PADABOG na pumasok si Aries sa loob ng living room at pinagsusuntok ang pader. Inihagis niya ang mga gamit na hawak niya. Ikinagulat ito ni Aling Delia, ang isa nilang kasambahay, kaya tumakbo ito pabalik sa kusina dahil sa takot kay Aries. Pakiramdam niya'y lulukso ang puso niya sa nerbyos; kakaiba kasi ang pagwawala ni Aries—para itong batang may kulang sa pag-iisip, sinisira niya ang lahat ng maabot niya. Napaatras siya nang masalubong niya si Don Manuel na may dalang bote ng alak.
"Anong nangyari at namumutla ka?" tanong ni Don Manuel kay Aling Delia. "Si Sir Aries po, nagwawala na naman po," nanginginig na sagot nito. Napabuntong-hininga si Don Manuel at nagtungo sa living room. Nasa bungad pa lang siya ay dinig na dinig na niya ang pagwawala ni Aries, na para bang isang batang nagpapalahaw. "Aries, tumigil ka!" sigaw ni Don Manuel. Tumigil lamang si Aries nang marinig ang boses ni Don Manuel. Umupo siya sa mahabang sofa, kuyom ang mga kamao. May pasa sa mukha at sugat sa labi si Aries, marahil ay nakikipag-away na naman siya. "Ano na naman ang nangyari at nagwawala ka?" Lumapit si Don Manuel sa anak, hinawakan ang mukha nito, at sinipat-sipat ang mga sugat. "Kasalanan 'to ni Cassandra! Sinuntok ako ng bodyguard niya!" Tumayo si Aries, tikom ang mga kamao. Napailing si Don Manuel at nagsalin ng alak sa baso. Sinimsim niya ito bago muling bumaling kay Aries. "Hindi na ako magugulat, Aries. May ginawa ka na naman sigurong kalokohan kaya ka napagdiskitahan ng mga bodyguard niya.” "That guy…" Huminga muna nang malalim si Aries; hindi maalis ang galit sa kanyang mukha. Nakatikom ang kanyang mga kamao at napasuntok na lamang siya sa hangin dahil sa inis. "You're acting like a kid, Aries," sabi ni Hudson. Napalingon si Aries nang marinig niya ang boses ni Hudson na nakatayo sa gilid ng main door ng living room, habang nakamasid at nakikinig kay Aries. Si Hudson, ang panganay na anak ni Don Manuel at madalas na kalaban ni Aries sa lahat ng bagay—maging sa atensyon ng kanilang ama—ay itinuturing na mas magaling at mas matalino ni Don Manuel kaysa kay Aries, na palaging umaasa sa kanilang ama. "Huh! Huwag kang makialam dito! Tumahimik ka na lang!" sigaw ni Aries. Ngumisi lamang si Hudson, nilapitan ang kapatid, hinawakan ang mukha nito, at tiningnan ang sugat. "Galos lang 'yan, tol," sabi ni Hudson, sabay tapik sa balikat ni Aries. Pasalampak na naupo si Hudson sa mahabang sofa at pinagmasdan ang kapatid. "Mind your own business, Hudson," galit na sabi ni Aries. "Grow up, bro. Hindi dapat iniiyakan ang maliit na bagay," pangungutya ni Hudson. "Damn you, Hudson! Hindi ito basta maliit na bagay lang!" "Tumigil na kayo, pwede ba? Para kayong mga bata!" bulyaw ni Don Manuel. Inihagis niya ang hawak na baso; ang mga piraso nito ay nagkalat sa sahig na marmol. Kapwa nanahimik sina Aries at Hudson at nagkatinginan. Iba na ang usapan kapag ang kanilang ama na ang nagalit at nakisali sa kanilang pagtatalo. "I leave it all to you, Dad. Huwag mong aasahan na makikisali ako sa gulo na ginawa ni Aries." Nagkibit-balikat si Hudson at iniwan ang kanyang ama at si Aries. Hahayaan niyang magtalo ang dalawa; ayaw niyang makisali sa gulo na ginawa ni Aries. Napamaang si Aries sa mga sinabi ni Hudson at bumaling sa kanyang ama, na para bang lalamunin siya sa galit. "Papa, do something. Ayaw kong mawala si Cassandra." "Bukas na tayo mag-usap, Aries. Anong akala mo? Maaga pa? Alas-dose na ng madaling araw! Kung ayaw mong magpahinga, huwag mo akong idamay." "Do something, Papa! Ayaw kong mapahiya kay Cassandra! Kung hindi mo ako tutulungan, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito!” Padabog na nilisan ni Aries ang living room at naiwan si Don Manuel na nakatayo lamang at napamaang sa mga inasal ng kanyang anak. Tama si Hudson, Aries is still acting like a kid. Nangangamba siya sa mga banta nito. Kahit kailan ay hindi pa ito nagsabi ng hindi niya ginagawa, nagbigay kuryosidad tuloy sa kanya ang sinasabing Bodyguard ni Cassandra. Malakas ang loob niya para saktan si Aries. Walang sinuman ang maglalakas ng loob na kantiin si Aries sa loob ng mansyon ng Belmonte. Sino ang pinagmamalaki ng lalakeng iyon, napangisi na lamang siya at sabay sindi ng sigarilyo at sunod - sunod na hinitit ito."PALPAK ang plano mo! Estupido!" bulyaw ni Hudson sa kaibigan, si Luke."Pasensya na, may dumating na asungot." Hindi niya pinansin ang pagbulyaw nito. Sanay na siya kay Hudson; mamaya'y mapapawi rin ang galit nito."Asungot?""One of her bodyguards. Masyado siyang malakas."Napatingin si Hudson sa sugat sa labi at kilay ni Luke. Walang duda, malakas ang kamao ng bodyguard dahil sa mga sugat nito."Mas malakas pa siya sa'yo, dahil kung hindi, hindi magagalusan ang guwapong mukha mo." Natatawang sabi ni Hudson."Muntik ko na siyang makuha. Ang init ng katawan niya, at ang bango niya'y naaamoy ko pa rin." Suminghot-singhot ito, humithit ng sigarilyo, at ibinuga ang usok."Luke, hindi ko sinabing pagnasaan mo si Cassandra. Kaya ka nga pumapalpak, wala sa hulog ang mga plano mo!" Singhal ni Hudson. Kinuha ang sigarilyo sa bibig nito, pinatay, at dinikdik sa ashtray."Matagal ko na siyang pinagpapantasyahan.""Hindi dapat. Childhood sweetheart siya ni Aries."Seryoso na ang mukha ni Hudson
PILIT niyang tinanggal ang mga kamay ni Cassandra na nakakapit sa kaniyang leeg at pabalibag na itinulak sa kama. Ayaw niyang saktan ang dalaga, ngunit iyon lamang ang paraan upang bumitiw ito at maiwasan ang mapusok nitong mga halik. Namumuo ang pawis sa noo niya. Napailing na lamang siya sa mga ginawa ni Cassandra. Kinumutan niya ito—tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa katawan nito. Agad siyang bumaba ng maid’s quarters at ginising si Manang Gloria. Pupungas-pungas itong binuksan ang pinto. “Christopher, anong ginagawa mo rito? Gabi na!” “Pasensya na po, Manang. Tumakas po ang alaga ninyo. Kasama ang mga kaibigan niya, nagpa-party. Kailangan ko po siyang sundan at iuwi sa mansyon.” “Dios mio! Kamusta na ang alaga ko?” “Lasing na lasing po siya, Manang. Pwede po bang bihisan ninyo na lang siya? Naghubad po kasi siya sa harapan ko dahil sa kalasingan.” “Ano!” Masama ang tingin sa kanya ng matanda, tila nagdududa sa ginawa niya sa alaga nito. “Manang Gloria, huwag po kayong m
NABUWAL sa kinauupuan si Luke dahil sa lakas ng pagkasapak sa kaniya ni Christopher. Pinunasan niya pa ang dugo sa kaniyang labi na tumama sa kanto ng mesa."Hey!" akmang susuntok pa sana ito ngunit agad na nakaiwas si Christopher. Napasubsob siya sa sahig dahil na rin sa kalasingan."Stay away from her," asik ni Luke kay Christopher. Bago pa niya pakawalan ang kaniyang kamao upang suntukin si Christopher ay isang tadyak ang pinalasap nito sa kaniya.Napadausdos siya sa katabing mesa at nagtumbahan ang mga alak na nakapatong doon. Ang mga nasa paligid ay hindi inalintana ang kaguluhan nagaganap sa pagitan nina Luke at Christopher.Muli siyang bumaling kay Cassandra na lango na sa alak at wala na sa sarili, nakalilis ang kanyang blouse na halos lumitaw na ang kanyang dibdib. Inayos ni Christopher ang suot niyang damit at sinara ang butones nito. Sinulyapan niya pa ang margarita na nakapatong sa mesa, kinuha niya at tsaka inamoy ang laman ng baso.Naamoy niya ang drogang inilagay sa inu
SUMASABAY ang katawan ni Cassandra sa nakakaindak na tugtog sa loob ng bar. Itinaas niya ang kanyang kamay at iginiling ang beywang. Isang estranghero ang lumapit at sumabay sa kanyang pagsayaw. Gusto sana niyang umiwas, ngunit huli na. Hinapit siya nito sa beywang at sinabayan ang indak ng kanyang katawan.“You’re too sexy dancing,” bulong nito, inilalapit ang mukha kay Cassandra hanggang sa halos magdikit na ang mga ito. Naamoy niya ang alak at sigarilyo sa hininga ng estranghero.“Oh, really?” Huminto siya sa pagsasayaw at humakbang palayo.“Hey, wait. Can we have a drink? Just one shot,” anito, hinahawakan ang kanyang kamay. Ang mga ngiti nito ay tila tumutunaw kay Cassandra dahil sa lakas ng karisma.“Yeah, sure. Pero kailangan ko munang hanapin ang mga kaibigan ko.”Nagpalinga-linga siya sa loob ng bar at namataan sina Althea at Carla na kapwa may kasayaw. Si Carla naman ay nag-iisa sa kanilang puwesto at halatang lasing na dahil sa dami ng alak na nainom.“I think your friends
Isang kulay itim na kotse ang pumarada sa likod ng mansyon. Doon niya pinapunta si Althea upang hindi siya mapansin ng kaniyang mga bodyguard, at bukod dito, ay hindi ito tanaw ng CCTV.Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang kanyang kaibigan na si Althea, kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Carla at Allysa na nakaupo sa driver seat.“Hey guys, what are you doing here?” napaturo siya sa dalawang kaibigan sa pagtataka. Ang buong akala niya kasi ay si Althea lamang ang makikipagkita sa kanya dahil sa importanteng sasabihin nito.“Huwag ka nang tumayo diyan. Get in the car,” sabi ni Allysa sa kanya. Binuksan nito ang unahan ng kotse upang makasakay siya agad.“Let’s party!” sigaw ni Allysa habang pinapatakbo nang mabilis ang kotse.Parang lalabas ang laman-loob ni Cassandra dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng kotse. Hindi na siya sanay sa ganitong gimmick; mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula nang hindi siya nakakalabas kasama ang mga kaibigan. Girls' night out, ito ang
Sunod-sunod na text messages ang natanggap ni Cassandra mula kay Althea. Palihim niyang inilagay ang iPhone sa kanyang beywang. Kahit hindi pa tapos ang kanyang pagkain sa hapunan, agad siyang tumayo mula sa dining table.“Cassandra, hindi mo pa natatapos ang kinakain mo,” puna ni Manang.“I'm full, Manang. Magpapahinga na po ako; masakit po kasi ang ulo ko.” Agad siyang lumabas ng dining area at mabilis na umakyat sa kanyang kuwarto.Isinara at ni-lock niya ang pinto ng kanyang kuwarto at binasa ang mga text messages ni Althea. Napabuntong-hininga siya at umisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa mga mata ni Christopher. Paniguradong mamaya lamang ay nandito na siya sa loob ng kanyang kuwarto para gawin ang kanyang routine.Pinandigan niya ang pagpapanggap na masakit ang kanyang ulo, kaya't nag-utos siya kay Manang Gloria na magdala ng gamot sa kanyang kuwarto upang maging kapani-paniwala ito. Ilang minuto lang ang nakalipas, tatlong sunod na mahinang katok sa pinto ang narinig