NAPAHAWAK si Christopher sa kanyang ulo at malalim na nag-isip. Hindi niya alam kung paano nakaalis ng mansyon si Cassandra nang hindi napapansin ng mga bantay sa labas. Hindi kaya naisahan lamang siya nito kanina? Maaaring may iba siyang daanan na lingid sa kaalaman ng kanyang mga bodyguards.
Nanatili pa ring nakatingin si Christopher sa monitor at tinitingnan ang bawat footage ng CCTV. Kahit ilang beses niya itong i-replay, ay walang bakas ni Cassandra ang nagpakita. Napadiin ang kanyang mga kamao sa mesa at bumuntong-hininga ng malalim. “Search all the area,” mabilis na utos niya sa mga kasamahan. Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagsunod ng mga ito sa utos ni Christopher. Kanya-kanyang bunot ng kanilang mga baril na nakasukbit sa kanilang mga beywang. Binunot ni Christopher ang kanyang handgun at saka ikinasa ito. Mabilis niyang inakyat ang ikalawang palapag ng mansyon; dalawa ang naiwan sa labas, ang dalawang iba pa ay nasa ikatlong palapag, at ang isa pa ay sa unang palapag nagsiyasat. Tumatakbo sa isipan niya na maaaring nasa loob lamang ng mansyon si Cassandra at maaaring ang gustong kumitil ng buhay niya ay nasa paligid lamang. Mula sa hagdan, umikot siya sa balcony at saka sinipat-sipat ang labas at pasilyo. Wala siyang nakitang anumang bagay na kahinahinala. Muli siyang pumasok sa loob at isa-isang binuksan ang pinto. Nag-agaw-pansin sa kaniya ang pader na katabi ng master's bedroom. Isinuksok niya ang kanyang baril sa likuran at kinapa-kapa ang pader. Bahagyang kinatok-katok niya at idinikit ang kanyang tenga sa pader; alam niyang hindi ito basta pader lang. Sa palagay niya, ang pader ay konektado sa master's bedroom. Itinuloy niya ang pagsisiyasat at kinapa-kapa ang bawat sulok nito. Muli niyang idinikit ang kanyang tenga sa pader nang may marinig siyang paglangitngit ng kahoy na parang pinto na bumubukas ng dahan-dahan. Kinuha niya ang kanyang handgun na nakasuksok sa likuran at maingat na humakbang papalapit sa pinto ng master's bedroom. Nagtago siya sa gilid nang may marinig siyang yabag mula sa loob ng silid; ikinasa niya ang baril at itinutok ito sa pintuan. Anumang oras ay handa siyang kalabitin ang gatilyo ng baril at iputok ito. NAKATUTOK sa noo niya ang baril na hawak ni Christopher; isang kalabit lamang nito ay paniguradong sasabog ang kanyang bungo. Napaatras si Cassandra at kusang itinaas ang kanyang dalawang kamay, dahilan upang bumagsak sa lapag ang mga librong dala-dala niya. Bakas sa kanyang mukha ang takot. Nanginginig ang mga tuhod, na kahit anong oras ay agad siyang mabubuwal. "Anong ibig sabihin nito?" nanginginig at basag ang kanyang boses dahil sa takot at pag-iyak. Hinawi ni Christopher si Cassandra upang makapasok siya sa loob ng master's bedroom at siniyasat ang buong lugar. Napamaang na lamang si Cassandra sa kanyang ginagawa sa paghalughog sa silid ng kanyang mga magulang. Wala siyang ideya kung bakit ginagawa ito ni Christopher. Isa-isang binuksan ni Christopher ang pinto ng master's bedroom habang hawak-hawak ang baril at nakatotok ito. "What are you doing? Stop it!" galit na sabi ni Cassandra habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. She wants to break down. Hindi niya alam kung ano ba ang gustong palabasin ng lalakeng ito. Bakit ngayon ay ang kuwarto naman ng kanyang mga magulang ang pinakikialaman? Napatingin sa kaniya ang binata at muling isinuksok ang baril sa likuran. Napabuntong hininga na lamang ito at tila naghahanap ng mga salitang kanyang sasabihin kay Cassandra. "Look, I am just trying to protect you," usal nito at saka naglakad palabas ng master's bedroom. "Gano’n lang 'yon? Bakit kailangan mong gawin itong mga ‘to? Hindi mo na nire-respeto ang mga magulang ko!" Napatigil si Christopher at muli siyang hinarap nito. Nakapamewang na lamang ito at pilit na pinapaintindi kay Cassandra ang kanyang ginagawa. "You asking why? You almost gone—one hour and thirty minutes. Kaming mga bodyguards mo, halos halughugin na ang buong mansyon para hanapin ka lang, then you asking why?" pigil ang kanyang inis at napataas na lamang ang kanyang mga kamay habang nagpapaliwanag siya. "Hindi ko kasalanan kung overreacted kayo. Bakit wala na ba akong karapatan na gawin ang mga bagay na gusto ko?" "Are you hiding something, Miss Cassandra?" Hindi inalis ni Christopher ang pagkatitig sa kaniya, dahilan upang mapaiwas siya ng tingin. Bahagya niyang sinulyapan ang secret door sa gawing kaliwa ni Christopher; ayaw niyang may makaalam na may secret room ang mansyon. Ito lamang ang karamay niya sa tuwing gusto niyang mapag-isa. "Wala na ba akong karapatan na kumilos ayon sa gusto ko?" "That's not my point. I just want to monitor you every now and then dahil responsabilidad kita." "Ano gusto mo? Kahit paghinga at pag-utot ko, sasabihin ko sa'yo, huh! You can leave now. I don't need you!" Napatawa ng nakakaloka si Cassandra at pinahid ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga palad at mabilis na nilisan ang master's bedroom. Napasuntok na lamang sa hangin si Christopher at pinipigilan ang inis sa dalaga. Parang nagkamali siya ng desisyon na tanggapin ang alok ng pagiging isang bodyguard ng isang matigas at makitid na pag-iisip.Isang kulay itim na kotse ang pumarada sa likod ng mansyon. Doon niya pinapunta si Althea upang hindi siya mapansin ng kaniyang mga bodyguard, at bukod dito, ay hindi ito tanaw ng CCTV.Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang kanyang kaibigan na si Althea, kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Carla at Allysa na nakaupo sa driver seat.“Hey guys, what are you doing here?” napaturo siya sa dalawang kaibigan sa pagtataka. Ang buong akala niya kasi ay si Althea lamang ang makikipagkita sa kanya dahil sa importanteng sasabihin nito.“Huwag ka nang tumayo diyan. Get in the car,” sabi ni Allysa sa kanya. Binuksan nito ang unahan ng kotse upang makasakay siya agad.“Let’s party!” sigaw ni Allysa habang pinapatakbo nang mabilis ang kotse.Parang lalabas ang laman-loob ni Cassandra dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng kotse. Hindi na siya sanay sa ganitong gimmick; mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula nang hindi siya nakakalabas kasama ang mga kaibigan. Girls' night out, ito ang
Sunod-sunod na text messages ang natanggap ni Cassandra mula kay Althea. Palihim niyang inilagay ang iPhone sa kanyang beywang. Kahit hindi pa tapos ang kanyang pagkain sa hapunan, agad siyang tumayo mula sa dining table.“Cassandra, hindi mo pa natatapos ang kinakain mo,” puna ni Manang.“I'm full, Manang. Magpapahinga na po ako; masakit po kasi ang ulo ko.” Agad siyang lumabas ng dining area at mabilis na umakyat sa kanyang kuwarto.Isinara at ni-lock niya ang pinto ng kanyang kuwarto at binasa ang mga text messages ni Althea. Napabuntong-hininga siya at umisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa mga mata ni Christopher. Paniguradong mamaya lamang ay nandito na siya sa loob ng kanyang kuwarto para gawin ang kanyang routine.Pinandigan niya ang pagpapanggap na masakit ang kanyang ulo, kaya't nag-utos siya kay Manang Gloria na magdala ng gamot sa kanyang kuwarto upang maging kapani-paniwala ito. Ilang minuto lang ang nakalipas, tatlong sunod na mahinang katok sa pinto ang narinig
HINDI alam ni Cassandra kung gaano na siya katagal na nakatayo sa gitna ng kaniyang silid, hanggang sa napagod na lamang siya at naupo sa harap ng kanyang study table. Nakapalumbaba siya at pinagmamasdan ang repleksyon ni Christopher sa salamin na nakalagay sa kanyang study table. Pinagmamasdan ang bawat kilos nito. Nothing had changed; the same scenario pa rin ito—ang kanyang evening routine na suriin ang bawat sulok ng kanyang silid, pati na rin ang kaniyang kamang hinihigaan.“Matagal ka pa ba?” tanong niya dito.Sandaling napahinto si Christopher sa kaniyang ginagawa at bumaling ng tingin kay Cassandra.“Just a moment,” matipid na sagot niya.Napabuntong-hininga na lamang siya at nilaro-laro ang ballpen na kanyang hawak. Isinasayaw niya ito sa kanyang mga daliri, at kung minsan, naitutoktok niya ito sa kaniyang study table. Halata sa kaniya ang pagkainip sa paghihintay na matapos si Christopher sa kaniyang pag-check sa bawat sulok ng kaniyang silid. Pakiramdam niya, sinasadya ng l
HALOS liparin ni Raven ang ikatlong palapag ng mansyon patungo sa kuwarto ni Cassandra. Nag-aalala siya sa dalaga na baka hindi nito kayanin ang mga nangyayari sa kanya ngayon, katulad ng dati, baka muli na naman itong bumalik sa ospital dahil sa depresyon na nararamdaman. Kung maaari nga lang na akuin niya ang lahat ng sakit na nadarama ni Cassandra, ginawa na niya ito.Mahalaga si Cassandra sa kanya; si Cassandra ang prinsesa ng kanilang pamilya. Hindi man sila palaging nagkikita, si Cassandra pa rin ang paborito niyang pinsan.Hingal at habol ang kanyang hininga nang makarating siya sa third floor. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng silid ng dalaga. Hinawakan niya ang door knob at pumihit ito. Humahangos siyang pumasok sa loob ng kuwarto at sinisigaw ang pangalan ng dalaga."Cassy!"Nakatayo si Cassandra sa harap ng bintana at nakatanaw lamang sa malayo. Napalingon siya nang marinig ang boses ni Raven. Pilit siyang ngumiti sa binata at bumaling sa kanyang Auntie Lucia
NAPAHAWAK si Cassandra sa ulo ng maramdaman ang pagkirot nito, para itong binabarina na tumatangos sa kanyang sintudo. Pinilit niyang bumangon sa kama at dahan-dahan, na naupo. Kinuha niya ang isang basong tubig at ininom ito. Napasinghap siya at napatingala na lang sa kisame ng maalala niya ang mga naganap sa pagitan nila ni Aries. Laking pasalamat niya kay Christopher dahil sa pagtatanggol nito, ngunit nababahala siya sa mga mangyayari sa pagitan nila ni Aries pakiramdam niya nagkaroon na ng lamat ang tiwala niya sa kababata. Nakaramdam siya ng pangangalam ng sikmura kung kaya 't nagpasya siyang magpunta sa dining area. Kung maari nga lang ay ayaw niyang lumabas at magkulong na lang ng buong mag hapon sa loob ng kaniyang kuwarto. Ayaw niyang makita at makasalubong si Christopher, hanggang ngayon kasi ay natutunaw pa din siya sa hiya dahil sa pagmamalaki niya na hindi siya sasaktan ni Aries. Hindi niya alam kung anong meron kay Christopher, bakit ba siya na lang ang palaging tama
PADABOG na pumasok si Aries sa loob ng living room at pinagsusuntok ang pader. Inihagis niya ang mga gamit na hawak niya. Ikinagulat ito ni Aling Delia, ang isa nilang kasambahay, kaya tumakbo ito pabalik sa kusina dahil sa takot kay Aries. Pakiramdam niya'y lulukso ang puso niya sa nerbyos; kakaiba kasi ang pagwawala ni Aries—para itong batang may kulang sa pag-iisip, sinisira niya ang lahat ng maabot niya. Napaatras siya nang masalubong niya si Don Manuel na may dalang bote ng alak. "Anong nangyari at namumutla ka?" tanong ni Don Manuel kay Aling Delia. "Si Sir Aries po, nagwawala na naman po," nanginginig na sagot nito. Napabuntong-hininga si Don Manuel at nagtungo sa living room. Nasa bungad pa lang siya ay dinig na dinig na niya ang pagwawala ni Aries, na para bang isang batang nagpapalahaw. "Aries, tumigil ka!" sigaw ni Don Manuel. Tumigil lamang si Aries nang marinig ang boses ni Don Manuel. Umupo siya sa mahabang sofa, kuyom ang mga kamao. May pasa sa mukha at sugat sa