LOGIN
Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, pakasalan mo. Pero paano kung ipinakasal ka sa isang taong hindi mo naman mahal?
Iyan ang mapait na katotohanang kinakaharap ni Katya Santos.
Dahil sa napakalaking utang ng kaniyang pamilya sa isang mayaman at makapangyarihang angkan, wala silang nagawa kundi tanggapin ang alok ng mga ito—ang ipakasal si Katya sa kanilang anak bilang kabayaran sa kanilang pagkakautang.
Ngunit ayaw niyang hayaang ang kaniyang kinabukasan ay diktahan ng isang kasunduang hindi naman niya pinili. Sa takot na tuluyang mawalan ng kalayaan at ng pagkakataong tuparin ang kaniyang mga pangarap, tumakas siya mula sa Cebu at nagtungo sa Maynila, determinadong magsimulang muli at bumuo ng panibagong buhay.
Saktong alas-nuwebe ng gabi nang lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Paglabas niya ng terminal, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Wala sa sarili siyang napangiti bago dahan-dahang naglakad palabas ng airport.
“Taxi, ganda?”
Pagdating niya sa arrival area, isang may edad na lalaki ang tumawag sa kaniyang pansin. Nakasandal ito sa isang taxi, tila naghihintay ng pasahero.
“Maihahatid niyo po ba ako sa Divisoria, kuya?” magalang niyang tanong.
“Oo naman, ganda. Halika, sakay ka na.”
Binuksan nito ang p***o ng taxi, kaya wala na siyang pag-aalinlangan pang sumakay. Sumunod namang umupo ang driver sa harapan bago pinaandar ang sasakyan.
“Bagong salta ka lang ba rito sa Maynila, ganda?” tanong nito pagkaraan ng ilang sandali.
“Opo.”
“Sino naman ang pupuntahan mo sa Divisoria?”
“Pinsan ko po. Doon muna ako pansamantalang titira habang naghahanap pa po ako ng trabaho.”
Mahina itong natawa. “Sa ganda mong 'yan, imposibleng mahirapan kang makahanap ng trabaho. Ilang taon ka na ba?”
“21 po.”
“Maganda na, sariwa pa.”
Biglang nanikip ang dibdib ni Katya nang marinig ang sinabi nito. Hindi siya naging komportable sa paraan ng pagsasalita ng driver. Tahimik niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa upuan habang unti-unting bumabalot sa kaniya ang kaba. Tahimik siyang nanalangin na sana'y mali lamang ang kaniyang kutob.
“'Wag kang mag-alala, ganda,” dagdag pa ng driver. “Maihahatid kita nang maayos at ligtas sa Divisoria.”
Bahagyang napanatag ang kaniyang loob. Marahan siyang nagpakawala ng buntong-hininga bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Pinagmasdan niya ang matatayog na gusali, nagliliwanag na mga billboard, at ang walang tigil na pagdaloy ng mga sasakyan sa malalawak na kalsada.
Ganito pala ang Maynila. Malayong-malayo ito sa lugar na kaniyang kinagisnan. Umaasa siyang magiging maayos ang panibagong yugto ng kaniyang buhay sa lungsod na ito. Umaasa rin siyang bibigyan siya ng Maynila ng pagkakataong mabawi ang kalayaang ipinagkait sa kaniya at makapagsimulang muli sa paraang siya mismo ang pipili.
Dahil sa pagod sa biyahe at sa dami ng kaniyang iniisip, hindi niya namalayang nakatulog na siya. Ngunit bigla siyang nagising nang maramdaman ang isang kamay na marahang humahaplos sa kaniyang hita.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. Nakaharap na sa kaniya ang driver. Malagkit itong nakatitig habang marahang hinihimas ang kaniyang hita. Ang isa naman nitong kamay ay nasa gitnang bahagi ng sarili nitong katawan.
Parang biglang huminto ang pagtibok ng puso ni Katya. Mabilis niyang nilibot ang paningin sa paligid. Doon lamang niya napagtantong nakahinto na ang taxi sa isang madilim na eskinita. Wala siyang makitang ibang sasakyan o tao na maaari niyang hingan ng tulong.
“'Wag po…” nanginginig niyang pakiusap habang namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. “Maawa po kayo sa akin, kuya. 'Wag niyo po akong galawin…”
Ngumisi ang lalaki. “Wala akong ibang gagawin sa iyo, ganda. Sundin mo lang ang gusto ko at hindi ka masasaktan. Masisiyahan ka pa.”
Lalong lumagkit ang tingin nito habang dahan-dahan itong lumalapit sa kaniya.
“Ibuka mo ang mga hita mo. Ngayon na.”
Mariing umiling si Katya. “Hindi po! Nagmamakaawa po ako, kuya. Nandito po ako para magsimulang muli, hindi para maranasan ito. Hayaan niyo na lang po akong umalis. Hindi po ako magsusum—”
“Umiyak ka man,” putol nito sa kaniya, “wala ka nang magagawa dahil pag-aari na kita, ganda. Akin ka!”
Kasabay niyon ay mabilis itong sumugod sa kaniya. Ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit, buong lakas niya itong sinipa sa tiyan.
Napaatras ang lalaki at nawalan ng balanse. Sinamantala ni Katya ang pagkakataon. Agad niyang binuksan ang p***o ng taxi at mabilis na lumabas ng sasakyan.
Hindi na niya naisip pang kunin ang kaniyang bag at iba pang gamit. Ang tanging nasa isip niya ay ang makatakas.
Tumakbo siya nang buong bilis habang walang tigil sa pag-agos ang kaniyang mga luha.
“Bumalik ka rito!” sigaw ng driver mula sa kaniyang likuran. “Bumalik ka kung ayaw mong masaktan!”
Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Sa pagmamadali, nadapa siya at nahubad ang isa niyang sapatos. Ngunit hindi na niya iyon nilingon.
Mabilis siyang tumayo at muling sumibat, kahit nanginginig ang buo niyang katawan at halos mawalan na siya ng hininga sa sobrang takot.
Nang marating niya ang dulo ng eskinita, bumungad sa kaniya ang isang mataong kalsada. Kaliwa't kanan ang mga establisyemento, at walang tigil ang pagdaan ng mga sasakyan.
Saglit siyang nakahinga nang maluwag. Sa dami ng tao sa paligid, inakala niyang ligtas na siya. Sigurado siyang hindi na siya susundan ng manyakis na driver.
“Bumalik ka rito!”
Muling umalingawngaw ang boses ng lalaki. Napalingon si Katya at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang nakasunod pa rin ito sa kaniya.
Muli siyang nilamon ng matinding takot. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Tumakbo siyang muli nang buong bilis, kahit halos hindi na siya makahinga.
Ilang sandali pa, napadpad siya sa harap ng isang restaurant na halatang mamahalin. Sa labas pa lamang ay nakahilera na ang mga mamahaling sasakyan, habang sa loob ay makikita ang mga taong nakabihis nang elegante.
Hindi na siya nagdalawang-isip. Mabilis siyang nagtungo sa entrada ng restaurant, ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok ay hinarangan siya ng isang guwardiya.
“Miss, bawal po kayong pumasok.”
Napahinto siya. “K-Kuya, tulungan niyo po ako…” umiiyak niyang pakiusap. “May lalaking humahabol sa akin. Balak niya po akong pagsamantalahan.”
Sinulyapan siya ng guwardiya mula ulo hanggang paa. “Pasensya na po, miss, pero hindi kayo puwedeng pumasok nang ganiyan ang suot niyo.”
Hindi makapaniwala si Katya. Hindi niya alam kung ano pa ang dapat niyang gawin.
“Hindi po ako papasok,” muli niyang pakiusap habang patuloy na tumutulo ang kaniyang mga luha. “Kailangan ko lang po ng tulong. Pakiusap…”
Ngunit nanatiling nakatitig ang guwardiya sa kaniya. Tila hindi ito lubos na naniniwala sa kaniyang sinasabi.
Mayamaya pa'y bumukas ang p***o ng restaurant, at lumabas doon ang isang matangkad, guwapo, at matipunong lalaki. Nakasuot ito ng mamahaling itim na suit na akmang-akma sa matipuno nitong pangangatawan. May hawak itong cellphone at tila kagagaling lamang sa isang mahalagang hapunan.
Hindi na nagdalawang-isip si Katya. Mabilis niya itong nilapitan at mahigpit na hinawakan sa braso.
“Pakiusap po… tulungan niyo po ako…” pagsusumamo niya.
Biglang nagising ang inaantok na diwa ni Mayumi nang marinig ang sinabi ni Keegan.Umalis siya ng Cebu para takasan ang kasal na hindi niya ginusto—para lamang alukin ng panibagong kasal ng lalaking kagabi lamang niya nakilala.“Nagpapatawa ka ba, Kee?”“Definitely not! Hindi ako nagbibiro, Miss Mayumi. Pakasalan mo lang ako at ibibigay ko sa iyo ang buhay na gusto mo. Just be my wife, and I’ll change your life forever.”Mariing napatitig si Mayumi sa mga mata ni Keegan. Saglit siyang hindi nakapagsalita bago niya ito hinila papasok sa loob ng apartment.“I need water,” sambit ni Keegan nang makaupo ito sa sofa.Umiling si Mayumi bago kumuha ng isang basong tubig. Nang iabot niya iyon kay Keegan, tila sinuri muna nito ang laman bago siya tinanong ng tingin.“Mineral ’yan. Kakabili lang ni Boyet kanina.”Pagkasabi niya noon, inisang tungga ni Keegan ang laman ng baso. Napangiti nang bahagya si Mayumi bago umupo sa tapat nito.“Alam mo ang sitwasyon ko, Kee. Tumakas ako sa kasal sa Cebu
“Bakit ka umalis sa penthouse ko nang hindi man lang nagpaalam sa akin?”Hindi makakibo si Mayumi nang sandaling iyon habang nakatitig kay Keegan. Nasa loob na sila ng apartment ni Boyet at magkaharap na nakaupo.“Soft drink, pampalamig sa mainit na panahon,” mayamaya’y sambit ng pinsan niya bago ipatong sa gitna nila ang isang bote ng soft drink. “Pasensya na, ’yan lang ang nakayanan ko,” dagdag pa nito bago umupo sa tabi niya.Hindi man lang binigyan ni Keegan ng atensyon ang pinsan niya. Sa halip, nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa kaniya.Umiling siya bago marahas na bumuntong-hininga. “H-Hindi naman ako sumama sa iyo para magtagal doon. Kagabi pa lang, naisip ko nang umalis kinabukasan.”“Without telling me?!” Biglang umangat ang boses ni Keegan.“Pasensya na, Kee. Mali ako. Mali na hindi ako nagpaalam sa iyo. Pasensya na…”Natatawang napailing si Keegan bago ipinagkrus ang mga binti. “Hindi ko ipinagdamot sa iyo ang bahay ko, Miss Mayumi. I didn’t ask you to leave. You hav
Nagising si Mayumi mula sa mahimbing na pagkakatulog nang may kung anong tumama sa kaniyang mukha. Nang imulat niya ang mga mata, napadaing siya nang salubungin ng nakakasilaw na sinag ng araw ang kaniyang paningin.“Pasensya na po, Ma'am Mayumi,” hinging paumanhin ng isang tinig.Bumangon siya at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig. Sa paanan ng kama, isang babae ang prenteng nakatayo habang nakatingin sa kaniyang direksyon.“O-Okay lang po, ate.” Kinusot niya ang mga mata bago bumaba sa kama. “Ano po ang pangalan niyo? At kaano-ano po kayo ni Kee?”“Ako po si Jelay, isa po sa mga kasambahay ni Sir. Keegan. Naghihintay na po siya sa inyo para sabay na po kayong makapag-almusal.”Saglit pang napatingin si Mayumi kay Jelay bago tuluyang tumango. Bago siya sumunod dito, dumiretso muna siya sa banyong nasa loob din ng malawak na silid na tinuluyan niya magdamag. Nag-ayos siya ng sarili upang maging presentable sa pagharap kay Keegan.Pagkatapos, sumunod na siya kay Jelay hanggang sa ma
Bumakas ang gulat sa mukha ng lalaki bago nito ibinulsa ang hawak na cellphone.“What's the matter, miss?”“May lalaki pong humahabol sa akin,” nanginginig niyang sagot. “Balak niya po akong pagsamantalahan.”Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Where?”Mabilis na nilibot ni Katya ang kaniyang paningin, ngunit wala na ang lalaking humahabol sa kaniya. Para bang bigla na lamang itong naglaho.“W-Wala na po siya…” mahina niyang sambit. “P-Pasensya na po…”Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ng lalaki bago nahihiyang yumuko. Pakiramdam niya'y naabala lamang niya ito.Humakbang siya paatras upang sana'y umalis na. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, bigla niyang naramdaman ang isang matibay na brasong pumalibot sa kaniyang baywang.Napasinghap siya bago marahang napatingala sa lalaki. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at doon lamang niya namalayang halos magkadikit na pala ang kanilang mga mukha. Maging ang banayad at mabangong hininga nito ay malinaw niyang nasasamyo n
Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, pakasalan mo. Pero paano kung ipinakasal ka sa isang taong hindi mo naman mahal?Iyan ang mapait na katotohanang kinakaharap ni Katya Santos.Dahil sa napakalaking utang ng kaniyang pamilya sa isang mayaman at makapangyarihang angkan, wala silang nagawa kundi tanggapin ang alok ng mga ito—ang ipakasal si Katya sa kanilang anak bilang kabayaran sa kanilang pagkakautang.Ngunit ayaw niyang hayaang ang kaniyang kinabukasan ay diktahan ng isang kasunduang hindi naman niya pinili. Sa takot na tuluyang mawalan ng kalayaan at ng pagkakataong tuparin ang kaniyang mga pangarap, tumakas siya mula sa Cebu at nagtungo sa Maynila, determinadong magsimulang muli at bumuo ng panibagong buhay.Saktong alas-nuwebe ng gabi nang lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Paglabas niya ng terminal, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Wala sa sarili siyang napangiti bago dahan-dahang naglakad palabas ng airport.







