Share

CHAPTER 4

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-04-10 13:00:23

CHAPTER 4

HAROLD VILLANUEVA

“Kumusta ka naman anak? Kumusta ang kumpanya?” maawtoridad na tanong ni Louie sa kanyang panganay na anak na si Harold.

Nasa mansyon sila ngayon at katatapos pa lamang nga nila na kumain ng dinner kasama ang kanilang buong pamilya.

Ipinagkatiwala na kasi ni Louie kay Harold ang isa sa kanilang kumpanya na Villanueva Empire dahil marami pa nga siyang hawak na kumpanya ng kanilang pamilya.

 Nasa tamang edad na rin naman kasi si Harold at na-train na rin naman nga ng husto ng kanyang ama sa paghawak ng kumpanya.

“Maayos naman po ang kumpanya dad. Kayang kaya ko naman na po itong i-manage,” sagot ni Harold sa kanyang ama.

Dahan dahan naman na tumango si Louie dahil sa naging sagot na iyon ng kanyang anak. Pero sa kabila nga ng naging sagot na iyon ni Harold ay tila ba may iba pang pakahulugan ang titig ni Louie sa kanyang anak. At isang nakakalokong ngiti nga ang nakapaskil sa kanyang labi.

“Dad kung itatanong nyo na naman po sa akin kung kelan po ako mag aasawa ay wala pa po sa bokabularyo ko iyon. Nag eenjoy pa po ako sa buhay ko na tahimik,” sabi ni Harold sa kanyang ama ng mapansin nga niya ang tingin nito sa kanya.

Napangisi naman si Louie dahil sa sinabi na iyon ni Harold.

“Alam mo anak mas masaya kung may pamilya ka na. Mas magkakaroon ka ng inspirasyon. At isa pa ay hindi ka naman na pabata dahil pataas ang edad anak. Kaya dapat ay bigyan mo na rin kami ng apo ng mommy mo,” sabi ni Louie sa kanyang anak.

Si Harold Villanueva ay anak ng business tycoon na si Louie Villanueva at ng asawa nito na si Shirley Villanueva. Panganay sa tatlong magkakapatid si Harold at ang mga sumunod nga sa kanya ay mga bata pa. Malayo kasi ang agwat ng edad ni Harold sa sumunod sa kanya na si Rhian at ang bunso naman nila ay si Charles na nasa high school pa lamang. Kaya naman wala pang ibang inaasahan si Louie na tutulong sa kanya sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya kundi si Harold lamang.

“Alam ko naman po yun dad. Pero sa ngayon po ay hindi po ang pagkakaroon ng sariling pamilya ang focus ko. Masaya pa po ako sa buhay binata ko,” sagot ni Harold sa kanyang ama.

Napakibit balikat na lang din talaga si Louie dahil sa naging sagot na iyon ni Harold. Gusto na rin kasi talaga sana ni Louie na makapag asawa na si Harold dahil ayaw nya na magaya nga ito sa kanya na may edad na nag asawa. Kaya imbes na relax na lang nga sana sya ngayon dahil may edad na rin ay heto sya at may hawak pa rin na mga kumpanya.

“Naiintindihan naman kita anak. Alam ko na gusto mo pa na i-enjoy ang pagiging binata mo. Pero sana ay wag kang tumulad sa akin na may edad na nag asawa. At isa pa ay gusto ko rin naman na makita ang mga magiging apo ko. Kaya kung may napupusuan ka na ay wag kang mahihiyang magsabi sa akin at ako na ang bahala roon. Marami naman tayong mga business partner na may mga magagandang anak. Basta magsabi ka lang at ako na ang bahala roon,” sagot ni Louie sa kanyang anak at kinindatan pa nga niya ito.

Napapailing na lamang talaga si Harold sa kanyang ama dahil talagang hindi siya tinitigilan nito hangga’t hindi siya nag aasawa. Pero wala pa rin kasi talaga syang balak na mag asawa kaya hayaan na lamang muna nya ang kanyang ama.

“What if ang napupusuan ko po ay hindi galing sa mayamang pamilya? Ayos lang po ba iyon sa inyo?” seryosong tanong pa ni Harold.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Louie at saka nga niya seryosong tiningnan ang kanyang anak.

“Malaki ka naman na. Basta’t hindi mo mapapabayaan ang kumpanya natin ay ayos lang naman sa akin,” sagot ni Louie.

Ramdam naman ni Harold na parang napipilitan lang ang kanyang ama sa naging sagot nito. Pero binalewala na lamang nga niya iyon at hindi na lang nga siya nagsalita pa.

Samantala tahimik lamang naman na nakikinig si Shirley sa pag uusap ng kanyang mag ama. Sa kanya wala naman problema kung sino ang mapapangasawa ng kanyang anak basta’t nagmamahalan nga ang mga ito ay ayos lang sa kanya.

Hindi naman na nagtagal pa roon si Harold at agad na rin nga siyang pumunta sa kanyang silid. Pagkapasok nga niya ay agad nga siyang sumalampak ng upo sa sofa na nasa loob ng kanyang silid at saka nga siya napabuga ng hangin sa kanyang bibig.

Ilang araw na kasi syang binabagabag ng isang babae— babae na nasa kanyang kumpanya pero hindi pa nga niya alam ang pangalan nito. 

Noong una nya kasing nakita ang babae na ito ay parang bigla nga siyang tinamaan ng palaso ni kupido at hindi na nga niya maalis alis ang tingin niya sa babae na iyon. At dahil nga sa pagkatulala niya ay hindi man lang nga niya nakuha ang pangalan nito kaya naman ngayon ay ang maamong mukha ng babae na iyon ang lumilitaw sa kanyang balintataw.

Nasa malalim nga na pag iisip si Harold ng bigla ngang tumunog ang kanyang cellphone. At nang tingnan nga niya iyon ay ang kanyang pinsan na kaibigan na rin niya na si Miguel ang tumatawag doon. Wala nga sana syang balak sagutin ang tawag nito dahil nga pagod pa rin nga talaga siya dahil kagagaling pa lamang niya sa opisina. Alam din kasi ni Harold na mangungulit na naman nga ito pero naka ilang beses na nga itong tumatawag kaya naman pahintamad na lang nga niyang sinagot ang tawag nito.

“Finally! Sumagot ka na rin sa tawag ko,” agad na sabi ni Miguel mula sa kabilang linya.

“Tsk. Bakit nga ba napatawag ka? May kailangan ka ba?” balewalang tanong ni Harold kay Miguel. Gusto na nga sana nyang magpahinga kaso itong kaibigan nya na ito ay mukhang may kailangan sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 159

    CHAPTER 159Sigurado si Jillian na kung narito lamang si Harold ay matutuwa ito kapag nalaman nito na buntis siya. Pero bigla rin siyang napaisip kung bakut siya nabuntis gayong may pills naman siyang iniinomBigla rin nga na naalala ni Jillian ang kanyang ina dahil paano niya ito sasabihin dito gayong wala naman siyang ipinapakilala na nobyo rito.Napatingin naman si Jillian sa kanyang kaibigan at saka niya pinunasan ang kanyang luha.“P-paano ko ito sasabihin kay nanay? Baka kung mapaano si nanay kapag nalaman nya ang tungkol dito,” sabi ni Jillian sa kanyang kaibigan.Napabuntong hininga naman si Jane at sandali pa nga siyang napaisip dahil paano nga ba ito sasabihin ni Jillian sa kanyang ina. Nag aalala rin siya na baka kung mapano ito kapag nalaman nito ang totoo.“S-siguro pag isipan na muna natin kung paano mo ito sasabihin kay nanay Leony. Pero sa ngayon ay mas mabuti na malaman muna natin kung maayos ba ang kalagayan ng bata sa sinapupunan mo,” sagot ni Jane sa kaibigan niya.

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 158

    CHAPTER 158 Sandali namang natigilan si Jillian at pilit nga niyang inaalala ang mga nangyari at nagtataka pa nga siya kung bakit siya naroon. “B-bakit ako narito? Anong nangyari? B-bakit ako dadalhin sa ospital?” tila naguguluhan pa nga na tanong ni Jillian at saka siya dahan dahan na bumangon. Agad naman na inalalayan nila Jane at Rose si Jillian para makaupo nga ito. “Hindi mo ba natatandaan na nawalan ka ng malay sa CR kanina pagkatapos mong magsuka? Ano ba ang nangyayari sa’yo Jillian?” sagot naman ni Rose sa dalaga. Saglit pa nga na nag isip si Jillian at napabuntong hininga na lamang siya ng maalala niya na nagsuka siya kanina. “Masama ba ang pakiramdam mo? Dapat nagsabi ka sa akin kanina nung kumain tayo ng lunch,” nag aalala naman na sabi ni Jane sa kanyang kaibigan. “Ayos naman na ako. Hindi naman masama ang pakiramdam ko ngayon. Siguro ay napagod lang talaga ako kaya ako nawalan ng malay kanina,” mahinang sagot ni Jillian. Nagkatinginan naman sila Jane at Rose dahi

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 157

    CHAPTER 157Agad naman na sinundan ni Ms. Rose si Jillian dahil nag aalala siya rito. Kita rin niya na hawak na ni Jillian ang bibig nito ng tumakbo ito kaya agad na siyang sumunod dito at nadatanan niya ito na sumusuka na nga roon.“Masama ba ang pakiramdam mo, Jillian? Dapat ay nagsasabi ka kaagad sa akin para naman napag under time kita. Kesa naman mahirapan ka sa pagtatrabaho. Maiintindihan ko naman kayo basta magsabi lang kayo ng maayos sa akin kung hindi kayo makakapasok sa trabaho,” sabi ni Ms. Rose na pumasok na rin sa loob ng CR at sinarahan na rin muna niya ito dahil baka may makakita pa kay Jillian sa ganoong kalagayan.Nagmumog naman na muna si Jillian at saka siya napasandal sa pader dahil pakiramdam niya ay nanghihina nga siya.“Ayos ka lang ba, Jillian? Namumutla ka na,” puno ng pag aalala na tanong ni Rose sa dalaga dahil napansin kaagad niya na bigla nga itong namutla.Tila naman habol ang hininga ni Jillian habang nakasandal sa pader. Pakiramdam niya ngayon ay babags

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 156

    CHAPTER 156Sa kabilang banda naman ay naging abala rin nga si Jillian sa kanyang trabaho sa mga nakalipas na linggo. Sinadya niya iyong gawin para kahit papaano ay makalimutan niya ang lungkot na nararamdaman niya kapag naaalala niya ang kanyang nobyo. Sa nakalipas din kasi na mga linggo ay wala pa rin siyang balita kung nasaan na nga ba ngayon si Harold kaya naman hindi talaga niya maiwasan na hindi mag alala rito.Ngayon nga ay narito si Jillian sa kanyang pwesto at abalang abala siya ngayon sa mga prinint niya na mga papeles na kailangan niyang ipamigay sa mga kasamahan niya roon.“Psst. Tara nang kumain,” aya ni Jane kay Jillian ng dumaan nga ito sa pwesto ni Jillian.“Medyo busog pa ako e. Maya maya na lang siguro ako kakain,” sagot ni Jillian sa kanyang kaibigan.“Busog? Hindi ka pa naman kumakain simula kanina,” kunot noo pa na sagot ni Jane. “Alam ko naman na may iniisip ka. Pero wag mo naman pabayaan yang sarili mo. Sa tingin mo ba ay matutuwa siya kapag bumalik siya at naki

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 155

    CHAPTER 155Samantala naman inabala na lamang talaga ni Harold ang kanyang sarili sa kanyang trabaho. Ilang linggo na siya roon pero hanggang ngayon ay tila ba naguguluhan pa rin siya sa naging problema ng kanilang kumpanya dahil wala naman talaga siyang makita na mali rito.Sa nakalipas din nga na mga linggo ay madalas na hindi sinasagot ni Harold ang tawag ng kanyang ama dahil sa totoo lang ay may sama pa rin siya ng loob dito dahil sa ginawa nito sa kanya na pagpapadala roon sa London.Habang seryosong seryoso naman si Harold sa kanyang mga ginagawa ay narinig nga niya ang mahinang pagkatok sa kanyang opisina.“Come in,” sabi ni Harold at hindi na nga siya nag abala pa na tingnan kung sino ba ang pumasok na iyon sa kanyang opisina.“Ahm. Sir Harold hindi pa po ba kayo maglulunch?” sabi ng isang boses babae kay Harold.Napabuntong hininga naman nga si Harold at saka niya saglit na inilapag ang hawak niyang nga papel.“Ms. Camille, pwede ba na wag mo akong pakialaman kung kakain ba a

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 154

    CHAPTER 154Hindi rin pinaalam ni Louie sa kanyang asawa na si Shirley ang kanyang pinaggagawa na iyon dahil alam niya na mali naman talaga ang ginawa niya at panigurado na magagalit ang kanyang asawa dahil ang kumpanya na iyon ay isa rin sa kanilang pinaghirapang ipundar na mag asawa.At noong mga panahon na hindi na malaman ni Louie ang kanyang gagawin dahil hindi na niya alam kung paano ba niya mababawi ang kanilang kumpanya ay sakto naman na nakilala niya si Miguel at naikwento nga niya ang mga nangyari na iyon.“Gusto mo ba na mabawi ang iyong kumpanya?” seryosong tanong ni Miguel kay Louie matapos niyang marinig ang kwento nito sa nangyari sa kumpanya nito.Narito kasi sila ngayon sa isang restaurant dahil inaya ni Miguel si Louie na mag lunch dahil may gusto siyang sabihin dito. At agad naman siyang pinaunlakan ni Louie dahil sino ba naman ang hihindi sa isang kilalang negosyante.“Oo naman. Mahalagang mahalaga sa amin ng aking asawa ang kumpanya na iyon dahil isa iyon sa mga p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status