แชร์

CHAPTER 5

ผู้เขียน: ShadowPaw
last update วันที่เผยแพร่: 2026-09-02 03:38:38

Biglang nagising ang inaantok na diwa ni Mayumi nang marinig ang sinabi ni Keegan.

Umalis siya ng Cebu para takasan ang kasal na hindi niya ginusto—para lamang alukin ng panibagong kasal ng lalaking kagabi lamang niya nakilala.

“Nagpapatawa ka ba, Kee?”

“Definitely not! Hindi ako nagbibiro, Miss Mayumi. Pakasalan mo lang ako at ibibigay ko sa iyo ang buhay na gusto mo. Just be my wife, and I’ll change your life forever.”

Mariing napatitig si Mayumi sa mga mata ni Keegan. Saglit siyang hindi nakapagsalita bago niya ito hinila papasok sa loob ng apartment.

“I need water,” sambit ni Keegan nang makaupo ito sa sofa.

Umiling si Mayumi bago kumuha ng isang basong tubig. Nang iabot niya iyon kay Keegan, tila sinuri muna nito ang laman bago siya tinanong ng tingin.

“Mineral ’yan. Kakabili lang ni Boyet kanina.”

Pagkasabi niya noon, inisang tungga ni Keegan ang laman ng baso. Napangiti nang bahagya si Mayumi bago umupo sa tapat nito.

“Alam mo ang sitwasyon ko, Kee. Tumakas ako sa kasal sa Cebu, tapos aalukin mo naman akong pakasalan ka?” Pinukulan niya ito nang matalim na tingin. “Bakit ako?”

“Kagaya mo, pinilit din akong pakasalan ang isang taong hindi ko kilala at hindi ko mahal. Magkaiba lamang tayo ng dahilan. Ikaw ay dahil sa utang, samantalang ako ay dahil sa negosyo at pangalan. Just like you, ayoko ring magpakasal. Ikaw ang pinili ko dahil… dahil kilala na kita, Miss Mayumi.”

Hindi napigilan ni Mayumi ang mapatawa. “Parang ayokong maniwala sa huli mong sinabi, Kee. Kilala mo na ako? Eh, kagabi lang tayo nagkakilala, ’di ba? Kung hindi pa ako humingi ng tulong sa iyo, baka wala tayo sa sitwasyong ito ngayon.”

Umiling si Keegan. “Pero sa inyong dalawa ng babaeng itinakda para sa akin, ikaw ang mas kilala ko. You’re right, we only met last night, pero ang pagkakakilala at pagbuo ng tiwala ay hindi nasusukat sa tagal, kundi sa paraan ng pakikitungo sa isa’t-isa. At ’yon mismo ang nangyari sa atin. Maayos tayo ngayon kahit kagabi lang natin nakilala ang isa’t-isa.” Saglit itong huminto bago muling nagsalita. “Trust me, Miss Mayumi. Once you accept my offer, your life will change in ways you never expected. Please… marry me.”

May pagmamakaawa sa tinig nito habang nakatingin sa kaniya.

Napailing si Mayumi bago sinapo ang noo. Hindi madali ang desisyong kinakaharap niya ngayon. Ang hinihiling ni Keegan sa kaniya ay siya ring dahilan kung bakit siya tumakas mula sa kanilang probinsya.

“Hindi ko alam, Kee…” anas niya. “Napakaraming babae sa mundo. Hindi lang naman ako ang nag-iisa. Bakit hindi mo subukan sa iba?”

Ngumisi si Keegan. “Ngayon pa na malapit na akong ikasal? Hindi ganoon kadali ’yon, Miss Mayumi. Kailangan ko munang makuha ang tiwala nila. Kaya ikaw ang pinili ko dahil pareho na nating pinagkakatiwalaan ang isa’t-isa. Please, just accept my offer. ’Yan lang ang gusto ko. Please…”

Ramdam ni Mayumi ang lubos na pagmamakaawa ni Keegan. Mas lalo siyang nahirapan nang makita kung gaano ito kadesperadong mapapayag siya.

Kung ganoon lamang kadali ang lahat, kanina pa sana siya pumayag.

“Pag-iisipan ko mu—”

“Gusto mong magsimula muli, ’di ba?” Tumayo si Keegan mula sa kinauupuan bago lumipat sa tabi niya. Mataman siya nitong tiningnan sa mga mata bago muling nagsalita. “Hayaan mong tulungan kitang makapagsimula ng bagong buhay, na walang sinumang nakakakilala sa iyo. Poprotektahan kita, Miss Mayumi. More than wealth, I could also be your knight in shining armor.”

Napakagat-labi siya bago saglit na yumuko. “Sigurado ka ba sa akin, Kee?” diretsahan niyang tanong.

“Hindi ako pupunta rito kung hindi ako sigurado sa iyo. Yes, sigurado ako sa iyo, Miss Mayumi.”

Mataman niya itong tiningnan bago pilit na ngumiti. “Kung ganoon, pumapayag na ako sa gusto mo. Papakasalan na kita…”

Hindi niya alam kung tama ba ang desisyong ginagawa niya. Ngunit sa mga sinabi ni Keegan, unti-unting nabuo sa isip niya ang isang bagay—handa itong protektahan siya anumang oras.

At kailangan niya iyon ngayong nasa Maynila na siya at sinusubukang magsimula ng bagong buhay.

“Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan ang naging desisyon mo, Miss Mayumi.”

Pagkatapos, hinapit siya ni Keegan at mahigpit na niyakap. Nanigas siya sa gulat, ngunit wala na siyang nagawa kundi manatili sa yakap nito. Sa kabila ng bahagyang pagkailang, hinayaan na lamang niyang magkalapit ang kanilang mga katawan.

Hindi nagtagal, humiwalay na rin sila sa isa’t-isa. May dinukot si Keegan mula sa bulsa nito at, nang iabot nito ang kamay sa kaniya, napansin niyang may hawak na itong singsing.

“Will you marry me, Miss Mayumi?” buong-ngiting tanong nito.

Sa halip na magsalita, tumango lamang siya. Buong galak namang kinuha ni Keegan ang kaniyang kamay at isinuot ang singsing sa kaniyang daliri.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nakahinto na ang isang mamahaling sasakyan sa tapat ng apartment ni Boyet. Mula roon, bumaba si Reginald.

“Pinapasundo ka na ni Mr. Ferrerias, Miss Santos.”

Tumango si Mayumi. Nagbihis muna siya bago sumama kay Reginald. Sa araw na iyon, sisimulan na nila ang proseso ng pagpapakasal hanggang sa tuluyan silang maikasal.

Dahil sa mga koneksyon ni Keegan, naging madali lamang ang lahat ng kailangang asikasuhin. Ilang araw lamang ang inilaan nila bago tuluyang matapos ang proseso. At sa isang simbahan na kakaunti lamang ang mga bisita, ginanap ang kanilang simpleng kasal.

“I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride,” sambit ng pari.

Masuyong inangat ni Keegan ang belo sa mukha ni Mayumi bago malapad na ngumiti.

“Hahalikan mo talaga ako?” seryoso niyang tanong sa lalaki.

“Of course. Kailangan nating ipakita na sincere ang kasal na ito para hindi nila mahalatang staged lang.”

“Pero wala sa usapan natin—”

Hindi na natuloy ni Mayumi ang sasabihin nang bigla siyang halikan ni Keegan.

Nagulat siya sa ginawa nito, ngunit hindi na niya magawang itulak ito palayo. Sa halip, nanatili siyang nakapikit at hinayaan ang halik nito hanggang sa unti-unti siyang madala ng init nang sandaling iyon.

At sa isang iglap—isa na siyang ganap na Ferrerias, asawa ng isa sa mga pinakabatang bilyonaryo sa bansa at CEO ng isang malaking conglomerate.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Mayumi, darating ang araw na pagsisisihan niya ang kasal na pinasok niya.

Dahil sa likod ng perpektong lalaking pinili niyang maging asawa, may isang lihim na naghihintay na mabunyag—isang lihim na tuluyang magpapabago sa lahat.

Ano kaya iyon?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 5

    Biglang nagising ang inaantok na diwa ni Mayumi nang marinig ang sinabi ni Keegan.Umalis siya ng Cebu para takasan ang kasal na hindi niya ginusto—para lamang alukin ng panibagong kasal ng lalaking kagabi lamang niya nakilala.“Nagpapatawa ka ba, Kee?”“Definitely not! Hindi ako nagbibiro, Miss Mayumi. Pakasalan mo lang ako at ibibigay ko sa iyo ang buhay na gusto mo. Just be my wife, and I’ll change your life forever.”Mariing napatitig si Mayumi sa mga mata ni Keegan. Saglit siyang hindi nakapagsalita bago niya ito hinila papasok sa loob ng apartment.“I need water,” sambit ni Keegan nang makaupo ito sa sofa.Umiling si Mayumi bago kumuha ng isang basong tubig. Nang iabot niya iyon kay Keegan, tila sinuri muna nito ang laman bago siya tinanong ng tingin.“Mineral ’yan. Kakabili lang ni Boyet kanina.”Pagkasabi niya noon, inisang tungga ni Keegan ang laman ng baso. Napangiti nang bahagya si Mayumi bago umupo sa tapat nito.“Alam mo ang sitwasyon ko, Kee. Tumakas ako sa kasal sa Cebu

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 4

    “Bakit ka umalis sa penthouse ko nang hindi man lang nagpaalam sa akin?”Hindi makakibo si Mayumi nang sandaling iyon habang nakatitig kay Keegan. Nasa loob na sila ng apartment ni Boyet at magkaharap na nakaupo.“Soft drink, pampalamig sa mainit na panahon,” mayamaya’y sambit ng pinsan niya bago ipatong sa gitna nila ang isang bote ng soft drink. “Pasensya na, ’yan lang ang nakayanan ko,” dagdag pa nito bago umupo sa tabi niya.Hindi man lang binigyan ni Keegan ng atensyon ang pinsan niya. Sa halip, nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa kaniya.Umiling siya bago marahas na bumuntong-hininga. “H-Hindi naman ako sumama sa iyo para magtagal doon. Kagabi pa lang, naisip ko nang umalis kinabukasan.”“Without telling me?!” Biglang umangat ang boses ni Keegan.“Pasensya na, Kee. Mali ako. Mali na hindi ako nagpaalam sa iyo. Pasensya na…”Natatawang napailing si Keegan bago ipinagkrus ang mga binti. “Hindi ko ipinagdamot sa iyo ang bahay ko, Miss Mayumi. I didn’t ask you to leave. You hav

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 3

    Nagising si Mayumi mula sa mahimbing na pagkakatulog nang may kung anong tumama sa kaniyang mukha. Nang imulat niya ang mga mata, napadaing siya nang salubungin ng nakakasilaw na sinag ng araw ang kaniyang paningin.“Pasensya na po, Ma'am Mayumi,” hinging paumanhin ng isang tinig.Bumangon siya at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig. Sa paanan ng kama, isang babae ang prenteng nakatayo habang nakatingin sa kaniyang direksyon.“O-Okay lang po, ate.” Kinusot niya ang mga mata bago bumaba sa kama. “Ano po ang pangalan niyo? At kaano-ano po kayo ni Kee?”“Ako po si Jelay, isa po sa mga kasambahay ni Sir. Keegan. Naghihintay na po siya sa inyo para sabay na po kayong makapag-almusal.”Saglit pang napatingin si Mayumi kay Jelay bago tuluyang tumango. Bago siya sumunod dito, dumiretso muna siya sa banyong nasa loob din ng malawak na silid na tinuluyan niya magdamag. Nag-ayos siya ng sarili upang maging presentable sa pagharap kay Keegan.Pagkatapos, sumunod na siya kay Jelay hanggang sa ma

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 2

    Bumakas ang gulat sa mukha ng lalaki bago nito ibinulsa ang hawak na cellphone.“What's the matter, miss?”“May lalaki pong humahabol sa akin,” nanginginig niyang sagot. “Balak niya po akong pagsamantalahan.”Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Where?”Mabilis na nilibot ni Katya ang kaniyang paningin, ngunit wala na ang lalaking humahabol sa kaniya. Para bang bigla na lamang itong naglaho.“W-Wala na po siya…” mahina niyang sambit. “P-Pasensya na po…”Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ng lalaki bago nahihiyang yumuko. Pakiramdam niya'y naabala lamang niya ito.Humakbang siya paatras upang sana'y umalis na. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, bigla niyang naramdaman ang isang matibay na brasong pumalibot sa kaniyang baywang.Napasinghap siya bago marahang napatingala sa lalaki. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at doon lamang niya namalayang halos magkadikit na pala ang kanilang mga mukha. Maging ang banayad at mabangong hininga nito ay malinaw niyang nasasamyo n

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 1

    Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, pakasalan mo. Pero paano kung ipinakasal ka sa isang taong hindi mo naman mahal?Iyan ang mapait na katotohanang kinakaharap ni Katya Santos.Dahil sa napakalaking utang ng kaniyang pamilya sa isang mayaman at makapangyarihang angkan, wala silang nagawa kundi tanggapin ang alok ng mga ito—ang ipakasal si Katya sa kanilang anak bilang kabayaran sa kanilang pagkakautang.Ngunit ayaw niyang hayaang ang kaniyang kinabukasan ay diktahan ng isang kasunduang hindi naman niya pinili. Sa takot na tuluyang mawalan ng kalayaan at ng pagkakataong tuparin ang kaniyang mga pangarap, tumakas siya mula sa Cebu at nagtungo sa Maynila, determinadong magsimulang muli at bumuo ng panibagong buhay.Saktong alas-nuwebe ng gabi nang lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Paglabas niya ng terminal, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Wala sa sarili siyang napangiti bago dahan-dahang naglakad palabas ng airport.

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status