Mag-log in
"Naka-ready ka na ba? Naghihintay na sa VIP room yung special customer natin, Senra. Bilis-bilisan mo na r'yan at para naman makahakot ka nang maraming pera sa kaniya, okay? Sige na."
"O-Opo." Matapos akong sabihan ni Madam—ang pinakamatagal ng stripper dito sa club—ay saka niya sinara ang pinto. Huminga ako nang malalim. Ang akala ko, magiging magaan ang gabing 'to sa 'kin, pero hindi. Suot ang napakaikling damit na halos makita na ang buong katawan ko, lumabas ako para magtungo sa isang VIP room kung nasaan ang VIP customer ko. Actually, hindi ko akalain na magkakaroon pa ako ng VIP customer dahil alam kong hindi ako mabenta sa paggiling. Sa pagtugtog ng malamyang musika, dahan-dahan akong pumasok sa room habang gumigiling sa harap ng customer ko. Naiilang akong tignan siya dahil titig na titig siya sa mga mata ko. He's also smiling at me—a weird smile. "I don't want you to dance," biglang sabi ng customer kaya sandali akong napatigil sa pagtataka. "What I want is you and your godd*mn curved body." Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagiging bastos niya. "Ano? Hindi mo ako pag-aari. I'm here to dance and not to own by a pervert customer," matapang kong sagot. Natawa siya kahit na alam kong nainis siya sa sinabi ko. "So, you're rejecting me? Your VIP customer?" tanong pa niya at muling natawa. "Bakit? Ano ba ang kaibahan mo sa mga prostitute? Wala naman, 'di ba? Bayaran ka rin namang babae." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sa galit na namuo sa dibdib ko ay walang ano-ano ko siyang sinampal nang malakas. "Bastos ka, ha?! Hindi ako bayaran! Hindi ko ipagagamit ang katawan ko para lang mabayaran ako ng ibang tao!" sigaw ko. "Oh, really? Try to look at yourself right now, miss, you're already using your body to satisfy your customer to earn money. Anong pinagkaiba no'n?" Muling namuo ang galit sa dibdib ko kaya't malakas kong pinuwersa ang sarili kong sampalin ulit siya, ngunit bago pa man 'yon dumapo sa pisngi niya ay mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papalapit sa kaniya. Sa lakas niya ay sumama ang katawan ko at walang ano-ano akong napaupo sa ibabaw niya. Mas nagkalapit ang mukha namin sa isa't isa. Hindi ako makaimik habang siya ay nakangiti sa 'kin. "You have guts to fight back, miss. Baka nakakalimutan mong VIP customer ako rito? Matagal na akong pumupunta rito sa club to drink beers and sex with the ladies I want. I can talk to your manager para ipatanggal ka rito, o gusto mong... ako na mismo ang magtanggal sa 'yo rito?" Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib sa kaba dahil sa pagbabanta niyang 'yon. Kung mawawalan ako ng trabaho, mahihirapan akong makahanap ng bagong club na papasukan. Hindi ako tapos ng pag-aaral sa high school kaya walang tatanggap sa 'king trabaho. "A-At sino ka para tanggalin ako? Ikaw na 'tong nambabastos, ikaw pa 'tong mayabang!" tanong ko bago ako umalis sa pagkakakandong sa kaniya. "I am Ivran Moredad, miss, and I am the owner of this club you're working," sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala na ang mismong nambabastos sa 'kin ay walang iba kundi ang amo ko. "S-Sir I-Ivran?" nauutal kong tanong. Kita ang tagumpay sa ngiti niya dahil sa takot ko. "A-Ano po... H-Hindi ko alam na—" "Yeah, you were saying?" pang-aasar niyang tanong sa 'kin bago tumayo. Hinarap niya ako at tinitigan sa mga mata. Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kaniya. "You're not doing your job properly, Ms. Senra Lazurel. You disappoint me. You can't give satisfaction to your customer, and with that, you're now fired." Parang huminto ang puso ko sa sinabing 'yon ni sir Ivran. Nangingilid na ang mga luha ko dahil hindi ko inaasahan na sa gabing ito ay mawawalan ako ng trabaho. "S-Sir Ivran—" "Don't call me sir, Ms. Lazurel, I am no longer your boss, but let me tell you this; this will not be our last conversation. I'm gonna get you whether you want me or not." "S-Sir Ivran, p-please po—Sir!" Hindi na nagpapigil pa si sir Ivran matapos niyang maglakad palabas ng room. Dahil sa hiya at panghihinayang ay naiyak ako. Hindi ko na alam kung saan na ako pupulutin ngayo't wala na akong trabaho. NAKAHIGA ako sa ibabaw ng kama rito sa nirerentahan kong apartment habang nag-iisip nang malalim. Kanina ko pa sinisisi ang sarili ko dahil nabastos ko ang amo ko kanina. Iniisip ko rin kung paano ako makakahanap ng trabaho. Wala na akong malalapitan dahil wala naman akong kapatid, hiwalay na ang mga magulang ko, at nasa malalayong probinsya ang ibang kamag-anak ko. Naluha na lang ako sa lungkot at pag-iisa. Wala akong karamay sa buhay. Ako na lang mag-isa. Habang abala ako sa sarili, tumunog bigla ang phone ko. Nakita ko ang isang unknown number kaya't sa curious ay sinagot ko 'yon. "Hello?" "Hello, Senra? Anak?" dinig kong boses ni Mama sa kabilang linya. Medyo nagulat ako dahil himala! After two months na hindi ko siya matawagan at hindi mahagilap, tumawag siya sa 'kin. "Ano pong kailangan ninyo?" magalang kong tanong. Kahit wala ako sa pwader niya, hindi ko naman maipagkakailang siya lang ang nalalapitan ko kumpara sa Papa ko. "Kilala mo si Dario, 'di ba? Yung boyfriend ko?" tanong niya. Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya. "...Ikakasal na kami, anak! Tomorrow ang engagement party namin at imbitado ka. I will send you money para may maibili kang damit, ha? Dapat, maganda ka! Gusto kong ipakita sa friends ni Raido ang pinakamaganda kong anak sa balat ng lupa!" Naghalo ang pakiramdam na wala akong pakialam at lungkot dahil sa balitang 'to ni Mama. Talagang gusto siya ng boyfriend niya. Hindi ko naman maipagkakailang in love siya ro'n dahil mabait 'yon. Sana, hanggang sa huli. "Hmm... h'wag na po. Ayos lang po ako. May gagawin pa po ako kaya—" "Ano? Hindi pwede, Senra. Sumama ka na! Nangako na ako kay Dario at sa mga friends namin na ipakikilala kita sa kanila e. Isa pa, once na ikasal na kami, sa mansion ka na rin titira with us! Ito ang gusto mo, hindi ba? Ang magkaroon ng kumpletong pamilya?"Hinayaan ko muna si Ruscial kasama ang mga kaibigan niya sa baba. Nag-iinuman sila habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Mabuti na lang at tulog na ang anak kong si Raci kaya kahit papaano ay makakaidlip na ako."Ikaw na ang bahala kay Raci, ha? Gusto ko ng matulog. Inaantok na ako," sabi ko sa babysitter."Opo, ma'am," magalang niyang sagot at saka ko na siya iniwan.Nagpunta na ako sa room ko. Sa pagsara ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Ivran na nasa likuran ng pintuan."A-Anong ginagawa mo—Hmm!" Hindi ko na nagawa pang magsalita nang salubungan niya ako ng halik labi. Sa sobrang diin ay para akong hindi makahinga.Sinubukan ko siyang itulak at palu-paluin para kumalas pero sadyang mas malakas siya kumpara sa 'kin. Ilang sandali pa ay binagsak niya ako sa kama. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan si Ivran habang dama ang takot at kaba."I-Ivran—""Shut your mouth or they will hear us here,"
Hindi ako umimik sa sinabi niya. May punto siya. Dahil dito ay hinayaan ko siyang makita at mabuhat ang bata. "He looks like me," kampanteng sabi ni Ivran habang nakatingin sa walang malay na bata. Nagpa-panic ang loob ko dahil baka mamaya ay may makakita pa sa kaniya rito at magtaka. "Hindi. Hinding hindi mo magiging kamukha ang bata. Akin na nga lang ulit ang anak ko. Umalis ka na at baka may—" "I won't leave. Let me carry my son while they're not around," putol ni Ivran sa sinasabi ko at dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bintana. "Talagang gusto mong masira ang samahan nina Mama at Tito Dario, 'no? Masyado kang nagpapahalata sa mga kinikilos mo. Pati si Ruscial, nagtataka na rin sa 'yo. Pwede bang umakto ka ng naaayon?" inis kong tanong sa kaniya. Damang dama ko ang kaba sa tuwing nagtataka sila sa kinikilos ni Ivran.
Magkahalong kaba at takot ko nang isugod ako nina tito Dario, Mama at Ruscial sa St. Luke's Hospital nang pumutok na ang panubigan ko. Kita ko ang pag-aalala nila para sa 'kin. Nang ipasok na ako sa isang room ay hindi ko na inalintana ang mga sunod na nangyari. Sobrang sakit na ng tiyan ko kaya para lumakas ang loob ko ay panay ang inhale at exhale ko. "Push!" Ginagawa ko na lang ang sinasabi ng doktor. Sa bawat pagbanggit niya ng salitang 'yon, buong pwersa akong umiire para ilabas ang anak ko. Ni hindi ko rin napansin na nasa tabi ko na pala si Ruscial para alalayan ako. Nakakapit ako sa kaniya habang siya ay panay ang bulong at dasal. "One more, misis. Push pa po," sabi ulit ng doktor. Doon ay muli akong pumwersa at narinig ko na ang iyak ng isang sanggol. Napangiti ako sa sarili ko. Naluluha ako sa tuwa at galak dahil after nine months, nailabas ko n
Naging magaan para sa 'min ni Ruscial ang pag-amin sa mga magulang ko. Sinabi rin namin ang balita sa mga magulang niya at labis ang tuwa nila para sa 'min.Sinaad ni Mama kay Ruscial na hindi muna kami pwedeng magsama hangga't hindi pa kami kasal. Pwede siyang dumalaw rito sa mansion araw-araw. Nalungkot si Mama dahil ang sabi niya, ngayon pa lang siya babawi sa mga naging pagkukulang niya pero nabuntis naman ako. Ayaw niyang mahiwalay sa 'kin, at gayundin naman ako dahil mahal ko siya.Bukod dito, ayaw rin ni tito Dario na madaliin ang lahat ukol sa kasal. Ang sabi niya ay magpakasal na lang kami after kong manganak para hindi raw ako ma-stress sa mga aasikasuhin. Pumayag naman kami ni Ruscial dahil pabor din 'yon sa 'min.Pangatlong araw matapos ang naging rebelasyon sa pagbubuntis ko, kasalukuyan akong nasa pool area habang nakaalalay ang isang kasambahay. Gusto ko kasing maglakad-lakad ngayo't hindi naman sobrang init ng panahon."Sir Ivran," sambit ng kasambahay kaya tinignan ko
Bawat paggising ko ay para pa rin akong nasa bangungot. Isang buwan at kalahati na akong narito sa mansion matapos ng kasal nina Mama at tito Dario.Habang kumakain ng almusal, naiilang akong tignan si Ivran. Hindi ko na makalimutan ang nangyari sa 'min noong gabi ng engagement party."Hi, tito Dario. Hi, tita Lara," bati bigla ni Ruscial, ang ngayo'y boyfriend ko.Nakakailang dahil matalik na magkaibigan sina Ivran at Ruscial. Nalaman ko lang 'yon simula no'ng umakyat sa 'kin ng ligaw si Ruscial, dahilan kaya sinagot ko siya kaagad.Sa tulong niya, makakalayo ako kay Ivran.Habang nakikipag-usap sina Mama at tito kay Ruscial, pansin ko ang matalim na tingin ni Ivran sa kaniya at sa 'kin. Naiilang ako kapag nagtatama ang tingin namin sa isa't isa."Halika, hijo, sumabay ka sa 'min para—""Hindi na po, tita. I'm here to see my beautiful girlfriend," sabi ni Ruscial at saka ako hinalikan sa pisngi.Sakto nito ay napukaw sa atensyon namin ang ingay nang malaglag ang mga kubyertos ni Ivra
"P-Po?" tanging tanong na lumabas sa bibig ko. Napansin ko ang pagtataka ni Mama at fiancé niya sa reaction ko."Yes, anak. Si Ivran ang magiging—""H-Hindi po," sagot kong bigla. Mas natutuwa pa ang lalaking 'to sa naging reaction ko."It's okay. If she can't accept me, it's fine. Hindi ko naman kailangan ng kapatid. Excuse me," paalam ni Sir Ivran bago umalis, samantalang ako, nakaramdam ng kaba at pagtanggi."Pagpasensyahan mo na si Ivran, Senra. Ako na ang humihingi ng tawad," sabi ng fiancé ni Mama pero wala akong naging reaction. Hanggang ngayon ay hindi nagsi-sink in sa 'kin na magiging kapatid ko siya."E-Excuse me po," paalam ko na lang at saka naglakad sa ibang direksyon. Gusto kong pumunta sa hindi mataong lugar. Masyado akong nagugulumihanan sa mga nangyayari.Nag-inhale at exhale ako para mapakalma ko ang sarili. Parang masyado yatang gumulo ang estado ko ngayon."Miss? Bakit nandito ka?" tanong na lang bigla ng isang lalaking hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala. Su







