Mariing bumaon ang mga kuko ni Nathalie sa kan’yang palad. Kasabay n’yon ang panlalamig ng kan’yang buong pagkatao, “Ma, ano’ng ibig mong sabihin sa ako pa ang namamagitan sa relasyon nila? Napakalinaw naman na ang kapatid ko ang umagaw sa nobyo ko!”Napairap si Mercedes at bahagyang umismid, sabay sabing, “Ang masasabi ko lang, hindi talaga kayo itinadhana ni Jacob para sa isa’t isa. Kung talagang para sa iyo ang isang bagay, walang sinuman ang makaaagaw n’yon sa iyo.”Bagaman may bahid ng awa sa kan’yang puso para sa panganay na anak, napabuntong-hininga na lamang si Hulyo, ang ama ng magkapatid, saka tumugon, “Nathalie, anak, hindi tama ang ginawa ng kapatid mo, pero nangyari na ang lahat, kaya makabubuti sigurong makipaghiwalay ka na lang kay Jacob. Kung patuloy n’yo pang pag-aagawan ang isang lalaki, tiyak na pagtatawanan lang kayo ng ibang tao kapag kumalat ang balita.”Hindi pa man nakasagot si Nathalie, muling nagsalita ang kanyang ina, “Ikaw ang nakatatandang kapatid, kaya da
최신 업데이트 : 2026-10-21 더 보기