“MANINIWALA ka ba kung sasabihin ko sa’yong, ikaw ang dahilan?”Napatingin si Sana kay Klyde nang sabihin nito ang mga salitang iyon. Naroon na sila sa loob ng sasakyan ng lalaki. Nakaupo ito sa harapan ng driver’s sit habang inookupa naman niya ang upang nasa tabi nito. Tinanong niya ang lalaki kung bakit ito lumipat ng tirahan. Sumasakit na kasi ang ulo niya sa kakaisip ng dahilan kung bakit nito kailangang gawin iyon gayon ang sabi ng mama niya, nasa Maynila ang kompanya ng lalaki.Ayon pa sa kuwento ng mama niya, apat na beses sa isang linggo kung pumasok ito sa opisina. Umaalis ito nang maaga at umuuwi sa hapon. Sigurado siyang may condo unit ito sa Maynila. Baka nga may mansion pa ito roon. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit kailangan nitong magpakahirap nang ganoon gayong puwede naman itong manatili sa Maynila.“Gusto mo bang ingudngod kita sa harapan ng sasakyan?” pagbabanta niya rito. Halata naman kasi na hindi ito nagsasabi ng totoo. Paano namang siya ang magiging dahila
DALA nang labis na pagod dahil sa maghapong paghahanap ng trabaho ay maagang natulog si Sana. Pagkadikit na pagkadikit ng kanyang likuran sa malambot na higaan ay kaagad siyang nakatulog. Kailangan niyang magpahinga nang maaos dahil bukas ay balak na niyang kausapin si Klyde upang sabihin sa lalaki na payag na siyang maging tagapag-alaga ng mga anak nito.Napag-isip-isip kasi ni Sana na wala namang masama kung tatanggapin niya ang trabaho. Malapit sa kanya ang mga anak nito kaya alam niyang hindi siya mahihirapan sa trabahong iyon. Isa pa, iyon na lang ang trabahong puwede niyang pagpilian dahil lahat ng inapplyan niya ay walang gustong tumanggap sa kanya.Bago siya tuluyang magpatalo sa antok ay inisip muna niya ang mga magulang. Matatanda na ang mga ito para maghanap-buhay kaya sa pagkakataong iyon, susundin na niya ang gusto ng mga ito na tanggapin ang alok ni Klyde. Naaawa na kasi siya sa mga ito lalo na sa kanyang ama na napipilitang mamasukan bilang clerk sa post office ng bayan
“Surprise!” Nalaglag ang mga panga ni Sana sa pagkagulat nang pagbukas niya ng front door ng bahay ni Klyde ay may pumutok na party popper. The living room was filled with balloons. May malaking tarpaulin na nakasabit mula sa balcony ng second floor na halos umabot sa sahig ng second floor. Mababasa mula sa screen ng fifty-two inches LED T.V. na nakasabit sa divider ng bahay ang mga katagang “Welcome Sana! Goodluck on your first day!” Everyone is wearing a red T’shirt. Nakasulat rin sa harapan niyon ang mga katagang naka-flash sa t.v. Nakapila sa magkabilang panig ng kabubukas lang na pintuan ang mga magulang ni Sana at ang matalik na kaibigang si Mandy. “Papa? Nakisali ka pa rito?” gulantang na tanong niya sa ama. Gabi na nang payagang umuwi ng bahay ang kanyang papa. Matindi ang pasasalamat niya sa Diyos na simpleng dislocation sa balikat lang ang sinapit nito. Sa kabila ng matigas na pagtanggi nila ni Klyde na umuwi ito kagabi ay hindi rin nagpapigil ang p
KLYDE was extremely happy. Infact, the word happy is an understatement to describe what he’s actually feeling right now. Pakiramdam niya ay napupunta na ang lahat ng bagay sa tamang lugar sa buhay niya. Now that he’s able to convinced Sana to be the nanny of their children, he can feel that he’s one step closer on recreating their memories. Sa pagkakataong iyon, sisiguruhin niyang hindi na niya mawawala pa si Sana sa buhay niya…sa buhay nilang mag-ama. Dahil doon ito nababagay, sa bahay niya at sa piling niya. Sa loob ng mahabang panahon, pakiramdam niya ay nagkaroon ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. Pakiramdam din niya ay may bago na siyang dahilan para mas magsikap pa sa buhay. Hindi na lang siya ngayon tila isang dahon na tinatangay ng hangin sa kawalan dahil nagkaroon siya ng direksiyon –isang bagay na nawala sa kanya buhat nang magkaroon ng amnesia si Sana. Masigla siyang lumabas ng banyo matapos maligo. He’s too excited to prepare himself. Pakiwari niya ay tila ba iyon an
“DINNER is ready,” anunsiyo ni Sana sa nakapinid na pintuan ng kuwarto ni Klyde. Hindi na siya nag-abalang kumatok pa dahil wala naman siyang balak na makaharap si Klyde sa kuwarto nito. May kamalasang hatid sa kanya ang mga kuwarto sa second floor ng bahay ni Klyde. Dahil buhat nang lumipat siya roon kaninang umaga, wala nang ibang nangyari sa kanya kung hindi kahihiyan. Nagmamadali siyang naglakad patungo sa hagdanan. Mabibilis at malalaki ang bawat hakbang na ginawa niya upang hindi siya abutan ni Klyde. Nasa puno na siya ng hagdanan ng bumukas ang pintuan ng isang kuwarto sag awing kanan niyon. Iniluwa niyon si Klyde who is wearing a black business suit. May necktie pa ang lalaki at maayos na nakasuklay ang buhok. Natigilan siya sa paglalakad habang nakatingin sa lalaki. Nakatingin din ito sa kanya nang mga sandaling. Ngayon lang niya nakita ang lalaki sa ganoong bihis kaya naman naninibago siya. She understands now why there’s a lot of girls who are willing to do everything just
“FOUR hours,” nagpupumilit na sabi ni Klyde kay Sana. Linggo nang araw na iyon at saw akas ay nakumbinsi niya ang babae na sumama sa kanya sa mall. Kasalukuyan nilang pinagtatalunan kung ilang oras silang mananatili sa mall. Kung si Klyde ang tatanungin ay gusto niyang gugulin ang maghapon na iyon kasama si Sana. Gusto niya itong makasama nang matagal na silang dalawa lang. Kagabi pa lang ay pinlano na niya ang lahat Tinawagan niya si Mandy upang pakiusapan ang babae na magtungo sa bahay niya. Palalabasin nila na naisipan lang nitong dumalaw doon pero ang totoo, bahagi iyon ng plano niya na i-recreate ang lahat ng bagay sa pagitan nila ni Sana. Everything falls according to his plan. Magmula sa biglaang pagbabakasyon ng mga magulang nito na ilang buwan niyang pinagtrabahuhan. Ginamit niya ang lahat ng connections niya para sa isang iglap ay makakuha ang mga ito ng ticket patungong abroad. Pati si Mandy ay pinagresign niya sa trabaho nito bilang accountant sa isang malakin
MAAGA pa lamang ay nakatulog na sina Kianna at Kelsey. Marahil ay masyadong napagod ang mga ito sa paglalaro kaya kaagad na nakatulog ang mga ito nang dalhin niya sa higaan. Nang masigurong mahimbing na ang mga bata ay kaagad siyang nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto rin siyang nagbabad sa ilalim ng shower bago niya naisipang silipin si Klyde. Kumatok siya sa pintuan ng kuwarto nito pero wala siyang nakuhang tugon. Muli siyang kumatok pero nanatiling tahimik mula sa loob niyon. Noon siya nagpasyang pihitin ang seradura ng pintuan. Maliwanag sa kabuuan ng kuwarto pero hindi niya matanaw ang lalaki. Napakunot ang kanyang noo. Inimbitahan niya ang sarili papasok sa loob niyon. Noon tumambad sa kanya ang lalaki na nakahiga sa kama nito. Balot na balot ito ng kumot at nanginginig sa lamig. Kaagad na nagbangon ang matinding pag-aalala sa kanyang puso nang makita niya sa ganoong ayos ang lalaki. “K-Klyde? Anong nangyayari sa’yo?” dinama niya ang noo nito. Halos mapaso
Sorry na. Bati na tayo. Iyon ang laman ng text message na ipinadala ni Klyde kay Sana halos isang minuto pa lang ang nakakalipas buhat nang umalis ito sa harapan niya. Ni hindi pa nga ito nakakasakay sa sasakyan nito. Hayun at nakatayo pa ito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya nireplyan ang lalaki. Tiniis niyang huwag itong replyan kahit pa kating-kati na ang kamya niya na gawin iyon. Hindi ako sanay na umiiwas ka. It’s killing me, promise. Muli itong nagtext. Pero hindi pa rin siya nagreply. Nakita niyang laglag ang mga balikat na sumakay ng sasakyan nito ang lalaki. Hinintay niyang i-start nito ang sasakyan, bagay na hindi nito ginawa. Hindi ako mapapakali nang ganito tayo. Kausapin mo ako. Tell me what’s your problem. Nagtype siya ng reply. Iyon ay pagkatapos ng ilang minutong pakikidigma sa sariling isip at puso. Ikaw ang problema ko. Ako? Bakit? Pangit ba ‘ko?. Masama ba ang ugali ko? Bad breath ba ako? Hindi ba ‘ko mabango? Sunod-sunod ang naging reply nito. Ibig