Beranda / Romance / My Contracted Husband Is A Cold Billionaire / Kabanata 3: The Intersecting Fates

Share

Kabanata 3: The Intersecting Fates

Penulis: M.A.B. Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-09 16:02:38

Kinabukasan ay alas kwatro pa lang ng hapon ay nakahanda na si Catherine para sa magiging blind date niya. Kahit na mamaya pang alas 6 ng gabi ang mismong takdang oras ng blind date ay maaga na siyang ipinagbihis ng kanyang ama. Nakasuot siya ngayon ng isang kulay pink na above the knee na simple dress habang maayos na nakasuklay ang kanyang bangs at maalon alon na buhok.

Hindi pa man sumasapit ang takdang oras ay halos abot abot na ang pagtahip ng kanyang dibdib. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawin niya ang ganitong klase ng bagay. Buong buhay niya ay siya mismo ang nagrereject at umaayaw sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya ngunit ngayon ay siya na ang nangangailangan ng kadate para lang maisalba ang nalulugi nilang kompanya.

"D-dad, tama po ba talaga itong ginagawa ko? Please tell me that I am not doing this for the sake of money. Paano na lamang ang dignidad ko na matagal ko nang inaalagaan?" kinakabahang utal niya sa kanyang ama na siyang kapapasok lamang sa kanyang silid.

Mariin nitong hinawakan ang kanyang dalawang kamay at tsaka siya nito mariing tinitigan sa kanyang mga mata.

"Alam ko na kasalanan ko ang lahat ng ito at dapat lang na ako mismo ang humanap ng paraan para ma solusyonan ito. Huwag kang mag-aalala hija, hahanap rin ako ng ibang paraan para makalikom ako ng sapat na pera. Pero sa ngayon ay tulungan mo na muna ako huh? Sana ay maintindihan mo ako anak," mahabang bigkas ng kanyang ama sa kanya na ikinalunok niya nang marahas.

Muling bumukas ang pintuan ng kanyang silid at sa pagkakataong ito ay nakita niya na ang kanyang mismong ina ang pumasok.

"Anong balita Romulo? Nakontak mo na ba iyong kakilala mo na sinasabi mo na makikipagblind date sa anak natin? Baka masamang tao iyan at mapahamak lang si Catherine," nag-aalalang tanong ng kanyang ina sa kanyang ama.

Ayaw na sana niyang makabahan pa pero sa pananahimik ng kanyang ama ay hindi ulit niya maiwasang makaramdam ng kaba.

"Dad? M-may problema ba?" hindi na niya napigilang itanong iyon sa kanyang ama.

Agad na napatitig ang kanyang ina sa kanyang ama. Pareho silang naghihintay sa maaaring sagot nito.

"A-ano...o-oo naman. Nakontak ko na ang pinakamatalik kong kaibigan sa casino na siyang nagsabi sa akin na may kakilala raw siyang naghahanap ng maibliblind date. Huwag kang mag-alala at mabuting tao iyon anak."

"Sa madaling salita ay hindi niyo po talaga kilala ang maibliblind date ko dad?!" hindi na niya naiwasang magtaas ng boses sa kanyang ama.

Ang akala pa naman kasi niya ay amg mismong kakilala ng kanyang ama ang mabliblind date niya. Iyon pala ay ibang tao na hindi manlang nito kahit kailan na nakita at nalaman lang nito sa pamamagitan ng kakilala nito ang tungkol sa taong naghahanap nang maibliblind date. Papaano kung masamang tao ang taong iyon? Papaano kung isang drug addict? O hindi kaya ay isang sindikato? Nalilito na tuloy siya kung itutuloy pa ba niya ito o hindi na.

"Hindi mo kilala ang taong mabliblind date ng anak mo Romulo?!" medyo may halong kaba at galit na anas ng kanyang ina sa kanyang ama.

"Masyado kasing pribado ang taong iyon sabi ng kakilala ko. At lihim lang na naghahanap ng maibliblind date Cassandra. Pero base sa mga narinig ko ay sobrang yaman daw non at malaki ang maibabayad kapag nagustuhan niya ang anak natin," paliwanag ng kanyang ama.

Isang hindi makapaniwalang buntung hininga lang ang kanyang pinakawalan sa tinurang iyon ng kanyang ama.

Bandang alas 5 y medya ay tumulak na siya paalis ng kanilang bahay. Lulan siya ng isang mamahaling sasakyan na sa pagkakaalam niya ay isa sa mga kotse ng hindi niya kilalang tao na maidadate niya ngayong gabi.

Ang sabi ng kanyang ama ay sa isang pribadong hotel daw ang magiging venue ng date niya. Pero ganoon na lamang ang gulat niya nang inihatid siya ng sasakyan sa entrada ng pinakatanyag at nangungunang restaurant hotel dito sa buong bansa. Alam niya ang tungkol sa hotel na ito dahil sa marami na rin siyang naririnig at nababasa galing sa mga kilalang tanyag at nangungunang mga businessman sa mundo mula sa social media tungkol sa magarbong hotel na ito.

Huminto ang sinasakyan niya sa entrada ng nasabing hotel at nagulat pa siya nang may isang bodyguard ang agad na nagbukas ng pintuan para sa kanya. Oo mayaman sila pero hindi naman umabot sa punto na katulad nito.

Agad siyang bumaba sa sasakyan at nang nakababa ay mabilis naman na umalis na ang kotseng sinasakyan niya dahilan para mapalingon siya dito.

"Hai Ma'am, are you Miss Lewis?"

Nilingon niya ang nagtanong non at nakita niya ang isang magandang hotel staff na magalang na nakatayo sa kanyang tabi.

'At kailan pa nakalapit ang babaeng ito sa tabi niya?' nagtatakang tanong niya sa kanyang isipan.

Marahan siyang tumango sa babaeng naghihintay sa sagot niya. Agad namang mas lumaki ang ngiti nito sa naging pagtango niyang iyon.

"I will lead you to your room Ma'am. Please follow me," nakangiti pa ring bigkas nito at agad siyang iginiya papasok sa loob ng hotel.

Unang apak niya pa lang sa nasabing hotel ay agad nang bumungad sa kanya ang napakalaki at napakaengrandeng mamahaling chandelier sa main hall ng nasabing hotel. Sobrang kintab rin ng sahig nito na halos pati ang suot niyang sandal ay mahihiyang apakan ito. Bawat designs at mga antiques na nakadisplay sa bawat sulok ng hotel ay alam niyang original at mamahalin talaga.

Tahimik lamang siyang nakasunod sa babaeng hotel staff's na naglalakad ngayon sa kanyang unahan. Habang hindi makapaniwala niya pa ring nililiwaliw ang kanyang mga mata. Ngunit natigilan lamang siya sa kakalingon sa paligid nang huminto sila sa isang kulay gintong elevator.

Bumukas ito at tahimik lamang siyang sumunod sa babae. Hindi naman nagtagal at bumukas ito sa ninth floor. Wala siyang ibang nakikita sa floor na iyon kundi ang nag-iisang kulay gintong pintuan na nakasarado.

"We are here Ma'am. I hope you like and enjoy our services here in our hotel Ma'am," anas ng babaeng hotel staff sa kanya habang nakayuko sa kanya.

'Hindi ba siya nito ihahatid manlang sa loob ng pintuang iyon?' takang isip niya at nang mapansin na wala na talaga itong balak pang lumabas ng elevator para ihatid siya ay lumakad na siya palapit sa may pintuan.

Nilingon pa niya ulit ang babae na ngayon ay nakayuko pa rin sa kanya hanggang sa sumara at bumaba na ang elevator na sinasakyan nito.

Sa pagkakataong ito ay siya na lamang ang tanging nag-iisa sa malaki at tahimik na palapag na ito. Mas lalo lamang tuloy siyang kinabahan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at mariing huminga ng malalim.

'Kaya mo ito Catherine! Kaya mo ito!' pagchecheer niya sa kanyang sarili bago tuluyang binuksan ang nakasarang pintuan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lexius rhian
next poooo....
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 32: His Office

    CATHERINE POVBabalik na sana ako sa pagtulog dahil sa pagkakataon ko na nga ito para bumawi nang tulog. Dahil sa hindi nga naman ako nakatulog nang maayos kagabi. Ngunit natigilan ako sa aking binabalak nang bigla na lamang nagring ang aking cellphonena nasa katabing lamesa nitong kama namin. Dinampot ko iyon at nakita ko na si mommy pala iyong tumatawag.Hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin ang tawag niya at nang masagot ko iyon ay agad niyang ipinaalam sa akin na inihanda na niya ang aking mga iilang damit na naiwan ko nga sa bahay namin. Sinabi ko na lamang sa kanya na kukunin ko ang mga ito mamaya.Matapos ang tawagan namin ay dali-dali na akong nag-ayos nang aking sarili. Hindi na ako nag-abalang maligo pa dahil sa hindi nga naman ako nakatulog rin nang maayos kagabi. Suot ang isang simpleng pants at puting loose white t-shirt ay tumulak na ako palabas nang kwarto.Alam kong sobrang dami ko nang damit dahil sa binilhan nga ako ni Zaad. Ngunit hindi ko kasi type ang mga da

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 31: Peaceful Night

    CATHERINE POV Una siyang bumangon sa aming dalawa at hindi na ako nagulat pa nang makita ko nanaman ang kanyang mala adonis na katawan. Nakasuot lang kasi siya nang isang itim na pajama pants at wala siyang damit pang itaas. Bakit pa ako magugulat sa katawan niya ehh sa nakatabi ko nga siya kagabi at halos dumikit na nga siya sa akin nang sobra. Nilingon niya ako at kita ko na medyo kumunot ang noo niya sa akin. "What happened to you, my wife? Are you not feeling well? O hindi ka lang nakatulog nang maayos kagabi?" nagtataka niyang tanong sa akin habang sinusuyod nang kanyang mga mata ang kabuuan nang mukha ko. "Hindi naman sa ganon. Medyo namamahay lang kasi ako," mapaklang ngiti ko sa kanya. Bakit ko naman sasabihin sa kanya na siya ang dahilan kaya hindi ako nakatulog nang maayos kagabi? Baka isipin pa niya na buong magdamag ko siyang pinagmamasdan! "Ohh! I see. Sa study room na muna ako," kumakamot sa buhok niyang bigkas at nakita ko ang pagdampot niya sa kanyang puting sand

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 30: Sleep Hug

    CATHERINE POVHindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog pero nang sa pag gising ko ay naramdaman ko na lamang na parang may mabigat na bagay ang nakalagay sa aking katawan. Nagugulumihan akong napalibot nang tingin sa buong silid at napansin ko na medyo may kadiliman na ang buong kwarto. Tanging ang nagbibigay ilaw lamang ay ang dim light na nasa kisame. Napansin ko rin na maayos na akong nakahiga sa kama dahil sa may kumot na nga ako. Ngunit natigil lamang ang aking mga mata nang makita ko ang isang malaking braso na nakapulupot sa aking katawan.Wala sa sarili akong napalingon sa tabi ko at halos matigilan na ako nang makita ko ang itsura nang aking katabi.Sobrang lapit nang mukha ni Zaad sa akin habang payapa siyang natutulog sa aking tabi. Ngayon ko lang siya natitigan sa malapitan at wala akong ibang magawa kundi ang humanga na naman sa ikalawang pagkakataon sa napakagwapo niyang mukha.Ngayon ko lang napansin na sobra pala talagang makapal ang kilay niya. Hindi lang iyon

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 29: His Private Part

    CATHERINE POVHindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang ay bigla na lamang na kumalas ang puting tuwalya na nakapulupot sa baywang niya at bumalandra sa harapan ko ang sandata niya."KYAAAAHHHHHH!!!!!" malakas na tili ko at agad na tinakpan ang aking mga mata.WHAT THE- WHAT THE HELL!!!!"OHH SHIT!!" rinig ko pang mura niya habang pinupulot ang kanyang puting tuwalya na nahulog.Mabilis akong tumalikod sakanya at walang salita akong dumiretso nang pasok sa loob nang walk in closet at tsaka agad iyong isinarado. Tangina ano iyon?!!! Bakit ganon? Talaga bang nakita ko iyon? Tama ba ang nakita ko kanina o namamalikmata lang ako? Ba-bakit...ba-bakit ang la-la-laki naman yata non at ang haba?Waaahhhh! Tumigil ka Catherine! Anong malaki at mahaba ang pinagsasabi mo diyan?! At kailan pa ako nagkaroon nang ideya sa mga bagay na iyon para masabi ko kaagad na malaki at mahaba!Napasapo ako sa aking mukha at kita ko sa salamin na naririto ang sobrang pamumula ng aki

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 28: Sudden View

    CATHERINE POVMadaling lumipas ang mga oras at ngayon ay gabi na. Nakahilata ako ngayon sa bathtub at nilarolaro ang mga bulang nasa tubig habang ang aking mga mata ay wala sa sariling nakatitig sa ilaw na nasa itaas. Kanina, matapos umalis ni Zaad dito sa aming silid ay hindi na siya bumalik pa. Mabuti na rin 'yon at talagang hindi ko kasi siya kayang pakiharapan pa matapos ang mga nangyari sa amin kanina.Nagagalit at nahihiya ako sa sarili ko dahil hinayaan ko 'yong mangyari kanina sa pagitan naming dalawa.Para maiwasan ang pag-iisip tungkol sa bagay na iyon ay ipinilig ko na lamang ang aking ulo at tsaka ako marahan na tumayo. Humarap ako sa shower at tsaka ako nagbanlaw ng aking sarili. Agad akong nakaramdam nang ginhawa matapos akong makapaghalf bath. Suot ang puting roba ay dahan-dahan akong lumabas ng banyo habang pinapatuyo ang aking medyo nabasang buhok gamit ang isang puting tuwalya. Ngunit ganoon na lamang ang laking pagkagulat ko nang makita ko si Zaad sa may bukana nang

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 27: Practice Makes Perfect

    CATHERINE POVNamumungay ang mga mata akong nakatitig ngayon kay Zaad habang ganoon rin siya sa akin. Pansin ko ang unti unting pagbaba ng kanyang mukha at halos mapapikit na ako nang maramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa aking balat."See? Ito ang reaksiyon na gusto kong makita mula sa iyo sa tuwing magkasama tayong dalawa. If we do this everytime I know that we will be able to make it. After all practice makes perfect, right my wife," mahina ngunit mainit na anas niya na ikinamulat ng aking mga mata.Nakita ko ang paglayo niya sa akin at nang makababa na siya sa kama ay tsaka niya ako tinalikuran. Tahimik niyang dinampot ang kanyang hinubad na damit kanina at tsaka siya tuluyang lumabas ng silid na ito.Shiit!Anong nangyari? Para saan ang mga ginawa niya kanina? At ano daw? Practice makes perfect? Ibig bang sabihin ay isang ensayo lang pala ang mga ginawa niya kanina sa akin?Mahigpit akong napakapit sa makapal na bedsheet na naririto at tsaka ako mariing napayuko.Tangina

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status