Kasama ng ugali talaga..
Marco“Sigurado ka ba dito?” tanong ko habang tinitigan ang papel na hawak ko. Nanginginig ang mga daliri ko hindi dahil sa takot, kundi sa pagkalito.“Yes, Sir. Report ‘yan ng taong naka-assign para subaybayan si Ashley,” tugon ni Andy, sabay abot ng isang litrato na kuha ng CCTV. Nakasuot ng hoodie si Ashley, pero walang duda na siya iyon.“Ayon sa report, may isa pa raw lalaking kinakatagpo si Ashley sa isang slum area. Hindi pa nakikilala ang lalaki. At—" tumigil siya sandali, tila nagdadalawang-isip kung itutuloy, “—hindi pa rin makalapit ang detective. Masyadong delikado ang lugar, at ayaw din niyang makatunog si Ashley.”Pinagmasdan ko ang litrato. Kahit sa malabong kuha, kita ang tensyon sa katawan ni Ashley. Parang may tinatago. Parang may plano.“Ano’ng kaugnayan ng lalaking ‘yon kay Ashley?”“Ayan ang inaalam pa ng detective, Sir. Pero ayon sa kanya, posibleng may kinalaman ‘yon kay Ma’am Ashlyn. Ang hinala niya, posibleng may binubuong plano ang dalawa.”Napakunot-noo ako.
MarcoBumalik akong mag-isa sa Maynila, dala ang bigat ng pagkatalo. Hindi ko naisama si Ashlyn at ang dahilan ay walang iba kundi si Sandro. Isa pa, may mga kailangan pa daw siyang ayusin doon kaya hindi talaga siya basta-basta makakaalis.Mula pa sa biyahe pauwi ay hindi na ako mapakali. Sa tuwing isinasara ko ang aking mga mata, ang imahe ni Ashlyn at ng batang kasama niya ang paulit-ulit na bumabalik.Hindi ko alam... hindi ko alam kung anong katotohanan ang dapat kong paniwalaan. Anak ba nila ni Sandro iyon?Napailing ako, pilit inaalis sa isip ang mga imaheng bumabagabag sa akin. Ngunit kahit anong gawin ko, nananatiling walang kasiguraduhan ang lahat.“Hindi naman siguro papayag si Sandro na maghiwalay sila ni Ashlyn kung may anak sila, hindi ba?” bulong ko sa sarili, halos hindi naririnig.Dahil kung ako ang nasa kanyang katayuan, hinding-hindi ko papakawalan si Ashlyn. Kahit pa malaman kong may pinakasalan na siyang iba. Lalo at may anak kami.Pero ang kaso namin ni Ashley, ib
Ashley“Ano, magmumukmok ka na lang d’yan habang umiiyak sa lalaking ni hindi ka man lang kayang ipaglaban at mas lalong hindi ka mahal?” tanong ni Adrian habang nakasandal sa pintuan ng kwarto.Pagkatapos akong palayasin ni Marco ay dito sa apartment na tagpuan namin ni Adrian ako tumuloy. Siya ang nagbabayad pero sa akin nakapangalan dahil ayaw niyang malaman ng kanyang asawa ang tungkol dito. Personal din niyang iniaabot sa akin ang pambayad upang hindi magkaroon ng bakas at matuntonn ito.“Wala kang karapatang magsalita, Adrian,” mariin kong sabi, hindi man lang siya tiningnan. “Lahat ng ito, kasalanan mo rin. Hindi mo pinasiguro sa lalaking 'yon ang pagkamatay ng Ashlyn na 'yon."“Kasalanan ko?” Halakhak niya ay malamig at mapanuksong dumagundong sa silid. “Paano naman malalaman ng truck driver kung sino ka sa inyong dalawa? Paano kung magkamali 'yon? Tsaka, sino bang nagpumilit sa lalaking alam mong may minamahal na?"Napabalikwas ako mula sa pagkakayakap sa unan. “Ikaw din naman
Ashlyn“Sigurado ka ba sa desisyon mong ‘yan?” tanong ni Sandro, habang bahagyang nakakunot ang noo at nakatingin sa akin nang diretso. Tinawag ko siya mula kina Ate Ovie matapos umalis si Marco. Ngayon ay magkaharap kami sa sala at mabigat ang hangin sa pagitan naming dalawa. Karga ko si Maya, mahimbing ang tulog sa bisig ko, walang kamalay-malay sa bigat ng desisyong ginawa ko.Tahimik akong tumango.Bakas sa kanyang mukha ang lungkot, pero hindi niya ito lubusang ipinapakita. Tinapik-tapik lang niya ang gilid ng sofa, tila sinusubukang kontrolin ang nararamdaman.Sa loob-loob ko, sumisikip ang dibdib ko. Ang sakit. Paano ko ba nagagawang saktan ang lalaking laging nariyan para sa akin? Si Sandro, na kahit kailan ay hindi nagkulang sa kabutihan. Bakit hindi ko siya natutunang mahalin? Bakit ang puso ko, kahit paulit-ulit niyang pinipilit pasukin, ay nananatiling nakasarado para sa kanya?“Alam mo namang asawa ko pa rin siya, ‘di ba?” mahina kong wika. Hindi ako makatingin nang direts
"Pag-iisipan ko ang sinabi mo. Pero sa ngayon, hindi ako makakasama sa'yo. Kakausapin ko muna si Sandro."Napakapit si Marco sa aking braso ngunit hindi na ako nagtangka pang lumayo. Gusto kong maramdaman ang init ng kanyang balat at gusto kong kunin ang pagkakataong ito upang mangyari 'yon.Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga, ang mga matang naghihintay ng pag-asa kahit alam niyang masakit ang maririnig.“Sweet, you’re my wife,” aniya, bahagyang nanginginig ang tinig. “Ikaw ang tunay kong asawa, niloko at pinaikot lamang tayo ni Ashley. Please, don't do this to me."Napakibit ako ng balikat, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa mga salitang bumabato ng alaala.“Matagal tayong nagkahiwalay, Marco. Hindi man natin aminin, alam kong alam mo… may epekto sa katotohanan ang pagkakaroon niyo ng anak ng kakambal ko. At nasasaktan ako sa isiping ‘yon.”Nanatiling tikom ang kanyang bibig. Pero ang mga mata niya ay puno ng pagsisisi at galit sa sarili.“Sweet, please…”Umiling ako, tinakpan a
AshlynAlam na niya.Napapitlag ako, ngunit pilit kong pinanatiling kalmado ang aking sarili. Hindi ako dapat magpakita ng kahit anong senyales na nagbalik na ang aking alaala.Kailangan kong magpanggap at magpatuloy sa larong ito ng kasinungalingan, kahit na ang bawat tibok ng puso ko ay nagsusumigaw ng katotohanan.Habang tinitignan ko siya at pinagmamasdan ang expressions niya ay malamang na iniisip niya na si Maya ay anak namin ni Sandro.Hindi ko siya masisisi lalo at nadatnan niya ang lalaki dito ng sobrang aga. Sa ngayon, hayaan ko muna siyang mag-isip ng ganoon. Ako nga mismo, nalilito pa rin. Hindi ko alam kung alin ang dapat kong piliin, ang muling pagbabalik sa nakaraan o ang pagtataguyod ng bagong simula.At si Ashley... Ang kakambal kong minsan ko nang pinagkatiwalaan ng lahat. Minahal ng lubos at ni minsan ay hindi ko naisip na magagawan ako ng hindi maganda. Ano kaya ang binabalak niya ngayon?Hindi ko maalis sa isip ko ang posibilidad na sa muling pagharap ko sa kanya,
Marco“Ashlyn,” mahina kong tawag na may halong pagsusumamo at pang-unawa. Nanlaki ang kanyang mga mata. Kita ko sa ekspresyon niya ang gulat na tila hindi makapaniwala na tinawag ko siya sa pangalang iyon."B- Bakit mo ako tinatawag ng ganyan? Hindi porket magkamukha kami ay pwede mo ng-"“I know,” sabi ko para awatin siya at pahintuin sa kung anumang sasabihin niya. Pinipigilan ang panginginig ng tinig ko. “Mahirap paniwalaan. But believe me… ikaw si Ashlyn. Ikaw ang asawa ko.”“A-Anong sinasabi mo?” tanong niya, kita ang kaba at kalituhan sa kanyang mukha. Kunot ang kanyang noo, at ang mga mata niya’y nakatitig sa akin na tila ba sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.Alam ko na magiging mahirap itong paniwalaan. Isang taon na mahigit kaming may relasyon at inakala na bawal ang aming pagmamahalan dahil sa pag-aakalang siya si Ashley, ang kakambal ng aking asawa na si Ashlyn.Pero tapos na ang lahat ng pagpapanggap. Dalawa kaming naging biktima ng kasinungalingan ni Ashley.“I’m telli
MarcoExcited akong pumunta ng Nueva Ecija. Nasiguro na ng detective na inuupahan ni Andy na nandoon nga si Ashlyn, ang tunay na Ashlyn, ang aking asawa. Ang inakala kong si Ashley noon.Madilim pa lang ay nagmaneho na ako palabas ng Maynila. Gusto ko, sa pagputok pa lang ng araw, makita ko na siya. Alam kong wala pa siyang naalala, pero handa akong ipaliwanag ang lahat. Sigurado ako, mauunawaan niya kung bakit ganoon kalakas ang hatak namin sa isa't isa dahil kami talaga ang nakatadhana. Kami ang tunay na mag-asawa.Pinarada ko ang sasakyan sa kabilang kalsada, eksaktong katapat ng bahay na tinukoy ng detective. Bungalow-style iyon, may konting elevation, parang simpleng tahanan ng isang tahimik na pamilya. Bukas ang pintuan, pero nakasarado ang screen door, animo'y nag-aanyaya pero may bahagyang pag-iingat.Huminga ako nang malalim. Pinatay ko ang makina, bumaba ng sasakyan, at dahan-dahang naglakad papasok sa gate na naiwan pang nakabukas. Napakunot ang noo ko. Hindi man lang ba sil
AshlynHindi naging madali para sa akin ang lahat. Lalo na noong mga unang araw ko rito sa Cabiao, mga araw na puno ng lungkot, pangungulila, at pagtatangkang kumawala sa nakaraan.At lalo na noong tinangka ni Sandro na magkaroon kami ng espesyal na relasyon.Naalala ko pa ang araw na 'yon. Nasa loob ako ng kanyang sasakyan, habang paikot-ikot kami sa mga kalye ng bayang ito, sinusubukang iwasan ang bigat ng katahimikan."Alam mo..." bungad ni Sandro ng tumigil kami sa gilid ng kalsada, "hindi ko naman hinihingi na mahalin mo ako agad."Tumingin ako sa kanya, hindi alam kung paano sasagutin ang mga salitang 'yon."Pero sana... bigyan mo ako ng pagkakataon," dagdag niya, mahina pero puno ng pag-asa.Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa kamay ko. At bago ko pa man mapigilan ang sarili ko, naglapat ang aming mga labi. Isang halik na puno ng pag-aasam at pag-ibig na ako lamang ang tanging pinagmumulan.Nadala man ako ng halik niya, ng init at pangungulila ay