
My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon
Naniniwala si Nathalie Hernandez na natagpuan na n’ya ang lalaking makakasama n’ya habang-buhay. Ngunit gumuho ang buong mundo nito nang malaman n’yang matagal na s’yang niloloko ng kan’yang nobyo, at wala nang mas sasakit pa sa katotohanang ang babaeng ipinagpalit sa kan’ya ay walang iba kundi ang sarili n’yang kapatid!
Sa halip na magmakaawa sa lalaking nagtaksil sa kan’ya, pinili n’yang talikuran ang nakaraan at magsimula ng panibagong buhay. Kaya nang dumating ang pagkakataong makipag-blind date, napilitan man s’ya noong una, ngunit tila ba nagdilang anghel ang pagkakataon na ito.
Sino nga ba naman ang mag-aakalang ang isang simpleng blind date ay hahantong sa isang biglaang kasal?
Sa simula ng kanilang pagsasama, may isang bagay s’yang lubos na pinaniniwalaan: bakla ang kan’yang mister. Dahil dito, malaya s’yang maglakad-lakad sa bahay suot ang maiikling palda at sando, at hindi na rin n’ya kailangang mag-abala pang magsuot ng bra.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw, tila may nagbabago sa kan’yang mister. Ang mga titig nito ay lalong nagiging matindi na tila nag-aalab, at ang bawat paglapit nito ay nagpapabilis sa tibok ng kan’yang puso.
Huwag mong sabihing napatuwid n’ya ang isang bakla?
읽기
Chapter: Kabanata 9: Ang Pamimili (Bahagi 2)Talaga ngang nakapagdudulot ng gulo ang alak!Maingat s’yang lumabas ng silid upang hindi magising ang lalaking naiwan sa kama. Pinulot n’ya ang damit na nakakalat sa sahig at isinuot ‘yon.Makalipas ang isang oras, nagkita rin ang dalawang magkaibigan sa pasukan ng isang shopping mall.Nang malaman ni Diane na mamimili si Nathalie ng panregalo para sa kaarawan ng ina ni Jacob, hindi n’ya napigilang mainis sa kaibigan, “Teka, sandali lang! Niloko ka na nga ni Jacob, pero pupunta ka pa rin sa kaarawan ng mama n’ya?!”“Iba naman ‘yon. Naging mabuti sa akin sina Tito Homer at Tita Tina. At saka, hiwalay na usapan ang isang walanghiyang lalaki at ang mga magulang n’ya. Hindi sila dapat pinagsasama sa iisang kategorya.” tugon ni Nathalie.“Kung gano’n, kailan ba sasabihin ng walanghiyang Jacob na ‘yon sa mga magulang n’ya na naghiwalay na kayo? Hindi ka naman n’ya maaasahang magpanggap na kayo pa sa harap nila habambuhay, ‘di ba?” tanong naman ni Diane.Sandaling nag-isip si Nathalie bago
최신 업데이트: 2026-10-25
Chapter: Kabanata 9: Ang Pamimili (Bahagi 1)“Isa pa, masyadong kapansin-pansin ang Rolls-Royce mo. Huwag mo na ‘yang gamitin mula ngayon. ‘Yong Volkswagen na lang ng punong mayordomo ang imaneho mo.”Muling pinaalalahanan ni Don Severino ang anak, halatang hindi pa rin mapalagay, “Tandaan mo, huwag na huwag mong ilalantad ang tunay mong pagkatao. Kapag nalaman ng babaeng ‘yon kung sino ka talaga, baka kumapit na s’ya sa’yo na parang chewing gum na hindi mo na maalis-alis.”Kapag nalaman ng babae ang tunay na pagkakakilanlan ni Joaquin, malamang na hindi na ito basta mapapaalis, kahit gaano pa kalaking pera ang ialok sa kan’ya.Sa panahon ngayon, madaling magpakasal, pero mahirap makipagdiborsiyo.Kumunot ang noo ni Joaquin, “Hindi n’ya gusto ang mga mayayaman.”Naaalala pa rin n’ya ang mapanghamak na tingin ni Nathalie noong napag-usapan nila ang mga mayayaman na tao.Napangisi nang walang pakialam si Don Severino, “Walang taong ayaw sa pera sa mundong ito. ‘Yong mga galit sa mayayaman, ang totoo, naiinggit lang dahil hindi nil
최신 업데이트: 2026-10-25
Chapter: Kabanata 8: Mga Katanungan at SumbatPagdating ni Nathalie sa harap ng kanilang bahay, kinuha n’ya ang susi at binuksan ang pinto.Ngunit pagkapasok pa lamang n’ya, sinalubong na s’ya ng nagngangalit na sigaw ni Mercedes.“Wala kang utang na loob! Lumaki na ba ‘yang ulo mo at may kumpyansa ka nang hindi sagutin ang mga tawag ko buong araw?! Ako ang nagpalaki sa’yo sa loob ng napakaraming taon! Ngayon, nagmamalasakit na nga akong ipakilala ka sa isang mayamang lalaki, pero imbes na magpasalamat ka, may gana ka pang magmaktol! Talagang wala kang utang na loob! Inggrata!”“Kung kahit kalahati man lang ng pagiging masunurin at malambing ng kapatid mo ang mayroon ka, hindi sana ako ganito kabalisa! Napakatigas ng ulo mo! Hindi ka nga hinuhusgahan ni Mr. de Magiba sa mga kapintasan mo, pero ikaw pa ang nagmamalaki at namimili!”Nakahanap din ng mapagbubuntungan si Mercedes ng galit na buong araw na n’yang kinikimkim. Sunod-sunod na lumabas ang mga salita n’ya, walang tigil na para bang isang machine gun na walang patid kung ma
최신 업데이트: 2026-10-24
Chapter: Kabanata 7: Ang Kan’yang Pagbaba Mula sa Mamahaling SasakyanWalang ni isang salitang sinabi ni Mrs. Aquino ang nakaligtas sa pandinig ni Alexandra, na nasa mga bisig pa rin ni Jacob.Sa sobrang galit, mariin n’yang kinurot ang baywang ng lalaki.Napadaing nang mahina si Jacob sa sakit at agad na itinulak palayo si Alexandra.Pagkatapos, lumayo s’ya nang kaunti at kinausap ang kan’yang ina sa kabilang linya, “Ma, wala kang dapat ipag-alala. Hindi pa kami naghihiwalay ni Nath. Hayaan mo, bukas ng gabi, isasama ko s’ya para sabay-sabay tayong maghapunan sa bahay.”Pagkasabi niyon, dali-dali n’yang ibinaba ang tawag.Galit na galit s’yang tinitigan ni Alexandra, “Sabihin mo nga sa’kin, bakit hindi mo na lang direktang sinabi kay Tita na hiwalay na kayo ng ate ko?”Walang magawa si Jacob kundi bahagyang kumunot ang noo, “Alam mo namang mahina ang puso ng nanay ko. Gustong-gusto n’ya ang ate mo. Natatakot akong kapag bigla kong sinabi sa kan’ya na wala na kami, baka mapalala ko lang ang sakit n’ya sa puso.”Napahawak si Alexandra sa magkabilang bayw
최신 업데이트: 2026-10-24
Chapter: Kabanata 6: May Galit S’ya sa MayayamanDiyos ko! Huwag mong sabihing nakapag-asawa s’ya ng isang bilyonaryong CEO?!Nang makita ang nanlalaking mga mata ng babae, sandaling natigilan si Joaquin.Walang malay n’yang tinapik-tapik ang pinto ng kotse gamit ang mga daliri bago sumagot sa tonong tila walang anumang kakaiba, “Ah, kotse ito ng boss ko. Pinakiusapan n’ya akong dalhin ito sa talyer para ipa-maintenance ngayong araw.”“Ah, gano’n pala.” tumango si Nathalie, tila nauunawaan na ang lahat.Napailing s’ya sa sarili. Mukhang naparami na talaga ang pagbabasa n’ya ng mga nobelang tungkol sa mga bilyonaryo.Kung tutuusin, ang mga mayayaman sa totoong buhay ay mananatiling mayaman. Hindi sila magpapakatanga.Sa katayuan at kung iisipin ang kondisyong meron sila, imposibleng basta-basta na lang silang maghahanap ng kung sinong babae sa kalsada at pakasalan ito.Mayaman man sila, hindi naman sila mga tanga.Nang makasakay na silang dalawa sa kotse, nagsimulang marahang umandar ang sasakyan.Nasa passenger seat na si Nathalie n
최신 업데이트: 2026-10-23
Chapter: Kabanata 5: Pagpaparehistro ng KasalSa loob ng mahigit dalawampung taon, hindi pumalya sa pagiging masunuring anak si Nathalie sa kan’yang mga magulang. Ngunit sa pagkakataong ito, nais n’yang s’ya naman mismo ang magdesisyon para sa kan’yang sarili, lalong-lalo na sa pag-aasawa. Ayaw n’yang mapilitang pakasalan ang isang matandang katulad ni Dante dahil lamang sa kagustuhan ng kan’yang mga magulang.Kung kaya ng mga ito na basta na lamang tanggapin ang dalawampung libong piso na paunang bayad mula kay Dante nang hindi man lang s’ya kinokonsulta, nangangahulugan lamang ‘yon na nakapagpasya na silang ibugaw s’ya sa lalaking ‘yon.Hindi n’ya alam kung ano pang kakila-kilabot na paraan ang gagamitin ng mga ito upang pilitin s’yang pumayag sa kasal.O baka naman patuloy s’yang ipakikilala sa kung sinu-sinong mga lalaking kasing ugali ni Dante.Nang marinig ni Joaquin na pumayag si Nathalie, nanatiling halos walang emosyon ang mukha nito. Gayunman, kapansin-pansing lumambot ang kan’yang mga mata, “Kung gano’n, pumunta na tay
최신 업데이트: 2026-10-23