เข้าสู่ระบบ“Bakit ka umalis sa penthouse ko nang hindi man lang nagpaalam sa akin?”
Hindi makakibo si Mayumi nang sandaling iyon habang nakatitig kay Keegan. Nasa loob na sila ng apartment ni Boyet at magkaharap na nakaupo.
“Soft drink, pampalamig sa mainit na panahon,” mayamaya’y sambit ng pinsan niya bago ipatong sa gitna nila ang isang bote ng soft drink. “Pasensya na, ’yan lang ang nakayanan ko,” dagdag pa nito bago umupo sa tabi niya.
Hindi man lang binigyan ni Keegan ng atensyon ang pinsan niya. Sa halip, nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa kaniya.
Umiling siya bago marahas na bumuntong-hininga. “H-Hindi naman ako sumama sa iyo para magtagal doon. Kagabi pa lang, naisip ko nang umalis kinabukasan.”
“Without telling me?!” Biglang umangat ang boses ni Keegan.
“Pasensya na, Kee. Mali ako. Mali na hindi ako nagpaalam sa iyo. Pasensya na…”
Natatawang napailing si Keegan bago ipinagkrus ang mga binti. “Hindi ko ipinagdamot sa iyo ang bahay ko, Miss Mayumi. I didn’t ask you to leave. You have everything there. Umalis ka, tapos dito ka lang pupunta? Sa isang—” Bigla itong napatitig kay Boyet. “No offense, sir, but this apartment looks cheap and dirty.”
Saglit na napatingin ang pinsan niya sa kaniya bago tila inihanda ang sarili sa giyera. “First of all, mister, mahirap lang ako, kaya tama ka—mumurahin lang ang apartment kong ito. Nagtatrabaho ako nang anim na araw sa isang linggo para sa maliit na sahod. Kaya kung sa tingin mo ay kukuha ako ng mamahaling apartment, nagkakamali ka. Mas gugustuhin kong tumira sa ganitong lugar kaysa magutom at walang maipadala sa pamilya ko sa Cebu. At ikalawa, mister, itong mukha kong ito, sir? Maghunos-dili ka, mister. Sa ganda kong ito, lalaki pa rin ang tingin mo sa akin?” mataray na saad nito kay Keegan.
May pagkasarkastikong tumawa si Keegan bago sumipol. Hindi nagtagal, pumasok si Reginald sa loob.
“Yes, Mr. Ferrerias?”
“Do we still have an available unit in Coco Tower?” tanong ni Keegan sa tauhan.
Tumango ito. “Yes, Mr. Ferrerias.”
“Good. Tumawag ka roon. And give this gay man a unit for free.” Sabay turo nito kay Boyet.
Nanlaki ang mga mata ni Mayumi, samantalang ang pinsan niya ay tila nanalo sa lotto sa tuwa.
“Sir, please come with me,” wika ni Reginald sa pinsan niya.
Sabik itong tumango bago walang pagdadalawang-isip na sumunod kay Reginald palabas, kaya silang dalawa ni Keegan ang naiwan sa sala.
“Totoo ba ’yon, Kee? Alam kong mayaman ka at may kakayahan kang gawin ’yon, pero ayoko lang na dinadamay mo ang pinsan ko sa kalokohan mo.”
Tumawa si Keegan. “Mukha na akong manloloko, Miss Mayumi?” Diretso siyang tiningnan nito. “Tama nga ako. Hindi mo pa rin ako pinagkakatiwalaan.”
“May tiwala ako sa iyo,” bulalas niya. “Pero ’yong tiwalang ’yon ay hindi ibig-sabihin na doon na ako titira sa bahay mo. Hindi ko maintindihan, Kee. B-Bakit mo pa ako sinundan? At bakit parang galit ka dahil umalis ako?”
“Because I don’t want you to leave my house.”
“Bakit nga, eh?!” singhal niya.
“Dahil baka balikan ka ng lalaking muntik nang pagsámantalahan ka. Natatakot lang ako para sa iyo, Miss Mayumi.” Biglang lumambot ang mukha nito. “If he comes back, handa bang i-risk ng bakla mong pinsan ang buhay niya para sa iyo? Please, come with me.”
Natutop ni Mayumi ang mga labi sa narinig. Hindi niya alam kung paano siya magre-react sa mga sinabi nito. Kagabi lang sila nagkakilala, pero bakit ganito na ito sa kaniya? Nahihiwagaan siya sapagkat kung umasta ito, parang matagal na silang magkakilala.
“Hindi ko alam ang sasabihin ko, Kee. Naguguluhan ako. Marami akong iniisip. May pinagdadaanan pa ako ngayon na hindi ko alam kung magagawa kong malampasan.”
“Tell me, Miss Mayumi. Handa akong makinig.”
Saglit siyang napatitig sa mga mata nito bago lumunok. “Tumakas ako sa Cebu dahil ako ang ibinayad ng pamilya ko sa utang nila sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya. Ako ang ibinayad nila para… para ipakasal sa anak ng pamilyang pinagkakautangan nila. Hindi ako pumayag, kaya tumakas ako. Nandito ako sa Maynila para magsimula ng bagong buhay…” pahayag niya.
Mabilis na bumakas ang gulat sa mukha ni Keegan nang sandaling iyon. Hindi ito nakaimik habang dahan-dahang sumasandal sa kinauupuan.
“Ikakasal ka sana, pero… pero tumakas ka?” tila hindi makapaniwalang tanong nito.
Tumango siya. “Oo, kaysa magpakasal ako sa lalaking hindi ko naman kilala at, higit sa lahat, hindi ko naman mahal.”
Nang sandaling iyon, hindi na nakapagsalita pa si Keegan. Naging tahimik na lamang ito habang nakatuon ang mga mata sa kaniya.
—
Kinagabihan, dumalo si Keegan sa isang dinner sa private dining room ng Shangri-La The Fort sa BGC. Pagkapasok niya, agad siyang sinalubong ng extravagant na setup na inorganisa ng dalawang pamilya—ang kaniyang pamilya at ang pamilya ng babaeng nakatakdang mapangasawa niya.
Sa isang bahagi ng mesa nakaupo ang kaniyang pamilya, habang kaharap naman nila ang pamilya ng babaeng ipinagkasundo sa kaniya para sa dalawang bagay—negosyo at pangalan.
Tahimik lamang si Keegan nang sandaling iyon. Hindi siya makapagsalita, hindi dahil natatakot siya, kundi dahil ayaw niyang kausapin ang mga taong kasama niya.
“Keegan,” mayamaya’y tawag ng ina niya, “at least talk to your future wife.”
Napatingin siya sa babaeng nasa tabi niya. Si Emmelaine Tuazon, anak ng mayaman at prominenteng pamilya ng Tuazon, ang babaeng nakatakdang maging asawa niya.
Imbes na magsalita, binigyan niya lamang ito ng maliit na ngiti.
“Hi, Keegan.”
Tumango lamang siya.
Hindi sa pagiging bastos, pero wala siyang gana na kausapin ang isang taong hindi naman niya kilala, lalo na’t kakagaling lamang ng babae sa States.
Lumipas ang oras, nagkakasiyahan pa rin ang dalawang pamilya. Tahimik pa rin si Keegan habang mahigpit ang pagkakahawak sa kopitang may wine. Sa sobrang higpit ng hawak niya roon, halos mabasag na iyon.
“Do you have any suggestions for your wedding next month, Keegan?” mayamaya’y tanong ng ina ni Emmelaine.
Isang blangkong tingin lamang ang ibinigay niya rito bago tumayo at walang paalam na lumabas ng silid. Wala siyang ideya kung saan siya tutungo. Hinayaan na lamang niya ang kaniyang mga paa hanggang sa, hindi nagtagal, natagpuan niya ang sarili sa parking lot ng hotel, nakatayo sa tabi ng kaniyang motorsiklo.
Hindi niya gusto ang kasal na iyon, lalong hindi niya kayang magpakasal sa babaeng hindi naman niya kilala. Inis na napasigaw si Keegan.
Habang nasa ganoong sitwasyon, biglang pumasok sa isip niya si Mayumi.
Isang ideya agad ang nabuo sa isip niya.
Dali-dali niyang minaneho ang motorsiklo niya pabalik kay Mayumi. Mula BGC patungo sa apartment na kasalukuyan nitong tinitirhan, halos kalahating oras ang biyahe niya bago siya nakarating.
Mabilis siyang bumaba sa motorsiklo at lumapit sa p***o. Sunod-sunod niya itong kinatok. Sa lakas ng kaniyang katok, halos magiba na ang p***o. Kung hindi pa iyon binuksan, paniguradong masisira na iyon.
Bumungad sa kaniya si Mayumi, tila kakagaling lamang sa mahimbing na pagkakatulog. Gulo-gulo ang buhok nito, kinukusot pa nito ang mga mata habang humihikab.
“Naistorbo ba kita?” tanong niya.
“Hating-gabi na, Kee. Ano pa’ng ginagawa mo rito?”
Marahas siyang bumuntong-hininga bago umiling. “I want to offer you something, Miss Mayumi.”
“Nag-usap na tayo kanina, ’di ba? Sabi ko, pag-iisipan ko pa kung titira ba ako sa—”
“I’ll give you the luxurious life you deserve. All you have to do is marry me…”
Biglang nagising ang inaantok na diwa ni Mayumi nang marinig ang sinabi ni Keegan.Umalis siya ng Cebu para takasan ang kasal na hindi niya ginusto—para lamang alukin ng panibagong kasal ng lalaking kagabi lamang niya nakilala.“Nagpapatawa ka ba, Kee?”“Definitely not! Hindi ako nagbibiro, Miss Mayumi. Pakasalan mo lang ako at ibibigay ko sa iyo ang buhay na gusto mo. Just be my wife, and I’ll change your life forever.”Mariing napatitig si Mayumi sa mga mata ni Keegan. Saglit siyang hindi nakapagsalita bago niya ito hinila papasok sa loob ng apartment.“I need water,” sambit ni Keegan nang makaupo ito sa sofa.Umiling si Mayumi bago kumuha ng isang basong tubig. Nang iabot niya iyon kay Keegan, tila sinuri muna nito ang laman bago siya tinanong ng tingin.“Mineral ’yan. Kakabili lang ni Boyet kanina.”Pagkasabi niya noon, inisang tungga ni Keegan ang laman ng baso. Napangiti nang bahagya si Mayumi bago umupo sa tapat nito.“Alam mo ang sitwasyon ko, Kee. Tumakas ako sa kasal sa Cebu
“Bakit ka umalis sa penthouse ko nang hindi man lang nagpaalam sa akin?”Hindi makakibo si Mayumi nang sandaling iyon habang nakatitig kay Keegan. Nasa loob na sila ng apartment ni Boyet at magkaharap na nakaupo.“Soft drink, pampalamig sa mainit na panahon,” mayamaya’y sambit ng pinsan niya bago ipatong sa gitna nila ang isang bote ng soft drink. “Pasensya na, ’yan lang ang nakayanan ko,” dagdag pa nito bago umupo sa tabi niya.Hindi man lang binigyan ni Keegan ng atensyon ang pinsan niya. Sa halip, nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa kaniya.Umiling siya bago marahas na bumuntong-hininga. “H-Hindi naman ako sumama sa iyo para magtagal doon. Kagabi pa lang, naisip ko nang umalis kinabukasan.”“Without telling me?!” Biglang umangat ang boses ni Keegan.“Pasensya na, Kee. Mali ako. Mali na hindi ako nagpaalam sa iyo. Pasensya na…”Natatawang napailing si Keegan bago ipinagkrus ang mga binti. “Hindi ko ipinagdamot sa iyo ang bahay ko, Miss Mayumi. I didn’t ask you to leave. You hav
Nagising si Mayumi mula sa mahimbing na pagkakatulog nang may kung anong tumama sa kaniyang mukha. Nang imulat niya ang mga mata, napadaing siya nang salubungin ng nakakasilaw na sinag ng araw ang kaniyang paningin.“Pasensya na po, Ma'am Mayumi,” hinging paumanhin ng isang tinig.Bumangon siya at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig. Sa paanan ng kama, isang babae ang prenteng nakatayo habang nakatingin sa kaniyang direksyon.“O-Okay lang po, ate.” Kinusot niya ang mga mata bago bumaba sa kama. “Ano po ang pangalan niyo? At kaano-ano po kayo ni Kee?”“Ako po si Jelay, isa po sa mga kasambahay ni Sir. Keegan. Naghihintay na po siya sa inyo para sabay na po kayong makapag-almusal.”Saglit pang napatingin si Mayumi kay Jelay bago tuluyang tumango. Bago siya sumunod dito, dumiretso muna siya sa banyong nasa loob din ng malawak na silid na tinuluyan niya magdamag. Nag-ayos siya ng sarili upang maging presentable sa pagharap kay Keegan.Pagkatapos, sumunod na siya kay Jelay hanggang sa ma
Bumakas ang gulat sa mukha ng lalaki bago nito ibinulsa ang hawak na cellphone.“What's the matter, miss?”“May lalaki pong humahabol sa akin,” nanginginig niyang sagot. “Balak niya po akong pagsamantalahan.”Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Where?”Mabilis na nilibot ni Katya ang kaniyang paningin, ngunit wala na ang lalaking humahabol sa kaniya. Para bang bigla na lamang itong naglaho.“W-Wala na po siya…” mahina niyang sambit. “P-Pasensya na po…”Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ng lalaki bago nahihiyang yumuko. Pakiramdam niya'y naabala lamang niya ito.Humakbang siya paatras upang sana'y umalis na. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, bigla niyang naramdaman ang isang matibay na brasong pumalibot sa kaniyang baywang.Napasinghap siya bago marahang napatingala sa lalaki. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at doon lamang niya namalayang halos magkadikit na pala ang kanilang mga mukha. Maging ang banayad at mabangong hininga nito ay malinaw niyang nasasamyo n
Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, pakasalan mo. Pero paano kung ipinakasal ka sa isang taong hindi mo naman mahal?Iyan ang mapait na katotohanang kinakaharap ni Katya Santos.Dahil sa napakalaking utang ng kaniyang pamilya sa isang mayaman at makapangyarihang angkan, wala silang nagawa kundi tanggapin ang alok ng mga ito—ang ipakasal si Katya sa kanilang anak bilang kabayaran sa kanilang pagkakautang.Ngunit ayaw niyang hayaang ang kaniyang kinabukasan ay diktahan ng isang kasunduang hindi naman niya pinili. Sa takot na tuluyang mawalan ng kalayaan at ng pagkakataong tuparin ang kaniyang mga pangarap, tumakas siya mula sa Cebu at nagtungo sa Maynila, determinadong magsimulang muli at bumuo ng panibagong buhay.Saktong alas-nuwebe ng gabi nang lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Paglabas niya ng terminal, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Wala sa sarili siyang napangiti bago dahan-dahang naglakad palabas ng airport.







