MasukNian's POVHanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang boses ni Zachu. Parang pinipiga ang puso ko habang inaalala ang sinabi niyang hindi niya ako kilala.Hindi ako makaisip ng magandang gawin. Gusto kong bumawi pero paano?I dialed Zacharias' phone number. Kailangan ko siyang makausap. Tinatanggap ko nang mahihirapan akong iwasan siya."I didn't expect you to call me first...""May number ka ba ni Zachu?" agad na tanong ko."I don't have. Why?"Anong klaseng ama 'to? Number ng anak ay wala siya."Sige, ibababa ko na—""Check his social media," putol niya sa sasabihin ko."Zachu Viglianco ba?" tanong ko habang sinisimulan nang hanapin ang account niya. Kaso walang lumabas, niloloko ata ako ng isang 'to. "Wala naman!""Chill, ang init ng ulo mo kaagad. What's your account?""Bakit?""I'll add you so that I can share his account link," aniya."Nian Nian," napipilitang saad ko. Gumagawa lang ata ng paraan ang mokong para makita din ang account ko.Agad na nag-pop sa
Nian's POVPinipigilan ko ang sariling iuwi ang mga sariwang flowers na nakadisplay sa flower shop ko. Ang gaganda kasi ng disenyo dahil magaling ang mga nag-ayos niyon.Salamat sa magandang gawa nila kaya maraming nagtitiwala sa produkto namin."Ma'am, may naghihintay po sa inyo sa labas."Naabala ang pagtingin ko sa mga bulaklak dahil sa narinig at kuryosong tumanaw sa glass wall para silipin kung sino iyon.Shit talaga ng lalaking 'to, anong ginagawa niya rito?Napahawak ako sa batok at napilitang lumabas at harapin siya. Sabi na, hindi talaga coincidence ang muli namin pagkikita. Anong balak niya? Makaisa ulit at dagdagan si Zariuz? Asa siya.Hindi ko na nga sinasagot ang text niya, pinuntahan pa talaga ako rito.Nakasandal siya sa kaniyang magarang kotse at nakapamulsa. Marami tuloy ang napapalingon sa kaniya dahil sa kakaibang pormahan, na para bang model na naghihintay na makuhaan.Sana nga 'yan lang ang mamanahin ng anak ko sa 'yo. Baka sumakit lalo ang ulo ko kapag n
Nian's POVNakahinga lamang ako nang maluwag nang makarating na kami sa bahay. Sumama si Zacharias sa amin kahit na hindi naman na kailangan.Ngayon alam niya na kung saan kami nakatira.Ano naman, Nian? Hindi naman ikaw ang sadya niya rito.Nauna na si Zariuz sa loob."Call me if you need anything," panimula niya.Umiling ako at pinilit ngumiti. "Okay na kami, kaya wala ka nang alalahanin pa.""I guess it's a goodbye then.""Mmm."Tumalikod na ako pero bago pa man makahakbang, nagsalita si Zacharias sa likod ko."Did you cheat on me?"Huh?Lito akong napalingon sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Ako? Ako pa talaga ang nag-cheat? At isa pa, hindi naman naging kami kaya siya lang ang cheater."What are you saying?""Never mind.""Kapal ng mukha," bulong ko."What did you just say?""Wala, umalis ka na. Ingat," mabilis na saad ko at pumasok na ng bahay.Sumandal ako sa likod ng pintuan habang hawak ang dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok. Nang makabaw
Nian's POVMy hands were trembling as I held my unconscious son. Lumabas na ang doktor na tumingin sa kaniya.Thank God!Ligtas na ang anak ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pangamba ko."I'm sorry, baby," saad ko at hinalikan ang kaniyang kamay.I should have been more careful. Sana hindi na lang kami sumipot, hindi siguro mangyayari 'to.Pinunasan ko ang luha ko nang bumukas ang pintuan at maramdaman ang presensya niya. I am angry at him, napahamak ang anak ko dahil sa kaniya.Tumayo ako at hinarap siya."Kapag okay na ang anak ko, aalis na kami agad dito. Ayoko nang muling magkaroon ng koneksyon sa 'yo. My son's safety is my priority.""I understand and I'm very sorry.""Kay Zariuz ka mag-sorry.""I caught the man who did it. As usual, I was the target." Napahinga siya nang malalim."You should have checked first or hired a food tester," madiing saad ko.Mapait akong napangiti. Yeah right, I was once a food tester."Again, I'm sorry. You should rest
Nian's POVHindi ako makapaniwalang magkikita kaming muli. Ang bumabagabag sa isip ko ay kung bakit nandito siya. Wala akong alam na business niya rito.Should I call Nanay Flora?She's the only one who could control him. Thanks to her, I managed to escape from his arms.And how about Zachu, nandito rin ba siya? God knows how much I miss that boy."Mommy!"Napatigil ako sa pag-aayos ng mukha ko dahil hinihila na ni Zariuz ang braso ko. Excited na siya. Hindi niya kinain ang inorder ni Zacharias kahapon dahil gusto niya raw na makakain nang marami ngayon.Ipinamigay ko na lamang sa isang katulong namin dito sa bahay."Okay, let's go."Nang nasa biyahe, doon ko lamang tinext ang number ni Zacharias. Tulad ko ay hindi pa rin siya nagpapalit ng SIM card, so I unblocked him.Nagtipa ako. "Almost there, same place. If you're late for five minutes, we will not wait for you anymore."Pagkasend, nagulat ako nang tumunog iyon agad."Already here."Is he waiting for my text? Ang bil
Nian's POVHindi ako kailanman nagsisi. At bakit ako magsisisi?"Mommy!"Binitawan ko ang hawak na bulaklak at nilingon ang anak ko. Ngumiti ako nang makita siyang palapit, nasa likod niya ang kapatid kong si Nani. Pareho silang nakasuot ng uniporme at may bag na dala."Zariuz, baka madapa ka..." nag-aalalang saad ko."Mommy, I'm hungry! I want pizza," nagpapacute niyang saad nang makalapit sa akin.Yumuko ako para punasan ang kaniyang pawis sa mukha. "Nag-pizza na naman tayo kahapon, hindi healthy, baby.""But—""No more buts," putol ko sa kaniya. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. "Mag-lunch na tayo, Nani."Lumabas kami sa flower shop na pagmamay-ari ko. Iyon ang pinili kong business, naging successful siya na karamihan sa mga bumibili ay mga mayayaman. Marami na rin kaming natatanggap na order.Akala ko, guguho na ang mundo ko. But unexpectedly, he came into my life. My baby, my Zariuz, my everything. Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama siya.Pumunta ako
Nian’s POV "Nian!" Nakasandal ako sa kotse nang marinig ang sigaw ni Zachu. Palabas na siya sa gate ng school nila habang kumakaway. Naglakad ako para salubungin siya at kinuha ang kanyang bag para ako na ang magbitbit. "We have an event next week. I wish Dad could come and watch me," sabi niya.
Nian’s POV Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko, suot ko na rin ang unipormeng binigay sa akin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. "Tawag ka ni sir sa office niya," nakangiting sabi ng maid na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. "Sige." Sumu
Nian’s POV Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto ng bata, kaya naman kumuha na ako ng dalawang pagpipilian niya. Orange at apple flavor. Pabalik na ako sa kanila nang madaan ko ang dalawang tao. Babae at lalaki na mukhang nag-aaway, nasa tabi sila ng kotseng nakaparada sa may puno. Mula rito,
Nian’s POV"Uncle."Naglakad ang matandang lalaki palapit sa amin. Nakasuot ng mamahaling uniporme. Matikas ang pangangatawan at matindig. May pagkakapareho sila ng katabi ko, kung hindi ko lamang narinig na tinawag siyang uncle ay baka pagkakamalan kong mag-ama sila."Nagdala ka pala ng babae. I'







