Tuluyan na siyang umalis...
AshlynKinabukasan, mabigat ang aking katawan. Para bang bawat kalamnan ko ay humihingi ng pahinga. Masama ang aking pakiramdam at tinatamad akong bumangon, ngunit ramdam ko rin ang init ng sikat ng araw na sumisilip sa siwang ng kurtina.“Rise and shine, Sweet…” malambing na wika ni Marco. Nang imulat ko ang aking mga mata, ang unang bumungad sa akin ay ang kanyang nakangiting mukha, tila ba siya ang pinakamagandang tanawin sa umaga. Kaya kahit gaano kasama ang aking pakiramdam, hindi ko napigilan ang mapangiti. Hinawakan niya ang aking pisngi at dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa akin. Tinanggap ko ang halik na iyon, malambot, mainit, at puno ng pag-aalaga.“Hmmm…” bahagyang ungol ko nang palalimin pa niya ang halik, para bang hinahayaang lamunin kami ng init ng umaga. Ihahanda ko na sana ang sarili ko para sa isang mainit at masayang simula, ngunit bigla kong naramdaman ang pag-ikot ng aking sikmura.Mabilis kong tinulak si Marco at halos hindi na ako nakapagpaliwanag nang d
AshlynNaunang naligo si Marco at habang nasa bathroom siya ay nasa kwarto naman ako ng mga bata at binabasahan sila ng bedtime story. Nang pumasok ang asawa ko upang siya naman ang humarap sa mga bata ay ako naman din ang naglinis ng aking katawan.Kalalabas ko lang ng walk-in closet para ilagay sa marumihan ang robe at tuwalya na ginamit ko ng pumasok si Marco. Ang liwanag mula sa lampshade sa tabi ng kama ay nagbibigay ng malambot na glow sa paligid, tila inaanyayahan kaming magpahinga, pero iba ang nasa isip ko nang mga oras na iyon.Marco locked the door quietly, his eyes never leaving mine. May kung anong lalim sa tingin niya, parang sinasabi na ngayon, wala nang ibang mundo kundi kaming dalawa lang. Lumapit siya nang dahan-dahan at ng nasa harap na niya ako ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, tsaka hinalikan ako nang marahan, isang halik na puno ng lambing, ngunit may halong pagnanasa na unti-unting tumitindi.“Ang ganda mo,” bulong niya habang dinadampian ng halik ang
Three years later…AshlynTatlong taon na ang lumipas, pero para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Sa bawat paggising ko tuwing umaga, minsan ay sumisilip pa rin ang alaala ng huling araw na nakita ko si Ashley.Dama ko pa rin ang kirot. Hindi ko man gustuhin, nakaukit na sa puso’t isipan ko ang araw na iyon. Subalit natutunan ko na ring tanggapin na may mga sugat na hindi agaran na maghihilom, pero maaari pa ring mamuhay kahit dala-dala ang peklat.Kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong maging ina at asawa sa pamilyang umaasa sa akin. Unti-unti kong itinayo muli ang sarili ko, pinilit maging normal ang lahat kahit na may mga gabing tahimik akong umiiyak. Alam kong ang mga kasalanan at sama ng loob ni Ashley, siya na ang bahalang humarap at magpaliwanag sa Panginoon.Hindi rin nagkulang si Marco. Sa bawat araw na tila gusto kong bumigay, siya ang naging lakas ko. Ramdam ko ang kanyang pang-unawa, ang tahimik niyang suporta na hindi kailanman nanghusga sa akin.Ngayon, narito ka
AshlynNailibing na si Ashley.Tahimik ang paligid habang isa-isa nang nagsiuwian ang mga taong nakiramay. Naiwan ako sa tapat ng kanyang puntod, hawak pa rin ang maliit na puting sobre na ibinigay sa akin ng nurse ng dalhin sa morgue ang kakambal ko. Ang liham na iniwan ng kapatid ko bago niya kitlin ang sarili niyang buhay.Masakit. Masakit dahil kahit sa huli, hindi niya pa rin nagawang humingi ng tawad.Hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya. O para man lang sa Diyos. Sana bago siya nalagutan ng hininga, naisip niyang lumapit sa Kanya. Pero wala. Ang iniwan niya sa akin ay ang parehong damdaming gusto kong burahin sa pagitan naming dalawa: galit, inggit, at poot.Pagkatapos naming dalhin ang kanyang bangkay sa morgue, saka lumapit sa akin ang nurse. May pagkailang siyang inabot ang liham, waring nag-aalangan kung ibibigay ba talaga iyon o itatago na lang habang buhay.Pagkarating namin sa bahay, agad kong naramdaman ang biglang paghigpit ng dibdib ko. Tahimik ang paligid, p
AshlynTahimik kaming nakaupo ni Marco sa gilid ng kama, mga kamay namin ay magkahawak, ngunit parehong may bigat sa dibdib. Ang buong bahay ay tila tahimik na sumasalamin sa alon ng mga emosyong hindi namin masambit agad. Ang ilaw sa lampshade ay may malamlam na liwanag, sapat lang para makita ko ang pag-aalala sa mga mata ng asawa ko.“Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya,” bulong ko habang pinipilit kong pigilan ang pag-angat ng luha sa aking mga mata. “Sa halip na matuwa ako na ligtas siya, na buhay pa rin siya... bakit parang mas lalo pa akong nasasaktan?”Hinagod ni Marco ang likod ng kamay ko, tila sinusubukang palakasin ang loob ko, pero ramdam ko rin ang tensyon sa kaniyang bisig."Sinabi niya ‘yon habang alam niyang ikaw ang tunay kong asawa," mahinahon ngunit mariing sabi niya. "Walang pasintabi, walang pagkilala sa tama at mali. Wala siyang pinagsisisihan."Tumango ako, bagamat mas lalong sumikip ang dibdib ko. "Akala ko, pagkatapos ng lahat ng ginawa niya… matatauh
AshlynTahimik ang paligid habang nakaupo ako sa tabi ng kama ni Ashley. Okay na ako at dalawang araw na rin ang lumipas mula ng dalhin dito si Ashley at operahan. Ang sabi ng doktor ay okay na ang kanyang kalagayan maliban sa kanyang likod dahil sa tinamong saksak nang harangin si Ismael.Si Marco ay nasa labas lang ng silid. Gusto kong makausap ng sarilinan si Ashley kaya hiniling ko na hintayin na lamang niya muna ako.Tinitigan ko ang kakambal ko. Kahit nakahiga siya, pilit pa rin niyang pinananatili ang tikas ng kanyang pagkatao. Ngunit hindi ko maikakaila ang sakit at pagod sa mga mata niya, pero ang pinaka-matindi ay ang sa kanyang likod. Lahat ‘yon ay dulot ng pagtatanggol niya kay Marco. Ito ang unang beses na magkakausap kami. “Salamat,” mahina kong sambit habang hawak ang kanyang kamay. “Kung hindi mo hinarangan si Ismael, baka… baka wala na si Marco ngayon.”"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Marco. Mahal na mahal ko siya..." tugon niya na hindi inaalis ang ting