"Distance is the Key"GABI na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi man lang ako dinalaw ng antok. Kanina pa ako pabaling baling sa ibabaw ng kama pero wala eh, mulat na mulat pa rin ang aking mga mata.Lintik itong matang to oo. Lagyan ko kaya to vicks ano para kusang pumikit ito?Mariin kong ipinikit ito, pero palaging nag pa-flashback ang mga sinasabi ni Tristan sa aking isipan. Para atang nakaukit iyon sa utak ko. Palagi nalang lumilitaw ang gwapong mukha nito sa kukuti ko.Ibig ko na sanang paniwalaan lahat nang iyon pero natatakot ako baka sa bandang huli ay ako rin ang magdurusa at magsisisi.Kaya mas mabuti at maaga pa ay iiwas na ako para hindi na tuluyang mahulog pa ang loob ko. Itigil na niya ang kahibangan niya.Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga, sinuot ko ang salamin sa aking mga mata.Naupo ako sa harapan ng maliit na mesa ng aking silid, kinuha ko ang ballpen sa harapan at isang malinis na papel.Magpa-file ako ng resignation hangga't maaga pa. Aya
"Blessing in Disguise""OKAY Miss Ramirez, just wait for our call, thank you," sabi ng isang babaeng nag interview sa akin. Napakabugnutin naman ng pagmumukha ng nag-interview sa akin na akala ko tuloy nakapasan sa buong mundo.Tumango lang ako bilang sagut dito, maingat akong lumabas mula sa silid kung saan ginanap ang interview sa bago kong inaaplyan.Isang buntong hininga ang aking pinakawalan nang maglakad ako sa hallway. Dalawang linggo na akong pagala-gala pero wala pa rin akong nakuhang bagong trabaho.Laglag balikat na lumabas ako sa malaking building. Nagsisimula muli ako sa una. Apply dito, apply doon hanggang sa makahanap ng panibago.Eh bahala na kaysa manitili ako doon, puso ko lang ang mahihirapan. Bahala na walang sisihan."Go go go lang Pamela!" Pinalakas ko ang aking sarili.Pang limang kompanya ko na kaya iyon, pero palagi lang sinabing maghihintay ng tawag, hanggang kailan pa ba ako maghihintay, isang linggo, dalawa,tatlo? Sadsad ang takong ng sapatos kong naglaka
"Hidden Proposal"Walang patid ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Humihikbi ako na animo'y walang kataposan. Hindi ko gustong umiyak pero kusang tumutulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.Nanatili pa rin ako sa silid ng hospital na ito nang mag-isa.Nakatungo kong pinahid ang mga luha ko sabay kuyom ng mga palad ko sa ibabaw ng aking magkabilang hita.Masaya ako sa balitang natanggap ko pero may kalakip iyong takot at pangamba. Hindi ko masisi ang sarili kong matakot dahil ako lang mag-isa ang humaharap sa dayog ng buhay ko, wala akong kapamilya na malapit sa akin bukod kay Jocel. Hindi ko alam kong saan ako magsisimula, saan ako o kami ng batang ito dalhin ng unos ng buhay, pero alam ko at maipapangako ko sa sarili kong hindi ko pababayaan ang magiging anak ko.Nanatiling nakayuko ako nang mapansin ko ang isang kumikinang na bagay sa aking daliri. Nagsalubong ang aking kilay, bakas sa mukha ko ang pagkalito. Wala sa sariling napasuyod ako ng tingin sa bagay sa aking daliri.
"The Princess and her Hero"Buong ingat ko na tinulak ang malaking pinto ng aming mansion. Nang makapasok nang tuluyan ay kagat labing muli ko iyong isinara. Ayaw kong magawa ng kahit anumang kaluskos o ingay. Naglakad ako'ng nakatiyad na tanging ang daliri ng aking mga paa ang sumayad sa sahig. Daig ko pa ang isang ballerina dancer sa hitsura ko o kaya ay si Catwoman.Bitbit ang aking mamahaling sandals ay maingat kong inakyat ang matayog na hagdanan na gawa sa mamahaling muebles papunta sa ikalawang palapag ng aming bahay, kung saan nandun ang aking magarang silid. Ilang segundong nakalipas ay natagumpayan kong naakyat ang ikalawang palapag. Maingat ko nama'ng binaybay ang malawak na pasilyo patungo sa aking sariling silid. Nakayukong tini- tip toe ko ang aking mga paa.Ibig kong matawa sa aking hitsura, para akong magnanakaw sa sariling naming bahay. Halos madaling araw na kasi, galing kami ng mga kaibigan ko sa club, nagkasiyahan at nagka-inoman, nakalimutan ko tuloy ang oras,
"Unexpected Encounter"Malakas na tumunog ang aking alarm clock na nakalagay sa ibabaw ng mesa sa tabi ng aking kama.Eksaktong alas syete na ng umaga."Tsssk!" padabog akong bumangon, sabay gulo ng aking buhok. "Antok pa ako eh!" inis na nakanguso kong bulalas habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata sabay matamlay kong kinapa ang off switch ng luma kong orasan.Nakakainis naman tong buhay to oo. Kung kailan wala akong trabaho kailangan ko paring gumising ng maaga para humanap ng trabaho. "Oh come on Pamela pick yourself up bitch!" bulyaw ng aking kabilang utak.Tamad kong binaba ang aking mga paa sa sahig sabay kuha ko sa aking salamin sa mata na nakapatong sa ibabaw ng mesa at agad ko iyong sinuot sa aking mga mata.Inunat ko muna ang aking mga bisig sabay hugot ng hangin at binuga iyon.Napangiwi ako sabay biglang mulat ko sa aking mga mata. "Assskkkkkdd," kislot ko ang panis ng hininga ko. Agad akong sumaglit sa banyo upang mag toothbrush.Ako nga pala si Pamela Ramirez,
"Stranger's Kiss""How much?" kalmang tanong ng estrangherong lalaki na hindi pa rin nawawala ang atensiyon sa daan.Nagsalubong ang aking kilay sa tinuran nito.What? How much daw? Leche itong lalaking ito ha, akala mo kung makaakto ay mababang klaseng babae ako? Napasimangot ako at sadya kong nginuso ang aking mga labi."Hey are you dumb I'm asking you how much?" muli na naman akong tinanong nito at bahagya pang diniinan nito ang huling kataga.Umuusok na ang aking tainga sa sandaling iyon at halos ibig ko nang sumabog dahil sa inis."Stop the car!" galit at nakataas ang aking kilay na utos ko dito pagkatapos ay naka tiim bagang kong sinulyapan ang lalaki.Isang nakakalukong tawa ang pinakawalan nito na pumainlang sa loob ng kotse. Mas lalong akong nag aalburuto sa inis dahil sa tinuran nito. Abay! hudas na demonyong tukwa, ewan! Pinagtatawan ba siya nito? How dare this man!"How brute", I murmured sabay pinaikot ko aking eyeballs."What did you say?" nakalukot ang noong baling nit
"New Boss"Pakanta kanta kong inayos ang sarili sa harapan ng salamin.Sobrang saya ko sa araw na ito, dahil natanggap ako bilang office staff sa isang malaking Company. Isang Advertising Company and it's my first day.Malaki ang pagkakangisi ko sa harapan ng salamin.Naglagay ako ng konting powder sa aking mukha, inayos ko ang aking nakapusod na buhok at isinuot ang malaking salamin ko sa mata. I put a light lipstick on my lips.I wore a white loose long sleeved blouse , an office black high waist pencil cut skirt with black stocking underneath, paired with red highheels.Napangiwi ako, I am so sexy and I knew it, minus points lang itong suot kong malaking salamin sa mata nagmukha tuloy akong kwarenta anyos.It doesn't matter as long as it's my first day.I painted a smile on my lips while staring my own reflection on the mirror."Perfect!" bulalas ko sa pitik ng aking mga daliri.Mabilis kong hinagilap ang aking bag na nakapatong sa ibabaw ng kama at tuluyang lumabas sa kwarto.Bum
"Annoying Travis"Napalunok ako nang makita ko ang iniluwa mula sa pintuan. Hindi ako makapaniwala." Is he my new boss?" tanong ko sa loob loob habang titig na titig sa lalaking pumasok.No! It cannot be!Napakagat ako sa aking pang ibabang labi. It's the same guy from the elevator. The rugged man. Oh come on is this some kind of joke? Hello? Is somebody can explain this? Wait hahagilapin ko muna ang sarili ko, dahil pati ako ay nagulat.Kaya pala kung makahingi ng dispensa ang babae kanina sa elevator scene ay parang takot mawawalan ng trabaho. Iyon pala anak ito ng Boss namin.Tango tango ako sa na isip, animo'y nasagot ang isang mesteryo.Pumasok ng tuluyan ang rugged man sa silid. Bumaling si Sir Travio na parang nagtagis ng bagang, o tama nga talaga nagtagis nga ng bagang ang Boss ko.Malaking katanungan iyon sa utak ko, hindi ko mapuzzle kung ano ang nangyari sa eksinang ito?"Travis what are you doing here?" tigas na tanong ni Sir Travio sa lalaking kaharap.Travis pala ang p