首頁 / Romance / My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon / Kabanata 4: Ang Pagsagip sa Gitna ng Panganib

分享

Kabanata 4: Ang Pagsagip sa Gitna ng Panganib

作者: K. Amaris
last update publish date: 2026-10-21 18:28:32

Napangisi nang mapait si Nathalie, ngunit hindi na s’ya nagsalita pa.

Wala ring saysay ang pagsisiwalat n’ya sa katotohanan. Malay ba n’ya, baka nasisiyahan din si Jacob sa pakiramdam na may isang babaeng patuloy na umaasa at dumedepende sa kan’ya.

Paulit-ulit na bumulong si Jacob sa sarili n’ya na imposibleng magsinungaling si Alexandra, saka tuluyan nang tumalikod at umalis.

Pupuntahan n’ya ang paaralan ni Alexandra upang personal na tiyakin kung talagang nasaktan ito o niloloko lamang siya.

Pagdating naman kay Nathalie, wala s’yang anumang ipinag-aalala.

Kung tutuusin, sa taas ng pamantayan ni Nathalie pagdating sa mga lalaki, imposibleng magkagusto ito sa isang matandang katulad ni Dante.

Nang makaalis si Jacob, saka lamang nakabawi sa pagkakatulala si Dante, na kanina pa tahimik na nanonood sa kanilang pagtatalo, “Miss Hernandez, ‘yong lalaking ‘yon ang dati mong nobyo, hindi ba? Sa narinig ko, nakipagrelasyon pa s’ya sa sarili mong kapatid? Hindi karapat-dapat sa’yo ang mga lalaking babaero at hindi marunong makuntento. Mas mabuting piliin mo ang isang lalaking tapat at seryoso sa relasyon, gaya ko.”

Kanina lang ay medyo napahiya si Dante nang tanggihan s’ya ni Nathalie.

Ngunit nang sumulpot ang walang kuwentang dating nobyo ng babae, na hindi lang nagtaksil kundi nakipagrelasyon pa sa nakababatang kapatid nito, agad na nanumbalik ang kan’yang kumpiyansa.

May maipakakain ba ang pagiging bata at guwapo ng isang lalaki? Hindi ba't puro pagtataksil at pakikipaglandian sa iba lang ang ginagawa ng mga ‘yan?

Mas maaasahan pa rin ang isang lalaking may sapat na gulang at marunong umako ng responsibilidad.

Habang nagsasalita, hindi namalayan ni Dante na unti-unti nang dumudulas ang kan’yang kamay patungo sa makinis at maputing likod ng kamay ni Nathalie.

Hindi nga kataka-taka kung bakit gusto ng mga lalaki ang mga babaeng labingwalong taong gulang. Napakakinis ng balat nila, napakasariwa ng kanilang mukha… talagang lubhang kaakit-akit!

Nang maramdaman ni Nathalie ang mahalay na kamay ng lalaki, agad s’yang nakadama ng matinding pagkasuklam. Mabilis n’yang binawi ang kan’yang kamay at nagbago ang ekspresyon ng kan’yang mukha, saka malamig na nagsalita, “Mr. de Magiba, mangyaring igalang n’yo ang inyong sarili.”

Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy sa malamig na tinig, “Pasensya na, pero dito na magtatapos ang blind date natin. Hindi talaga tayo bagay para sa isa't isa.”

Nang makitang tatayo na si Nathalie upang umalis, biglang nataranta si Dante.

Paano n’ya hahayaang makawala ang babaeng halos nasa palad na n’ya?

“Hindi ka puwedeng umalis!” sigaw niya, “Tinanggap na ng nanay mo ang dalawampung libong peso na ibinigay ko bilang paunang bayad! Kaya mula ngayon, akin ka na!”

Matapos makita ang litrato ni Nathalie, agad na nagkainteres si Dante. Hindi pa man sila nagkikita nang personal, nangako na s’ya kay Mercedes na magbibigay s’ya ng limang daang libong peso bilang dote.

Sa takot na baka magbago ang isip ni Dante, agad s’yang nginitian ni Mercedes at nagsimulang purihin ang kan’yang anak, “Mr. de Magiba, hindi lamang maganda ang anak kong ito, kundi masipag at maaasahan din. Talagang mapalad ang lalaking mapapangasawa n’ya! Pero may ilan pa akong isinaayos na blind date para sa kan’ya. Kung hindi kayo magpapakita ng sapat na sinseridad, hindi ko rin masisiguro kung sino ang pipiliin n’ya sa huli, hindi ba?”

Napaisip si Dante at inaming may punto ang babae. Kaya naman agad s’yang naglipat ng dalawampung libong peso kay Mercedes bilang paunang bayad.

Halos hindi magkasya ang ngiti sa mukha ni Mercedes. Agad n’yang tiniyak sa lalaki na hindi na s’ya magsasaayos ng iba pang blind date para kay Nathalie.

Nang malaman ni Nathalie na ipinagpalit s’ya ng sarili n’yang magulang sa halagang dalawampung libong peso, halos sumabog ang kan’yang dibdib sa galit.

“Ang nanay ko ang tumanggap ng pera mo! S’ya ang hanapin mo!”

Dinampot n’ya ang kan’yang bag at naghanda nang umalis. Ngunit mabilis na iniunat ni Dante ang makapal at matabang palad nito at mariing hinawakan ang nakalantad na balikat nito, “Gusto mo pa ring umalis? Tinanggap na ng pamilya mo ang pera ko. Mula ngayon, pag-aari na kita, Nathalie Hernandez!”

Paulit-ulit na hinimas ng magagaspang at makalyo nitong mga daliri ang makinis na balat sa ilalim ng kan’yang palad. Samantala, libog na libog ang mga mata nito habang walang pakundangang sinusuyod ang katawan ng babae.

“Bitawan mo ako!” sigaw ni Nathalie. Dahil sa mariing pagkakahawak sa kan’yang balikat, namula sa galit ang mukha nito. Ang malagkit na paghipo ng lalaki at ang mahalay nitong mga tingin ay nagdulot sa kan’ya ng matinding pagkasuklam. Pakiramdam n’ya ay masusuka s’ya anumang sandali.

Hindi n’ya kailanman inakalang maglalakas-loob ang matandang manyakis na ito na hawakan s’ya nang ganoon sa harap mismo ng napakaraming tao.

Sa sumunod na iglap, isang malaking kamay ang biglang sumulpot mula sa gilid at marahas na pinilipit ang kamay ni Dante na nakapatong sa balikat ni Nathalie. Isang nakapanghihilakbot na tunog ng pagkabali ng buto ang umalingawngaw.

“Arghhh!” napahiyaw sa sakit si Dante, “Sino'ng lintik ang naglakas-loob na hawakan ako?!”

Napataas s’ya ng tingin at bumungad sa kan’ya ang isang lalaking matangkad, balingkinitan, at may malamig na ekspresyon.

Matalas ang mga guhit ng mukha nito, lalo na ang mga kilay at buto sa paligid ng mga mata. Nababalot ito ng nakapangingilabot na awra na tila nagbabanta na hindi ito dapat galitin. Para bang isang nakakatakot na unos ang bumalot kay Dante, halos hindi s’ya makahinga sa matinding presyur na ibinibigay ng lalaki.

Biglang nanghina ang boses ni Dante. Bahagyang nanginginig, nagtanong s’ya, “I-ikaw… sino ka?”

Hindi malakas ang boses ni Joaquin, ngunit taglay nito ang nakapanliliit na awtoridad na walang sinumang maglalakas-loob na suwayin, “Layas!”

Mukhang hindi ordinaryong tao ang lalaking ito. At dahil alam ni Dante na wala s’yang mapapala sa pakikipaglaban sa isang taong mas makapangyarihan sa kan’ya, minabuti n’yang huwag nang magmatigas.

Iniinda ang sakit, napangiwi s’ya habang hawak ang nabaling braso. Pagkatapos ay dali-daling umalis ng restawran.

Samantala, hindi pa rin lubusang nakakabawi si Nathalie sa takot at pagkabiglang dinanas n’ya kanina. Tulala s’yang tumayo at tumingin sa lalaking sumagip sa kan’ya, “Salamat sa pagtulong mo sa’kin kanina.”

Sa isang iglap, tila naglaho ang nakapangingilabot na awra ni Joaquin. Napalitan ang malamig na ekspresyon n’ya ng isang mahinahon at banayad na anyo, “Miss Hernandez, nasaksihan ko ang nangyari sa blind date mo kanina. Nakapanghihinayang na nakatagpo ka ng mga lalaking hindi karapat-dapat sa’yo. Nagkataon ding pinipilit na rin akong mag-asawa ng pamilya ko nitong mga nakaraang araw. Kaya umaasa akong mapag-iisipan mong mabuti ang posibilidad na ako naman ang piliin mo.”

Walang bahid ng pang-aakit o pagmamataas sa kan’yang tinig. Sa halip, taos-puso at tapat ang bawat salitang binitiwan ng lalaki.

Nakahinga nang maluwag si Nathalie nang tuluyan na s’yang makabawi. Tumango s’ya at sumagot, “Sige, maaari naman.”

Batay sa sinabi ng kan’yang ina sa pag-uusap nila ng matanda kanina, kapag hindi naging maayos ang blind date n’ya kay Dante, tiyak na maghahanap na naman ito ng panibagong mga lalaki upang makilala n’ya.

Ayaw na n’yang makipagkita sa kung sinu-sinong lalaking hindi n’ya naman gusto.

At sa unang tingin pa lang sa lalaking nasa harapan n’ya, halatang hindi ito ang tipong kailangang dumaan sa blind date upang makahanap ng mapapangasawa.

Matikas ang tindig nito. Tinatayang halos isang metro at siyamnapung sentimetro ang taas, malapad ang mga balikat, at makitid ang baywang. Pino at malinaw ang mga katangian ng mukha nito, at ang linya ng panga ay tila maingat na nililok ng isang mahusay na eskultor.

Napakalaki ng pagkakaiba n’ya sa pandak, mataba, at kalbong lalaking nakaharap n’ya kanina.

Hindi lamang kahanga-hanga ang hitsura ng lalaki. Marangal din ang ipinakita nitong pagkatao.

Kanina, nang hawakan s’ya nang sapilitan ng matandang manyakis, ang mga tao sa paligid ay nakatingin lamang at nagtsitsismisan. Walang ni isa man sa kanila ang lumapit upang tulungan s’ya.

Tanging ang lalaking ito lamang na ipinadala ng Diyos ang niligtas s’ya.

Ang mabilis, marahas, at walang pag-aalinlangan nitong pagkilos upang pigilan si Dante ay talagang kahanga-hanga. Sa katunayan, saglit s’yang natulala sa sobrang paghanga rito.

Dahil pumayag na s’yang isaalang-alang ang lalaki bilang posibleng mapapangasawa, sinimulan ni Nathalie ang pormal na pagpapakilala sa sarili, “Magpapakilala muna ako. Dalawampu't pitong taong gulang na ako at nagtatrabaho sa isang kompanya ng pagpaplano at pag-oorganisa ng mga proyekto. Labinlimang libong peso ang buwanang suweldo ko. Karaniwan lamang ang kalagayan ng pamilya namin. May dalawa pa akong nakababatang kapatid, at ang tatay ko naman ay paralisado at nakaupo na lamang sa wheelchair…”

Pagkatapos magsalita, bahagyang kinabahan si Nathalie habang tinitingnan ang lalaki sa tapat n’ya.

Sa mundo ng paghahanap ng mapapangasawa, hindi pabor sa kan’ya ang ganitong kalagayan ng pamilya. Karamihan sa mga pamilyang naghahanap ng mapapangasawa para sa kanilang anak ay malamang na mag-aalinlangan kapag nalaman ang kan’yang sitwasyon.

Ngunit walang kahit katiting na pagbabago sa mukha ni Joaquin. Tumango lamang s’ya bago nagsimulang magpakilala, “Dalawampu't siyam na taong gulang na ako. Nagtatrabaho ako sa Mayari Group. May sarili akong kotse at bahay,” dagdag pa nito, “dahil nagmamadali na ang pamilya ko na mag-asawa ako, kung papayag ka, Miss Hernandez, maaari tayong pumunta ngayon mismo sa tanggapan ng rehistro upang magpakasal,“ Kung magpapakasal din naman s’ya, mas pipiliin n’yang mapangasawa ang isang babaeng kahawig ni Carmela.

Mayari Group?

Iyon ang malaking kompanyang pinapangarap pasukan ng napakaraming kabataan, isang kompanyang handang pag-agawan ng mga aplikante kahit mahirap makapasok.

Kung nagtatrabaho ang lalaking ito roon, nangangahulugan lamang na mahusay s’ya sa kan’yang larangan at malamang na maayos din ang kan’yang kita.

Bukod sa guwapo na, maganda pa ang trabaho n’ya. Sa hitsura at kakayahan n’yang iyon, tiyak na maraming babaeng magkakandarapang mapalapit sa kan’ya. Kung ganoon, bakit nais n’yang pakasalan ang isang babaeng minsan pa lamang n’yang nakita?

Hindi na napigilan ni Nathalie ang kan’yang sarili at naitanong iyon nang direkta.

Kalmadong sumagot ang lalaki, “Dahil pakiramdam ko parang matagal na kitang kilala, Miss Hernandez.”

Bagaman sinabi n’yang pakiramdam n’ya ay matagal na n’yang kilala si Nathalie, nanatiling malamig at malayo ang ekspresyon ng kan’yang mukha.

Gayunman, sa halip na mabahala, lalo pang nakadama ng kapanatagan si Nathalie.

Dahil sa pagiging mahinahon at hindi mapilit ng lalaki, mas madali n’yang napaniwala ang sarili na hindi ito masamang tao. Marahil, tulad n’ya, isa rin itong taong sukdulan nang napipilit ng pamilya na mag-asawa at naghahanap lamang ng mapagkakatiwalaang makakasama sa buhay.

Kung naging kagaya ito ni Dante na halos lamunin s’ya ng tingin at hindi maitago ang mahalay na pagnanasa, malamang ay matagal na s’yang lumayo rito.

Muling tumango si Nathalie, saka tumugon, “Sige. Kung gano’n, magpakasal na tayo ngayon.”

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 9: Ang Pamimili (Bahagi 2)

    Talaga ngang nakapagdudulot ng gulo ang alak!Maingat s’yang lumabas ng silid upang hindi magising ang lalaking naiwan sa kama. Pinulot n’ya ang damit na nakakalat sa sahig at isinuot ‘yon.Makalipas ang isang oras, nagkita rin ang dalawang magkaibigan sa pasukan ng isang shopping mall.Nang malaman ni Diane na mamimili si Nathalie ng panregalo para sa kaarawan ng ina ni Jacob, hindi n’ya napigilang mainis sa kaibigan, “Teka, sandali lang! Niloko ka na nga ni Jacob, pero pupunta ka pa rin sa kaarawan ng mama n’ya?!”“Iba naman ‘yon. Naging mabuti sa akin sina Tito Homer at Tita Tina. At saka, hiwalay na usapan ang isang walanghiyang lalaki at ang mga magulang n’ya. Hindi sila dapat pinagsasama sa iisang kategorya.” tugon ni Nathalie.“Kung gano’n, kailan ba sasabihin ng walanghiyang Jacob na ‘yon sa mga magulang n’ya na naghiwalay na kayo? Hindi ka naman n’ya maaasahang magpanggap na kayo pa sa harap nila habambuhay, ‘di ba?” tanong naman ni Diane.Sandaling nag-isip si Nathalie bago

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 9: Ang Pamimili (Bahagi 1)

    “Isa pa, masyadong kapansin-pansin ang Rolls-Royce mo. Huwag mo na ‘yang gamitin mula ngayon. ‘Yong Volkswagen na lang ng punong mayordomo ang imaneho mo.”Muling pinaalalahanan ni Don Severino ang anak, halatang hindi pa rin mapalagay, “Tandaan mo, huwag na huwag mong ilalantad ang tunay mong pagkatao. Kapag nalaman ng babaeng ‘yon kung sino ka talaga, baka kumapit na s’ya sa’yo na parang chewing gum na hindi mo na maalis-alis.”Kapag nalaman ng babae ang tunay na pagkakakilanlan ni Joaquin, malamang na hindi na ito basta mapapaalis, kahit gaano pa kalaking pera ang ialok sa kan’ya.Sa panahon ngayon, madaling magpakasal, pero mahirap makipagdiborsiyo.Kumunot ang noo ni Joaquin, “Hindi n’ya gusto ang mga mayayaman.”Naaalala pa rin n’ya ang mapanghamak na tingin ni Nathalie noong napag-usapan nila ang mga mayayaman na tao.Napangisi nang walang pakialam si Don Severino, “Walang taong ayaw sa pera sa mundong ito. ‘Yong mga galit sa mayayaman, ang totoo, naiinggit lang dahil hindi nil

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 8: Mga Katanungan at Sumbat

    Pagdating ni Nathalie sa harap ng kanilang bahay, kinuha n’ya ang susi at binuksan ang pinto.Ngunit pagkapasok pa lamang n’ya, sinalubong na s’ya ng nagngangalit na sigaw ni Mercedes.“Wala kang utang na loob! Lumaki na ba ‘yang ulo mo at may kumpyansa ka nang hindi sagutin ang mga tawag ko buong araw?! Ako ang nagpalaki sa’yo sa loob ng napakaraming taon! Ngayon, nagmamalasakit na nga akong ipakilala ka sa isang mayamang lalaki, pero imbes na magpasalamat ka, may gana ka pang magmaktol! Talagang wala kang utang na loob! Inggrata!”“Kung kahit kalahati man lang ng pagiging masunurin at malambing ng kapatid mo ang mayroon ka, hindi sana ako ganito kabalisa! Napakatigas ng ulo mo! Hindi ka nga hinuhusgahan ni Mr. de Magiba sa mga kapintasan mo, pero ikaw pa ang nagmamalaki at namimili!”Nakahanap din ng mapagbubuntungan si Mercedes ng galit na buong araw na n’yang kinikimkim. Sunod-sunod na lumabas ang mga salita n’ya, walang tigil na para bang isang machine gun na walang patid kung ma

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 7: Ang Kan’yang Pagbaba Mula sa Mamahaling Sasakyan

    Walang ni isang salitang sinabi ni Mrs. Aquino ang nakaligtas sa pandinig ni Alexandra, na nasa mga bisig pa rin ni Jacob.Sa sobrang galit, mariin n’yang kinurot ang baywang ng lalaki.Napadaing nang mahina si Jacob sa sakit at agad na itinulak palayo si Alexandra.Pagkatapos, lumayo s’ya nang kaunti at kinausap ang kan’yang ina sa kabilang linya, “Ma, wala kang dapat ipag-alala. Hindi pa kami naghihiwalay ni Nath. Hayaan mo, bukas ng gabi, isasama ko s’ya para sabay-sabay tayong maghapunan sa bahay.”Pagkasabi niyon, dali-dali n’yang ibinaba ang tawag.Galit na galit s’yang tinitigan ni Alexandra, “Sabihin mo nga sa’kin, bakit hindi mo na lang direktang sinabi kay Tita na hiwalay na kayo ng ate ko?”Walang magawa si Jacob kundi bahagyang kumunot ang noo, “Alam mo namang mahina ang puso ng nanay ko. Gustong-gusto n’ya ang ate mo. Natatakot akong kapag bigla kong sinabi sa kan’ya na wala na kami, baka mapalala ko lang ang sakit n’ya sa puso.”Napahawak si Alexandra sa magkabilang bayw

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 6: May Galit S’ya sa Mayayaman

    Diyos ko! Huwag mong sabihing nakapag-asawa s’ya ng isang bilyonaryong CEO?!Nang makita ang nanlalaking mga mata ng babae, sandaling natigilan si Joaquin.Walang malay n’yang tinapik-tapik ang pinto ng kotse gamit ang mga daliri bago sumagot sa tonong tila walang anumang kakaiba, “Ah, kotse ito ng boss ko. Pinakiusapan n’ya akong dalhin ito sa talyer para ipa-maintenance ngayong araw.”“Ah, gano’n pala.” tumango si Nathalie, tila nauunawaan na ang lahat.Napailing s’ya sa sarili. Mukhang naparami na talaga ang pagbabasa n’ya ng mga nobelang tungkol sa mga bilyonaryo.Kung tutuusin, ang mga mayayaman sa totoong buhay ay mananatiling mayaman. Hindi sila magpapakatanga.Sa katayuan at kung iisipin ang kondisyong meron sila, imposibleng basta-basta na lang silang maghahanap ng kung sinong babae sa kalsada at pakasalan ito.Mayaman man sila, hindi naman sila mga tanga.Nang makasakay na silang dalawa sa kotse, nagsimulang marahang umandar ang sasakyan.Nasa passenger seat na si Nathalie n

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 5: Pagpaparehistro ng Kasal

    Sa loob ng mahigit dalawampung taon, hindi pumalya sa pagiging masunuring anak si Nathalie sa kan’yang mga magulang. Ngunit sa pagkakataong ito, nais n’yang s’ya naman mismo ang magdesisyon para sa kan’yang sarili, lalong-lalo na sa pag-aasawa. Ayaw n’yang mapilitang pakasalan ang isang matandang katulad ni Dante dahil lamang sa kagustuhan ng kan’yang mga magulang.Kung kaya ng mga ito na basta na lamang tanggapin ang dalawampung libong piso na paunang bayad mula kay Dante nang hindi man lang s’ya kinokonsulta, nangangahulugan lamang ‘yon na nakapagpasya na silang ibugaw s’ya sa lalaking ‘yon.Hindi n’ya alam kung ano pang kakila-kilabot na paraan ang gagamitin ng mga ito upang pilitin s’yang pumayag sa kasal.O baka naman patuloy s’yang ipakikilala sa kung sinu-sinong mga lalaking kasing ugali ni Dante.Nang marinig ni Joaquin na pumayag si Nathalie, nanatiling halos walang emosyon ang mukha nito. Gayunman, kapansin-pansing lumambot ang kan’yang mga mata, “Kung gano’n, pumunta na tay

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status