Home / Romance / My Boss Got Me Pregnant / Chapter 1 – The Betrayal

Share

My Boss Got Me Pregnant
My Boss Got Me Pregnant
Author: Mooncaster

Chapter 1 – The Betrayal

Author: Mooncaster
last update Last Updated: 2025-09-22 15:48:39

<

>

Maaga akong nagising that Saturday morning, puno ng excitement. Today, plano kong sorpresahin si Marcus — fiancé ko, ang lalaking ilang buwan na lang ay magiging asawa ko. Gusto kong ipadama sa kanya na kahit gaano kami ka-busy, may time pa rin ako to make him feel special. Maliliit na bagay yun para sa akin, pero malaki ang ibig sabihin nila sa puso ko.

Agad akong bumaba. Sumilip sa kitchen, nag lista ng bibilhin, at dali-dali akong lumabas papuntang palengke. Isa-isa kong pinili ang mga sangkap para sa paborito niyang adobo with a twist — yung tipong may konting spice at gata na alam kong mapapa-“wow” siya. Kinuha ko rin ang mga itlog at gatas para sa leche flan na lagi niyang sinasabi na “comfort dessert.” Simple lang, pero alam kong yun ang makakapagpasaya sa kanya.

Pag-uwi ko, sinunod agad ang recipe na lagi ko ring ginagawa tuwing may espesyal na okasyon. Habang hinihiwa ko ang bawang at sibuyas, amoy na amoy ko ang kusina at bigla akong napangiti. Iniisip ko na mamaya, yung unang tingin niya sa pagkain, yung surprise na parang bata—yan ang hinahanap ko. This is our night, sabi ko sa sarili ko habang maingat kong nilalagay sa magandang lalagyan ang adobo at nililigpit ang flan sa maliit na lalagyan na may ribbon. Inilagay ko pa ang maliit na note: “For you, my forever.”

Nag-shower ako, inayos ang buhok at pumili ng simpleng dress na alam kong cute sa paningin ni Marcus. Hindi ako nag-overdo; gusto kong natural lang, yung type na maiibig siya agad kapag nakita. Tatlong taon na kami, at iniisip ko na this is it—ang future na pinapangarap ko. Sa biyahe papunta sa condo niya, paulit-ulit kong iniisip, “Baka magulat siya. Baka yayakapin niya ako agad.” May konting kinakabahan pero mostly, hopeful at masaya.

Pagdating ko sa unit niya, ginamit ko yung duplicate key na ibinigay niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, una kong naramdaman yung kakaibang katahimikan. Usually, may TV o music siya—maliwanag ang sala. Ngayon, tahimik. “Marcus?” tawag ko, may ngiti sa labi.

Habang naglalakad ako patungo sa kwarto dala ang mga food containers at maliit na gift bag, may narinig akong tunog—mahihinang ungol na hindi akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napabagal ang paghinga ko. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang doorknob. Hindi ako makapaniwala; may mali. May pakiramdam akong dapat hindi nangyayari.

Binuksan ko ang pinto. At doon—ang eksena na hindi ko inakala, si Marcus at si Bianca, parehong walang saplot, magkahalo ang halakhak at halik nila. Para akong pinunit mula sa loob. Ang mga sandali na inakala kong aming kinabukasan—biglang naglaho. Hindi ko matigil ang luha; kumapal ang dibdib ko, parang may humihila sa puso ko.

“WHAT THE HELL IS THIS?!” napasigaw ako, at naramdaman ko ang buong katawan ko nanginig. Hindi lang takot—lalo na galit at pagkabigla. Nagulat silang pareho; may kaba sa mukha ni Marcus, pero si Bianca, may smirk—parang siya ang nanalo sa isang laro.

“Oh, hi sis. Ang bilis mo naman. Hindi pa nga tapos ang laro namin ni Marcus,” sabi ni Bianca na parang hindi nakakaramdam ng anumang pagsisisi. Parang lumalamig ang dugo ko sa narinig. Nakita ko kung paano siya lumingon, mukha niya may halo ng enjoyment at paghamak.

“Babe, wait—this is not what you think!” palusot ni Marcus, mabilis na bumaba ang kilay niya at nagmamadaling nagtatakip ng kumot. Pero ang tingin ko? Malinaw—lahat yan ay mali at mali. Kung ano man ang gustong ipaliwanag nila, hindi na ako makikinig. Kita ko ang katotohanan sa sariling mata ko.

Hindi lang ako nasaktan—naiwan akong wasak. “Hindi ako tanga, Marcus. Ikaw… at ikaw, Bianca…” may luhang tumulo sa pisngi ko, halos basag ang boses ko. “Sa dami ng tao, bakit siya pa? Step-sister ko pa talaga?”

Tahimik sila. Si Marcus, subok ng magsalita pero hindi niya magawang humawak ng malalim na paliwanag na tatagos sa puso ko. Si Bianca, parang nag-e-enjoy sa chaos. “Come on, Celestine. Don’t act so shocked. You’ve always been the ‘perfect daughter’, the ‘perfect fiance’. Pero guess what? You’re boring. At least with me, Marcus feels alive,” sabi niya nang walang pagsisisi.

Parang sinaksak ako ng salitang iyon. Hindi lang betrayal, hindi siya nagpakita ng guilt, kundi may paghamak pa. Pakiramdam ko, nalaglag lahat ng solid ground sa ilalim ng paa ko. Ang mga pangarap na hinihintay ko na magiging totoo biglaang naglaho.

Si Marcus ay nag-right, sinusubukang abutin ako. “Celestine, I didn’t mean for this to happen” bulong niya, halatang may guilt, pero sapat ba yun? “Don’t you dare touch me,” seko ko, tinutulak ang kamay niya. Hindi ko gusto ng anumang pagdikit niya sa akin; Hindi ko matiis, lumabas ako ng unit at halos madapa sa pagmamadali habang pinipilit kontrolin ang sarili ko. Sa labas, malamig ang hangin sa mukha ko; ang lamig na iyon, parang nagpalamig sa uhaw ng puso ko pero hindi sapat. Naglakad lang ako sa madilim na kalsada ng walang direksyon. Ang bawat ilaw ng poste, parang nagbabantang ilaw ng tunay na katotohanan hindi na ako babalik sa dati.

Habang naglalakad, paulit-ulit ko sa isip ang tanong: “Bakit? Ano bang nagawa ko para pagtaksilan niyo ako ng ganito?” Parang pinagtulungan ako ng mundo. Lahat ng tiwala at pangarap na inialay ko nang buong puso napunit at itinapon.

Ang sakit ay hindi lang pisikal na panlalabo ng mundong ito ang emosyonal na pagbagsak. Ang dating pagmamahal na akala ko tapat naging isang maskara lamang. Nakikita ko ang sarili kong naglalakad, maski ang mga taong dumadaan ay may mga tingin pero wala silang alam sa bagyong bumabalot sa puso ko.

Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang bigat ng katotohanan: wala na ang tiwala, wala na ang pangako, ang planong kinabukasan na buong-buo kong inihilera nawalan ng saysay. Sa gabing iyon, isang malinaw na katotohanan ang lumitaw: wasak na ang puso ko. At mula doon, alam kong magsisimula ang pagbabago ng buhay ko isang landas na hindi ko minithi pero kailangang tahakin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Boss Got Me Pregnant    CHAPTER 52 — A Night of Victory and Vows

    The gala had ended in triumph, but the night was far from over for Celestine and Adrian. Dahil sa overwhelming success ng “Rebirth of the Phoenix,” halos hindi mahawakan nang maayos ni Celestine ang dami ng bunga ng tagumpay niya… interviews, invitations, collaborations, and praises from the biggest names in fashion.Pero ngayong tapos na ang spotlight, there was only one person she wanted to spend the rest of the night with.Si Adrian.Pagkatapos ng endless congratulations, inakay ni Adrian si Celestine papunta sa limousine. Mahigpit ang hawak niya sa kamay nito, protectively guiding her as paparazzi continued to snap photos.Pagpasok nila sa loob ay agad niyang hinawakan ang pisngi ni Celestine.“Proud na proud ako sayo,” he whispered.She smiled softly. “Hindi ko to magagawa kung wala ka.”“No,” sagot niya. “You did this. Ikaw lang. I was just lucky enough to be beside you.”Napalunok si Celestine. “But I feel stronger when I’m with you.”Ngumiti si Adrian, warm and gentle. He brus

  • My Boss Got Me Pregnant    CHAPTER 51 — The Night She Owned the World

    The following night, Paris sparkled like diamonds scattered across velvet skies. Limousines lined the entrance of the International Fashion Designer Gala, the most prestigious event in the world of haute couture. Red carpet, flashing cameras, and media from different countries… lahat ay nagsama-sama para sa pinakamalaking fashion showdown ng taon.Sa loob ng kotse, tahimik na nakaupo si Celestine, suot ang gawa niyang midnight-blue couture gown. Strapless, embroidered with silver constellations, at may mahabang trail na parang dumadaloy na ilog ng bituin. Gawa ito ng sariling kamay… isang masterpiece na sumisimbolo sa panibagong yugto niya bilang designer.Nakahawak siya sa tiyan niya, gentle and protective.“Are you ready, mi amor?” tanong ni Adrian habang pinagmamasdan siyang parang isa siyang obra maestra.Huminga siya nang malalim. “I have to be. This isn’t just about fashion. This is for my family, for our baby… for myself.”Tumango si Adrian at hinalikan ang noo niya. “You’ll sh

  • My Boss Got Me Pregnant    CHAPTER 50 — The Storm Returns

    Sa loob ng malawak na Monteverde Mansion, bumabalot ang katahimikan. Ang dating tahanan ng pagmamahalan at alaala ay ngayo’y puno ng kasinungalingan at kasamaan. Sa gitna ng malaking sala, magkatabing nakaupo sina Veronica at Bianca, masayang nagkukuwentuhan habang iniinom ang mamahaling wine na galing pa sa France.“Finally, Mom,” sabi ni Bianca habang pinagmamasdan ang chandelier. “Everything we dreamed of is finally ours. The mansion, the company, and soon… the name Monteverde will only belong to us.”Ngumiti si Veronica, pinisil ang kamay ng anak. “You did well, darling. We just have to make sure that old woman stays quiet until the end.”Ngunit sa di kalayuan, marahang bumukas ang malaking pinto ng kwarto. Lumabas si Doña Mercedes, payat, namumutla, at halos hindi makalakad. Mahigpit ang hawak niya sa tungkod habang pinipilit na huminga ng maayos. Tumigil ang dalawang babae sa kanilang tawanan at napatingin sa kanya.“Grandma?” kunwaring gulat ni Bianca, sabay tayo.“Bakit ka bum

  • My Boss Got Me Pregnant    CHAPTER 49 — The Deception

    Tahimik ang gabi sa mansion ng Monteverde… ang bahay ng lola ni Celestine. Sa labas ay malakas ang ulan, tumatama sa mga bintana, habang sa loob ng silid ng matanda ay halos wala nang marinig kundi ang mahina at mabagal na paghinga nito.Nakaratay sa kama si Grandma Mercedes, maputla, halos walang lakas. Sa tabi ng kama ay nakapatong ang mga gamot at isang baso ng tubig. Matagal na niyang hindi nakikita ang paboritong apo, si Celestine. Madalas niya itong tinatawag sa panaginip, iniisip kung kamusta na ba ito sa Spain.Ngunit sa gabing iyon, biglang bumukas ang pinto. Click.“Grandma…”Isang matamis na tinig ang narinig niya… ang pamilyar na boses na matagal na niyang gustong marinig. Napangiti ang matanda, pilit na iminulat ang mga mata.“Ce… Celestine?” mahina nitong sabi, nanginginig ang kamay.Nakatayo sa pintuan si Bianca, suot ang isang pastel pink na dress… kaparehong-kapareho ng paboritong kulay ni Celestine. Ang buhok niya ay inayos ng pareho, may maliit na pearl clip sa gili

  • My Boss Got Me Pregnant    CHAPTER 48 — A New Beginning

    Makalipas ang dalawang linggo, tuluyan nang naka-recover si Celestine. Bumalik na rin ang kulay sa kanyang mga pisngi at ang dating sigla ay unti-unti nang bumabalik. Sa umaga, madalas siyang makita ni Adrian sa hardin, nagdidilig ng mga bulaklak habang si Sofia naman ay nag-aalaga kay Isabella sa loob ng bahay. Ang araw sa Madrid ay mainit pero banayad, parang ipinapaalala na tapos na ang unos na dumaan sa kanilang pamilya.“Buenos días, mi amor,” bati ni Adrian habang naglalakad papunta sa kanya, may dalang tray ng gatas at tinapay. (Good morning, my love.)“Good morning,” nakangiti si Celestine habang inaabot ang glass. “Wow, breakfast in the garden? Ang romantic naman.”Ngumiti si Adrian. “Well, my wife deserves all the romance in the world.”“Wife agad?” biro ni Celestine sabay tawa. “Engaged pa lang tayo, Mr. Velasco.”“Hmm, technically…” sabay kindat ni Adrian, “I’m just manifesting the future.”Nagkatawanan sila habang nag-aalmusal. Sa di kalayuan, si Sofia ay nakamasid mula s

  • My Boss Got Me Pregnant    CHAPTER 47 — Homecoming

    Kinaumagahan, sumikat na ang araw sa ibabaw ng Madrid. Sa wakas, matapos ang ilang araw sa ospital, na-discharge na si Celestine. Nakaupo siya sa wheelchair habang tinutulak ni Adrian, at si Sofia naman ay may dalang mga bulaklak at prutas. Sa likod nila, nakasunod si Mr. Villarreal, may bakas pa rin ng pagod sa mukha pero nakangiti.“Finally, makakauwi na rin tayo,” mahinang sabi ni Celestine, habang huminga ng malalim.Ngumiti si Adrian at hinawakan ang kamay niya. “Yes, love. No more hospital food.”Napatawa si Celestine, “At last! Pwede na ulit ako kumain ng normal.”Paglabas nila ng hospital gate ay sinalubong sila ng preskong hangin. Nasa tapat ang sasakyan ni Mr. Villarreal. Tinulungan ni Adrian si Celestine makasakay habang si Sofia naman ay nakangiting nagbubukas ng pinto sa kabilang side.“Listo?” tanong ni Mr. Villarreal bago pinaandar ang kotse. (Ready?)“Sí, Dad,” sagot ni Celestine na may ngiti sa labi. (Yes, Dad.)Habang binabaybay nila ang kalsada, napatingin si Celest

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status