LOGINTahimik ang umaga sa loob ng kwarto. Ang liwanag ng araw ay dahan-dahang pumapasok sa bintana, tumatama sa mukha ni Adrian habang siya’y mahimbing na natutulog. Sa tabi niya, gising na si Celestine, nakatagilid at pinagmamasdan ang bawat galaw niya… parang takot siyang pumikit, baka pagdilat niya ay mawala na naman ang lalaking matagal niyang hinintay.Biglang kumunot ang noo ni Adrian. Napahigpit ang hawak niya sa kumot, at maya-maya’y bumilis ang paghinga niya.“Adrian…” mahinang tawag ni Celestine. “It’s okay. I’m here.”Ngunit biglang napadilat ang mga mata ni Adrian. Pawis na pawis siya, hinihingal, at parang may hinahabol na hangin. Umupo siya bigla at napahawak sa ulo.“A—Adrian?” natatarantang sabi ni Celestine. “Are you okay?”Hindi agad siya sumagot. Ang mga mata niya ay parang naglalakbay sa kung saan… hindi sa kwarto, kundi sa mga alaala.Isang malakas na pagsabog.Sigawan.Isang eroplano.Tubig.Dilim.Napasinghap siya.“Celestine…” paos niyang bigkas.Nanlaki ang mga mat
Tahimik ang buong bahay kinaumagahan. Hindi iyon yung katahimikang nakakabingi, kundi yung uri ng katahimikan na parang humihinga… maingat, dahan-dahan, at puno ng pag-asa. Nakahiga si Adrian sa kama, gising na pero hindi pa bumabangon. Nakatitig siya sa kisame, pinagmamasdan ang sinag ng araw na pumapasok sa bintana. May kung anong gaan sa dibdib niya na matagal niyang hindi naramdaman.Recovering.Iyon ang salitang paulit-ulit na tumatak sa isip niya.Hindi pa buo ang alaala, pero may mga pira-piraso nang bumabalik… mga tunog, mukha, emosyon. At sa lahat ng iyon, iisa ang malinaw… si Celestine.Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip si Celestine, may hawak na tray ng pagkain. Ngumiti siya nang makita si Adrian na gising na. “Good morning,” mahinang bati niya.“Good morning,” sagot ni Adrian, may konting pamamaos ang boses. “You didn’t have to bring food here.”“I want to,” sagot ni Celestine habang inilalapag ang tray sa maliit na mesa. “Doctor said you need proper meals para mas
Tahimik ang loob ng sasakyan habang pauwi sina Celestine at Adrian mula sa event. Ang city lights sa labas ay tila mga alaalang dumaraan… maliliwanag, pero hindi mahawakan. Nakatingin si Adrian sa bintana, hawak ang sentido, parang may mabigat na kumakatok sa loob ng kanyang isip.“Masakit ba ang ulo mo?” mahinang tanong ni Celestine, puno ng pag-aalala ang boses.“Konti,” sagot ni Adrian. “Parang may gustong lumabas… pero hindi ko mahila.” Ngumiti siya ng pilit. “I’m okay. Don’t worry.”Huminga nang malalim si Celestine. Alam niyang may epekto ang nakita nila kay Margaux… hindi dahil sa kung sino siya noon, kundi dahil sa kung sino siya ngayon. Minsan, ang pagbabago ng isang tao ang mas nagigising sa alaala kaysa sa galit.Pagdating sa bahay, sinalubong sila ng katahimikan. Tulog na ang mga bata. Si Luna ay yakap ang stuffed toy, si Aiden at Aurora ay magkayakap sa kabilang kwarto. Napangiti si Celestine sa tanawing iyon… isang pamilyang buo, kahit may kulang pa sa alaala.Tinulungan
Habang abala si Celestine sa kanyang office, biglang kumatok ang kanyang secretary. “Ms. Celestine, may inabot po sa inyo,” sabi nito, hawak ang isang eleganteng envelope. Agad naman niya itong pinapasok at tinanggap ang papel. Pagbukas niya, nakita niya ang invitation mula sa isang foundation na nakatulong sa mga kababaihan na dati’y inapi ngunit bumangon at nagtagumpay.Nangunot ang noo ni Celestine. “Ano kaya ito? Hindi naman ako pinagbubuhatan ng kamay ni Adrian,” bulong niya sa sarili. Ngunit nang makita niya ang lagda sa ibaba ng invitation, napalunok siya. “Margaux?” ang bulong niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan na ang babaeng iyon… na naging dahilan ng dami ng sakit at problema niya noon… ay nasa likod ng foundation na ito.Bigla pumasok si Adrian sa office. “What’s that?” tanong niya, tinatanaw ang invitation sa kamay ni Celestine.“May pupuntahan tayo. May taong gustong makipagkita sa atin,” sagot ni Celestine, sabay ngiti kay Adrian. Hindi niya sinabi
Maagang dumating sina Celestine at Adrian sa company. Tahimik pa ang paligid, pero ramdam na ni Celestine ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Ilang taon ding hindi nakita ng mga tao si Adrian sa building na ito… ang lalaking minsang kinatatakutan, nirerespeto, at hinahangaan ng lahat. Ngayon, babalik siya hindi bilang dating Adrian na buo ang alaala, kundi bilang isang taong muling nagsisimula.“Ready ka na?” mahinang tanong ni Celestine habang nasa elevator sila.Ngumiti si Adrian at bahagyang tumango. “Hindi ko man maalala lahat, pero I want to know where I came from. I want to know who I was.”Napangiti si Celestine. “And we’ll take it one step at a time.”Pagbukas ng elevator, tumambad sa kanila ang lobby ng company. Sa unang segundo, parang huminto ang oras. Isa-isang napalingon ang mga empleyado. May napabitaw ng folder, may napahinto sa paglalakad, at may napabulong ng, “Boss?”“Is that… Sir Adrian?” halos pabulong na sabi ng isang staff.Mabilis kumalat ang balita. Parang apoy
Maagang nagising si Celestine sa tunog ng alarm. Sumilip ang araw sa bintana, at ramdam niya ang kakaibang excitement sa hangin. “First day of school,” bulong niya sa sarili habang ngumiti. Sa kusina, naghanda siya ng almusal… pancakes para kina Aiden at Luna, may kasamang fruits at gatas. Si Aurora naman ay nakaupo sa high chair, hawak ang kanyang stuffed toy, habang nanonood sa kanila.“Aiden, Luna, wake up na,” mahinang tawag ni Celestine habang binubuksan ang ilaw sa kwarto ng mga bata. Si Aiden ay agad bumangon, sabik na sabik. “Mommy, today I’ll meet new friends!” sabi niya na parang may fireworks sa boses. Si Luna naman ay dahan-dahang umupo, hawak ang stuffed toy na paborito niya. May konting kaba sa mga mata nito, pero ngumiti pa rin.Habang nagbibihis ang mga bata, tinulungan ni Celestine si Luna sa pagsuot ng school uniform. “You look beautiful,” sabi niya, sabay ayos ng buhok ng bata. Napangiti si Luna. “Tita Celestine, will you fetch us later?” Tanong nito, may halong pa







