ng kaniyang pamilya sa isang mayaman at makapangyarihang angkan, wala silang nagawa kundi tanggapin ang alok ng mga ito—ang ipakasal si Katya sa kanilang anak bilang kabayaran sa kanilang pagkakautang.Ngunit ayaw niyang hayaang ang kaniyang kinabukasan ay diktahan ng isang kasunduang hindi naman niya pinili. Sa takot na tuluyang mawalan ng kalayaan at ng pagkakataong tuparin ang kaniyang mga pangarap, tumakas siya mula sa Cebu at nagtungo sa Maynila, determinadong magsimulang muli at bumuo ng panibagong buhay.Saktong alas-nuwebe ng gabi nang lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Paglabas niya ng terminal, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Wala sa sarili siyang napangiti bago dahan-dahang naglakad palabas ng airport.

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status