Share

Chapter 5

“So saan kayo pupunta nila Tita Belle at Chase after nito, Ate Rich?” curious na tanong ni Riye habang kumakain kami.

Umayos naman ako sa pagkakaupo at sandaling ibinaba sa plato ko ang hawak na kutsara para kunin ang baso na may lamang juice at uminom doon.

“Si Mama, mauuna nang umuwi kasi a-attend siya sa meeting ng mga homeowners sa village, kami ni Chase dadaan sa ophthalmologist niya at barbershop.” saad ko sabay turo ng buhok ng kapatid kong medyo mahaba na.

“Sama ako Ate Rich, mahaba na rin ang buhok ko.” sabi ni Rio habang kumakain ng desert.

“Ako na ang maggugupit ng buhok mo.” biglang singit ni Sir Troy.

Napanguso naman ang kapatid niya habang ako ay sumimangot. Napaka-kill joy talaga.

“Kuya naman, minsan lang eh. Lagi na lang ikaw ang nagugupit ng buhok ko. Tinatawanan tuloy ako ng mga kaklase ko kapag nakikita nilang hindi pantay ang buhok ko.” Reklamo ng kaniyang kapatid dahilan para matawa kaming lahat na nasa lamesa.

“Naku, iyong barbero na naggugupit dito kay Chase, magaling.”

Napalingon kami kay Mama. Hindi ko maiwasang mapangiti nang sa wakas ay nagsalita na rin siya. Natural para kay Mama ang pagiging mahiyain at ubod nang tahimik nito kahit saan mapunta. Habang kami naman ni Chase ay likas na madaldal. Ang sabi ni Mama, namana raw namin iyon kay Papa. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin kay Mama. Kung siguro buhay pa ngayon si Papa, baka hindi palaging malungkot si Mama. Kung hindi lang sana siya naaksidente noon, siguro kumpleto pa rin kami hanggang ngayon. May mga pagkakataong nalulungkot ako kapag nakikita kong tahimik si Mama. Ang totoo niyan, hindi naman talaga siya ganito katahimik noon. Noong nawala lang talaga si Papa naging ganito na siya.

Nang bumaling ang tingin ko kay Sir Troy ay nakita kong nakatingin siya sa akin. I smiled and nodded a bit bago ko ibinalik ang aking atensiyon sa pagkain ng desert na mango graham.

“Siya nga pala ate Rich, yung mga librong ginamit ko sa course kong legal management ay ibibigay ko kay Chase as my graduation gift.”

Awtomatikong umawang ang bibig ko. Si Chase naman ay napasuntok pa sa hangin dahil sa sobrang tuwa.

“Talaga, Riye? Naku. Maraming salamat. Malaking tulong iyon sa amin lalo na at ang mamahal ng mga librong kailangang bil’hin kapag tumuntong na sa kolehiyo iyang kapatid ko.”

Ngumiti lang si Riye at halatang masaya siya sa kaniyang desisyon. Sa buong oras na pananatili namin doon ay puro tawanan lamang ang maririnig sa aming lamesa. Naunang nagpaalam si Mama dahil nagtext na raw ang President ng Homeowner Association. Nakamasid lang kami ni Sir Troy sa tatlong batang masayang nagkukulitan papuntang parking.

“Siya nga pala, a-attend ako tayo ng wedding ceremony at after party ng pinsan ko sa Palawan bukas ha. Baka makalimutan mo.”

Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya.

“Anong pinagsasabi mo? Sinong pinsan mo ang ikakasal?”

Humarap siya sa akin at pinameywangan ako. Dinaig niya pa ako sa  pagiging ma-attitude sa hitsura niya ngayon. Pigil na pigil ko tuloy ang aking sarili na matawa dahil sa totoo lang, hindi bagay sa kaniya ang mag-inarte.

“How dare you forget it? Ilang beses ko iyong binanggit sa iyo last month. Sinabi ko pang ilagay mo sa memo pad mo para hindi mo makalimutan.”

Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig nang maalala ang araw na bumisita sa kaniyang opisina ang pinsan niyang si Richard Cruz na ubod nang guwapo at talaga namang type. Ang kaso engage na pala ito at ikakasal na. Naghatid lang ito ng invitation card kay Sir Troy.

“Naalala ko na. Yung guwapo mong pinsan na crush na crush ko ang ikakasal tama ba ako?”

Sinamaan lang ako nito ng tingin nang marinig ang sinabi ko. Para namang ngayon niya lang narinig mula sa bibig ko ang tungkol sa pagkakagusto ko sa pinsan niya. Ang open ko kaya sa kaniya. At isa pa, hopeless case naman ang pagkakagusto ko roon dahil halatang mahal na mahal nito ang kasintahan. Isa sa na naman sa mga crush ko ang mabubura sa listahan ko. Hays.

“Tigil-tigilan mo nga ‘yang lungkut-lungkutan effect mo riyan. Alam kong marami ka pang crush kaya hindi ka mabo-broken basta-basta.” saad niya sabay tulak sa akin at nauna nang naglakad papuntang parking.

Aray ha. Hindi kasama sa job description ko ang maging punching bag niya. Nang makarating ako sa parking area, nakita ko siyang nakatayo sa labas ng kaniyang sasakyan. Inikot ko naman ang paningin ko upang hanapin ang kapatid ko. Nagulat pa ako nang ibaba ni Rio ang bintana at itinuro si Chase na nakaupo sa gitna nila ni Riye.

Anong ginagawa ng kapatid ko sa loob?

“Ang bagal mong kumilos. Bilisan mo at sumakay ka na.”

Napatingin ako kay Sir Troy nang umikot siya sa front passenger seat para pagbuksan ako ng pinto. Ngumiti ako at umarteng nagpapabebe.

“Gentleman yarn?”

Imbes na ituloy niya ang pagbubukas ng pinto ay napahinto siya at nakasimangot na humarap sa akin.

“Isa pang pang-aasar, Richelle. Sisiguraduhin kong iiwan kita rito.”

Agad naman akong tumahimik at nagpanggap na izini-zipper ang aking bibig gamit ang aking daliri. Napapailing na bumuntong-hininga siya at umikot na pabalik sa driver’s seat.

Nagmadali kong binuksan ang pinto ng passenger seat at sumakay roon. Mahirap na baka nga iwan talaga ako.

Tahimik ang naging biyahe namin. Kaya pala dito kami sumakay ay para makasabay na si Rio at si Sir Troy kay Chase na magpagupit. Hindi naman gaanong mahaba ang buhok ni Sir Troy pero dahil nga a-attend siya ng kasal ng pinsan niya, kailangan mabawasan iyon ng konti para magmukha siyang malinis lalo.

Nakamasid lang kami ni Riye sa kanilang tatlo habang sabay-sabay pumuwesto sa upuan. Mabuti na lang pagdating namin ay patapos na ang ibang costumer.

“Ma’am Richelle, paano po ang gupit nitong boyfriend niyo?”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang tanong ni Kuya Jester na isa sa mga magagaling na barbero ng shop. Pakiramdam ko nalunok ko ang dila ko at hindi agad na nakapagsalita. Narinig ko ang hagigikan nina Rio at Chase habang si Sir Troy naman ay pinagmamasdan ang reaksiyon ko sa salamin kung saan siya nakatitig. Wala siyang reaksiyon sa sinabi ni Kuya Jester. Umiwas ako agad nang tingin sa kaniya.

“Ha-ha, patawa ka Kuya. Boss ko ‘yan.” sagot ko.

Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil bigla nalang akong kinakabahan. Usually naman noon, hindi ako ganito mag-react. Tinatawanan ko lang noon ang mga ganitong biro ng iba kong kasama sa trabaho kasi panay tanong sila kung ni minsan daw ba ay hindi ako nagkagusto kay Sir Troy. Mariin akong tumatanggi noon with conviction pa. Tapos ngayon ganito. Bakit ba ang abnormal mag-react ng puso ko ngayon?

“Ah, akala ko boyfriend mo na eh. Bagay pa naman kayo. Ano masasabi mo, Sir?”

Gusto kong lapitan si Kuya Jester at ihampas sa ulo niya ang bag na hawak ko. Nagdala na nga ako ng extra costumer para sa kaniya, tapos gaganituhin niya pa ako.

“Bagay na bagay kami niyan.” sagot naman ni Sir Troy. Dahilan para mapahiyaw sina Chase at Rio, halatang-halata na inaasar ako. Si Riye naman ay panay ang hagikgik sa tabi ko. Hindi ko akalaing pagtutulungan nila ako nang ganito.

“Si Ate, namumula.” nakangising sabi ng kapatid ko kaya napatingin naman ako agad sa salamin. At oo nga, tama ang kapatid ko. Ang mukha ko ubod nang pula. Parang kulay nang nahihinog na kamatis.

“Kinikilig na ‘yan si Ate Rich.” segunda pa ni Rio.

Sinimangutan ko lang silang dalawa at nagpanggap na hindi apektado. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pags-scroll sa I*******m at Twitter hanggang sa hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Isang mahinang tapik sa aking balikat ang nagpagising sa akin. Nang magmulat ako ay nakita ko ang mukha ni Sir Troy na sobrang lapit sa mukha ko. Dahil sa labis na pagkabigla ay naitulak ko ang mukha niya palayo gamit ang palad ko. Kinusot ko agad ang mata ko ay inilibot ang aking paningin para hanapin ang kapatid ko.

“Lumabas na sila. Inutusan ako ni Chase na gisingin ka kasi ang lalim nang pagkakatulog mo.”

“Huh?”

“Ilang beses ka na niyang sinubukang gisingin pero hindi ka magising.”

Dedepensahan ko pa sana ang sarili ko kaso nabigla ako nang bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko at hinila ako patayo sa sofa. Umatras ako agad palayo sa kaniya nang makitang sobrang lapit namin sa isa’t isa.

“Tsk. Sleepyhead.” saad niya bago nauna nang naglakad patungo sa labas.

Humiwalay na kami sa kanila ni Chase dahil may iba pa kaming dadaanan ng kapatid ko.

“Ate, yung totoo, wala ka ba talagang gusto kay Kuya Troy?” tanong ng kapatid ko habang naglalakad kami papasok ng opisina ng kaniyang doctor sa mata.

Sinamaan ko siya nang tingin.

“Bakit ba paulit-ulit niyong tinatanong sa akin ‘yan. Last year pa ‘yan ah.”

“Kaya nga, last year ko pa tinatanong pero hindi mo pa rin sinasagot.”

Huminto ako sa paglalakad at hinawakan sa magkabilang balikat ang kapatid ko.

“Chase, hindi ko gusto si Sir Troy, Okay?”

Mabilis naman siyang nagkibit-balikat.

“Hindi aki naniniwala.” aniya saka naglakad nang mabilis papalayo sa akin.

Sa mga oras na ito, sa totoo lang, gusto ko na lang maglupasay sa sahig. Bakit ba kasi ayaw maniwala ng kapatid ko? Ako kaya ang Ate niya. Dapat naniniwala siya sa sinasabi ko. Dapat naniniwala siyang wala akong gusto sa boss ko. Ano ba naman ‘yan?!

Comments (12)
goodnovel comment avatar
Stefany Cecilia-Muyco
i like the story but it hard to finish. you need to get bonus first to unlock the next chapter.
goodnovel comment avatar
Gie Domingo Riveta
unlock please
goodnovel comment avatar
Rachell Rigocera Pelante
i love this story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status