Home / Romance / My Bodyguard / Chapter Two

Share

Chapter Two

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2025-08-28 17:39:31

MAAGA nagising si Cassandra kahit na wala siyang tulog. Ewan niya ba, at hindi siya komportable na may kasamang lalaki at estranghero sa loob ng mansyon. Lalo na't magkalapit sila ng silid, wala na siyang privacy at nawalan siya ng lugar na pupuntahan sa tuwing sasapit ang hapon. Madalas niyang tingnan ang paglubog ng araw sa silid na iyon, para itong ginto na sumabog sa buong kalangitan na nagbibigay kinang sa buong paligid.

Lumabas siya ng silid at nagtungo sa lugar na pinupuntahan ng kanyang mommy, ang garden. Madalas silang nagbe-breakfast dito ng sabay-sabay, isang kinagawian na ng kanilang pamilya.

Nagulat ang mga bodyguard nang makita siya, dahil simula nang mawala ang kanyang mga magulang, madalang na siyang lumalabas ng mansyon at madalas na nakakulong lamang sa kuwarto.

"Good morning po, Ma'am Cassandra," bati ng isang bodyguard na nakatalaga sa labas ng mansyon.

Ngumiti siya at patuloy na naglakad sa buong paligid ng garden. Nababawasan ang lungkot na nararamdaman dahil sa makukulay na bulaklak na kanyang nakikita. Napansin naman siya ng hardinero na abalang nagbubunot ng mga damo, agad itong tumayo upang batiin siya.

“Magandang umaga po, Ma’am Cassandra,” bati ng matandang hardinero.

"Ituloy mo lang po ang ginagawa mo. Gusto ko lang magpahangin at maglibot-libot," saad niya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at pinagmasdan ang buong garden. Nahagip ng kanyang mata ang mesa na gawa sa marmol na may apat na upuan na nakapalibot sa paligid ng mesa. Umupo siya malapit sa fountain at ipinikit ang mga mata, inaalala ang masasayang araw na kasama niya pa ang kanyang mga magulang. Hindi niya maiwasan na mapaluha, dahil sariwa pa ang sakit na idinulot nito sa kanya. Nasaksihan niya kung paano paslangin ang kanyang mga magulang na nagdulot ng depresyon na patuloy niyang nilalabanan.

Pinipilit niyang maging normal ang buhay katulad ng dati, ngunit ang sakit at pighati ay nakaturok pa rin sa kanyang dibdib. Walang gabi na hindi siya umiiyak, dahil sa bawat pagpikit ng mga mata ay mukha ng magulang ang kanyang nakikita.

Pinahid niya ang kanyang luha nang makitang papalapit si Manang Gloria na may dala-dalang tray ng pagkain. Inilapag ni Manang Gloria ang tray sa marmol na mesa at matamis na ngumiti.

"Kumain ka na." Iniabot sa kanya ang isang basong orange juice at saka muling ngumiti na halos lumabas na ang mga wrinkles sa mukha.

"Salamat Manang."

"Natutuwa ako at naisipan mong lumabas ng mansyon."

"Naisip ko lang Manang Gloria na kailangan ko ng mag move on. Kailangan ko ng subukan na mabuhay ng wala sila sa tabi ko." Nakangiting niyang saad, ngunit bakas pa rin sa kanyang mga mata ang lungkot at sakit na nararamdaman.

Hinawakan ni Manang Gloria ang kanyang mga kamay at malambing na hinaplos ang mukha. Labis niyang ikinatutuwa ang mga sinabi ni Cassandra; natutuwa siya, sa wakas ay unti-unti nang binabalik ni Cassandra ang normal na buhay.

Habang kumakain ng agahan ay napansin niya na tahimik ang buong mansyon; pakiramdam niya ay may kulang. Nagpalinga-linga siya sa paligid na para bang may hinahanap ang kanyang mga mata, napansin naman ito ni Manang Gloria kung kaya't tinanong siya ng matanda.

"Kanina ka pa palinga-linga. May hinahanap ka ba?" puna ni Manang Gloria.

"Naninibago po kasi ako Manang Gloria, masyado po kasing tahimik ang paligid. Hindi ko na naririnig ang mga tawanan ng mga bantay ko."

"Naku! Maaga silang umalis kanina. Madilim-dilim pa at nag-alsa balutan na sila, sabi nila hindi na daw sila magpapa-alam sa'yo."

"Ano, bakit daw po?" Napatayo siya sa pagka-upo at nilibot ng tingin ang buong mansyon.

"Huwag mo na silang hanapin, umalis na sila kanina pa bago nagliwanag.”

"Hindi maaari!"

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Hindi ko alam na umalis na sila."

"Eh, kung hindi ikaw sino?

Napatingin siya sa ikatlong palapag ng mansyon, kung saan ang silid ni Christopher. Malaki ang kanyang hinala na siya ang nagpaalis sa mga bodyguard.

Hindi niya tinapos ang pagkain. Mabilis siyang pumasok sa loob ng mansyon at patakbong umakyat sa silid ni Christopher. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silid nang hindi man lang kumakatok. Padabog niyang binuksan ang pinto, na labis na ikinagulat ni Christopher. Hinablot ni Christopher ang tuwalya at itinapis sa beywang upang takpan ang maselan na bahagi ng kanyang katawan.

Nanlaki ang mga mata ni Cassandra nang tumambad ang matipunong katawan ni Christopher. Litaw na litaw ang mga muscles nito—ang matipunong dibdib na parang ang sarap gawing unan. Nagbaba siya ng tingin nang magsalubong ang kanilang mga mata.

"What are you doing here? Don't you know how to knock on the door?" singhal ni Christopher.

Tumaas ang kanyang kilay at nilapitan si Christopher. Kung pwede nga lang niya itong itulak sa pader upang mawala ito sa kanyang paningin! Isang araw pa lamang itong namamalagi sa mansyon ay puro panghihimasok na ang ginawa. Ang alam niya, bodyguard niya ang lalaking ito, at hindi ang mangialam at magdesisyon ng mga bagay na siya lamang ang may karapatan.

"Bakit mo pinaalis ang mga tao dito sa mansyon?" May galit ang himig ng kanyang boses.

Hindi siya sinagot ni Christopher. Tumalikod lamang ito at kumuha ng pares ng T-shirt at pants na susuotin. Isinuot ang kulay asul na T-shirt na fitted sa kanyang katawan, at saka isinuot ang pants. Napatalikod na lamang si Cassandra sa ginawang pagbibihis sa harapan niya. Hindi na ito nakaramdam ng hiya, na para bang normal lamang na makita niya ang maselan na bahagi ng katawan nito.

"Wala ka bang kahihiyan! Nagawa mo talagang maghubad sa harap ko!" Inis na sabi ni Cassandra.

"It's my room. Karapatan kong gawin ang gusto ko. Bakit ka kasi pasok ng pasok sa silid ng may silid?"

Lalong nag-init ang ulo niya sa binata. Sa pagkakaalam niya, silid niya ito, at nasa loob siya ng kanyang pamamahay; kaya mas may karapatan siyang gawin ang gusto niya.

Hindi na niya lamang binigyan ng pansin ang sinabi sa kanya ni Christopher. Ang importante ngayon ay malaman kung bakit niya pinaalis ang mga bodyguard na halos maraming taon nang naninilbihan sa kanila.

"Bakit mo pinaalis ang mga tao dito sa mansyon?" Muli niyang tanong sa binata.

"Why you questioning me? It's my job."

"Your job is to be my bodyguard. Nothing else!"

"Exactly, I'm your bodyguard. I'm protecting you, Cassandra, sa lahat ng mga taong nakapalibot sa'yo."

"Hindi mo trabaho ang pakialaman ang desisyon ko. Ako lang ang may karapatan na magsabi kung sino ang aalis at hindi." Madiin na sabi niya, na halos duruin na niya si Christopher dahil sa galit.

"Not anymore. I'll be responsible for everything that's part of my job. Lahat ay dadaan muna sa akin bago pa makalapit sa'yo." His voice is commanding, na labis na ikinagagalit ni Cassandra.

"I can't believe this." Napailing na lamang siya at hindi makapaniwala na kokontrolin ng lalaking ito ang buhay niya. "Hindi ako papayag!" Angas niya pa.

"Tanggapin mo na lang, Miss Cassandra. Dahil ginagawa ko lang ang trabaho ko para mabantayan ka at ilayo ka sa kapahamakan."

"They are not criminals, katulad ng iniisip mo."

Nagkibit-balikat lamang ang binata at kinuha ang mga folders sa loob ng cabinet. Naglalaman ito ng mga personal records ng mga bodyguard na pinaalis niya sa mansyon. Inilatag niya sa harapan ni Cassandra ang lahat ng folders upang tingnan ang mga personal na records ng mga tauhan niya dito sa loob ng mansyon.

"Take a look. Kalahati ng mga tauhan mo dito sa mansyon ay may criminal record."

Nanginginig ang kanyang mga kamay nang binuklat niya isa-isa ang mga folders. Hindi siya makapaniwala. Sa loob ng maraming taon, nakisalamuha siya sa mga taong katulad nila? Hindi niya lubos maisip kung bakit hinayaan ito ng kanyang Daddy. Knowing that his Dad is a Mafia king; all the underground and black market ay halos hinahawakan niya. Ayaw niyang isipin na sangkot ang ama sa mga krimen na nangyayari.

Kaya nga ba pinatay ang kanyang ama dahil sa mga lihim na nalalaman nito? Sa pagkakaalam niya, gusto nang bumitiw sa pagiging Mafia ang ama, kaya naman unti-unti niyang binibitawan ang mga underground business at black market na kinabibilangan, katulad na lamang ng drugs at smuggling.

Para siyang nauupos na kandila habang ipinagkakabit-kabit niya ang bawat pangyayari. Wala siyang makitang ibang dahilan kung bakit pinatay ang kanyang mga magulang, kung hindi ang pagiging Mafia King ng kanyang ama, at ang pagtitiwalag at pagbuwag sa underground business.

Nang dahil sa pagiging isang Mafia King ng kanyang ama, ang buhay niya ngayon ay nanganganib.

ISA-ISA binuklat ni Cassandra ang mga folders na ibinigay sa kanya ni Christopher. Ang mga folder ay naglalaman ng personal na impormasyon, kabilang ang mga miyembro ng pamilya, estilo ng pamumuhay, at maging ang pinakamaliit na detalye ng kanilang buhay.

Mayroon siyang dose-dosenang bodyguards na nagpapalitan sa pagbabantay ng mansyon upang protektahan siya, ngunit halos kalahati sa kanila ay nawala. Habang binabasa niya ang mga impormasyon tungkol sa mga bodyguards, nanginginig ang kanyang mga kamay dahil natuklasan niyang lahat sila ay may mga kriminal na rekord at nakabinbing kaso. Karamihan sa mga kaso ay murder at homicide, may ilan din ang sangkot sa droga at rape.

Hindi makapaniwala si Cassandra na ang kanyang ama ay nagkopkop ng mga kriminal. Nagtataka siya kung ang kanyang ama ay mayroon ding kaso, at kung ito ba ang dahilan kung bakit siya pinapatay at nadamay pati ang kanyang mommy.

She never thought that her father has a monster inside him. She is aware that her father involves on a relationship with different women, pero ang pumatay ay hindi niya kayang gawin. He's a leader of Mafia but he will never let to happen na bahiran ng dugo ang mga kamay. Ito ang pilit niyang pinaniniwalaan. Sa kabila ng mga pagdududa, naniniwala pa rin si Cassandra na ang kanyang ama ay isang mabuting magulang, na nagbigay sa kanya ng lahat ng kanyang gusto, pagmamahal, at pangangalaga.

Habang nakasilip sa labas ng mansyon, nakita ni Cassandra na nagkukumpulan ang mga bodyguards malapit sa pool. Nakita niyang binalya ni Christopher ang isa sa mga bodyguards, na parang nagbuhat ng isang sakong bigas na inihagis. Hindi pa ito nasiyahan, tinukod ang siko sa leeg ng isa sa mga bodyguards, dahilan upang lalong hindi ito makawala.

Napasigaw si Cassandra dahil sa kaba na may mangyaring masama sa bodyguard. Parang nagkamali ang kanyang Auntie Lucia sa pagpili ng kanyang magiging bodyguard.

Isang araw pa lamang ito nanatili sa mansyon ay kung anu - ano na ang pinaggagawa. Una, ay ang pagpalayas sa mga bodyguards na halos maraming taon ng naninilbihan sa kanilang pamilya, ngayon naman, ang manakit ng kapwa niya Bodyguard. Kailangan na may gawin siyang paraan bago pa mahuli ang lahat baka magising na lang siya isang araw ay pilay na ang mga bodyguards niya at wala na siyang maasahan sa mga ito.

Nang makita ang nangyayari, bumaba si Cassandra at tinungo ang pool. Nadatnan niya ang tatlong bodyguards na namimilipit sa sakit at ang isa naman ay nakahandusay sa sahig na halos hindi na makagalaw.

"Stop it!" sigaw ni Cassandra.

Tumayo si Christopher at inilahad ang isang kamay upang tulungan bumangon ang kasamahan.

“What are you doing?" Nagpalipat - lipat siya ng tingin sa mga bodyguards at kay Christopher.

"Sorry Ma'am Cassandra, kung naabala namin kayo. Eh, tinuturuan lang po kami ni Chris ng ibang teknik sa pakikipaglaban," paliwanag ni Greg, isa sa may mga edad na at namumuno sa mga ito.

Tinapunan niya ng tingin si Christopher na tahimik na nakatayo at pinagmamasdan siya, tila hinihintay na sitahin siya.

Nakaramdan siya ng hiya dahil sa kanyang inasal, kung bakit kasi nag over thinking siya, na may ginagawang hindi maganda ang binata sa mga tao dito sa loob ng mansyon. Lalo siyang hindi nakapagsalita nang makita niyang naghubad ng t-shirt si Christopher at pinunasan ang pawis sa dibdib at braso. Agad niyang binawi ang tingin sa binata at nag-galit- galitan.

"Tigilan nyo yan! Maghanda kayo at aalis ako. I want to go shopping!"

"Opo. Ma'am Cassandra. Hintayin ka na lang namin sa kotse,” sagot ng isa sa kanyang Bodyguard.

"Ako ang sasama sa kanya,” seryosong saadni Christopher.

"Segurado ka ba? Baka hindi mo kayanin kung mag-isa ka lang,” babala ng isa pang Bodyguard na medyo bata pa.

"Bakit naman?" Takang tanong nito. "Nagpapa- buhat ba siya kapag napagod na sa paglalakad?" Pagbibiro ni Christopher sa kanyang kasamahan.

"Anong tinatawa - tawa nyo? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Umarko ang kanyang kilay dahil sa hagikgikan ng mga bodyguards. Napayuko lamang ang mga ito at kanya- kanyang bumalik sa kanilang puwesto.

Mabilis na nilisan ni Cassandra ang lugar at bumalik sa kanyang kuwarto. Ang totoo, wala naman siyang balak mag-shopping at wala naman siyang gustong bilhin. Lalo siyang nawalan ng gana dahil kay Christopher na gustong sumama. Kung si Christopher lang ang makakasana niya, mas pipiliin niyabg magmukmok na lang sa kanyang kuwarto.

Lumipas ang ilang sandali at mahinang katok sa pintuan ang kanyang narinig. Parang natulkaw siya ng ahas nang lumantad sa harapan niya si Christopher. Nakasuot ng kulay blue shirt at walking shorts na tinernohan ng Black rubber shoes. Bakit ba sa tuwing nakikita niya ang binata ay parang nagbabagong anyo ito? Ayaw man niyang aminin, may kakaibang kisig si Christopher. Pakiramdam niya lagi siyang kinakabahan kapag kaharap niya at kausap ang binata.

"Shall we go?" Bungad nito sa kanya.

"Ah.. Eh, nagbago na ang isip ko. Ayaw ko ng mag shopping." Napangiti na lamang siya at mabilis na isinara ang pintuan at ini-lock.

Naiwan si Christopher na nakatayo sa harap ng pintuan na umiling-iling at natatawa sa inasal ni Cassandra.

"Childish," pabulong na sabi niya.

***

Napapaiyak at hindi mapigilan ang pagluha ni Manang Gloria ng lumapit kay Christopher.

"Manang Gloria, bakit po kayo umiiyak?"

"Chris, si Cassandra nawawala! Hindi ko siya matagpuan. Halos isang oras na akong umiikot sa buong mansyon pero hindi ko siya matagpuan." Umiiyak na sabi ni Manang Gloria.

"Sigurado po ba kayo? Baka naman nasa paligid lang siya."

"Wala talaga si Cassandra. Tinawagan ko na ang phone niya pero hindi niya sinasagot." Nanginginig na sabi ni Manang Gloria dahil na din sa nerbyos.

"Hahanapin ko siya Manang. Tumahan na kayo." Mahinahon na sabi ni Christopher.

Inutusan ni Christopher ang kanyang mga kasamahan na hanapin si Cassandra. Agad niyang tinungo ang silid ni Cassandra at tiningnan ang bawat sulok at pinto ng silid. Tiningnan din niya ang bintana at sumilip siya sa labas, ngunit batay sa kanyang pagsisiyasat, imposibleng makatalon si Cassandra mula dito hanggang sa baba. Masyadong mataas para sa isang babae ang talunin ito.

Muli niyang iginala ng mga mata ang loob ng kuwarto at isa-isang pinagmasdan ang mga gamit nito. Walang nagbago; ang lahat ay nasa ayos, maliban na lamang sa kanyang bookshelf na magulo ang pagkaayos at ang cellphone na nakapatong sa mesa.

Napansin din niya ang carpet na may bakat ng tsinelas. Sinundan niya ang mga bakas nito, ngunit paglabas ng pinto, wala na siyang nakitang ano pa mang bakas na pwedeng magturo sa kanya kung saan nagpunta si Cassandra.

Sinilip ni Christopher ang second floor ng mansyon at bumaba siya dito upang tingnan ang lugar. Nang walang makitang kakaiba, muli siyang bumalik sa labas ng mansyon upang alamin kung nakita na nila si Cassandra.

They monitored the CCTV camera, ngunit hindi nila nakita si Cassandra. Napabuntong hininga na lamang siya at napapahawak sa ulo. Napapa-isip siya kung saan nagpunta si Cassandra o may mga taong dumukot sa dalaga.

"Is this the only CCTV that you have?" tanong ni Christopher sa mga kasama.

"Meron pang isa, sa likod ng mansyon."

"Go and check it," utos ni Christopher.

Agad naman nilang tiningnan ang CCTV ngunit bigo pa rin sila. Walang anumang footage ang lumabas ni Cassandra. Everything is clear. Payapa at tahimik ang buong lugar ng mansyon base sa nakita nila sa CCTV footage.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Bodyguard   Chapter Ten

    HINDI alam ni Cassandra kung gaano na siya katagal na nakatayo sa gitna ng kaniyang silid, hanggang sa napagod na lamang siya at naupo sa harap ng kanyang study table. Nakapalumbaba siya at pinagmamasdan ang repleksyon ni Christopher sa salamin na nakalagay sa kanyang study table. Pinagmamasdan ang bawat kilos nito. Nothing had changed; the same scenario pa rin ito—ang kanyang evening routine na suriin ang bawat sulok ng kanyang silid, pati na rin ang kaniyang kamang hinihigaan.“Matagal ka pa ba?” tanong niya dito.Sandaling napahinto si Christopher sa kaniyang ginagawa at bumaling ng tingin kay Cassandra.“Just a moment,” matipid na sagot niya.Napabuntong-hininga na lamang siya at nilaro-laro ang ballpen na kanyang hawak. Isinasayaw niya ito sa kanyang mga daliri, at kung minsan, naitutoktok niya ito sa kaniyang study table. Halata sa kaniya ang pagkainip sa paghihintay na matapos si Christopher sa kaniyang pag-check sa bawat sulok ng kaniyang silid. Pakiramdam niya, sinasadya ng l

  • My Bodyguard   Chapter Nine

    HALOS liparin ni Raven ang ikatlong palapag ng mansyon patungo sa kuwarto ni Cassandra. Nag-aalala siya sa dalaga na baka hindi nito kayanin ang mga nangyayari sa kanya ngayon, katulad ng dati, baka muli na naman itong bumalik sa ospital dahil sa depresyon na nararamdaman. Kung maaari nga lang na akuin niya ang lahat ng sakit na nadarama ni Cassandra, ginawa na niya ito.Mahalaga si Cassandra sa kanya; si Cassandra ang prinsesa ng kanilang pamilya. Hindi man sila palaging nagkikita, si Cassandra pa rin ang paborito niyang pinsan.Hingal at habol ang kanyang hininga nang makarating siya sa third floor. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng silid ng dalaga. Hinawakan niya ang door knob at pumihit ito. Humahangos siyang pumasok sa loob ng kuwarto at sinisigaw ang pangalan ng dalaga."Cassy!"Nakatayo si Cassandra sa harap ng bintana at nakatanaw lamang sa malayo. Napalingon siya nang marinig ang boses ni Raven. Pilit siyang ngumiti sa binata at bumaling sa kanyang Auntie Lucia

  • My Bodyguard   Chapter Eight

    NAPAHAWAK si Cassandra sa ulo ng maramdaman ang pagkirot nito, para itong binabarina na tumatangos sa kanyang sintudo. Pinilit niyang bumangon sa kama at dahan-dahan, na naupo. Kinuha niya ang isang basong tubig at ininom ito. Napasinghap siya at napatingala na lang sa kisame ng maalala niya ang mga naganap sa pagitan nila ni Aries. Laking pasalamat niya kay Christopher dahil sa pagtatanggol nito, ngunit nababahala siya sa mga mangyayari sa pagitan nila ni Aries pakiramdam niya nagkaroon na ng lamat ang tiwala niya sa kababata. Nakaramdam siya ng pangangalam ng sikmura kung kaya 't nagpasya siyang magpunta sa dining area. Kung maari nga lang ay ayaw niyang lumabas at magkulong na lang ng buong mag hapon sa loob ng kaniyang kuwarto. Ayaw niyang makita at makasalubong si Christopher, hanggang ngayon kasi ay natutunaw pa din siya sa hiya dahil sa pagmamalaki niya na hindi siya sasaktan ni Aries. Hindi niya alam kung anong meron kay Christopher, bakit ba siya na lang ang palaging tama

  • My Bodyguard   Chapter Seven

    PADABOG na pumasok si Aries sa loob ng living room at pinagsusuntok ang pader. Inihagis niya ang mga gamit na hawak niya. Ikinagulat ito ni Aling Delia, ang isa nilang kasambahay, kaya tumakbo ito pabalik sa kusina dahil sa takot kay Aries. Pakiramdam niya'y lulukso ang puso niya sa nerbyos; kakaiba kasi ang pagwawala ni Aries—para itong batang may kulang sa pag-iisip, sinisira niya ang lahat ng maabot niya. Napaatras siya nang masalubong niya si Don Manuel na may dalang bote ng alak. "Anong nangyari at namumutla ka?" tanong ni Don Manuel kay Aling Delia. "Si Sir Aries po, nagwawala na naman po," nanginginig na sagot nito. Napabuntong-hininga si Don Manuel at nagtungo sa living room. Nasa bungad pa lang siya ay dinig na dinig na niya ang pagwawala ni Aries, na para bang isang batang nagpapalahaw. "Aries, tumigil ka!" sigaw ni Don Manuel. Tumigil lamang si Aries nang marinig ang boses ni Don Manuel. Umupo siya sa mahabang sofa, kuyom ang mga kamao. May pasa sa mukha at sugat sa

  • My Bodyguard   Chapter Six

    Sa Top of the Alpha, isang sikat na disco bar sa Makati, nagpunta sina Cassandra at Aries. Mayroong full bar at iba't ibang uri ng alak.Naupo sila sa isang sulok, malayo sa maraming tao. Gusto ni Aries na makasama lang si Cassandra. Matagal na rin silang hindi nagkikita simula pagkabata.Nag-order si Aries ng dalawang tequila at side dish. Naka-ilang tequila pa sila hanggang sa medyo marami na ang nainom nila. Mabuti na lang at hindi gaanong nakikisabay si Cassandra sa pag-inom ni Aries; kung hindi, pareho silang mapapahamak.“Sa tingin ko, uwi na tayo, Aries. Parang marami ka nang nainom,” sabi ni Cassandra. Ngumisi lang si Aries at tinungga ang huling baso ng tequila.“Huwag kang mag-alala. Kaya kitang ihatid pauwi nang ligtas,” nakangiting sabi ni Aries at nilagyan ng alak ang baso niya.“Cheers?” Itinaas ni Aries ang baso niya, gayundin si Cassandra. Pinagdikit nila ang mga baso at sabay na uminom ng tequila.Nakaramdam si Cassandra ng pagkahilo; parang lumulutang siya sa

  • My Bodyguard   Chapter Five

    PRESO ang pakiramdam ni Cassandra mula nang dumating si Christopher sa buhay niya. Anuman ang gawin niya, lagi itong nakasunod; kahit ang pagpunta niya sa grocery kasama si Manang Gloria ay hindi ito mawala sa buntot niya. Tanging sa banyo at habang naliligo lamang siya ito hindi nakikita, at kahit sa pagtulog niya ay kailangan pa nitong silipin ang bawat sulok ng kuwarto. Bago pa man siya makapikit ay kailangan munang suriin ni Christopher ang silid.Para siyang bata na kailangang bantayan sa bawat kilos at pagbawalan sa maraming bagay. Dahil sa mahigpit na pagbabantay ni Christopher, bihira na siyang makalabas kasama ang mga kaibigan. Mukhang nagkamali ito ng pinasukan; umaasta ito na para bang pag-aari na nito ang buong pagkatao ni Cassandra.Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama, nakatitig sa kisame. Hindi niya alam ang gagawin. Kailangan na niyang malutas ang kaso ng kanyang mga magulang para tuluyang mawala si Christopher sa buhay niya.Bigla siyang napabalikwas nang makatan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status