Beranda / Romance / My Boss Got Me Pregnant / Chapter 2 – At the Bar

Share

Chapter 2 – At the Bar

Penulis: Mooncaster
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-22 15:55:35

<

>

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Basta naglalakad na lang ako papasok sa isang bar na madalas ko lang nadadaanan. The Silver Moon Bar. Neon lights sa labas, half-dead na yung sign pero parang bagay naman sa mood ko: wasak at nagf-flicker.

Pagpasok ko, sinalubong ako ng amoy ng alak at tunog ng bass na parang gusto kong sakyan, para takpan ang lahat ng ingay sa utak ko. Mga taong nagtatawanan, nag-iinuman, may mga couple na naglalaplapan sa gilid. Ako naman? Naglakad diretso sa counter, parang automatic na gumalaw yung mga paa ko.

“Isang whiskey” sabi ko agad sa bartender, halos hindi ko na narinig yung sarili ko sa lakas ng music. Napataas siya ng kilay pero nag-abot pa rin.

Hindi ko alam kung mas gusto ko bang sumigaw o maiyak, kaya eto na lang ako inom hanggang mawalan ng pakiramdam.

Unang lagok pa lang, ramdam ko na yung init na gumapang pababa ng lalamunan ko. Masakit, pero mas gusto ko ’yon kesa sa sakit na hindi ko kayang takasan sa loob ng condo—lalo na kapag naaalala ko siya

“Whiskey,” bulong ko ulit sa bartender. Kahit hindi ko naman forte ang malakas na alak, wala na akong pakialam. After two glasses, parang umiikot na yung paligid. Pero kahit gaano pa kabilis yung hilo, mas mabilis pa rin yung sakit sa dibdib ko.

Tumayo ako at pagiwang-giwang na naglakad sa gitna ng mga taong sumasayaw. Hawak-hawak ko ang alak na parang siyang tanging sandata ko laban sa lahat ng bigat na nasa dibdib ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nagsimulang sumayaw, iniisip na baka sakaling sa bawat indayog ng katawan ko, kahit papaano, mabura ang lahat ng alaala niya.

Maingay ang tugtog. Mga ilaw na nagkikislapan, halong amoy ng alak at pabango ng mga taong nagtatakbuhan mula sa sakit ng mundo. Nasa gitna ako ng dance floor, hawak ang isang baso ng whiskey, sumasayaw na parang wala nang bukas.

Pakiramdam ko, bawat indayog ng katawan ko ay isang pagsigaw. Isang sigaw ng sakit ng pagtataksil nila. Sa bawat lagok ng alak, parang sandaling nabubura ang bigat na pasan ko—pero alam kong oras lang ang kalaban ko bago bumalik ang lahat.

Mabigat ang katawan at isip ko habang sumasayaw sa gitna ng bar. Malakas ang tugtog, malabo ang ilaw, at mas malakas pa ang tama ng alak na paulit-ulit kong iniinom. Gusto kong makalimot. Gusto kong hindi maramdaman ang sakit na iniwan ng pagtataksil nina Marcus at Bianca.

“Cheers to betrayal!” bulong ko sa sarili ko habang nilalagok ang alak. Ramdam ko pa rin ang pait, hindi ng whiskey, kundi ng alaala ng fiance ko. Ang sakit sakit. Kaya ngayong gabi, wala akong pakialam. Kung masira man ako, bahala na.

Parang wala nang bukas kung sumayaw ako—nakapikit, nakataas ang mga kamay, umiikot, tumatawa pero may bigat sa dibdib. Ang bawat galaw ko, may kasamang hinagpis na pilit kong tinatago sa likod ng malingiti kong maskara. At walang pakialam sa mga matang nakatingin sa akin. Sa bawat galaw ko ay halatang desperadong pinapatay ang sakit sa puso.

Nang mapagod, bumalik ako sa table at muling tinungga ang alak. Malabo na ang paningin ko, pero ramdam ko pa rin ang lungkot na hindi matabunan ng kahit gaano karaming shot.

“Another shot, please,” bulong ko sa bartender habang ramdam ko ang pagkabigat ng dibdib. Para akong lumulutang, pero sa bawat pintig ng puso ko, bumabalik ang mga alaala ng kahapon—ang pagyakap niya kay Bianca, ang mga halik na ako lang sana ang dapat nakakatanggap.

Kinuha ko ang baso at nilagok ang ibinigay ng bartender. Ang pait ng alak halos kasing pait ng puso kong wasak. “Tangina… bakit ako pa?” bulong ko habang pinipigilan ang luha.

Nagulat ako nang biglang may umupo sa tabi ko. Narinig ko yung tunog ng stool.

“Rough night?”

Pamilyar yung boses. Agad akong lumingon—at muntik ko pang mabitawan yung baso.

“Sir Adrian?!”

Si Adrian Velasco, ang boss ko. Imposible. Sa dami ng bar dito sa city, bakit dito pa? Ang presensya niya, matikas at seryoso, pero may kung anong init na nagbibigay sa akin ng kakaibang ginhawa.

“Sir… hindi ko inakalang mahilig din pala kayong mag-bar,” sabi ko, pilit na nagbibiro para itago ang kaba.

Nag-angat siya ng kilay, nakatingin sa akin na parang curious. “You don’t usually stay out this late, let alone in a place like this.”

Napatawa ako, pero bitter. “Well, people change… lalo na kapag iniwan ng fiance para sa step sister.”

Nanlaki ng konti yung mata niya. Halata yung gulat pero pinili niyang hindi magsalita. Instead, inabot niya yung kamay niya at tinawag yung bartender. “Another round for her. And one for me.”

Pagdating ng inumin, tinaas niya yung baso. “To new reasons,” sabi niya.

Nag-toast kami. “To reasons,” bulong ko, bago ko ininom ng diretso.

Tahimik lang ulit siya. Hindi nagbigay ng walang kwentang advice, hindi rin ako pinilit na tumigil. Kinuha lang ulit niya ang baso, tinaas, at nagsalita:

“Kung ayaw mong mag-isa, edi sabayan na lang kita. Tara. Inom tayo hanggang makalimot ka kahit sandali.”

Nagtagpo ang baso namin. Clink.

At doon, sa bawat lagok, sa bawat tahimik na sandali, pakiramdam ko may kasama na akong magdala ng bigat.

Sa unang pagkakataon simula ng gabing iyon, hindi na ako mag-isa.

At doon na nagsimula. Unti-unti kong nailabas lahat ng sakit, lahat ng kwento, lahat ng luha. Tahimik lang siya, pero ramdam kong nakikinig talaga siya. Nang manginig yung boses ko, dahan-dahan niyang hinawakan yung kamay ko. Hindi ko inalis. Hindi ko kaya.

Mainit, steady, comforting. Nakakatakot kasi baka doon ako mahulog.

Nang tumayo ako at muntik nang matumba, agad niyang nilagay yung braso niya sa balikat ko para alalayan ako.

“Let’s get you out of here,” mahina niyang sabi.

Lumabas kami ng bar, malamig ang hangin pero parang mas mainit yung kaba ko sa dibdib. Hindi dahil sa alak. Dahil sa kanya. Dahil baka mas lalo pa akong mapahamak hindi sa heartbreak, kundi sa posibilidad na mahulog sa taong pinaka-hindi dapat kong mahalin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 90 — Home, At Last

    Tahimik ang hapon sa villa, pero hindi na ito yung uri ng katahimikan na mabigat sa dibdib. Ito na yung katahimikan na may kapayapaan.Nakaupo si Celestine sa garden, hawak si baby Aiden habang pinapaarawan ito ng banayad na sikat ng araw. May hawak siyang bote ng gatas, dahan-dahang pinapadede ang anak.Habang pinagmamasdan niya si Aiden, hindi niya maiwasang mapangiti. Ang dami nilang pinagdaanan… takot, sakit, galit, pagkawala.Pero heto sila ngayon. Buhay. Magkasama.“Mommy’s here,” bulong niya. “Hindi ka na mawawala sa akin.”Mula sa loob ng bahay, lumabas si Adrian.May hawak siyang phone at halatang may kausap kanina. Lumapit siya kay Celestine at yumuko para halikan ang noo ni Aiden.“They’re here,” sabi niya.Napatingin si Celestine. “Who?”“My parents. Kakalapag lang nila.”Sandaling natigilan si Celestine. Hindi siya kinakabahan… pero ramdam niya ang bigat ng emosyon. Matagal na rin mula nang huli niyang makita ang parents ni Adrian. At alam niyang, gaya nila, marami rin it

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 89 — Healing Begins

    Tahimik ang umaga sa villa nina Celestine at Adrian. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa malalaking bintana, nagbibigay ng warm na liwanag sa buong sala. Sa wakas, matapos ang lahat ng gulo, sigawan, takot, at luha… may katahimikan na rin.Nasa sofa si Celestine, karga si baby Aiden na mahimbing ang tulog. Pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng anak, parang gusto niyang kabisaduhin ang bawat detalye… ang maliit na ilong, ang bahagyang pagkakurba ng labi, ang marahang paghinga.“Parang kailan lang,” mahina niyang sabi.“Akala ko mawawala ka sa akin.”Lumapit si Adrian, may dalang tasa ng tsaa. Inilapag niya iyon sa mesa at umupo sa tabi ni Celestine. Inilagay niya ang kamay sa balikat ng asawa.“Tapos na,” bulong niya. “Safe na kayo. Safe na tayo.”Tumango si Celestine, pero hindi pa rin maalis ang bahagyang lungkot sa mga mata niya. Kahit tapos na ang kaso, kahit nakakulong na si Bianca, may mga sugat na hindi agad naghihilom.Makaraan ang ilang araw, bumisita ang pamilya ni Celest

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 88 — The Final Verdict

    Mabigat ang hangin sa loob ng courtroom. Tahimik ang lahat, tanging mahinang pag-ubo at kaluskos ng papel ang maririnig. Nasa unahan si Bianca, suot ang simpleng beige na damit pangkulungan. Wala na ang mamahaling ayos, wala na ang palaban na tindig. Ang dating matapang na mga mata ay puno na ngayon ng kaba at pagod.Sa kabilang panig ng korte, tahimik na nakaupo sina Celestine at Adrian. Mahigpit ang hawak ni Adrian sa kamay ni Celestine, ramdam ang panginginig nito… hindi sa takot, kundi sa bigat ng alaala. Ang kidnapping, ang takot na mawala si baby Aiden, ang gabing halos gumuho ang mundo nila.“Are you ready?” mahinang tanong ni Adrian.Tumango si Celestine. “Tapos na ang takot. This ends today.”Pumasok ang hukom. Tumayo ang lahat.“This court is now in session.”Isa-isang binasa ang mga kasong isinampa laban kay Bianca…. conspiracy to commit kidnapping, psychological manipulation, obstruction of justice, at abuse of power. Habang binabanggit ang bawat kaso, lalong bumibigat an

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 87 — Fragments of a Broken Mind

    Tahimik ang loob ng psychiatric ward. Walang sigawan, walang drama… tanging tunog lang ng mahinang electric fan at ang maingat na yabag ng mga nurse sa hallway. Nakaupo si Margaux sa gilid ng kama, yakap ang isang maliit na teddy bear. Maputla ang mukha niya, bagsak ang balikat, at parang wala nang sigla ang mga mata.Hindi na siya umiiyak.Hindi na rin siya galit.Parang pagod na pagod na ang kaluluwa niya.“Good morning, Margaux,” mahinahong bati ng therapist niyang si Dr. Reyes habang pumapasok sa kwarto. “How are you feeling today?”Matagal bago siya sumagot.“Empty,” mahina niyang sabi. “Parang may butas dito.” Sabay tapik sa dibdib niya.Umupo si Dr. Reyes sa tapat niya. “Do you still think the baby is yours?”Napapikit si Margaux. Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila.“No,” bulong niya. “Alam ko na… hindi siya sa akin.”Huminga siya ng malalim. “Pero masakit pa rin. Kasi sa isip ko, sandali… sandali naging totoo.”Sa unang linggo ng therapy, halos walang imik si Marga

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 86 — The Trial Begins

    Tahimik ang loob ng courtroom, pero ramdam ang bigat ng bawat paghinga. Isa-isang pumapasok ang mga tao… media, abogado, at ilang piling imbitado. Nasa unahan sina Celestine at Adrian, magkatabi, hawak ang kamay ng isa’t isa. Hindi nila kasama si baby Aiden… masyadong bata para sa ganitong klaseng eksena.Sa kabilang panig, pumasok si Bianca… nakaposas, payat na payat, at halatang puyat. Wala na ang confident na ngiti, wala na ang mataray na tingin. Ngayon, puro galit at takot ang nasa mga mata niya.Naupo siya sa tabi ng abogado niya. Sa likod, nandoon ang mommy at daddy niya… tahimik, seryoso, halatang kinakabahan. Hindi na sila makapagsalita ng mayabang tulad ng dati.“Court is now in session,” anunsyo ng hukom.Tumayo ang lahat.Sinimulan ng prosecutor ang paglalahad.“Your Honor,” mariing sabi nito, “this case involves kidnapping, conspiracy, psychological manipulation, and corporate sabotage. The accused, Bianca Alcantara, may not have physically taken the child… but evidence wi

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 85 — The Line That Was Crossed

    Hindi nagtagal ay kumalat din ang balita sa buong social circle ng mga Alcantara at Monteverde ang pagkaka-aresto ni Bianca. Isang eskandalo na hindi na nila kayang tabunan ng pera, koneksyon, o impluwensiya. Kaya kinabukasan pa lang, kumilos na agad ang mommy at daddy ni Bianca.Nag-file sila ng petition for bail at motion for temporary release, umaasang makakalaya agad ang anak nila habang inaayos ang lahat. Pero mabilis ding dumating ang sagot ng korte… denied.Mabigat ang kaso. Kidnapping. Psychological manipulation. Corporate sabotage. Conspiracy.Hindi ito pwedeng idaan sa pera lang.“Kailangan ng trials,” malamig na sabi ng abogado nila. “At kailangan ninyong kausapin ang mag-asawang biktima.”Kaya isang hapon, dumating ang mommy at daddy ni Bianca sa villa nina Adrian at Celestine.Tahimik ang sala pero ramdam ang bigat ng hangin. Nakatayo si Adrian malapit sa bintana, habang si Celestine ay nakaupo sa sofa, tuwid ang likod, kalmado ang mukha… pero matalim ang mga mata.Hin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status