Share

New Boss

"New Boss"

Pakanta kanta kong inayos ang sarili sa harapan ng salamin.

Sobrang saya ko sa araw na ito, dahil natanggap ako bilang office staff sa isang malaking Company. Isang Advertising Company and it's my first day.

Malaki ang pagkakangisi ko sa harapan ng salamin.

Naglagay ako ng konting powder sa aking mukha, inayos ko ang aking nakapusod na buhok at isinuot ang malaking salamin ko sa mata. I put a light lipstick on my lips.

I wore a white loose long sleeved blouse , an office black high waist pencil cut skirt with black stocking underneath, paired with red highheels.

Napangiwi ako, I am so sexy and I knew it, minus points lang itong suot kong malaking salamin sa mata nagmukha tuloy akong kwarenta anyos.

It doesn't matter as long as it's my first day.

I painted a smile on my lips while staring my own reflection on the mirror.

"Perfect!" bulalas ko sa pitik ng aking mga daliri.

Mabilis kong hinagilap ang aking bag na nakapatong sa ibabaw ng kama at tuluyang lumabas sa kwarto.

Bumungad sa akin si Jocel. Nakasuot na rin ng pang office outfit at handa na rin na umalis.

"I'll send you because it's your first day," malaking pagkangising buluntaryo nito.

Merong sariling sasakyan si Jocel kaya nag buluntaryo itong idaan ako sa aking bagong papasokan.

Ngumiti ako dito at agad kaming lumabas ng bahay.

Lulan ng sasakyan hindi ko mapigilang kabahan, ano kayang klaseng environment meron ang aking bagong trabaho?

Hindi na ako mapakali at panay ngat ngat ko sa aking kuko.

"Kaya mo yan Pamela, Go lang go!" Pinalakas ko ang aking sarili.

Sabay hugot ng malalim na hininga at biglang tinaas ko ang nakakuyom kong kamay. "Fighting!" bulalas ko na nakalimutang andun pala si Jocel nagmamaneho.

Nagsalubong naman ang kilay ni Jocel, sa ginagawa ko, at iiling iling na muli nitong itinuon ang atensiyon sa daan.

Nginitian ko lang ito.

"We're here", narinig kong ani ni Jocel sabay marahang apak ng preno

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang matayog na building sa aking harapan.

Sabik na bumaba ako sa kotse. Pagkatapos bumaling ako kay Jocel.

"Thank you," ani ko bago hinarap ang malaking gusali.

"You go, Pamela kaya mo iyan!" Sigaw ni Jocel sa aking likuran sabay na bumusina pagkatapos ay linisan na nito ang lugar.

"This is it pancit!" anas ko na nagsimulang humakbang.

Halos hindi ako makahinga, nakatingala ako sa napakatayog na building.

"Wow, I can't believe this, starting today I will be a part of the team," sa utak ko. Gusto ko iyong ipagsigawan. Walang mapagsidlan ang aking saya, kinikilig pa rin sa tuwing naalala ko ang email sa pinadala nila sa akin na natanggap ako sa interview.

Humugot muna ako ng hangin sabay buga pagkatapos ay nagsimula na akong naglakad patungong entrance.

"Good morning," bati ko sa guard hindi ko matanggal tanggal ang ngiti ko sa labi.

"Good morning Maam," sagot naman nito at tuluy tuloy akong pumasok sa revolving glass door.

Tuloyan akong nakapasok sa loob. "Oh my God!" bulalas ko sa loob loob habang tiningala ang buong lugar. Hindi maikakailang maraming gustong magtrabaho dito, sobrang highclass ng interior. Hindi ko maialis- alis ang ngiti ko sa labi.

Sabi ng email na natanggap ko noong isang araw ay 18th floor daw ako didiretso. Nilinga ko ang paningin hinanap ko ang elevator.

Ayon! patakbo kong tinungo iyon nang marating ko ito ay hinintay kong magbukas.

What the! Nagulat ako nang magbukas ang elevator daming employee ang lulan nito. Pero pinilit ko pa ring makipagsiksikan sa loob, halatang lahat ay nagmamadali at walang sinasayang na oras.

May isa rin na employee ang sumunod na pumasok sa akin, abala abalang ito, may ka-usap sa phone at hindi pinansin ang reklamo ng iba pa naming kasamahan na mag ooverload na, kaya ayon! at na overload tuloy ang elevator.

Napasulyap ako sa relo ng braso ko, leche malalate na ako. Wala na akong mapagpipilian pa kundi maghagdanan nalang ako, unang araw ko pa naman at minamalas agad ako.

Akma na sana akong lalabas nang may biglang pumigil sa balikat ko mula sa likuran. Nagulat ako sabay lingon dito nagsalubong ang aking kilay nang masilayan ko kung sino.

At sino naman tong asungot na to?

Bumungad sa akin ang mestisuhing lalaki, matangkad, matangos ang ilong at halatang hindi pa nakapag-ahit dahil may mga balbas ito sa panga at baba.

Infairness! Add points sa akin ang rugged look nito, mas nagagwapohan kasi ako sa isang lalaking hindi masyadong kina career ang pag-ahit ng bigote.

Nakaplain gray shirt lang ito at gula-gulanit na maong Jeans na suot nito at combat black shoes.

"Nakapa ka informal naman ata ng lalaking ito? Is he one of the employee? I doubt about it," ani ng utak ko pagkatapos suyurin ang lalaki ng tingin.

"Wait Girl! clear up your mind puro landi iyang nasa utak mo!" Saway ng isang panig ng utak ko.

Biglang nagsalita ang lalaki nang akma na akong papanhik papalabas.

"Stay here," pigil na baling nito sa akin, "And you out!" baling nito sa babaeng huling pumasok sa elevator.

Pero hindi nito iyon pinansin at sige parin itong nakipaglandiang nakipag-usap sa phone.

Nagsalubong ang kilay ng lalaki at mas nilakasan nito ang boses. "Hey are you deaf I said out!" muling sabi ng lalaki.

Iyon at bumaling ang babae, nang makita nito kung sino ang nagsalita ay nanlaki ang mata nito.

Mabilis na yumuko at humungi ng paumanhin at tuluy tuloy na lumabas.

Nakahinga ako ng maluwag ang akala ko aakyatin ko ang hagdanan hanggang 18th Floor. Salamat sa rugged man sa likod ko.

Sinapit ko ang eighteenth floor. Sinuyod ko ng paningin ang gawing iyon.

May nakita akong isang glass door at may nakasulat doong, "De Silva Executive Office."

"Yes! Nandito na ako!" ani ko sa loob.

Tinalunton ko ang malaking salaming pintuan maingat na pumasok sa sliding door.

Napasinghap ako sabay kagat labi.

"Woow this is it," I saw everyone are so busy on their table, takbo roon takbo rito, type doon type dito.

Ang saya! Oh my this is a real job!

Ilang segundong nakalipas ay may sumalubong sa akin na isang lalaking empleyado medyo hindi katangkaran parang hindi ko alam kung paano ilarawan ang hitsura nito kaya skip muna tayo diyan skip.

"Pamila Ramirez?" nakataas ang kilay na tanong nito sabay titig sa aking mukha.

Sunod sunod na tango ang aking ginawa. "Yes sir ako po."

"I am Jose Maglaom I am the head of Human Resources Department, I am in-charge for the new staff, and here is your ID," sabi nito na parang hinabol ng aso kung magsalita, sabay abot sa akin ng ID.

Buong puso kong tinanggap ang aking ID at maagap ko iyong isinukbit sa aking leeg.

Dream come true! Napabilang ako sa team na matagal ko nang pinapangarap. Para atang lumutang ako sa alapaap sa sandaling ito, kinikilig ako ng sobra.

"Okay then, Miss Ramirez I'll show you around come and follow me," imbita nito at nagsimula ng maglakad.

Walang dalawang isip ay sabik akong sumunod dito.

Nilibot namin ang buong office at ipinakilala ako sa lahat ng mga co-workers ko. Lahat ay mainit ang pagtanggap sa akin.

"So here is your desk, anyway I forgot to inform you that the vacant position that you applying was already occupied so we decided to put you in this desk since this is the only vacant position left, are you okay with it?" tanong nito na naghihintay ng sagut niya.

"Yes po, no problem," sunod sunod na tango ang aking ginawa, wala na akong pakialam kung anong posisyon ang ibigay nito sa akin as long as kasama ako sa team na ito at may trabaho na ako.

"And by the way to be honest I choose you to this position," sabi nito.

Pasipsip effect ata tong lalaki ito ha para bilhan ko ng kape tuwing umaga.

"Well, thank you Sir Maglaum for choosing me," kahit napilitan ay nginitian ko ito ng sobrang tamis.

"Because you look very hardworking because of your-" ani nito sa turo sa malaking salamin ko sa mata.

Ayyyy leche pala itong lalaking ito eh pinili lang ako dahil may salamin ako. Nakakadismaya naman! well it doesn't matter basta may trabaho na ako.

"I will now leave you and you may start your work," pagkasabi niyon ay tumalikod na ito.

Nakasimangot akong na-upo sa swivel chair na nakalaan sa akin.

Naiinis ako, pinili lang ako dahil may salamin ako? Huh? Inirap ko ang aking mga mata.

Papiksi kong inayos ang dala kong mga gamit pang office, naglagay pa ako ng maliit na flower vase, ang paborito kong minion stuff toy, ipinatong ko pa iyon sa ibabaw ng mesa ko. Para atang hinakot ko na lahat ng gamit sa bahay. Lahat ng mga nasa ibang cubicle ay nakatingin sa akin at nakukuryuso. Sinulyapan nito ang mga gamit ko.

Abay! Bahala na nga kayo diyan gamit ko to wag na kayong maki-alam. Inikot ko nalang ang eyeballs ko dahil sa mga ito.

Teka teka ano nga ba ang posisyon ko, nilinga ko ang paningin abala lahat sa kanilang ginagawa at bakit parang na iba itong lugar ko, nasa gilid ako ng office ng CEO.

May nabasa ako sa ibabaw ng table ko. " CEO's Personal Secretary?

What? Secretary?

Nanlaki ang aking mga mata, ibig kong maiyak, ang pinaka ayaw kong posisyon ay ito, bakit ito pa ang binigay sa akin. Gusto kong umiyak at maglumpasay pero no way this is job kailangang panindigan ko.

Nanlumong ipinatong ko ang aking noo sa ibabaw ng mesa.

Napabalikwas ako dahil sa gulat, tumunog kasi ang teleponong nasa harapan ko.

Mabilis ko kinuha iyon kinuha at sinagot.

"He-", hindi pa ako nakapagsalita ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.

"Bring me some coffee right now," utos ng nasa kabilang linya, medyo katandaan na ang boses nito.

Sigurado ako ang CEO iyon kaya agad akong tumalima at gumawi sa coffee maker sa isang sulok. Pagbutihin ko trabaho ko dahil kailangan ko ito.

Dala ang isang tasang kape ay dahan dahan akong kumatok sa pintuan.

"Yes come in," narinig kong sagut nito mula sa loob.

Maingat akong pumasok sa loob bitbit ang isang tasa ng kape.

Bumungad sa akin ang isang katandaang lalaki kahit may edad na ay mahalata mong gwapo.

"CEO TRAVIO DE SILVA" lihim kong binasa ang nakasulat sa ibabaw ng mesa nito. So ito ang Boss ko, hindi na masama base sa nakikita ko parang mabait naman.

"Good morning Sir, here's your coffee," nakangiting bati ko na maingat na inilapag sa mesa nito ang dala ko.

"Thank you," ani nito at muling itinuon ang paningin sa mga dokumento sa harapan.

"You're welcome sir," ngingiti ngiting kong wika sabay na tumalikod upang lumabas nang magsalita uli ito.

"Wait," pigil nitong bigla sa akin.

Agad siyang humarap dito.

"What is your name? I guess you are my new Assistant," ani nito sabay tingin sa akin.

"Pamila Ramirez po Sir," pormal kong sagot sa kaharap.

"Hmmm okay! Anyway Miss Ramirez I have my important announcemet later after lunch so please inform everyone," utos nito sa akin.

"Yes Sir I will," magalang kong wika tumalikod na ako at lumabas ng office.

Mabuti at may experienced na ako bilang Assistant at hindi ako masyadong nahirapang e-adapt ang trabaho.

Na-inform ko na rin sa lahat ng kasamahan ko tungkol sa utos ng boss namin.

------

Lahat nagsitayuan mula sa pagkaka-upo ng makita namin na ang CEO ay pumasok sa loob conference room.

"Good afternoon Sir," bati naming lahat at muling naupo.

Gumawi si Sir Travio sa isang silya at doon naupo. Pagkatapos ay tumikhim ito nagsimula at nagsimulang nang magsalita.

"Okay maybe everyone wondering why I called you here, this is an important announcement, hindi na ako magpaliguy liguy pa but I will officially informed everyone that I am retiring in my current position as a CEO and I am giving it to my son as your new Boss," walang preno prenong sabi nito sa harapan namin.

Ayyy naku! Unang araw ko palang sa trabaho papalitan agad ang boss ko? Ano na naman to oo.

Bumuntong hininga ako. Sinipat ko ang paligid parang wala namang nalungkot sa pag retire ng Boss sa halip lahat ay nagliwanag ang mga mukha lalo ng ang mga kababaihan.

Iiling iling akong nakamasid.

"Okay now I will introduce you to my son," patuloy ng matanda.

Kibit balikat akong nakinig nang biglang nagbukas ang pintuan mula sa labas. Kasunod ay isang taong pumasok.

Napasinghap at nanlaki ang aking mga mata.

Napalunok ako sabay kagat labi sa natunghayan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status