"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Lihat lebih banyak"See you on monday, Class," nakangiting paalam ni Angela sa kanyang mga grade three students. Four o'clock na kaya uwian na rin ng mga student niya. Nag-uunahan nang magsilabas ang mga ito pagkatapos mag-bless at magpaalam sa kanya. Sinisinop na niya ang mga lesson plan at libro na gamit niya sa pagtuturo nang may magsalita sa gilid niya.
"Hi, Teacher, maganda ka pa sa hapon," nakangiting bati ni Ishmael na nakasandal sa hamba ng pinto. Napangiti siya dito.
"Naligaw ka ata?" biro niya.
"Pinapasundo ka ni Insan," anito habang naglalakad papunta sa armchair na nasa harapan ng desk niya at naupo. Nais niyang matawa dahil halos di ito magkasya sa upuan sa laki ng katawan nito at sa tangkad nito, nagmukang bangkito ang armchair.
Pinsan ito ng boyfriend niya, kababata niya rin. Nangunot ang noo niya. Wala silang usapan ni Jonas na may lakad sila ngayon.
"Wala siyang nabanggit na magkikita kami," takang tanong niya dito. Kinuha niya ang cellphone at tinignan. Nagbabakasali na may text sa kanya ang nobyo.
"Surprise daw eh," kibit balikat na anito. "Di ko nga dapat sasabihin sayo na pinasusundo ka niya dahil may surprise siya sayo. Kaya wag ka na lang maingay na sinabi ko," natatawang anito
Napangiti na rin siya. Mahilig talagang manorpresa ang nobyo kaya hindi na siya nagtaka sa sinabi nito.
"Ikaw talaga, lagi mong sinisira ang diskarte ng pinsan mo," natatawa niyang biro dito at kunwari pa itong inirapan. "Tayo na nga baka naiinip na yon."
Tumawa lang ito at tumayo na para kunin sa kanya ang mga libro na hawak niya.
Naglakad sila papunta sa Land Rover nito na nakaparada sa tapat ng principal building. Ipinagbukas pa siya nito ng pintuan bago pumasok sa driver seat.
"Saan mo pala ako ihahatid?" tanong niya dito nang makaupo na sa likod ng manibela.
"Surprise nga eh," maikling sagot nito ma ikinangiti at iling niya na lang.
HINDI niya namalayang nakatulog pala siya sa biyahe. Umayos siya nang upo at tumingin sa labas ng bintana. Wala na siyang makitang kabahayan, puro maisan ang nadadaanan nila. Tumingin siya sa pambisig niyang relo - four fourty five na ng hapon. Ibig sabihin may kalahating oras na silang bumabyahe? Walang traffic sa probinsya kaya sigurado siyang malayo na ito sa bayan.
"A-asan na tayo Mael?" tanong niya sa katabi na blangko ang ekspresyon habang nagmamaneho. Hindi ito kumibo sa tanong niya at nanatiling tahimik. "Malayo pa ba tayo?" tanong niya uli dito nang hindi ito sumagot. Pero wala pa rin siya nakuhang sagot mula dito. Nanahimik na lang at tumanaw sa bintana.
Pagkalipas ng may labing limang minuto lumiko ang sasakyan. Natatanaw na niya ang isang kubo. Huminto ang sinasakyan nila sa tapat niyon.
"Andito na tayo," sa wakas ay sabi na nito.
"Andiyan na ba si Jonas? Bakit parang walang tao?" usisa niya dito nang makababa sila. Hindi ito kumibo. pero sumunod siya dito nang lumakad ito papunta sa kubo. Binuksan nito ang pintuan at iginiya siya papasok. Madilim sa loob. May kinapa ito sa gilid ng pinto tapos may narinig siyang click kasabay ng pagliwanag ng buong paligid.
Malinis at maganda ang loob ng kubo. Mayron iyong mga kagamitan katulad ng sofa at kama, may electricfan din at tv. May kusina rin at banyo sa loob.
"Uy, bakit wala dito si Jonas? Asan ba siya?"
"Wala siya dito. Tayo lang ang nandito," malamig na sabi nito saka dahan-dahan na lumalakad papalapit sa kanya
"A-anong i-ibig mong sabihin?" Hindi na niya mapigilan ang kabang nararamdaman. "U-Uwi na ko," aniya at akmang lalagpasan ito nang bigla siya nitong higitin sa braso.
"Hindi ka pwedeng umuwi!" mariing sabi nito. Humigpit ang hawak nito sa kanya. May naglalarong ngiti sa mga labi nito na ikinataas ng balahibo niya.
"U-uuwi na k-ko. A-ayoko nang g-ganitong biruan ha!" pilit niyang pinatatag ang boses. Nagpa-panick na siya sa ikinikilos nito. Parang hindi ito ang Ishmael na kilala niya para itong ibang tao. Kinikilabutan din siya sa pagkaka ngiti nito na parang demonyo.
"Sabi ko hindi ka pwedeng umuwi!" malakas na sigaw nito saka itinulak siya ng malakas sa kama na ikinagulat niya. Bumadha ang takot sa kanya. Nabitawan niya ang mga kipkip na mga libro. Ihahampas niya sana dito ang shoulder bag niya pero mabilis nito iyong naagaw at inihagis sa Kung saan.
Nagbalak siyang bumangon pero nabigo siya nang bigla itong dumagan sa kanya. Napatili siya dahil sa ginawa nito.
"A-ano ba Ishmael! Uuwi na ko!" Takot na takot na sigaw niya dito habang nag pupumilit na kumawala dito pero masyado itong malakas kumpara sakanya
Malakas siyang napasinghap ng marahas nitong sirain ang suot nyang blusa. Sinubukan niyang takban ang kahubdan pero marahas na tinanggal nito ang kamay niya. Dinagaanan ng mga binti nito ang kamay niya para hindi siya makakilos.
"Bitawan mo 'ko!" malakas na sigaw niya dito pero para itong walang naririnig. Napaiyak siya nang sirain din nito ang bra niya. Hantad na dito ang kanyang dibdib. "Wag! please, Mael, maawa ka sa'kin pauuwiin mo na ko..." pagsusumamo niya dito.
"Napakaganda mo, Angela," puno nang pagnanasa ang mga mata nito. Nakaramdam siya ng galit para dito. Nanlaki ang mga mata niya nang bumababa ang ulo nito at sakupin ang korona ng dibdib niya. Nagpupumiglas siya habang nagmamakaawa dito. Nakakawala Ang kamay niya sa pagkakadagan nito kaya malakas niya itong naitulak. Agad siyang bumangon para tumakbo sa pintuan pero di pa siya nakaka-isang hakbang ay hinigit na nito Ang buhok niya. Napaupo siya pabalik sa kama at bago pa siya makatayo uli ay malakas na sampal na nito ang sumalubong sa kanya. Napasubsob siya sa kama sa lakas nang pagkakasampal nito. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Nalasahan niya rin ang dugo sa pumutok niyang labi.
Nakita niya itong nagtanggal ng damit at pantalon tanging boxer na lang ang suot nito ng muli siyang dagaanan.
Pinagsusuntok niya ito kaya isa pang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya. Sa lakas noon ay nawalan siya ng lakas na lumaban. Para siyang ng hina. Hindi maawat ang pagpatak ng mga luha niya.
God please help me...
NAPANGITI si Angela nang makita ang resulta. Inilapag niya ang hawak niya sa ibabaw ng sink, kung saan alam niyang agad na makikita ni Mael. Lumabas siya ng banyo at nakasalubong niya pa si Mael sa may pintuan hawak ang tungkod nito."Morning..." anito, saka siya hinapit sa baywang at hinalikan sa mga labi. Agad siyang tumugon sa halik nito at ikinawit ang kamay sa leeg ni Mael."Morning," aniya nang maghiwalay ang mga labi nila. "Ligo na. Malapit ng dumating ang mga bisita," aniya saka bumitaw dito at itinulak na ito papasok sa banyo."They can wait, Hon!" tutol nito."No. Take a shower now, Hon," natatawang aniya.Umungol lang ito saka pumasok na sa loob ng banyo.Naupo naman siya sa kama at napapangiti. Nakarinig siya nang bumagsak sa sahig pagkatapos ay malakas na bumukas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga mata ni Mael na nakatingin sa kanya habang hawak sa kaliwang kamay nito ang pregnancy test.Pero maging siya ay nanlaki din ang mga mata. Dahil sa gulat. Nakakalakad na si Ma
KINABUKASAN, bumiyahe sila pabalik ng San Ignacio. Dumiretso sila sa bahay nila para kamustahan ang itay niya. Umiyak ang itay niya pagkakita sa kanya kaya hindi niya na rin napigil ang mapaiyak.Pinaliwanag niya dito ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang tungkol kay Julianna. Tanggap naman ng mga ito si Julianna at nangakong ililihim ang tunay na pagkatao ng bata. Giliw na giliw ang itay niya at lola kay Julianna kaya naman hinayaan niya na muna ang mga ito.Nilapitan niya si Juancho at Mael na nag-iinuman sa labas ng bahay nila. Agad na napangiti si Mael nang makita siyang papalapit sa mga ito."Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan niyo, ah?" aniya nang makalapit sa mga ito. Naupo siya sa tabi ni Mael."Tungkol sa Almendra," sagot ni Juancho. Ito na kasi ang tumatayong COO sa kompanya ng Lolo nila. Isinalin na rin ni Mael sa pangalan niya ang share na nakuha nito nang pinakasalan siya nito.Tumango siya at binalingan si Mael. "'Wag ka ng masyadong uminom," aniya dito. Uuwi pa kasi s
PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael, pinuntahan niya si Julianna sa kuwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kuwarto nito na parang kuwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael.Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking doll house. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro."Hi," bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?"Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay Mama?" malambing na aniya dito.Nanlaki naman ang mga mata nito."Sorry, ha...? Hindi ka kasi agad nakilala ni Mama kanina. Ganito ka lang kaliit nung huli kitang makita," ipinakita niya dito ang hintuturo at hinlalaki niya na kakaunti lang ang uwang.Bumilog ang mga mata nito. "Ganyan lang po ako kaliit?" namamangha
AYAW ni Mael na sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya."Kung nasaktan ka nang mawala ang anak natin, mas nasaktan ako. Mas masakit sa 'kin dahil wala akong ibang masisi kung 'di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din 'yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa 'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok."Pinagdasal ko 'yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magkaanak tayo pero dahil alam kong kapag nagkaanak tayo mananatili ka sa tabi ko." Tumawa siya nang mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkakaanak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo rin ako... na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sa 'yo." Huminga siya nang malalim para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. "Kaya kung nasaktan ka dahil napabayaan ko kayong m
KAHIT GAANO pa kaganda at karangya ang kuwartong kinaroroonan ni Angela ngayon ay hindi niya ma-appreciate iyon. Masyado itong maganda para sa isang kulungan. Napabuntong-hininga siya.Pagkatapos siyang iwanan ni Mael sa dining table kahapon, hindi niya na ulit ito nakita.Wala siyang nagawa at hanggang ngayon wala siyang magawa. Kinuha nito ang cellphone niya at laptop. Sa labas ng kuwarto niya ay may mga bantay. Hindi siya nakakalabas ng kwarto at pinahahatiran lang dito ng pagkain. Para siyang preso with privileges.Gusto na niyang magwala sa sobrang frustration na nararamdaman niya. Umuwi siya ng bansa para sa tatay niya pero heto siya ngayon at nakakulong sa apat na sulok ng kuwarto na ito. Kung alam niya lang na ganito ang gagawin ni Mael, dapat sana'y pinaalam niya kay Juancho na ngayong araw ang uwi niya para ito na ang sumundo sa kanila. Wala tuloy kaalam-alam ang pamilya niya sa sitwasyon niya ngayon. Napabuntong-hininga na lang siya.Napalingon siya mula pagkakatanaw sa bin
Huminto sila sa isang Mediterranean-inspired mansion sa isang exclusive village.Bumukas ang pinto sa tabi niya. Isang naka-black tux ang nagbukas ng pinto. Bahagya itong nakayukod habang ang isang kamay ay nasa tiyan nito."Welcome home, Madame," Bati nito sa kanya. Naguguluhang tumingin siya kay Mael."Sa San Ignacio ako uuwi!" singhal niya dito.Tamad na tiningnan siya nito at ni hindi man lang nabahala sa pagsinghal niya dito. "This is your home now, Angela," malamig na anito.Natawa siya nang mapakla. Nagbibiro ba ito? Bakit kung makaasta ito ay parang ito lang ang may karapatang magdesisyon sa buhay niya? Apat na taon na silang hiwalay. Hindi ba man lang nito naisip iyon?Nanatiling blangko ang mukha nitong nakatitig sa kanya.Umiling-iling siya. "You can't force me against my will, Mael. Hindi mo hawak ang buhay ko para ikaw ang magdesisyon para sa 'kin!"Tumalim ang tingin nitong ipinukol sa kanya. "'Wag mong sagadin ang pasensya ko, Angela. Baka hindi makarating ng Australia
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen