Share

Chapter 53

last update Last Updated: 2025-09-09 00:17:07

Alessia Rae's Pov.

Gabi na at nandito na kami sa bahay ni Boss. Matapos naming ihatid ang girlfriend niya kanina ay sa kompaniya na kami dumeretso. May kailangan pa kasing permahan na mga papeles si Boss kanina. Tapos nang uwian na ay sa bahay na kami dumeretso. Panay pa ang tawag ng girlfriend ni Boss para magyayang mag-dinner sila ni Boss sa labas pero ayaw naman ng boss ko.

Pagod na naupo pa si Boss sa couch habang napapahilot sa sintido nito.

Pumasok ako sa kusina para kumuha ng tubig, pagkatapos ay lumabas ako at ibinigay kay boss.

"Uminom ka muna ng tubig, boss," sabi ko pa.

"Thanks." Maikling sagot nito at inabot ang tubig sabay inom.

"Aakyat na muna ako para magbihis bago magluto ng hapunan." Paalam ko pa.

"Mmm. Go ahead," sagot nito.

Tumalikod na ako at umakyat sa taas. Pumasok ako sa kwarto ko at inilapag sa table ang bag ko. Kumuha ako ng damit at pumasok sa banyo bago nagbihis.

Pagkatapos ay lumabas na ako at dumeretso sa baba. Nakita ko pang may kausap si Boss sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Boss Is My Husband    Chapter 76

    Alessia Rae’s Pov. Napatingin ako sa labas ng bintana, tama nga siya, nandito na kami sa Batanes. Tumayo ang lalaki kaya tumayo na rin ako. Dala ang shoulder bag na bumaba ako kasabay ng lalaking katabi ko kanina. Kinuha ko ang maleta ko sa baggage ng bus, mabilis naman akong tinulungan ng lalaki at ito ang humila ng maleta papunta sa gilid. "Thank you." Nakangiting pasalamat ko sa kaniya. "You're welcome. By the way, I'm Johan Mendoza," nakangiting pakilala pa nito sabay abot ng kamay. Nakangiting inabot ko ang kamay ng binata saka nakipagkamay rito. Magaan ang loob ko sa kaniya. I think, we can be friends if ever. "Alessia Rae Salvatore," pakilala ko naman . "Mmm, nice name." Komento pa nito na ikinatawa ko. Parang nawala sandali ang lungkot at bigat ng loob ko. He seems so good to be friend's with. "Oo nga pala, dito ka rin pala sa Batanes?" tanong ko. Nagpara ito ng masasakyan bago sinagot ang katanungan ko. "Nope. I'm just visiting my grandparents," he answered. Napata

  • My Boss Is My Husband    chapter 75

    Alessia Rae’s Pov. WALANG tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang lulan ng bus papuntang Batanes. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, samantalang nakayakap sa tiyan ang dalawang kamay ko. Mula sa mansion ni Davy ay sa bus station na ako dumeretso. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kay Milo at Kathy, pati na rin kay Alister. Saka ko na sila tatawagan kapag nasa Batanes na ako. Tinuyo ko ang luha nang mapansing napapatingin sa akin ang ibang mga pasahero. "Puwede bang makiupo rito?" anang boses lalaki sa gilid. Nag-angat ako ng tingin dito, matangkad ito at may hitsura rin naman. Mukha itong mabait kaya tumango ako bilang sagot. Umusog ako sa bintana at muling itinuon ang paningin sa labas. Narinig kong tumunog ang cellphone ko pero hindi ko iyon sinagot. Bagkus ay pinatay ko ito at inilagay sa bag. Kanina pa iyon laging tumutunog. Napabuntong-hininga na lang ako at pilit ibinaling sa iba ang isip ko. "Are you, ok?" biglang tanong ng katabi ko. "Hindi," pagpapakatotoo ko

  • My Boss Is My Husband    Chapter 74

    Alessia Rae’s Pov. Parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Parang kutsilyong sumaksak sa puso ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko inaasahang iyon ang sasabihin niya. Hindi ko namalayang lumipad ang isang kamay ko papunta sa pisngi niya dahil sa halo-halong nararamdaman ko. I slapped him. "Sumusobra ka na!?" Umiiyak na sigaw ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng matinding pagkadismaya sa kaniya. Hindi ko inakalang napakababa pala ng tingin niya sa akin. I thought he was different from the other guy. But I was wrong all along. Puno ng hinanakit na tinuro ko siya. "Bago mo ako husgahan, siguraduhin mo muna kung tama ang lahat ng nalaman mo." Puno ng hinanakit na sabi ko. Hindi ko pinansin ang sakit at galit sa mga mata niya. Kung tutuosin ako dapat ang magalit sa kaniya. Dahil tumawag siya sa akin para lang iparinig sa akin ang kababalaghang ginagawa nila ng impokrita na yun. “Ano pa ba dapat ang paniwalaan ko? I already saw the evidence that you're cheat

  • My Boss Is My Husband    Chapter 73

    Alessia Rae’s Pov. Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago lumabas ng kuwarto at naabutan ko roon si Milo. Nag-aayos ito ng gamit niya sa parlor. "Oh, gising ka na pala," wika niya. "Nasaan si Kathy?" tanong ko. "Nakauwi na kanina. Tumawag yung boss niyo kaya bumalik na ito sa kompanya." Sagot nito. Napatango ako bago naupo sa maliit na sopa. Siya naman ay tumigil sa pag-aayos at tumingin sa akin. "Kathy told me everything," panimula niya, "wala ka bang balak sabihin sa kaniya na buntis ka?" tanong niya. "Hindi ko alam, Mil. Hindi niya ako kinakausap hanggang ngayon." Malungkot na sagot ko. Nakita ko ang awa sa mukha niya kaya ngumiti na lang ako. Mas masakit pa sa nangyari noon ang nararamdaman ko. Una, pinagpalit ako sa bakla. Ngayon naman, pini-frame up ako sa hindi ko naman ginawa. Baka malas nga talaga ako sa pag-ibig. Napahawak na lang ako sa tiyan ko. Sorry baby…sana magiging maayos pa kami ng daddy mo. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog iyon. It was a text mes

  • My Boss Is My Husband    Chapter 72

    Alessia Rae’s Pov.TAHIMIK lang ako habang nakaupo sa table ko. It's been two days at hindi ako kinakausap ni Davy. Ni hindi niya ako pinapansin sa bahay at kahit dito sa office. Kinakausap niya lang ako kapag tungkol sa mga schedule meeting niya. Tuwing sinusubukan kong kausapin siya ay agad siyang umaalis. Palaging nakadikit sa kaniya si Venice at sabay din silang kumakain sa mga niluluto kong pagkain para sana sa kaniya. Nasasaktan ako pero tiniis ko na lang dahil naghahanap ako ng timing na makausap ko siya ng maayos.Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na namimilit sa isang tao. Pinapalipas ko muan at humahanap ng tamang tiyempo na magkausap ng matino.Hayst.Napaigtad ako bigla nang may nagpunas ng pisngi ko. Pagtingin ko si Kathy pala. Nag-aalala ang mukha niyang nakatingin sa akin. Alam na kasi niya ang nangyari at galit na galit siya kay Venice."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito.Umiling ako dahilan para mas lalong magsipatakan ang mga luha ko. Mapait na ngumiti na l

  • My Boss Is My Husband    Chapter 71

    Alessia Rae’s Pov. Muntik na akong matumba sa gulat at sakit ng pisngi ko dahil sa sampal ni Venice. Agad na tinaliman ko siya ng mata nang makabawi ako. Sumusobra na siya, ah! Naghahanap talagabg makalbo ko siya eh. "Ano ba ang problema mo?!" Inis na sigaw ko at sinampal ko rin. "How dare you!?" galit na sigaw. "How dare you mo pagmumukha mo! Ba't ka nananampal, huh? Inubos mo talaga ang pasensiya ko!" sigaw ko sa mukha niya. Mas lalong tumindi ang galit sa mukha nito at dinuro ako. "You!? Malandi ka!? Inagaw mo sa akin si Davy tapos nakikipaglandian ka pa sa iba!?" galit na sigaw nito at tinulak ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng higad na 'to? "Anong sabi mo?" takang tanong ko. Nginisihan niya ako at may kinalikot sa cellphone nito sbay pakita sa akin. Nakita ko sa screen ang picture namin ni Alister. Kuha iyon sa isang restaurant kung saan nag-uusap kami noong nakaraang araw. "Ano 'to, ah?" nanggagalaiting tanong nito. "Tanga ka b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status