Share

Hidden Proposal

"Hidden Proposal"

Walang patid ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Humihikbi ako na animo'y walang kataposan. Hindi ko gustong umiyak pero kusang tumutulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.

Nanatili pa rin ako sa silid ng hospital na ito nang mag-isa.

Nakatungo kong pinahid ang mga luha ko sabay kuyom ng mga palad ko sa ibabaw ng aking magkabilang hita.

Masaya ako sa balitang natanggap ko pero may kalakip iyong takot at pangamba. Hindi ko masisi ang sarili kong matakot dahil ako lang mag-isa ang humaharap sa dayog ng buhay ko, wala akong kapamilya na malapit sa akin bukod kay Jocel.

Hindi ko alam kong saan ako magsisimula, saan ako o kami ng batang ito dalhin ng unos ng buhay, pero alam ko at maipapangako ko sa sarili kong hindi ko pababayaan ang magiging anak ko.

Nanatiling nakayuko ako nang mapansin ko ang isang kumikinang na bagay sa aking daliri.

Nagsalubong ang aking kilay, bakas sa mukha ko ang pagkalito. Wala sa sariling napasuyod ako ng tingin sa bagay sa aking daliri.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status