แชร์

CHAPTER 2

ผู้เขียน: ShadowPaw
last update วันที่เผยแพร่: 2026-09-02 03:31:10

Bumakas ang gulat sa mukha ng lalaki bago nito ibinulsa ang hawak na cellphone.

“What's the matter, miss?”

“May lalaki pong humahabol sa akin,” nanginginig niyang sagot. “Balak niya po akong pagsamantalahan.”

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Where?”

Mabilis na nilibot ni Katya ang kaniyang paningin, ngunit wala na ang lalaking humahabol sa kaniya. Para bang bigla na lamang itong naglaho.

“W-Wala na po siya…” mahina niyang sambit. “P-Pasensya na po…”

Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ng lalaki bago nahihiyang yumuko. Pakiramdam niya'y naabala lamang niya ito.

Humakbang siya paatras upang sana'y umalis na. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, bigla niyang naramdaman ang isang matibay na brasong pumalibot sa kaniyang baywang.

Napasinghap siya bago marahang napatingala sa lalaki. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at doon lamang niya namalayang halos magkadikit na pala ang kanilang mga mukha. Maging ang banayad at mabangong hininga nito ay malinaw niyang nasasamyo nang sandaling iyon.

“No worries, you're safe with me,” sambit nito bago siya marahang binitawan.

May sinenyasan ito sa loob ng restaurant. Hindi nagtagal, isang lalaki ang lumapit sa kanilang dalawa.

“Yes, Mr. Ferrerias?” magalang nitong tanong.

“Let's leave, Reginald.”

“Pero hindi pa po tapos ang me—” Bigla itong natigilan. “Masusunod po, Mr. Ferrerias. I'll let them know.”

Nang tumango ang lalaking nasa harap niya, agad namang bumalik sa loob ang kausap nito. Marahan siyang tiningnan nito sa mga mata bago maingat na inipit sa magkabilang tainga niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa kaniyang mukha.

“Sumunod ka sa akin, miss. Hindi mo kailangang mag-alala. Ligtas ka sa piling ko,” mahinahon nitong sambit bago tuluyang naglakad palayo.

Sandaling napatitig si Katya sa lalaki. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong pagkatiwalaan matapos ang naranasan niya kanina. Ngunit dahil wala na rin siyang ibang mapagpipilian at tila wala naman itong masamang balak, nagpasya na siyang sumunod.

Pagdating sa isang mamahaling sasakyan, binuksan ng lalaki ang p***o para sa kaniya. Tahimik siyang sumakay, at ilang sandali pa'y sumunod din ang lalaking tinawag nitong Reginald sa driver's seat bago pinaandar ang sasakyan.

Tahimik lamang ang naging biyahe. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng lalaki. Nanalangin na lamang siya na sana'y tama ang naging desisyon niyang sumama rito.

“Nawawala ang isa mong sapatos,” mayamaya'y biglang sambit ng lalaki.

Napalingon siya rito at napansin niyang g nakatingin na ito sa kaniyang mga paa. Sa hiya, agad niya iyong itinago.

“Nahubad po kanina nang madapa ako. Hindi ko na po ‘yon nakuha dahil sa takot,” pag-amin niya.

“Paano ka napunta sa sitwasyong ‘yon, miss?”

Lumunok siya bago ito tinitigan sa mapupungay nitong mga mata. “G-Galing po akong airport, tapos sumakay po ako sa kaniya. Akala ko po mapagkakatiwalaan ko siya, p-pero hindi po pala. Kung hindi po ako nakatakas, b-baka nagalaw na niya po ako.”

Muli na namang namasa ang kaniyang mga mata. Umiling ang lalaki bago may dinukot sa bulsa ng pantalon nito. Nang ilahad nito ang kamay sa harap niya, may hawak na itong panyo. Kinuha iyon ni Katya at marahang pinunasan ang kaniyang mukha.

“S-Salamat po, sir.”

“Good thing you found me,” nakangiting sambit ng lalaki bago nilingon ang driver. “Reginald, you have to help Miss—” Bumaling ito sa kaniya. “What's your name?”

“K-K-Kat…” Bahagya siyang natigilan. “Mayumi po. Mayumi Santos.”

Narito siya sa Maynila upang magbagong-buhay at tiyaking walang makaaalam ng kaniyang tunay na pagkatao. Kaya naman nagsinungaling siya.

“Your name just suits you, Miss Mayumi. You're beautiful… and innocent.”

“Hindi naman po.”

“Believe me, I'm telling the truth.” Ibinalik nito ang atensyon kay Reginald. “Let's go home. When we get there, hingin mo kay Miss Mayumi ang detalye ng lalaking muntik nang manamantala sa kaniya. Alam mo na ang gagawin mo pagkatapos.”

“Yes, Mr. Ferrerias.”

Napakunot-noo si Katya. “Ano pong gagawin mo?” nagtataka niyang tanong.

Mahina itong natawa. “Kanina ko pang napapansin na nagpo-po ka sa akin. Mukha na ba akong matanda para igalang mo ako, Miss Mayumi? Ilang taon ka na ba?”

“21 po,” tugon niya.

“That's why you look innocent. You're just 21 years old. I'm 32, by the way. And…” Muli nitong inilahad ang kamay sa harap niya. “I'm Keegan Damon Ferrerias. Nice meeting you, Miss Mayumi.”

Tinanggap niya ang kamay nito at tahimik na nakipagkamay.

“Sa probinsya po kasi namin, kapag mas matanda ang kausap, dapat pong igalang.”

Natawa si Keegan. “I don't want respect, especially from you, Miss Mayumi. Call me Kee. I'd love that.”

“Bawal po bang Kuya Kee?”

“Baduy,” maktol nito. “First, I'm not old enough for you to call me 'kuya.' Second, I don't like being called 'kuya.' And third, hindi tayo magkapatid para tawagin mo akong kuya. Kee is enough, Miss Mayumi.”

Wala na siyang nagawa. Napatango na lamang siya.

“Ano po'ng gagawin niyo sa lalaking muntik nang manamantala sa akin?”

Ngumisi si Keegan bago bahagyang inilapit ang mukha sa kaniya. “We will teach him a lesson.”

Napayuko si Katya. Bagama't nagulat siya sa sinabi nito, wala na siyang naisalitang kahit ano. Tahimik na lamang siya buong biyahe hanggang sa makarating sila sa harap ng isang matayog na gusali—ang Coco Tower, isang luxury residential skyscraper.

Pagkababa nila ng sasakyan, pinabuhat siya ni Keegan kay Reginald. Sa halip na tumutol, hinayaan na lamang niya ito.

Pumasok sila sa gusali at nagtungo sa elevator. Pagkabukas ng p***o nito, lumabas sila at naglakad patungo sa isang matayog na p***o. Binuksan iyon ni Keegan gamit ang fingerprint scanner. Pagkapasok nila sa loob, agad na bumakas ang gulat sa mukha ni Katya nang makita kung gaano kalawak at karangya ang kabuuan ng lugar.

“Take her some fresh clothes, Reginald,” utos ni Keegan.

Tumango si Reginald bago siya marahang ibinaba sa sofa. Nang makaalis ito, umupo naman si Keegan sa tabi niya, may banayad na ngiti sa mga labi.

“Welcome to my home, Miss Mayumi.”

“Bakit mo ako rito dinala, Kee?” naguguluhan niyang tanong habang hinuhubad ang natitira niyang sapatos.

“Because I think you deserve to be with me after what happened to you. Hindi mo pa rin ba ako pinagkakatiwalaan?”

Umiling siya. “Hindi naman sa ganoon. Hindi ko lang lubos maisip na may taong kagaya mo na handang tumulong sa akin.” Tumayo siya at tumingin sa salaming pader. “Sa kabila ng lalaking nakasama ko kanina, heto ka... sobrang bait mo sa akin.”

Naglakad siya hanggang sa tuluyang makatayo sa harap ng salamin. Mula roon, tanaw niya ang buong lungsod na naliliwanagan ng makukulay na ilaw.

Unti-unting namalisbis ang ilang butil ng luha sa kaniyang mga mata habang taimtim siyang nanunumpa. Simula ngayong gabi, hindi na siya si Katya Santos.

Siya na si Mayumi Santos.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 5

    Biglang nagising ang inaantok na diwa ni Mayumi nang marinig ang sinabi ni Keegan.Umalis siya ng Cebu para takasan ang kasal na hindi niya ginusto—para lamang alukin ng panibagong kasal ng lalaking kagabi lamang niya nakilala.“Nagpapatawa ka ba, Kee?”“Definitely not! Hindi ako nagbibiro, Miss Mayumi. Pakasalan mo lang ako at ibibigay ko sa iyo ang buhay na gusto mo. Just be my wife, and I’ll change your life forever.”Mariing napatitig si Mayumi sa mga mata ni Keegan. Saglit siyang hindi nakapagsalita bago niya ito hinila papasok sa loob ng apartment.“I need water,” sambit ni Keegan nang makaupo ito sa sofa.Umiling si Mayumi bago kumuha ng isang basong tubig. Nang iabot niya iyon kay Keegan, tila sinuri muna nito ang laman bago siya tinanong ng tingin.“Mineral ’yan. Kakabili lang ni Boyet kanina.”Pagkasabi niya noon, inisang tungga ni Keegan ang laman ng baso. Napangiti nang bahagya si Mayumi bago umupo sa tapat nito.“Alam mo ang sitwasyon ko, Kee. Tumakas ako sa kasal sa Cebu

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 4

    “Bakit ka umalis sa penthouse ko nang hindi man lang nagpaalam sa akin?”Hindi makakibo si Mayumi nang sandaling iyon habang nakatitig kay Keegan. Nasa loob na sila ng apartment ni Boyet at magkaharap na nakaupo.“Soft drink, pampalamig sa mainit na panahon,” mayamaya’y sambit ng pinsan niya bago ipatong sa gitna nila ang isang bote ng soft drink. “Pasensya na, ’yan lang ang nakayanan ko,” dagdag pa nito bago umupo sa tabi niya.Hindi man lang binigyan ni Keegan ng atensyon ang pinsan niya. Sa halip, nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa kaniya.Umiling siya bago marahas na bumuntong-hininga. “H-Hindi naman ako sumama sa iyo para magtagal doon. Kagabi pa lang, naisip ko nang umalis kinabukasan.”“Without telling me?!” Biglang umangat ang boses ni Keegan.“Pasensya na, Kee. Mali ako. Mali na hindi ako nagpaalam sa iyo. Pasensya na…”Natatawang napailing si Keegan bago ipinagkrus ang mga binti. “Hindi ko ipinagdamot sa iyo ang bahay ko, Miss Mayumi. I didn’t ask you to leave. You hav

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 3

    Nagising si Mayumi mula sa mahimbing na pagkakatulog nang may kung anong tumama sa kaniyang mukha. Nang imulat niya ang mga mata, napadaing siya nang salubungin ng nakakasilaw na sinag ng araw ang kaniyang paningin.“Pasensya na po, Ma'am Mayumi,” hinging paumanhin ng isang tinig.Bumangon siya at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig. Sa paanan ng kama, isang babae ang prenteng nakatayo habang nakatingin sa kaniyang direksyon.“O-Okay lang po, ate.” Kinusot niya ang mga mata bago bumaba sa kama. “Ano po ang pangalan niyo? At kaano-ano po kayo ni Kee?”“Ako po si Jelay, isa po sa mga kasambahay ni Sir. Keegan. Naghihintay na po siya sa inyo para sabay na po kayong makapag-almusal.”Saglit pang napatingin si Mayumi kay Jelay bago tuluyang tumango. Bago siya sumunod dito, dumiretso muna siya sa banyong nasa loob din ng malawak na silid na tinuluyan niya magdamag. Nag-ayos siya ng sarili upang maging presentable sa pagharap kay Keegan.Pagkatapos, sumunod na siya kay Jelay hanggang sa ma

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 2

    Bumakas ang gulat sa mukha ng lalaki bago nito ibinulsa ang hawak na cellphone.“What's the matter, miss?”“May lalaki pong humahabol sa akin,” nanginginig niyang sagot. “Balak niya po akong pagsamantalahan.”Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Where?”Mabilis na nilibot ni Katya ang kaniyang paningin, ngunit wala na ang lalaking humahabol sa kaniya. Para bang bigla na lamang itong naglaho.“W-Wala na po siya…” mahina niyang sambit. “P-Pasensya na po…”Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ng lalaki bago nahihiyang yumuko. Pakiramdam niya'y naabala lamang niya ito.Humakbang siya paatras upang sana'y umalis na. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, bigla niyang naramdaman ang isang matibay na brasong pumalibot sa kaniyang baywang.Napasinghap siya bago marahang napatingala sa lalaki. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at doon lamang niya namalayang halos magkadikit na pala ang kanilang mga mukha. Maging ang banayad at mabangong hininga nito ay malinaw niyang nasasamyo n

  • My Billionaire Husband’s Dangerous Secret   CHAPTER 1

    Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, pakasalan mo. Pero paano kung ipinakasal ka sa isang taong hindi mo naman mahal?Iyan ang mapait na katotohanang kinakaharap ni Katya Santos.Dahil sa napakalaking utang ng kaniyang pamilya sa isang mayaman at makapangyarihang angkan, wala silang nagawa kundi tanggapin ang alok ng mga ito—ang ipakasal si Katya sa kanilang anak bilang kabayaran sa kanilang pagkakautang.Ngunit ayaw niyang hayaang ang kaniyang kinabukasan ay diktahan ng isang kasunduang hindi naman niya pinili. Sa takot na tuluyang mawalan ng kalayaan at ng pagkakataong tuparin ang kaniyang mga pangarap, tumakas siya mula sa Cebu at nagtungo sa Maynila, determinadong magsimulang muli at bumuo ng panibagong buhay.Saktong alas-nuwebe ng gabi nang lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Paglabas niya ng terminal, agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Wala sa sarili siyang napangiti bago dahan-dahang naglakad palabas ng airport.

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status