Share

Chapter 31

Napatulala si Sir Troy nang lumapat ang labi ko sa kaniyang pisngi. Mukhang hindi niya iyon inasahan. Maging ang nasa paligid namin kabilang na si Mama ay natigilan din.

“Ah, happy birthday.” alanganing sabi ko.

“Kain na tayo.” dagdag ko pa saka nagmadaling kumuha ng pinggan at inabutan siya. Kumuha na rin ako nang para kay Chase at Mama.

Nang magsalita si Rio at nagsimula nang magbiro ay gumaan na rin ang atmosphere ng paligid. Nakahinga na rin ako.

“Kuya Troy, hindi ka na gumalaw riyan. Ayos ka lang ba?” puna ni Chase sa Boss ko.

Napatingin naman ako sa kaniya, pero nang magtama ang aming mga mata ay napaiwas ako agad. Inabala ko ang sarili ko sa pagkuha ng pagkain. Nang makita kong puno na yung pinggan ko ay mabilis akong tumalikod para sana lumabas ng kusina. Pero bago ko pa man magawa iyon ay agad akong tinawag ni Mama.

“Richelle. Saan ka pupunta?” tanong ni Mama sa akin.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status