Home / Romance / My Bodyguard / Chapter Eight

Share

Chapter Eight

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2025-09-02 13:34:51
NAPAHAWAK si Cassandra sa ulo ng maramdaman ang pagkirot nito, para itong binabarina na tumatangos sa kanyang sintudo. Pinilit niyang bumangon sa kama at dahan-dahan, na naupo. Kinuha niya ang isang basong tubig at ininom ito.

Napasinghap siya at napatingala na lang sa kisame ng maalala niya ang mga naganap sa pagitan nila ni Aries. Laking pasalamat niya kay Christopher dahil sa pagtatanggol nito, ngunit nababahala siya sa mga mangyayari sa pagitan nila ni Aries pakiramdam niya nagkaroon na ng lamat ang tiwala niya sa kababata.

Nakaramdam siya ng pangangalam ng sikmura kung kaya 't nagpasya siyang magpunta sa dining area. Kung maari nga lang ay ayaw niyang lumabas at magkulong na lang ng buong mag hapon sa loob ng kaniyang kuwarto. Ayaw niyang makita at makasalubong si Christopher, hanggang ngayon kasi ay natutunaw pa din siya sa hiya dahil sa pagmamalaki niya na hindi siya sasaktan ni Aries. Hindi niya alam kung anong meron kay Christopher, bakit ba siya na lang ang palaging tama a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Bodyguard   Chapter Fourteen

    NABUWAL sa kinauupuan si Luke dahil sa lakas ng pagkasapak sa kaniya ni Christopher. Pinunasan niya pa ang dugo sa kaniyang labi na tumama sa kanto ng mesa."Hey!" akmang susuntok pa sana ito ngunit agad na nakaiwas si Christopher. Napasubsob siya sa sahig dahil na rin sa kalasingan."Stay away from her," asik ni Luke kay Christopher. Bago pa niya pakawalan ang kaniyang kamao upang suntukin si Christopher ay isang tadyak ang pinalasap nito sa kaniya.Napadausdos siya sa katabing mesa at nagtumbahan ang mga alak na nakapatong doon. Ang mga nasa paligid ay hindi inalintana ang kaguluhan nagaganap sa pagitan nina Luke at Christopher.Muli siyang bumaling kay Cassandra na lango na sa alak at wala na sa sarili, nakalilis ang kanyang blouse na halos lumitaw na ang kanyang dibdib. Inayos ni Christopher ang suot niyang damit at sinara ang butones nito. Sinulyapan niya pa ang margarita na nakapatong sa mesa, kinuha niya at tsaka inamoy ang laman ng baso.Naamoy niya ang drogang inilagay sa inu

  • My Bodyguard   Chapter Thirteen

    SUMASABAY ang katawan ni Cassandra sa nakakaindak na tugtog sa loob ng bar. Itinaas niya ang kanyang kamay at iginiling ang beywang. Isang estranghero ang lumapit at sumabay sa kanyang pagsayaw. Gusto sana niyang umiwas, ngunit huli na. Hinapit siya nito sa beywang at sinabayan ang indak ng kanyang katawan.“You’re too sexy dancing,” bulong nito, inilalapit ang mukha kay Cassandra hanggang sa halos magdikit na ang mga ito. Naamoy niya ang alak at sigarilyo sa hininga ng estranghero.“Oh, really?” Huminto siya sa pagsasayaw at humakbang palayo.“Hey, wait. Can we have a drink? Just one shot,” anito, hinahawakan ang kanyang kamay. Ang mga ngiti nito ay tila tumutunaw kay Cassandra dahil sa lakas ng karisma.“Yeah, sure. Pero kailangan ko munang hanapin ang mga kaibigan ko.”Nagpalinga-linga siya sa loob ng bar at namataan sina Althea at Carla na kapwa may kasayaw. Si Carla naman ay nag-iisa sa kanilang puwesto at halatang lasing na dahil sa dami ng alak na nainom.“I think your friends

  • My Bodyguard   Chapter Twelve

    Isang kulay itim na kotse ang pumarada sa likod ng mansyon. Doon niya pinapunta si Althea upang hindi siya mapansin ng kaniyang mga bodyguard, at bukod dito, ay hindi ito tanaw ng CCTV.Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang kanyang kaibigan na si Althea, kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Carla at Allysa na nakaupo sa driver seat.“Hey guys, what are you doing here?” napaturo siya sa dalawang kaibigan sa pagtataka. Ang buong akala niya kasi ay si Althea lamang ang makikipagkita sa kanya dahil sa importanteng sasabihin nito.“Huwag ka nang tumayo diyan. Get in the car,” sabi ni Allysa sa kanya. Binuksan nito ang unahan ng kotse upang makasakay siya agad.“Let’s party!” sigaw ni Allysa habang pinapatakbo nang mabilis ang kotse.Parang lalabas ang laman-loob ni Cassandra dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng kotse. Hindi na siya sanay sa ganitong gimmick; mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula nang hindi siya nakakalabas kasama ang mga kaibigan. Girls' night out, ito ang

  • My Bodyguard   Chapter Eleven

    Sunod-sunod na text messages ang natanggap ni Cassandra mula kay Althea. Palihim niyang inilagay ang iPhone sa kanyang beywang. Kahit hindi pa tapos ang kanyang pagkain sa hapunan, agad siyang tumayo mula sa dining table.“Cassandra, hindi mo pa natatapos ang kinakain mo,” puna ni Manang.“I'm full, Manang. Magpapahinga na po ako; masakit po kasi ang ulo ko.” Agad siyang lumabas ng dining area at mabilis na umakyat sa kanyang kuwarto.Isinara at ni-lock niya ang pinto ng kanyang kuwarto at binasa ang mga text messages ni Althea. Napabuntong-hininga siya at umisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa mga mata ni Christopher. Paniguradong mamaya lamang ay nandito na siya sa loob ng kanyang kuwarto para gawin ang kanyang routine.Pinandigan niya ang pagpapanggap na masakit ang kanyang ulo, kaya't nag-utos siya kay Manang Gloria na magdala ng gamot sa kanyang kuwarto upang maging kapani-paniwala ito. Ilang minuto lang ang nakalipas, tatlong sunod na mahinang katok sa pinto ang narinig

  • My Bodyguard   Chapter Ten

    HINDI alam ni Cassandra kung gaano na siya katagal na nakatayo sa gitna ng kaniyang silid, hanggang sa napagod na lamang siya at naupo sa harap ng kanyang study table. Nakapalumbaba siya at pinagmamasdan ang repleksyon ni Christopher sa salamin na nakalagay sa kanyang study table. Pinagmamasdan ang bawat kilos nito. Nothing had changed; the same scenario pa rin ito—ang kanyang evening routine na suriin ang bawat sulok ng kanyang silid, pati na rin ang kaniyang kamang hinihigaan. “Matagal ka pa ba?” tanong niya dito. Sandaling napahinto si Christopher sa kaniyang ginagawa at bumaling ng tingin kay Cassandra. “Just a moment,” matipid na sagot niya. Napabuntong-hininga na lamang siya at nilaro-laro ang ballpen na kanyang hawak. Isinasayaw niya ito sa kanyang mga daliri, at kung minsan, naitutoktok niya ito sa kaniyang study table. Halata sa kaniya ang pagkainip sa paghihintay na matapos si Christopher sa kaniyang pag-check sa bawat sulok ng kaniyang silid. Pakiramdam niya, sinasady

  • My Bodyguard   Chapter Nine

    HALOS liparin ni Raven ang ikatlong palapag ng mansyon patungo sa kuwarto ni Cassandra. Nag-aalala siya sa dalaga na baka hindi nito kayanin ang mga nangyayari sa kanya ngayon, katulad ng dati, baka muli na naman itong bumalik sa ospital dahil sa depresyon na nararamdaman. Kung maaari nga lang na akuin niya ang lahat ng sakit na nadarama ni Cassandra, ginawa na niya ito.Mahalaga si Cassandra sa kanya; si Cassandra ang prinsesa ng kanilang pamilya. Hindi man sila palaging nagkikita, si Cassandra pa rin ang paborito niyang pinsan.Hingal at habol ang kanyang hininga nang makarating siya sa third floor. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng silid ng dalaga. Hinawakan niya ang door knob at pumihit ito. Humahangos siyang pumasok sa loob ng kuwarto at sinisigaw ang pangalan ng dalaga."Cassy!"Nakatayo si Cassandra sa harap ng bintana at nakatanaw lamang sa malayo. Napalingon siya nang marinig ang boses ni Raven. Pilit siyang ngumiti sa binata at bumaling sa kanyang Auntie Lucia

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status