LOGINParang may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Calyx ng matitigan ang makinis na mukha ng bata. Ang kaniyang bilugan na mga mata, at ang maputing kutis na kasing kulay ng nyebe ay mas nakadagdag sa kagandahan nito na parang manika. Kung hindi sa kaniya ang bata, sino ang ama niya?
“Mukhang nananaginip ka ata, Calyx? Itinago? Anak natin? Sino ang may sabi na may anak tayo? Wala!” malditang tugon ni Athena. Sinubukan naman ni Athena maging kalmado sa harap ng lalaki. Pero sa loob-loob ay kinakabahan na siya. Baka mahalata ni Calyx na nagsisinungaling si Athena. Tiningnan niya ang bata. “Sabihin mo sa ‘kin, Rohan, bakit mo siya tinawag na daddy?” tanong niya. “Sabi kasi ni lola na kapag nakakita ako ng lalaking sobrang guwapo, tatawagin ko daw na daddy. Kapag katamtaman lang ang ka-guwapuhan, tito daw po. At kapag hindi naman, kuya ang itawag ko.” Napapikit na lamang si Athena. Talagang tinuruan ng maigi ng ina si Rohan. “Hello, Ate! Ang bango ninyo ngayon!” Hinalikan siya ng bata sa kaniyang pisngi. Tiningnan ni Athena si Calyx ng seryuso. “Sir Montecillo, si Rohan ay alaga ni mama. Siya ang sumusundo rito. Pero dahil wala si mama, ako ang nagsundo ngayon sa kaniya. Kaya hindi mo siya anak, okay? Kung gusto mo magkaroon ng anak, maraming babae ang nagkakadarapa sa ‘yo. Puwede mong buntisin ang isa kaniya.” Nadismaya si Calyx. Ang akala niya ay may anak sila ni Athena. Pakiramdam niya, napahiya siya sa mga sinabi niya. “Iuuwi ko na siya. Umuwi ka na rin sir. Kailangan niyo lang siguro ng pahinga. Isa kang CEO, at hindi maganda sa tingin ng iba na nagiging stalker ka,” paalam ni Athena at isinakay ang bata sa passenger’s seat at sinigurong nakakabit ang seatbelt kay Rohan. Pumasok na rin siya sa loob at pinausad ang sasakyan paalis roon. Pagkauwi ni Calyx, kaagad siyang naligo. Nang matapos, nagbihis na siya. Tinutuyo na niya ang kaniyang buhok ng may maisip. Kinuha niya ang cellphone at may idinial. Nang masagot ‘yon ng nasa kabilang linya, kaagad niyang sinabi ang sadya niya. “Gusto kong halungkatin mo ang nakaraan ni Athena Ruiz sa nakalipas na apat na taon. Gusto kong malaman kung sino ang mga nakarelasyon niya. Gusto ko rin tingnan mo kung nanganak ba siya. ASAP!” utos ni Calyx. Kaagad naman na sumang-ayon ang nasa kabilang linya. Samantala, hindi maiwasang mapabuntong-hininga ni Athena ng makauwi siya. Para maitago si Rohan, tinuruan niya ang bata na tawaging siyang ate sa harap ng mga tao. Maging ang bahay na tinutuluyan ng bata ay pag-aari ng kaniyang tiyuhin. Dahil malaki ang posibilidad na mag-krus ang landas nila ni Calyx lalo at isa itong CEO. Hindi papayag si Athena na kunin ng binata si Rohan! Over her dead body! Ipinagbuntis niya si Rohan sa tulong ng pamilya ng kaibigang si Aliana. Sila ang tumulong sa kaniya sa lahat ng gastusin niya noong nagbubuntis siya hanggang sa manganak siya. Sila rin ang gumawa ng paraan para hindi malaman ni Calyx na may anak ito sa kaniya. Kaya para maitago si Rohan, nanatili muna si Athena sa isang remote area para doon magbuntis at manganak. Mabuti na lang noong manganganak na siya, may doktor na nakatira sa tuktok ng bundok na siyang tumulong kay Athena. Oo, may ibinigay sa kaniyang pera si Calyx pero hindi niya ‘yon ginamit. Iyong mga apartment ay ibinalik niya sa ina ng dating asawa. Kung sakali man na dumating ang araw na bawiin ‘yon ni Calyx, maibibigay niya agad. “Mommy, hindi ba iyong guwapong iyon ang daddy ko?” inosenting tanong ni Rohan. Nakaupo sila ngayon sa sofa habang kinakain ang meryenda na dala niya. Kapag walang tao na nakapaligid sa kanila, o kung ang kasama niya ay ang ina at tiyuhin, tinatawag siya ni Rohan na ‘mommy’. “Hindi siya ang dad mo, Rohan.” “Ay, sayang naman po. Ang guwapo niya kasi. Bagay pa man din kayo,” malungkot na tugon ng bata. Napabuntong-hininga na lamang si Athena. Kung alam lang ng bata ang totoo. Dinala ni Athena si Rohan sa isang restaurant, sa mall. Kung saan naroon si Aliana at naghihintay sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ng anak. Mahirap na at baka mawala ang bata. Pagpasok ni Athena sa Western Restaurant, iginala niya ang tingin. Sa sulok, sa tabi ng bintana, natanaw niya si Aliana. Nakasuot ang kaibigan ng pulang halter dress habang may coffee sa mesa. Excited na tinungo ni Rohan ang babae ng mamukhaan ito ng bata. “Hello, Ate Aly!” sigaw nito kaya napatingin ang ilang mga costumer sa bata. Sumunod naman si Athena sa anak. Ngumiti naman si Aliana kay Rohan. Binuhay nito ang bata. “Ang ganda-ganda talaga ng inaanak ko!” Pinisil ni Aliana ang matambok na pisngi ng bata. Kahit inaanak nito si Rohan, mas gusto ng kaibigan na tawaging ‘Ate’ si Aliana. Kinuha ng babae ang dalawang bnag sa tabi at inilapag iyon sa mesa. “May mga dalang regalo si ‘Ate’ sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Aliana. Kinuha nito ang laman ng isang gift bag. Isang napakagandang pink dress iyon para kay Rohan. Hinalikan ng bata sa pisngi si Aliana at nagpasalamat. Kinuha naman ng babae ang isang gift bag at ibinigay ‘yon kay Athena. Naupo naman si Rohan sa tabi ng ina habang tinintingnan ang dress. “Malapit na ang birthday mo, baka hindi ako makapunta. Alam mo na busy. Kaya ini-advance ko na ang gift ko sa ‘yo.” Nagpasalamat si Athena sa kaibigan. Kinuha ang laman ng bag. May maliit na box iyon sa loob na kulay pula. Binuksan niya ‘yon. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang laman ng kahon. “Bakit mo ako niregaluhan ng Lucce bracelet? Alam kong hindi biro ang halaga nito, Aliana.” Gusto naman ni Athena ang regalo ng kaibigan pero nahihiya siya na regaluhan siya ng ganoong kamahal ng babae. Ayos na sa kaniya ‘yong simple lang at hindi gaanong mahal. “Ano ka ba, mayroon din ako niyan ‘no?” nakangising sabi ni Aliana sabay pakita ng kamay nito. Parehas nga sila. Sa kaniya silver, sa kaibigan ay gold. Kumikinang tuloy iyon sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng restaurant. “Sister bracelet tayo no. Akin na nga at ako ang magsusuot sa ‘yo.” Kinuha ni Aliana ang bracelet sa kamay ni Athena at isinuot iyon sa kaniyang kamay. Pinakatitigan niya ang bracelet. Ngayon lang ulit siya nakapagsuot ng mamahaling bracelet simula noong maghiwalay sila ni Calyx. “Napakaganda naman neto, Aliana. Pero sa susunod. Gusto ko cash ha? Ang halaga ng bracelet na ito ay kaya ng mapagtapos si Rohan sa kolehiyo,” biro ni Athena. Napabuntong-hininga si Aliana at hinawakan ang kaniyang kamay. “Hindi kita binigyan niyan dahil gusto ko lang. Noong panahon na ipinapanganak mo si Rohan, wala ako sa tabi mo Athena. Kaya gusto kong bumawi sa ‘yo. Ngayon, hindi na ako papayag na mag-isa mo lang haharapin ang mga pagsubok sa buhay mo. Kasama mo na ako. Basta tawagan mo lang ako,” puno ng sinseridad na sagot ni Aliana sabay ngiti. Napaikot ng kaibigan ang mga mata ng may maalala. “Kailangan ko na makakilala ng pakakasalan para hindi ko pakasalan iyong may edad na lalaki na gusting ipakasal sa ‘kin ni dad,” naiinis na sabi ni Aliana. Tatlong taon ang nakalilipas, may minahal ito na lalaki, pero ayaw ng ama ng kaibigan sa lalaki kaya pinaghiwalay sila. At ng mga panahon na ‘yon, na-depressed si Aliana. At dahil roon, sinubukan nitong magpakamatay. Mabuti na lang at nakita iyon ni Athena at nailigtas ang kaibigan. “Nandoon na tayo, Aliana. Pero hindi ka naman puwedeng humila lang ng lalaki para pakasalan at baka magsisi ka. Kilalanin mo muna ‘yong lalaki na pakakasalan mo,” bilin ni Athena. Napatango naman si Aliana. Hanggang sa maalala niya na hindi pa pala alam ng kaibigan na boss niya si Calyx. Ayaw niyang ilihim ‘yon sa kaibigan at baka magtampo. “Bumalik si Calyx, Aliana. Siya ngayon ang boss ko. Siya na ngayon ang namamahala ng YG Group and company,” pagkukuwento ni Athena kay Aliana. Natigilan ang babae. Nang makabawi, naikuyom nito ang kamao at matalim ang tingin. “Ano?! Baka pinapahirapan ka ng hinayup*k na ‘yon, ha? Sabihin mo lang sa ‘kin at reresbakan natin! At hindi niya dapat makita si.” Inginuso ni Aliana ang bata na ngayon ay nasa cellphone ang atensiyon. Napabuntong-hininga si Athena. “Lagi akong inuutusan ni Calyx at kung saan-saan kami nagpupunta. Pero kaya kong i-handle ang sarili ko Aliana. Hindi naman niya ako sinasaktan at pinagsasalitaan ng hindi maganda. Tungkol naman kay Rohan,” bitin at pabulong niya sabi. Pinanlakihan si Athena ng mga mata ni Aliana. “Ahm, nakita na niya ang bata. Huwag kang mag-alala, marunong akong magtago kaya hindi niya nalaman ang totoo. Balak kong kaisapin si mom ngayon, gusto kong ilayo niya si Rohan at baka balikan siya ni Calyx. At ayaw kong mangyari ‘yon,” mahabang paliwanag ni Athena na hindi napigilan ang malungkot dahil damay si Rohan sa sitwasyon nila ng dating asawa. Mahirap mag-adjust sa panibagong paaralan. Panibagong pakikisama sa mga kaklase. Hinawakan ni Aliana ang kamau ni Athena. “Huwag kang mag-alala, tutulungan kita, Athena. Nangako ako at gagawin ko. Magsabi ka lang.” Matapos kumain nina Athena at Aliana. Nagpaalaman na din sila sa isa’t isa. May pupuntahan pa kasi ang kaibigan. Siya naman ay maghahanda pa siya dahil sa date nila ni Calyx. Hindi mawari ni Athena, pero nakaramdam siya ng excitement na mag-dinner date sila ng dating asawa. Kaagad niyang inalis iyon sa sistema. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganoon dahil hiwalay na sila. Inihatid muna ni Athena si Rohan sa bahay ng ina. Hindi na muna niya sinabi sa ina na nakita na ni Calyx si Rohan, hindi pa ‘yon ang tamang pagkakataon para sabihin ‘yon. Nang makauwi, naligo’t nagbihis na siya. Nang matapos, sumakay na siya ng electric car at minaniobra iyon sa meeting place nila ni Calyx na tinext nito kanina. “Hays. Bakit mo ba ito ginagawa, Calyx?” hindi napigilang itanong ni Athena sa sarili.Sinimulan nang kainin ni Benjamin ang nilutong noodles ni Athena. May kung ano pang dinagdag roon ang dalaga na mas nagpasarap sa canton. Napatango siya ng malasahan ‘yon. Napakasarap niyon at nanuot sa kaniyang lalamunan.“Ang sarap ng pagkakaluto, Athena. Puwede ka na mag-asawa,” biro ni Benjamin na tinawanan lang niya.“Darating din tayo diyan, Benjamin. Salamat naman at nasarapan ka sa luto ko.”Huminto sa pagkain si Benjamin at napatingin sa kaniya. Nag-iwas si Athena ng tingin dahil hindi niya kayang tagalan ang tingin nito.“May dumi ba sa mukha ko, Benjamin?” nag-aalangan niyang tanong. Umiling naman si Benjamin.“Wala namang dumi sa mukha mo, Athena. May gusto lang sana akong itanong,” tugon ni Benjamin.“Ano naman ang gusto mong itanong, Benjamin?”“May posibilidad ba na magkagusto ka sa ‘kin, Athena?” tanong ni Benjamin habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Natigilan si Athena. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na ‘yon ni Benjamin.“Hindi ko alam kung pa
Nagmamadaling sinundan naman siya ni Calyx.“Alam kong ayaw mo na sa ‘kin, Athena. Pero puwede naman tayo maging bed partner di ba?” tanong ni Calyx. Tumigil sa paglalakad si Athena. Naikuyom niya ang kamao dahil sa galit. Sumikip rin ang kaniyang dibdib dahil sa mga sinabi ni Calyx. Iyon ba ang dahilan kaya persistent itong nakabuntot sa kaniya para lang insultuhin siya?! Akala ni Athena nagbago na ang dati niyang asawa pero hindi pala. Humarap siya kay Calyx.“Talaga namang gagawin mo ang lahat para makuha ako dahil lang sa tawag ng laman. Willing kang gumastos ng malaki para lang ibigay ko kung ano ang gusto mo,” matigas ang boses ni Athena at mararamdam ang galit roon.“Kung hindi mo lang sana ako hiniwalayan, ang lahat ng mayroon sa ‘kin ay sa ‘yo. Hindi mo na kailangang magtrabaho, Athena.”“Sige pag-iisipan ko ang offer mo, hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa offer mo. Iyon lang.”Halos masugat na ang palad ni Athena dahil sa pagkakadiin ng kuko nito roon. Tumalikod na siya
Nagpumiglas si Athena sa pagkakahawak sa kaniya ni Calyx. “Bitawan mo nga ako, Calyx. Kaya ko na ang sarili ko,” naiinis niyang sabi.“Hindi, baka mamaya tumakas ka sa ‘kin.”Tumango siya kay hinila siya pabalik ng hospital. Nagsalubong naman ang kilay ni Benjamin habang pinagmamsdan ang dalawa. Naisip niya na baka may gusto si Calyx kay Athena o baka si Athena ang may gusto sa binata.Pagbalik naman nina Calyx at Athena sa hospital. Sinabi ng doktor na puwede na siyang i-discharge dahil hindi naman malala ang nangyari. Lumabas na sila at pumasok sa sasakyan ni Calyx. Pumasok na silang dalawa at pinausad naman ng binata ang sasakyan.“Iuwi mo na ako sa ‘min, Calyx.”Ngunit hindi sumagot si Calyx. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa unahan.“Anong relasyon niyo ni Direk?”“Manliligaw ko si Direk pero hindi ko siya gusto. Bakit ba?” naiinis na tanong ni Athena.“Hahayaan ko muna siyang mag-stay sa kompanya ng ilang araw bago ko siya i-terminate.”“Ayos naman ako. Palampasin mo na l
Samantala, maghapon na hindi siya ginulo ni Calyx. Nakahinga si Athena ng maluwag dahil doon. Nang oras na nang uwian, umuwi kaagad siya. Nang makalabas ang sasakyan, may mabilis na sasakyan na nauna sa kaniya at sinabayan siya. Bumaba ang windshield niyon, si Direk, ang manliligaw niya, ang unang bumungad sa kaniya. Nakasuot ang binata ng sunglesses at white suite, may ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi.“Ath, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?” tanong ni Direk. Umirap lamang si Athena at binilisan ang pagpapatakbo. Ngunit mas mabilis magpatakbo si Direk kaya nasabayan ulit siya. Mabuti na lang at maluwang ang kalsada kaya wala silang napeperwisyo.“Huwag mo nama akong deadmahin. Kababalik ko lang galing business trip. Gusto sana kitang yayain mag-dinner, Ath,” alok ni Direk.Hindi pinansin ni Ath ang makulit na manliligaw. Itinaas niya ang windshield. Sa di-kalayuan, may Rolls Royce na nakasundo sa kanila, minamanego ‘yon ng driver ni Calyx.“Mukhang sinunsundan ng sasa
Nanginig si Athena hanggang sa tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.“Calyx, huwag mong gawin ‘to sa ‘kin, please?” pakiusap ni Athena. Narinig ng binata ang pakiusap niya pero hindi ito nagpatinag. Idinikit nito ang mukha sa kaniyang taenga.“I want you, Athena. Give my needs now.”“No, Calyx! Hindi mo ako puwedeng pilitin sa isang bagay na ayaw ko!” may diin na sabi ni Athena. “Pakawalan mo ako!”“Na-miss kita, Athena. Huwag mo naman sana i-reject ako. Alam kong gusto mo rin na may mangyari sa ‘tin.”Bumaba ang kamay ni Calyx sa may beywang niya.“Calyx, please. Huwag mong gawin sa ‘kin ‘to. Dahil kapag ginawa mo ito, habambuhay kitang kamumuhihan!”Natigil si Calyx sa ginagawa. Tiningnan siya nito.“Apat na taon na ang lumipas, Athena. Hindi mo ba ako namimiss? Hindi ka ba nasasabik sa mga yakap at halik ko sa ‘yo?”Naglandas ang labi ni Calyx sa kaniyang taenga. Nang-aakit ang ginagawa nito.“Hindi. Hindi kita namimiss at kailanman ay hindi kita mamimiss. Marumi ka na Calyx,” may
“Mr. Montecillo, anong kailangan mo? Bakit nandito ka? Gabi na ha? Umuwi ka na!” sigaw ni Athena.“Nandito ako para kunin ang underwear ko!” balik sigaw nito. Napaikot na lamang ni Athena ang mga mata. Bakit kailangan pang kunin ng binata roon kung puwede naman niyang ibigay sa opisina? Ano ‘yon? Para-paraan lang para makausap siya? Pero mas mabuti na ibigay na lang niya para hindi na bumalik si Calyx roon.“Sandali lang, kukunin ko lang.”Nagtungo siya sa kuwarto at kinuha sa closet ang nakahanger na suit ng binata tsaka inilagay ‘yon sa paper bag kasama ang underwears nito. Wala siyang maalala na bumili siya ng ganoong brief noong mag-asawa pa sila. Biglang sumagi sa isip niya ang pananatili roon ni Calyx. Kaagad niyang iwinaksi ‘yon sa kaniyang isip.Bumaba na si Athena at lumabas ng bahay tsaka iniabot ang paper bag kay Calyx.“Ayan, okay na? Puwede ka na bang umalis Sir Calyx? Gabi na kasi at gusto ko na magpahinga.”Papasok na sana siya nang hawakan ni Calyx ang kaniyang braso
Napatitig na lamang si Athena kay Benjamin. Tingin niya, hindi na kailangan ng direktor na makipag-blind date pa. Sa ugali nito, isang tingin palang nito sa isang babae, tiyak na malo-love at first ito sa binata. Idagdag pa ang maganda nitong ugali. Tumingin kay Athena si Benjamin. Walang emosyon a
Nang makarating si Athena sa kusina, naghanda na siya ng mga ingredients ng lomi. Iyon lang ang naisip na lutuin lalo at nag-cra-crave siya. Nang matapos, nagtungo na siya sa salas. Natigilan si Athena ng makita si Rohan na nasa kandungan ni Calyx. Nakapalibot ang mga braso nito sa malambot na kat
Natawa ng nakakaloko si Aliana. Ngumisi ang dalaga.“Noon ‘yon pero hindi na ngayon, Mr. Montecillo. Kung ayaw mong kamuhian ka niya habambuhay kapag nawala na ang kalasingan niya, ibigay mo siya sa ‘kin ngayon din,” matatag na sabi ni Aliana.Natamaan si Calyx sa sinabing ‘yon ng kaibigan ni Athen
Maasikaso si Aliana sa mag-ina. Ito ang naglalagay ng pagkain sa plato. Habang kumakain, may naalala ang dalaga.“Ath,” tawag ni Aliana sa kaniya. Ibinaba na muna nito ang kubyertos at tumikhim. “Natatandaan mo ba si Aunt Janet na kapitbahay natin? Di ba mayroon siyang kapatid na lalaki? Anim na ta







