Share

Kabanata 3: Blind Date

Author: K. Amaris
last update publish date: 2026-10-21 18:27:43

“Pero sabi ni Kuya Jacob ako lang ang nasa puso n’ya ngayon. Pasensya ka na, Ate, ha? Hindi ko kayang ibigay sa’yo si Kuya Jacob.”

Noon, iniisip pa ni Nathalie na inosente at kaibig-ibig ang nakababata n’yang kapatid. Pero ngayon, iisa na lang ang tingin niya rito—isang klasikong halimbawa ng babaeng malandi at mang-aagaw.

Bahagyang yumuko si Nathalie at nagkunwaring nahihirapan sa sitwasyon, “Sa totoo lang, hindi ko pa talaga kayang kalimutan si Jacob. Kung tutuusin, dalawang taon din ang pinagsamahan namin. Kaya kung ako sa’yo, bantayan mo s’yang mabuti. Malay mo, anumang oras ay bawiin ko siya sa’yo.”

“Ate, ikaw—!” naputol ang nais sabihin ni Alexandra. Sa sobrang galit, namula ang mukha nito. Ngunit hindi na s’ya pinansin ni Nathalie. Tumayo lamang ito at mahinahong naglakad pabalik sa kan’yang silid.

===

Sabado

Dahil hindi na matiis ni Nathalie ang walang humpay na pangungulit ng kan’yang ina, sa huli ay napilitan din s’yang pumayag sa blind date na isinaayos para sa kan’ya.

Pagdating sa restawran na napagkasunduan nila, pumili s’ya ng mesang malapit sa bintana at umupo roon habang naghihintay.

Makalipas ang limang minuto, isang lalaking nasa katanghaliang-gulang ang lumapit sa kan’yang mesa. Katamtaman ang tangkad nito, malaki ang tiyan, at kapansin-pansin ang numinipis na buhok sa tuktok ng ulo. Hinila nito ang silyang nasa tapat ni Nathalie at basta na lamang naupo.

Walang pakundangan s’yang sinipat ng lalaki mula ulo hanggang paa.

Maputi ang balat ng babae, marikit ang mga katangian ng mukha, at kapansin-pansin ang maningning nitong mga mata at mapuputing ngipin. Mayroon din s’yang sigla at alindog na karaniwang taglay ng mga kabataan.

Aba! Mas maganda pala s’ya sa personal kaysa sa litrato!

Sa mga nakaraang blind date ng lalaki, puro mga babaeng sobrang daming filter sa mga larawan ang nakakaharap n’ya. Sa personal, malayong-malayo ang mga ito sa mga larawang ipinadala sa kan’ya.

“Ikaw ba si Miss Nathalie Hernandez?” tanong ng lalaki. Napangiti s’ya nang malapad, ngunit dahil sa taba ng kan’yang mukha, halos sumingkit na ang kan’yang mga mata.

Bahagyang pinilit ni Nathalie na ngumiti, “Hindi po. Nagkakamali kayo ng tao.”

Ito ba ang sinasabi ni Mama na matagumpay sa karera, walang kapantay ang talino, mature, at responsable?

Ah, kaya pala sinabing “walang kapantay ang talino” n’ya—dahil wala nang buhok sa tuktok ng ulo sa sobrang talino!

At ang tinatawag na mature at responsable? Marahil, edad lang talaga ang tinutukoy nila.

Napansin ni Dante ang pagkasuklam sa mga mata ni Nathalie, ngunit hindi man lamang s’ya nainis.

Sa halip, tinawag n’ya ang tagapagsilbi at umorder ng ilang kilalang putahe ng restawran. Pagkatapos, agad s’yang nagsimulang magpakilala na tila ba matagal na silang magkakilala ng babae.

“Miss Hernandez, apatnapu't dalawang taong gulang na ako. May sarili akong kotse at bahay, at nagpapatakbo rin ako ngayon ng ilang sangay ng talyer ng mga sasakyan.”

Pagkatapos niyon, walang tigil n’yang ipinagmalaki ang kuwento ng kan’yang pagnenegosyo, na para bang isa s’yang matagumpay na negosyanteng dapat hangaan.

Sa kan’yang leeg ay nakasabit ang isang makapal na gintong kuwintas na kumikislap sa ilalim ng ilaw. Halatang sinasadya nitong ipakita ang kan’yang kayamanan, na para bang nais n’yang tiyaking walang makakaligtaan ang babae sa kan’yang ipinagmamalaking yaman.

Nang matuyo ang kan’yang lalamunan sa kakasalita, huminto s’ya sandali upang uminom ng tubig. Pagkatapos, buong kumpiyansa n’yang ibinuod ang lahat, “Sa madaling salita, Miss Hernandez, kung sasama ka sa akin, tinitiyak kong hindi ka na magkukulang sa anumang bagay sa buong buhay mo.”

“Kahit medyo may edad na ako, pero alam ko kung paano maging responsable at mahinahon.”

“Diborsiyado man ako at may anak, pero hindi ko naman kasama ang bata.”

“Bata ka pa. Puwede pa tayong magkaroon ng sarili nating anak. Kapag nangyari ‘yon, hindi mo na kailangang magpakapagod sa pagtatrabaho. Manatili ka na lang sa bahay at alagaan ang mga bata. Ako na ang bahala sa lahat ng pangangailangan mo.”

Muli n’yang sinipat si Nathalie mula ulo hanggang paa, at hindi man lang itinago ang mahalay na tingin sa kan’yang mukha at katawan, “Miss Hernandez, lubos akong nasisiyahan sa iyong hitsura at pangangatawan. Ang mga magulang mo naman ay sang-ayon sa akin. Kaya gusto kong malaman kung ano naman ang masasabi mo?”

Buong yabang n’yang iwinawagayway ang susi ng kan’yang BMW habang naghihintay ng sagot ng babae nang may lubos na kumpiyansa.

Pinigilan ni Nathalie ang sarili na tumayo at umalis. Sa halip, nanatili s’yang kalmado habang sumasagot, “Pasensya na po, Mr. de Magiba, pero sa palagay ko ay hindi tayo bagay sa isa't isa—”

Natigilan ang kamay ni Dante na may hawak ng susi. Unti-unting sumama ang ekspresyon ng kan’yang mukha, “Kung prangkahan lang din naman, malapit ka nang mag-tatlumpung taong gulang. Sa edad na ‘yan, kapag mapili ka pa, baka wala nang gustong kumuha sa’yo.”

Sa sandaling iyon, isang lalaking halatang galit na galit ang nagmamadaling lumapit sa kanila.

Bigla nitong hinawakan at hinila ang kamay ni Nathalie, saka nagtanong na may pag-aalala sa boses, “Nath, ano ba ang ginagawa mo?”

Napatingin si Nathalie sa lalaking biglang sumulpot. Agad na umalimbukay sa kan’yang dibdib ang matinding pagkasuklam. Mabilis n’yang binawi ang kan’yang kamay at malamig na sumagot, “Nakikipag-blind date ako. Hindi mo ba nakikita?”

Hindi makapaniwala si Jacob. Itinuro n’ya ang lalaking nasa katanghaliang-gulang na na nasa tapat ni Nathalie saka tumugon, “Nathalie, huwag mong sabihing dahil lang sa galit ka sa’kin, papatol ka na sa isang pandak, mataba, at mayabang na bagong-yaman na katulad n’ya?”

Tumingin si Nathalie sa dati n’yang nobyo na nakarelasyon n’ya sa loob ng dalawang taon. Ramdam ang lamig sa kan’yang boses nang sumagot, “Jacob, sa palagay ko, wala ka nang pakialam kung sino ang makipag-blind date sa akin. Tutal, malapit ka nang maging bayaw ko. Hindi ba't sobra ka nang nakikialam?”

Huminto siya sandali bago nagpatuloy, “At para sa’kin, mas mabuti pa si Mr. de Magiba kaysa sa isang walanghiyang katulad mong hindi marunong makuntento sa kung anong mayroon ka at naghahangad pa ng iba.”

Sa mga salitang iyon, bahagyang nagbago ang mukha ni Jacob. Bakas doon ang kahihiyan at pagkakonsensiya.

Ngunit sa sandaling iyon, hindi n’ya kayang tanggapin ang ideyang makikipag-date si Nathalie sa ibang lalaki. Hindi n’ya man lamang kayang isipin na maaaring makasama ng babae ang iba.

Huminga s’ya nang malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili bago muling nagsalita, “Nathalie, sumama ka muna sa’kin. Maaari ba nating pag-usapan ito nang maayos?”

Dahil sa ingay na dulot ng kanilang pagtatalo, hindi naiwasang mapatingin sa kanila ang mga tao sa loob ng restawran. Palihim silang nagkakatinginan, sabik na sabik na malaman ang buong kuwento.

Hindi nagtagal, mula sa iilang piraso ng usapang narinig nila, nabuo rin ng mga tao ang nangyari. Ang lalaking ito pala ay nagtaksil sa kan’yang nobya at nakipagrelasyon sa nakababatang kapatid nito habang sila pa ng nakatatandang kapatid.

At ngayong nakikipag-blind date na ang dating nobya, bigla namang nag-aalab ang pagiging mapag-angkin nito?

Ano ‘yon? Gusto ba nitong pagsabayin ang dalawang babae at tamasahin ang mga pakinabang ng pagkakaroon ng dalawang asawa?

Hindi naitago ng mga tao ang kanilang pagkasuklam habang nakatingin kay Jacob.

Sa isang sulok ng restawran, may isang lalaking may malamig na ekspresyon at marangal na tindig na bahagyang napalingon din sa pinagmumulan ng kaguluhan.

Ngunit nang mapunta ang kan’yang paningin sa mukha ng babae, bigla s’yang natigilan.

Nanlaki ang kan’yang mga mata, at hindi na n’ya maialis ang tingin sa mukha nito. Naghalo-halo ang mga damdaming unti-unting umaalimbukay sa kan’yang mga mata. Bahagyang bumilis ang paghinga nito dahil sa magkahalong pakiramdam ng matinding pagkabigla at pananabik.

Kamukha n’ya!

Maging ang mapungay na mga mata at ang tila nililok na kilay ng babae, ang maliit at matangos nitong ilong, at ang pares ng malinaw at buhay na mga mata—lahat ng ‘yon ay eksaktong katulad ng kay Carmela Wenceslao noong bata pa ito.

Maging ang nunal sa ilalim ng kaliwang mata ng babae ay naroon din.

Habang nakatitig sa mukha ni Nathalie, malinaw na naalala ni Joaquin ang inosente at kaibig-ibig na batang babae noon na palaging nakasunod sa kan’ya, humihingi ng kendi.

Ngunit alam n’yang hindi ‘yon si Carmela.

Dahil matapos ang malaking sunog dalawampung taon na ang nakalilipas, s’ya mismo—na sampung taong gulang pa lamang noon—ang yumakap at nagbuhat sa bangkay nito palabas ng nasusunog na gusali.

Habang patuloy na nangungulit si Jacob, tahimik na inilabas ni Nathalie ang kan’yang cellphone at nagpadala ng mensahe sa nakababatang kapatid.

[Bantayan mo ang lalaki mo. Ginugulo n’ya ang blind date ko.]

Pagkasunod na pagkasunod ng pagpapadala n’ya ng mensahe, tumunog ang cellphone ni Jacob.

Nang makita n’yang si Alexandra ang tumatawag, sandal itong nag-alinlangan bago sinagot ang tawag, “Hello, Alex.”

Sa kabilang linya, mahinang-mahina at tila naghihirap ang tinig ni Alexandra, “Kuya Jacob, parang naipilay ko ang paa ko. Aray… sobrang sakit. Puwede ka bang pumunta rito ngayon na?”

Mahina at walang kalaban-labang pakinggan ang dalaga, na tila ba wala s’yang ibang maaasahan kundi si Jacob.

Sa tuwing kasama o kinakausap n’ya si Alexandra, palaging nararamdaman ni Jacob na kailangan at maaasahan s’ya nito. Kaya naman agad siyang nagtanong, “Nasaan ka ngayon?”

“Nasa palaruan ng paaralan…”

“Sige. Pupunta ako riyan ngayon din.”

Pagkababa ng tawag, muling hinarap ni Jacob si Nathalie, “Naipilay ni Alex ang paa n’ya. Pupuntahan ko muna s’ya. At huwag mong kalimutan, mag-ingat ka sa matandang lalaki na ‘yan, baka lokohin ka lang n’ya!”

Iyan na naman ang dati n’yang estilo.

Napasinghal si Nathalie. Hindi n’ya napigilang magsalita nang may pangungutya, “Tsk. Mukhang si Alexandra nga talaga ang tunay mong mahal.”

Bahagyang nainis si Jacob sa sinabi n’ya, saka tumugon, “Nath, kapatid mo rin si Alex! Naipilay n’ya ang kan’yang paa. Hindi ka man lang ba nag-aalala bilang nakatatandang kapatid n’ya?”

Umikot ang mga mata ni Nathalie at nagsalita, “Hindi mo ba napapansin? Sa tuwing tayong dalawa lang ang magkasama para mag-date, biglang sumasakit ang tiyan n’ya o sumasakit ang ulo. Kung anu-ano ang idinadahilan n’ya para tawagan ka at papuntahin sa kan’ya. Sa tingin mo, dapat pa ba akong mag-alala?”

Noon, masyado lamang s’yang naging kampante at hindi pinansin ang mga bagay na iyon.

Ngunit ngayong pinag-iisipan n’ya nang mabuti ang lahat ng nangyari, hindi n’ya maiwasang mapagtanto na bawat pangyayari ay may bakas ng lihim na relasyon ng dalawa.

Agad na umiling si Jacob at pasimpleng nagprotesta, “Imposible! Hindi magsisinungaling si Alex…”

Sa isip n’ya, napakabait ni Alexandra. Isa itong dalagang inosente at walang muwang.

Paano ito posibleng magsinungaling?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 9: Ang Pamimili (Bahagi 2)

    Talaga ngang nakapagdudulot ng gulo ang alak!Maingat s’yang lumabas ng silid upang hindi magising ang lalaking naiwan sa kama. Pinulot n’ya ang damit na nakakalat sa sahig at isinuot ‘yon.Makalipas ang isang oras, nagkita rin ang dalawang magkaibigan sa pasukan ng isang shopping mall.Nang malaman ni Diane na mamimili si Nathalie ng panregalo para sa kaarawan ng ina ni Jacob, hindi n’ya napigilang mainis sa kaibigan, “Teka, sandali lang! Niloko ka na nga ni Jacob, pero pupunta ka pa rin sa kaarawan ng mama n’ya?!”“Iba naman ‘yon. Naging mabuti sa akin sina Tito Homer at Tita Tina. At saka, hiwalay na usapan ang isang walanghiyang lalaki at ang mga magulang n’ya. Hindi sila dapat pinagsasama sa iisang kategorya.” tugon ni Nathalie.“Kung gano’n, kailan ba sasabihin ng walanghiyang Jacob na ‘yon sa mga magulang n’ya na naghiwalay na kayo? Hindi ka naman n’ya maaasahang magpanggap na kayo pa sa harap nila habambuhay, ‘di ba?” tanong naman ni Diane.Sandaling nag-isip si Nathalie bago

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 9: Ang Pamimili (Bahagi 1)

    “Isa pa, masyadong kapansin-pansin ang Rolls-Royce mo. Huwag mo na ‘yang gamitin mula ngayon. ‘Yong Volkswagen na lang ng punong mayordomo ang imaneho mo.”Muling pinaalalahanan ni Don Severino ang anak, halatang hindi pa rin mapalagay, “Tandaan mo, huwag na huwag mong ilalantad ang tunay mong pagkatao. Kapag nalaman ng babaeng ‘yon kung sino ka talaga, baka kumapit na s’ya sa’yo na parang chewing gum na hindi mo na maalis-alis.”Kapag nalaman ng babae ang tunay na pagkakakilanlan ni Joaquin, malamang na hindi na ito basta mapapaalis, kahit gaano pa kalaking pera ang ialok sa kan’ya.Sa panahon ngayon, madaling magpakasal, pero mahirap makipagdiborsiyo.Kumunot ang noo ni Joaquin, “Hindi n’ya gusto ang mga mayayaman.”Naaalala pa rin n’ya ang mapanghamak na tingin ni Nathalie noong napag-usapan nila ang mga mayayaman na tao.Napangisi nang walang pakialam si Don Severino, “Walang taong ayaw sa pera sa mundong ito. ‘Yong mga galit sa mayayaman, ang totoo, naiinggit lang dahil hindi nil

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 8: Mga Katanungan at Sumbat

    Pagdating ni Nathalie sa harap ng kanilang bahay, kinuha n’ya ang susi at binuksan ang pinto.Ngunit pagkapasok pa lamang n’ya, sinalubong na s’ya ng nagngangalit na sigaw ni Mercedes.“Wala kang utang na loob! Lumaki na ba ‘yang ulo mo at may kumpyansa ka nang hindi sagutin ang mga tawag ko buong araw?! Ako ang nagpalaki sa’yo sa loob ng napakaraming taon! Ngayon, nagmamalasakit na nga akong ipakilala ka sa isang mayamang lalaki, pero imbes na magpasalamat ka, may gana ka pang magmaktol! Talagang wala kang utang na loob! Inggrata!”“Kung kahit kalahati man lang ng pagiging masunurin at malambing ng kapatid mo ang mayroon ka, hindi sana ako ganito kabalisa! Napakatigas ng ulo mo! Hindi ka nga hinuhusgahan ni Mr. de Magiba sa mga kapintasan mo, pero ikaw pa ang nagmamalaki at namimili!”Nakahanap din ng mapagbubuntungan si Mercedes ng galit na buong araw na n’yang kinikimkim. Sunod-sunod na lumabas ang mga salita n’ya, walang tigil na para bang isang machine gun na walang patid kung ma

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 7: Ang Kan’yang Pagbaba Mula sa Mamahaling Sasakyan

    Walang ni isang salitang sinabi ni Mrs. Aquino ang nakaligtas sa pandinig ni Alexandra, na nasa mga bisig pa rin ni Jacob.Sa sobrang galit, mariin n’yang kinurot ang baywang ng lalaki.Napadaing nang mahina si Jacob sa sakit at agad na itinulak palayo si Alexandra.Pagkatapos, lumayo s’ya nang kaunti at kinausap ang kan’yang ina sa kabilang linya, “Ma, wala kang dapat ipag-alala. Hindi pa kami naghihiwalay ni Nath. Hayaan mo, bukas ng gabi, isasama ko s’ya para sabay-sabay tayong maghapunan sa bahay.”Pagkasabi niyon, dali-dali n’yang ibinaba ang tawag.Galit na galit s’yang tinitigan ni Alexandra, “Sabihin mo nga sa’kin, bakit hindi mo na lang direktang sinabi kay Tita na hiwalay na kayo ng ate ko?”Walang magawa si Jacob kundi bahagyang kumunot ang noo, “Alam mo namang mahina ang puso ng nanay ko. Gustong-gusto n’ya ang ate mo. Natatakot akong kapag bigla kong sinabi sa kan’ya na wala na kami, baka mapalala ko lang ang sakit n’ya sa puso.”Napahawak si Alexandra sa magkabilang bayw

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 6: May Galit S’ya sa Mayayaman

    Diyos ko! Huwag mong sabihing nakapag-asawa s’ya ng isang bilyonaryong CEO?!Nang makita ang nanlalaking mga mata ng babae, sandaling natigilan si Joaquin.Walang malay n’yang tinapik-tapik ang pinto ng kotse gamit ang mga daliri bago sumagot sa tonong tila walang anumang kakaiba, “Ah, kotse ito ng boss ko. Pinakiusapan n’ya akong dalhin ito sa talyer para ipa-maintenance ngayong araw.”“Ah, gano’n pala.” tumango si Nathalie, tila nauunawaan na ang lahat.Napailing s’ya sa sarili. Mukhang naparami na talaga ang pagbabasa n’ya ng mga nobelang tungkol sa mga bilyonaryo.Kung tutuusin, ang mga mayayaman sa totoong buhay ay mananatiling mayaman. Hindi sila magpapakatanga.Sa katayuan at kung iisipin ang kondisyong meron sila, imposibleng basta-basta na lang silang maghahanap ng kung sinong babae sa kalsada at pakasalan ito.Mayaman man sila, hindi naman sila mga tanga.Nang makasakay na silang dalawa sa kotse, nagsimulang marahang umandar ang sasakyan.Nasa passenger seat na si Nathalie n

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 5: Pagpaparehistro ng Kasal

    Sa loob ng mahigit dalawampung taon, hindi pumalya sa pagiging masunuring anak si Nathalie sa kan’yang mga magulang. Ngunit sa pagkakataong ito, nais n’yang s’ya naman mismo ang magdesisyon para sa kan’yang sarili, lalong-lalo na sa pag-aasawa. Ayaw n’yang mapilitang pakasalan ang isang matandang katulad ni Dante dahil lamang sa kagustuhan ng kan’yang mga magulang.Kung kaya ng mga ito na basta na lamang tanggapin ang dalawampung libong piso na paunang bayad mula kay Dante nang hindi man lang s’ya kinokonsulta, nangangahulugan lamang ‘yon na nakapagpasya na silang ibugaw s’ya sa lalaking ‘yon.Hindi n’ya alam kung ano pang kakila-kilabot na paraan ang gagamitin ng mga ito upang pilitin s’yang pumayag sa kasal.O baka naman patuloy s’yang ipakikilala sa kung sinu-sinong mga lalaking kasing ugali ni Dante.Nang marinig ni Joaquin na pumayag si Nathalie, nanatiling halos walang emosyon ang mukha nito. Gayunman, kapansin-pansing lumambot ang kan’yang mga mata, “Kung gano’n, pumunta na tay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status