Share

Stranger's Kiss

"Stranger's Kiss"

"How much?" kalmang tanong ng estrangherong lalaki na hindi pa rin nawawala ang atensiyon sa daan.

Nagsalubong ang aking kilay sa tinuran nito.

What? How much daw? Leche itong lalaking ito ha, akala mo kung makaakto ay mababang klaseng babae ako? Napasimangot ako at sadya kong nginuso ang aking mga labi.

"Hey are you dumb I'm asking you how much?" muli na naman akong tinanong nito at bahagya pang diniinan nito ang huling kataga.

Umuusok na ang aking tainga sa sandaling iyon at halos ibig ko nang sumabog dahil sa inis.

"Stop the car!" galit at nakataas ang aking kilay na utos ko dito pagkatapos ay naka tiim bagang kong sinulyapan ang lalaki.

Isang nakakalukong tawa ang pinakawalan nito na pumainlang sa loob ng kotse.

Mas lalong akong nag aalburuto sa inis dahil sa tinuran nito. Abay! hudas na demonyong tukwa, ewan! Pinagtatawan ba siya nito? How dare this man!

"How brute", I murmured sabay pinaikot ko aking eyeballs.

"What did you say?" nakalukot ang noong baling nito sa akin na kunwa'y pinupuna nito ang binubulong ko.

"I said stop the car!" pagalit kong pahayag dito sabay irap ng aking mga mata.

Nakita ko ang pagtiim bagang ng mukha nito.

Patay nagalit yata ito, well bahala siya, siya naman itong mababa ang tingin sa akin. Umaakto lang naman ako sa naaayon.

Walang sabi sabing biglang tinapakan nito ang preno ng sasakyan.

"Holycrap!" wala sa sariling bulalas ko dahil sa gulat. At ayon! Sadsad ang noo ko sa dashboard at sabay hulog ng salamin kong suot sa paanan ko.

"The nerve!" Ang bastos talaga ng estrangherong ito, kundi sa akin hindi ito makakawala sa girlfriend nitong mukhang hilaw na kwago.

Dali kong kinapa at hinanap ang aking salamin sa may paanan. Taranta kong hinalungkat ang sulok sulokang bahagi ng may paananan ko habang pilit kong inaninag at binuka ang aking malabong paningin.

"Damn it!" napakislot ako nang hindi ko mahagilap ang salamin, sobrang taas na kasi ang grado ng mga mata ko kaya kapag wala iyong glasses ko sobrang labo ng paningin ko, na halos hindi ko na makilala ang mga bagay sa paligid ko.

Peste! Kasing itong genes ko pag pumatong kasi kami ng twenty five pataas ayon magsimula ng lumabo ang mga mata namin.

Iyon ang nangyari sa mommy ko, sa mga tiyahin at tiyuhin ko, ang buong akala ko hindi ako kasama, pero iyon lang pala ang akala ko.

Hindi ko parin tinigil ang mga kamay ko at kapa parin ako ng kapa nang makarinig ako ng malakas na tawa ng lalaki.

Nanggagalaiti ako sa galit dahil sa tawang pinakawalan nito na animo'y tuwang tuwa sa nasaksihan nito.

"I've got what youre looking down there," he teased me sabay bitin sa glasses ko sa ere.

Dali akong bumangon mula sa pagkakayuko. Kukurap-kurap ang aking mga mata, malabo ang paningin ko pero sigurado akong hawak nito ang glasses ko.

"I will give this to you unless sabihin mo kung magkano ang ibabayad ko sayo," rinig kong ani nito.

Napapiksi ako sabay salubong ang aking kilay. Kahit hindi ko man masyadong naaninag ang mukha nito alam kong malaki ang pagkakangisi nito.

Napakagat ako ng labi. "Bwisit tong lalaking to ha," ani ko sa loob loob na halos umuusok na ang tainga ko sa inis.

"Come on how much?" ulit na naman nito nakangising nakatingin sa akin.

"Hindi ko ugaling tumanggap ng pera galing sa walang kakwenta kwenta bagay Mr. ," walang preno-prenong turan ko na pilit nilangkapan ng tigas ang boses. "So Mr.-- will you please excuse me can I have my glasses back?" ani kong sinabayan ng buntong hininga.

"Hindi ko rin naman ugaling hindi magbabayad sa pinagkaka-utangan ko Miss Nerdy, kaya tanggapin muna ang inaalok ko," pagpumilit nito.

Tumingkad ang tainga ko sa sinabi nitong NERDY? Okay fine nerd na kung nerd, ibigay lang nito ang glasses ko. Kung alam lang nito kung gaano kahirap walang makitang malinaw sa paligid.

Kahit malabo pilit na hinablot ko ang glasses. Akma kong babawiin ang glasses na hawak nito, dahil karugtong na ito ng buhay ko.

Maagap naman ito at daling inilag nito ang kamay, mas binitin pataas sa ere palayo sa akin.

Narinig na ko naman ang tawa nitong parang musika. But I need to act as a tough one.

Hindi pa rin ako sumuko at sinundan ko ang mga kamay nito hanggang sa nakapa at nahablot ko ito.

Nang makuha ko ay agad ko iyong isinuot sa aking mga mata. Ngumiti pa ako na animo'y parang nanalo sa isang lotto. But then agad din iyong napalitan ng gulat at para akong nakuryente.

Nanlaki ang aking mga mata, hindi ko pala namalayan na nakadagan na pala ako dito, dahil sa kakaagaw ko sa salamin.

Magkadikit ang aming katawan at halos isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

Bumundol ang kaba sa aking dibdib, hindi ko alam kung bakit pero basta nalang lumakas ang kaba sa dibdib ko nang matitigan ko ang mukha nito ng malapitan.

Napalunok ako ng laway habang naninigas ang katawan ko sa ibabaw nito.

"O baka iba ang gusto mo?" pabulong nitong na ani na halos dama ko ang init na hininga nito na tumama sa pisngi ko.

Napakurap kurap ako sa narinig. Kaya ng matauhan ay mabilis akong bumalikwas at umayos ng upo.

"Ang kapal rin ng mukha nitong may iba pa akong gusto?" ani ko sa isip ko, sabay ay napalunok ako sa malagkit na laway. Para na akong sasabog sa galit sa sinabi nito. Ano bang tingin nito sa akin? Babae mababa ang lipad, hell no!

"Tama ba ako Miss Nerdy?" pagkasabi niyon unti-unti nitong inilapit ang mukha sa mukha ko.

Umatras ako wala sa sariling naisandal ko ang likod ko sa bahaging pintuan ng sasakyan. Hindi ko mapigilan ang mabilis kong paghinga dahil na rin sa tindi ng tensiyon namagitan sa aming dalawa. Para na nga ibig ng kumawala ang laman ng tiyan ko dahil sa tindi ng nerbyos.

"Is this what you want Ms. Nerdy?" anas nito kasunod ay ang pagdapo ng mga labi nito sa mga labi ko.

Nabigla at natigilan ako hindi ako nakahuma sa sumunod na ginawa nito. Para akong tuod na nanigas sa kinauupoan ko. Napakuyom ko ang aking palad habang dinama ko ang labi nitong dumapo sa labi ko, hanggang ilang sigundo ang nakalipas ay bigla akong natauhan.

Kaya nagpumiglas ako, buong lakas kong itinulak ang dibdib nito pero hindi man lang ito natinag.

Nagpumilit ang mga dila nitong pumasok sa bibig ko, isang maparusa at mabangis na halik ang ginawad nito sa akin.

Pinilit kong manlaban at nagprotesta pero parang balewala nito ang ginawa ko. Nanginginig ang aking mga kalamnan sa ginawa nito. Hanggang sa maramdaman ko na lang na naging kaiga-igaya at masuyo ang mga halik nito.

Hindi ko tuloy namalayang napapikit at nadala ako sa emosyon buong pagnanasa kong sinuklian ang mga halik ng estranghero. Naging malambot ang braso ko at kusa ko iyong naiyapos sa leeg nito.

This is not my first kiss but the kiss we shared was different. Ibang iba ang hatid nito sa kaibuturan ng pagkatao ko, may kung anong kuryenteng dumaloy sa ugat ko at nag-iinit ang katawan ko sa simpleng halik na pinagsaluhan pinadama nito.

Nang biglang nagbitiw ito mula sa labi ko. Tuloy pinamulahan ako sa hiya at ibig kong maglaho nalang na parang bola. Lihim akong napadasal na sana kainin nalang ako ng lupa.

Mabilis kong binaling ang paningin ko sa ibang deriksiyon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko, nagpapadala ako dito sa isang simpleng halik lamang.

Nakita kong ngumiti ang lalaki, isang pilyong ngiti.

Nag-iinit ang pisngi ko hindi ako makapaniwala sa inakto ko, tuloy pakiramdam ko ay naging isang mababang klaseng babae ako. Wala na akong pinagkaiba sa iniisip nito.

Napakagat ako ng aking labi.

"I think I am already paid, kita ko namang nag enjoy ka sa ginawa natin," mas lalong sumilay ang pilyong expression sa mukha ng lalaking nakatingin sa direksyon ko.

Natameme ako sa sinabi nito, at walang anu ano'y dumapo ang kamay ko sa pisngi nito. Wala sa sariling nasampal ko ito.

"Oh shit!" dinig kong mura nito sabay himas ng pisnging nasaktan pagkatapos ay bumaling ito sa akin.

Parang nanganganib ako kung pagbabasehan ang tingin na ipinukol nito.

"Out!" sigaw na utos nito sa akin na nanlilisik ang mga mata. Nakatiim bagang.

Nang marinig ko iyon kandarapa kong binuksan ang pinto ng sasakyan at halos tatalunin ko iyon upang makalayo lang sa lalaking nagmumukhang tigre sa oras na iyon.

Padabog kong isinara ang pintuan. Kasunod niyon ay ang pagsibad niyon ng takbo papalayu.

Nakasunod tanaw ako sa sasakyang papalayo, blangkong expressiong nakatanaw ako sa malayo.

Padabog kong hinakbang ang aking paa.

I can't get over yet on how I responded on his kiss. "Damn it!" mura ko, sabay padyak sa aking paa sa kalsada.

At sa ginawa kong iyon, ay aksidenteng natanggal ang takong ng sapatos ko.

"Tssskk", napasimangot ako, laglag balikat na hinubad ko ang pares ng sapatos na suot ko, pinulot ko narin ang natanggal na takong at isinukbit sa loob ng aking bag.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad bitbit ang sapin ko sa paa. Hindi ko na ininda kung pinagtitinginan na ako ng mga tao.

Wala pa akong nakuhang trabaho, tapos may isa pang sumusulpot na lalong nagpakulo ng dugo ko.

Laglag balikat ay binaybay ko ang daan patungo sa amin.

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako sa bahay namin.

"What a tough day," ani ko sabay bukas sa gate.

Tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng bahay. Laglag balikat akong na upo sa sofa.

Hindi ko tuloy pansin si Jocel na nakaupo doon at nanood ng tv.

Lutang ang isip ko ay naupo kung saan ito naka-upo.

"Aray ano kaba para ka atang bulag ah", reklamo ni Jocel ng nakakandong na ako dito, itulak ako nito. "Doon ka nga!"

Matamlay na tumalima ako at umupo ng maayos sa kabila.

"Ano ba kasi ang nagyari ha at bakit lutang iyang kukuti mo Pamela," tanong nito sa akin.

"Eh may nakatagpo kasi akong asungot sa daan," sabi ko sabay sandal ng likod sa sofa sabay hilot ko sa sentido .

"Asan na iyon papatayin ko!",arte nitong kunwa'y tatayo, alam ko namang paraan lang nito iyon para maging masigla ako.

Ngumiti ako dito."Ikaw talaga pinatay ko na kanina pa, kaya nga natagalan ako, nilibing ko pa," sumabay na rin ako dito.

Ganun talaga sila mag-usap ni Jocel parang mga baliw.

Muli nalukot ang mukha ko ng maalala ko ang paghahanap ko ng trabaho.

"Jo," ani ko.

Binaling nito ang tingin sa akin, nagtatanong ang mga tingin nitong pinukol sa akin.

"Kaya mo pa ba akung buhayin?" tanong ko.

Tumawa ito ng malakas sa tanong ko sabay yakap sa akin.

"Baliw ka talaga oo namanat saka may bukas pa at susunod na bukas at susunod sa susunod na bukas," ani nito.

Humikbi ako.

"Sira! Ang pangit mo pag umiyak Pamela," reklamo nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.

-------

Kinabukasan maaga akong nagising. Gumawi ako sa kusina. Nagsalin ako ng tubig sa baso at nilagok iyon pagkatapos ay gumawi ako sa sala, laglag balikat na umupo ako sa harapan ng mesa at binuksan ang aking laptop.

Nagbabasakali ako na may makita akong job hiring. Kailang ko na talaga makahanap ng trabaho. Halos mauubos na ang saving ko dahil daily expenses ko. Tapos si Jocel nagbabayad ng upa nahihiya na ako.

Nanlaki ang aking mga mata.

"Jocel, Inday Jocel!" malakas na katok ko sa pintuan ng kwarto nito, na halos magiba na ang pintuan nito.

Lumabas naman ito na maningas ningas ang mata, halatang bagong gising gulong gulo pa ang buhok nito.

"Ano ba, ke aga aga ang ingay ingay mo!" reklamo nito sabay nag-unat ng braso.

"Tingnan mo!" ani ko na tinuro ang laptop na nakalapag sa ibabaw ng mesa, tumalima naman ito.

"Wow", bulalas nito na nanlaki ang mga mata.

"Yes!" bulalas ko din na malapad ang pagkakangiti.

"Wooooh" sabay kaming tumalon at nagyayakapan na parang mga sira.

Ang saya ko sobrang saya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status