Beranda / Romance / My Boss Got Me Pregnant / Chapter 80 — Rooftop Confrontation

Share

Chapter 80 — Rooftop Confrontation

Penulis: Mooncaster
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-21 23:53:06

Hindi na nakatiis si Celestine. Agad siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo papunta sa condo ni Margaux. Bago pa man makahabol si Adrian, nakaalis na si Celestine. Pilit nitong hinabol ni Adrian habang humihinga ng malalim. “Ce, wait!” sigaw niya.

Sa labas, nakatingin ang mga police na handang mag-intervene sa kahit anong mangyari. Alam nilang delikado ang sitwasyon.

Paglapit ni Celestine sa pinto ng condo, nakita niya si Marcus na nakatayo, nakatingin sa kanya ng may pangamba. “Celestine, anong ginagawa mo dito? Delikado!” sabi niya, may halong takot sa boses.

Wala na akong panahon para sa kahibangan niya, tugon ni Celestine, matatag ang boses, “Kailangan kong makuha ang anak ko.”

Pinigilan siya ni Marcus. “Huwag kang pumasok! Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin!”

Ngunit pilit niyang itinulak si Marcus at agad na kinalampag ang pinto. “Margaux! Buksan mo ito! Tigilan mo na ang kahibangan mo! Ibigay mo ang anak ko!” sigaw niya, halos nanginginig sa galit at takot.

Biglang dumat
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 80 — Rooftop Confrontation

    Hindi na nakatiis si Celestine. Agad siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo papunta sa condo ni Margaux. Bago pa man makahabol si Adrian, nakaalis na si Celestine. Pilit nitong hinabol ni Adrian habang humihinga ng malalim. “Ce, wait!” sigaw niya.Sa labas, nakatingin ang mga police na handang mag-intervene sa kahit anong mangyari. Alam nilang delikado ang sitwasyon.Paglapit ni Celestine sa pinto ng condo, nakita niya si Marcus na nakatayo, nakatingin sa kanya ng may pangamba. “Celestine, anong ginagawa mo dito? Delikado!” sabi niya, may halong takot sa boses.Wala na akong panahon para sa kahibangan niya, tugon ni Celestine, matatag ang boses, “Kailangan kong makuha ang anak ko.”Pinigilan siya ni Marcus. “Huwag kang pumasok! Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin!”Ngunit pilit niyang itinulak si Marcus at agad na kinalampag ang pinto. “Margaux! Buksan mo ito! Tigilan mo na ang kahibangan mo! Ibigay mo ang anak ko!” sigaw niya, halos nanginginig sa galit at takot.Biglang dumat

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 79 — Standstill

    Nakangiti si Margaux habang pinagmamasdan si Marcus na pinapadede sa bote si baby Aiden. Ang liwanag sa mukha ng bata at ang katahimikan ng condo ay parang panandaliang katahimikan sa gitna ng gulo. Humikab si Margaux at dahan-dahang umupo sa sofa.“Margaux, matulog ka na muna sa kwarto,” sabi ni Marcus ng mahinahon. “Mukhang pagod ka na. Ako na ang magbabantay kay baby.”Nag-aalinlangan man si Margaux pero tumango nalang. Naglakad siya patungo sa kwarto, paunti-unti. Pumasok siya sa kwarto at isinara ang pinto ng dahan-dahan.Si Marcus naman, habang nakatingin kay Aiden, ay napaisip. This is my chance. Tumayo siya, dahan-dahang naglakad patungo sa pinto, bawat hakbang niya ay maingat. Hawak niya ng mahigpit ang bata, parang ang bawat paggalaw ay kailangang perpekto para hindi magising si Aiden.---Sa loob ng kwarto, nakahiga na si Margaux sa kama. Biglang nag-ring ang phone niya. Napapikit siya sa pagod at konting stress, pero nang makita niyang si Bianca ang tumatawag, agad siyang

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 78 — Playing Along

    Tahimik ang loob ng police station nang magkausap sina Celestine at Adrian kasama ang isang senior officer at isang psychologist. Parehong halata ang pagod at takot sa mga mata nila, pero pinipilit nilang maging kalmado. Kailangan nilang maging matatag sila para sa anak nila.“Ma’am, Sir,” mahinahong sabi ng pulis, “base sa initial assessment, mentally unstable si Margaux right now. Mataas ang risk kung magpa-panic siya.”Napakagat-labi si Celestine. “So ano po ang gagawin namin? Anak namin ‘yon. Baby pa siya.”Sumingit ang psychologist. “The worst thing you can do is confront her directly. Sa ngayon, nasa illusion siya na kanya ang bata. Kapag sinira bigla ‘yon, possible na mag-react siya ng extreme.”Humigpit ang hawak ni Adrian sa kamay ng asawa niya. “You’re saying… we let her keep our baby?”“Temporarily,” sagot ng pulis. “Under close monitoring. Ang priority natin ay safety ng bata.”Tahimik ang sumunod na ilang segundo. Ramdam ni Celestine ang pagkirot sa dibdib niya. Bilang in

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 77 — A Dangerous Delusion

    Nakangiti si Margaux habang buhat niya ang sanggol. Tahimik ang paligid, tanging mahinang huni lang ng hangin ang maririnig mula sa bintana. Mahigpit pero maingat ang pagkakayakap niya sa bata, para bang takot siyang mawala ito anumang oras.“Napaka-cute mo talaga, anak,” bulong niya, may ngiting puno ng ilusyon. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ng sanggol. Mahimbing ang tulog ni baby Aiden… sobrang tahimik.Sa isip ni Margaux, payapa ang lahat. Para sa kanya, ito na ang kulang sa buhay niya. Ito na ang sagot sa lahat ng sakit, lahat ng pagkatalo, lahat ng pagkakait.Hindi niya iniisip ang panganib. Hindi niya iniisip ang takot na nararamdaman ng mga magulang ng bata. Sa mundo niya, isa lang ang totoo… akin na siya.Kinuha niya ang phone at tinawagan si Marcus. Masaya ang boses niya, halos parang nanalo sa lotto.“Marcus,” sabi niya, “magkasama na kami ng anak natin.”Parang binuhusan ng yelo ang katawan ni Marcus sa narinig. Nasa opisina siya noon, pero bigla siyang napahawak s

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 76 — The Night Everything Changed

    Tuluyan nang umuwi si Margaux sa bahay nila. Sa wakas, nagdesisyon na rin siyang hiwalayan ang asawa niya… wala nang balikan, wala nang paliwanag. Pagod na siya, ubos na. Ilang beses tumawag ang mga magulang niya para humingi ng tawad, sinisisi ang sarili sa kapabayaan at sa pagtalikod sa kanya noon. Pero wala nang ganang makinig si Margaux.Tahimik lang siya araw-araw. Madalas tulala, nakaupo sa sala, hawak ang phone pero walang binabasa. Minsan nakatitig lang sa pader, minsan sa bintana. Para bang naubos na ang luha niya, pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib.Isang gabi, binuksan niya ang TV. Balita ang lumabas at sa screen makikita ang mukha nina Celestine at Adrian… nakangiti, confident, successful. Isang international fashion gala ang ginanap sa loob ng isang mamahalin at exclusive na hotel. Puno ng malalaking tao, investors, at big names sa fashion industry.“Ang ganda talaga ni Celestine,” sabi ng news anchor. “At kasama niya ang kanyang husband na si Adrian… power co

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 75 — Manipulated Pain

    Lumipas ang tatlong araw mula nang maospital si Margaux, at unti-unti nabalitaan ni Bianca ang nangyayari. Palagi raw tulala si Margaux, walang gana kumilos, at halos hindi na rin binibisita ng asawa niya. Si Marcus, minsan lang nakakapunta, abala sa trabaho… trabaho na kagagawan ni Bianca. Sa isang mabilis na galaw, naibigay na ni Bianca ang bid ng lupa sa competitor ni Marcus. Lahat ay plano niya para maging busy si Marcus at hindi madalaw si Margaux.Isang hapon, pumunta si Bianca sa hospital. Pumasok siya sa hallway at sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita si Margaux, tulala, nakatingin sa bintana ng hospital. Doon, sa labas, matatanaw ang mga batang masayang naglalaro sa maliit na parke ng ospital.“Margaux…” mahinang tawag ni Bianca. Ngunit parang walang narinig si Margaux. Ang kanyang mga mata ay nakatutok sa labas, walang ekspresyon, parang katawan lang ang nandiyan, pero wala ang isip.Lumapit si Bianca, dahan-dahang inilapit ang cellphone niya. Pinakita niya ang video s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status