Home / Romance / My Bodyguard / Chapter Four

Share

Chapter Four

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2025-09-01 20:20:00

MALALIM na ang gabi, ngunit nanatili pa ring gising si Cassandra; hindi siya dalawin ng antok. Nagpasya siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa balcony. Umihip ang malakas na hangin at humampas sa kanyang buhok.

Napatingin siya sa labas ng mansyon at tiningnan ang mga bantay. Kung dati ay isang katirba ang nakapaligid sa buong mansyon, ngayon ay mabibilang na sa daliri ang mga bodyguards na nagbabantay sa kaniya. Pakiramdam niya, naging maaliwalas ito sa kanyang paningin. Meron din naman palang magandang idinulot ang mga ginawa ni Christopher sa pagtanggal ng ibang bodyguards na may mga criminal records. Hindi niya maitatangi na ang lahat ng karangyaan na kanyang tinatamasa ngayon ay dahil na rin sa baril at bala. Ngunit, hindi niya pa rin matanggap ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng magandang buhay na meron siya ngayon, ang kapalit ay ang buhay ng kanyang mga magulang. Nangako siya sa kanyang sarili na bibigyan niya ng hustisya ang pagkawala ng kanyang mga magulang.

Saglit siyang napahinto sa kanyang pagmuni-muni nang maramdaman niyang may taong nakatayo sa kanyang likuran. Lumingon siya upang tingnan kung sino ang aninong nasa likuran. Napataas ang kilay niya nang makita niyang si Christopher na pinagmamasdan siya.

"Gising ka pa rin pala," sabi nito.

"Oh, bakit? Bawal ba? Pati ba ang pagtulog kailangan may permiso galing sa'yo?" inis na sagot niya.

Napatawa ng mahina si Christopher at lumapit sa kanyang tabi at napatingin din sa labas ng mansyon.

"Talaga bang polisopo ka?" natatawang sabi nito sa kaniya.

"Depende sa kausap ko," mataray na sagot niya kay Christopher.

Muling napatawa ng mahina si Christopher sa kanyang mga sinabi at napailing na lamang, na lalong nagdudulot ng matinding pagkainis kay Cassandra.

Hinawakan ni Christopher ang kanyang braso at hinila ito papalapit sa kaniya, na ikinabigla ni Cassandra. Parang may kung anong kuryente ang gumagapang sa kanyang katawan nang hawakan ni Christopher ang kanyang kamay. May kinuha siyang bracelet sa kanyang bulsa at isinuot ito kay Cassandra.

"What is this?" itinaas niya ang kanyang braso at pinagmasdan ang bracelet. Ang strap nito ay gawa sa isang plastic rubber band na kulay itim. Meron itong malaking bilog na katulad ng wristwatch. May pinindot sa bandang gilid si Christopher dahilan upang magkaroon ito ng kulay.

"I have that kind too. It's a device that I can easily track you. Kung saan ka pumupunta, and aside from that, malalaman ko kung nasa panganib ka."

Tiningnan ni Cassandra ang bracelet na isinuot ni Christopher. Ibig sabihin nito ay bawat galaw niya ay malalaman ni Christopher. Mas lalo niyang nararamdaman na masyado na siyang nasasakal sa mga ginagawa sa kanya ng lalaking ito.

"I will explain to you." Muli niyang hinawakan ang braso ni Cassandra at ipinaliwanag sa kanya ang ibig sabihin ng mga ilaw na lalabas sa device na ikinabit sa kanya.

"It will always color green, meaning you are safe. The yellow one is like a map that I can track you kung nasaan ka, and this red light means that your life is in danger. Anyone who will attract you, it turns to red color."

Pakiramdam ni Cassandra, lalong nagiging masikip ang kanyang mundo dahil sa Christopher na'to. Daig niya ang nasa panahon ng Martial Law. Bawat galaw niya ay kailangan nakareport sa kaniya. She's fine without him. Hindi niya kailangan ang isang bodyguard na tulad niya; pakiramdam niya limitado ang lahat ng kanyang gagawin.

Walang sinuman ang nagsasabi o mag-uutos ng kanyang mga gagawin. Bodyguard lang siya at hindi niya trabaho ang kontrolin ang bawat galaw at buhay niya. Kailangan makaisip siya ng paraan kung paano paaalisin sa buhay niya ang pakialamerong bodyguard na'to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Bodyguard   Chapter Seventy-Nine

    RECLUSION PERPETUA, a maximum of forty years of imprisonment. Ito ang hatol kay Hudson Reboblado dahil sa patong-patong na kaso na kaniyang ginawa. Ang iba pa niyang kasamahan na katulad ni Adam, Luke, at ng iba pa na sangkot sa krimen ay pinagaan ang sentensya dahil nagsilbi ang mga ito na testigo sa mga krimen na ginawa ni Hudson. Kahit masakit para kay Cassandra na harapin si Hudson at may takot na nararamdaman, pinili pa rin niya na makausap ito nang personal. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan nang makita niyang lumabas buhat sa selda si Hudson. Nakaposas ang mga kamay nito at nakasuot ng damit na kulay kahel. Napataas ang kilay ni Hudson at napatawa nang mahina nang makita niya si Cassandra. “What the hell are you doing here?” “Gusto lang kitang makausap, Hudson.” Huminga muna siya nang malalim bago ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin. “Matagal na panahon kong itinatanong sa sarili ko kung bakit labis-labis ang galit mo sa akin, sa aking pamilya? May nagawa ba akong mali?”

  • My Bodyguard   Chapter Seventy- Eight

    ISANG bala ng baril ang tumama sa ulo ng kidnapper na may hawak kay Owen mula sa isang sniper ng SWAT team unit. Kasunod niyon ay ang sunod-sunod na putok ng baril ang namayani sa loob ng silid. Hindi magpapahuli nang buhay ang mga kidnappers dahil bawat balang pinakawalan ng kapulisan ay siya ring ganti ng mga ito. Agad namang nilapitan ng pulis si Owen at mabilis na inalis sa lugar ng barilan. Dali-daling lumapit si Christopher kay Owen; wala na siyang pakialam kung harangin pa siya ng mga pulis, ang mahalaga sa ngayon ay mahawakan niya ang kaniyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan sa noo. “Owen, my son. Are you okay?” Yumakap nang mahigpit si Owen sa kaniya at lalong nag-iyak ito nang makita siya. “Stop crying, you are safe now.” “Where is mommy?” “Soon, baby, we will go home.” Kinarga niya si Owen palabas ng hotel; nagmamadali silang lumabas dahil mas lalong tumitindi ang barilan sa pagitan ng grupo ni Hudson at ng mga pulis. Hindi magpapahuli nang

  • My Bodyguard   Chapter Seventy-Seven

    DERMO HOTEL, Makati City—ito ang lokasyon na sinusundan ni Christopher sa pamamagitan ng tracking device na ikinabit niya sa damit ni Albert. Isa ito sa mga pag-aari ng pamilya ng mga Reboblado at isa sa mga lugar na ginagawang tambayan at aliwan ni Hudson noong mga panahon na kasalukuyan pa siyang malaya, kasama ng mga kaibigang nasa alta sosyedad, at may mga gintong kutsara sa bibig. Pagdating sa lokasyon ay agad na pinasok ng mga NBI ang loob ng hotel. Nagkagulo ang lahat nang pumasok ang kapulisan. Agad nilang tinungo ang CCTV Area at pinatay ang mga monitor ng bawat palapag ng hotel. Pinalabas din ang mga empleyado ng hotel at ang mangilan-ngilan na guest. Maingat ang bawat pagkilos ng mga pulis; hangga't maaari ay ayaw nilang may madamay na mga sibilyan sa operasyon na kanilang gagawin upang iligtas sa kamay ni Hudson at ng mga kidnappers ang anak nina Cassandra at Christopher. Sa labas ng hotel ay nakapaligid ang police mobile at ang NBI. Ang mga sniper ay kanya-kanyang puwes

  • My Bodyguard   Chapter Seventy- Six

    ISANG putok ng baril ang narinig ni Cassandra bago pa tuluyan na naputol ang linya. “Owen!” Halos mabaliw si Cassandra sa kakasigaw, ayaw niyang isipin na kinitil ni Hudson ang buhay ng kaniyang anak. “Chris, ang anak natin. Kailangan kong makita ang anak ko! Kailangan kong makita si Owen, pakiusap.” Niyakap nang mahigpit ni Christopher si Cassandra, tanging ito lamang ang kaniyang maibibigay upang pawiin ang takot at pangamba ni Cassandra. Nangingilid ang kaniyang mga luha at pilit niyang itinatago kay Cassandra ang pagpatak nito. “I’m sorry,” paulit-ulit niyang usal. “Sir, we traced the location,” sigaw ng isa sa mga pulis na may hawak ng tracking device. Mabilis na lumapit si Albert upang alamin ang lugar kung saan nagtatago si Hudson at ang kasamahan nitong kidnapper. Agad na kumilos ang mga kasamahan niyang kapulisan. Kaniya-kaniyang dala ng mga armas ang bawat isa at agad na sumakay sa mga sasakyan. Lumapit si Christopher kay Albert upang sabihin na gusto niyang s

  • My Bodyguard   Chapter Seventy-Five

    TATLONG araw na ang nakalipas buhat nang makidnap si Owen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman kung saan dinala ng mga kidnapper si Owen. Ang tanging pag-asa na lamang nila ngayon ay ang muling pagtawag ni Hudson. Bagamat malaki rin ang naitulong ni Adam at Donna upang matukoy ang salarin, kailangan pa rin malaman ng mga kapulisan ang lugar na kinaroroonan ng mga kidnapper.Buong magdamag na nakabantay si Cassandra sa pagtunog ng kaniyang telepono, umaasa na muling tatawag si Hudson sa kaniya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag galing kay Hudson.Pasikat na ang araw, hanggang ngayon ay hindi pa rin dalawin ng antok si Cassandra. Nakamasid lamang siya sa labas ng mansyon at naghihintay ng himala na makita niyang muli ang kanilang anak. Bagamat laging nakaagapay sa kaniya si Chris, hindi niya pa rin maiwasan na mag-alala bilang isang ina. Hindi niya maiwasan na mag-isip ng mga bagay-bagay na maaaring ikapahamak ng kaniyang anak.Humugot siya ng malalim

  • My Bodyguard   Chapter Seventy-Four

    NAGKAROON na rin ng lead tungkol sa kaso ng pagkidnap kay Owen. Sa tulong ng CCTV footage ay natukoy na rin ang mga kasabwat sa pagkidnap kay Owen. Nakuha ang plate number na ginamit na sasakyan ng mga kidnappers. Laking pasasalamat nina Cassandra at Christopher dahil kahit paano ay may linaw na kung sino ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Owen. Naglagay na rin ng tracking devices sa linya ng mga telepono upang matunton kung saan dinala si Owen ng mga kidnappers. Buong maghapon na naghintay si Cassandra ng tawag mula kay Hudson hanggang sa sumapit na ang gabi ay walang tawag na dumating buhat kay Hudson. News black out ito ang minungkahi ni Albert at ng iba pang mga NBI agent upang mas mabilis ang paghahanap kay Owen. Maging ang pagkakahuli kay Adam ay hindi ipinaalam sa media upang sa siguridad na rin ni Adam at lalong-lalo na sa anak nina Cassandra at Christopher. Kinaumagahan ay nagtungo ang kapulisan kasama si Cassandra at Christopher sa lugar na pinagtaguan ng sasakyan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status