Share

Distance is the Key

"Distance is the Key"

GABI na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi man lang ako dinalaw ng antok. Kanina pa ako pabaling baling sa ibabaw ng kama pero wala eh, mulat na mulat pa rin ang aking mga mata.

Lintik itong matang to oo. Lagyan ko kaya to vicks ano para kusang pumikit ito?

Mariin kong ipinikit ito, pero palaging nag pa-flashback ang mga sinasabi ni Tristan sa aking isipan. Para atang nakaukit iyon sa utak ko. Palagi nalang lumilitaw ang gwapong mukha nito sa kukuti ko.

Ibig ko na sanang paniwalaan lahat nang iyon pero natatakot ako baka sa bandang huli ay ako rin ang magdurusa at magsisisi.

Kaya mas mabuti at maaga pa ay iiwas na ako para hindi na tuluyang mahulog pa ang loob ko. Itigil na niya ang kahibangan niya.

Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga, sinuot ko ang salamin sa aking mga mata.

Naupo ako sa harapan ng maliit na mesa ng aking silid, kinuha ko ang ballpen sa harapan at isang malinis na papel.

Magpa-file ako ng resignation hangga't maaga pa. Aya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status